13. First Mission
NAKATINGIN ako kay Helix na nilalagyan ng tattoo sa kaliwang braso. Hindi ko mapigilang mapahanga dahil para lamang pantatak ang ginagamit nila at malalagyan ka na ng permanent tattoo.
"Ikaw na ang next, Cleofa," sambit ni Rivan.
Agad akong lumapit sa nagtatatak ng tattoo sa amin. "Saan ko ilalagay?" tanong niya.
Pinag-isipan ko kung saan ko ipalalagay ang sa akin. Nakalagay sa kaliwang dibdib ang kay Alvis, ang kay Risca ay sa kaliwang kamay, at ang kay Helix naman ay sa kaliwang braso.
Malalim akong huminga. I've decided to put it on my right wrist. Agad ko itong inilapit sa kaniya at kagaya ng ginawa niya sa iba ay tinatakan niya lang ito at nagkaroon na 'ko ng tattoo na crown—it symbolizes that I'm a Deity.
"Okay, guys! Now that you're officially a Deity, kailangan n'yo nang gawin ang first mission n'yo."
Pare-pareho kaming napatingin kay Rivan na hinihintay kaming matapos. He's smiling while his arms are crossed.
"Ano'ng gagawin ko? Papatay ba ng dragon? Manghuhuli ng isang mythical creature?" sunod-sunod na tanong ni Helix.
Natatawang napailing si Rivan sa sinabi niya. "Nope! You'll do your mission as a group," sagot niya.
Hindi agad namin naproseso ang narinig. Seconds had passed before each one of us realized what he had just said. Sabay-sabay kaming umangal sa sinabi ni Rivan. Sumimangot sina Risca at Helix habang narinig ko ang pasimpleng pag-ismid ni Alvis.
"What? Ayoko nga! I can do it on my own!" pag-angal ni Risca. Kahit ako ay ayaw kong kasama siya sa grupo.
"There is no— "
"Wala na kayong magagawa. Dahil kayo lang ang rookies na natanggap ngayong taon ay magkakasama kayo. At isa pa, kasama n'yo 'ko sa misyon," pagsali ni Aqua.
Pare-parehong natahimik sa pag-angal ang mga kasama ko sa sinabi ni Aqua, kahit alam kong mas gusto nilang umangal ngayon dahil kasama pa siya. Pero sa aming lahat ay mayroong namumukod-tanging siraulo na may lakas-loob na sagutin ang babaeng kaharap namin.
"Eh, bakit kasama ka pa? Ano kami? Bata?" walang-takot na komento ni Helix.
Rivan's mouth fell open. Bakas ang takot sa mukha niyang sumulyap sa babaeng kasama namin.
Tumalim ang tingin ni Aqua sa nag-iisang sumagot sa kaniya. "Then don't go, fire boy. Manatali ka rito sa guild at mabulok ka dahil hinding-hindi ka makatatanggap ng misyon," may tonong pananakot niya.
"Baka nakakalimutan mo, once na makasali kayo sa guild ay kayo na ang magpo-provide ng sarili n'yong gastusin. Ang pagbibigay na lamang ng edukasyon ang maibibigay ng academy.
"From now on, kayo na ang magpo-provide ng makakain n'yo at kakailanganin sa pang-araw-araw. At makukuha n'yo ang panggastos n'yo sa pamamagitan ng pagkuha ng mission. Just f*cking deal with it. Wala si Keon kaya ako ang makakasama n'yo."
Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. Sa pagkakaalala ko ay si Keon ang heir ni Hades at ang sinasabing pinakamalakas dito sa guild. Sinundan siya ng isa pa na hindi ko kilala at ang pumapangatlo raw ay si Aqua na heiress ni Poseidon. Mayroong 7 crowns ang Deity na maituturing na pinakamalalakas sa guild.
Napaismid na lamang si Helix sa narinig, dahilan para hindi na siya makasagot pa rito.
"So, ano ang unang misyon namin?" marahang tanong ni Alvis.
Napangiti si Aqua sa tanong nito at naglabas ng isang papel.
"Find our missing daughter, prize, 1,000,000 drennies," sabay-sabay naming basa.
Pare-parehong namilog ang mga mata namin at napaawang ang mga bibig sa nabasa.
"What the heck?! Pasasalihin n'yo 'ko sa guild na 'to para maghanap ng bata?!" pagmamaktol ni Helix.
"Just shut the f*ck up, okay?! Sira ka ba? Magpasalamat ka nga dapat sa akin dahil madali at maganda ang offer ng una n'yong misyon. Sa inyo na 'yang 1 million drennies, hindi na 'ko makihahati. Magandang offer na 'yan. Pero ewan ko lang kung sapat 'yan sa inyo nang isang linggo," walang-ganang sagot ni Aqua.
Tumaas ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. Tama ba ang pagkakarinig ko?
"For your information, kayo ang magbabayad ng pag-stay n'yo sa rooms ng academy for 150,000 drennies, every week 'yon. Kapag hindi kayo nakapagbayad, eh 'di good luck sa pagtulog sa gubat. Paghahatian n'yo pa 'yan. Pangkain n'yo pa. O, 'di ba? Isa 'yan sa malalaking offer ngayon kaya tanggapin n'yo na," dagdag niya.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito. Napaawang ang bibig ko.
Hindi ko alam na magbabayad kami sa pag-stay namin sa academy! And for Pete's sake, 150,000 drennies?! Per freaking week?!
Sa pagkakaalam ko ay drennies ang tawag sa perang ginagamit dito at iba ang halaga nito sa perang kinalakihan ko.
Pero 'yong totoo? Ano 'tong school na 'to? Ginto? So, every day, kailangan kong kumuha ng misyon na malaki ang bayad para lang makatulog nang mahimbing nang isang linggo? 'Tapos hindi pa sure kung may makakain pa 'ko ro'n.
"O, ano? Ayaw n'yo? Eh 'di 'wag."
Balak sanang kunin ni Aqua pabalik ang papel nang hatakin ko ito.
"Nope, I'll take it. Kung ayaw nila, eh 'di 'wag. Mas malaki ang makukuha ko," sambit ko.
"Excuse me?! Papayag din ako, 'no! Ayokong matulog sa gubat!" Pag-iinarte ni Risca sa amin.
Maski si Alvis ay tumango sa amin at kahit labag sa kalooban ay pumayag na rin si Helix. Kailangan namin ng pera ngayon, at saka mabuti na rin ito para sa mga bago. I mean, baka nga hindi kailangan ng gift dito, eh. Which is maganda para sa akin dahil hindi ko pa alam ang gift ko.
"Good. Now, all we need to do is find the little girl in their own house," nakangising ani Aqua.
Pare-pareho kaming nagtaka sa sinabi niya. All of our forehead furrowed. "W-What?" naguguluhang sambit ko.
Hinawakan ni Aqua ang papel na nasa lamesa. "Ang sabi sa information ay may dalawang anak ang mag-asawa. Ang isa ay gifted at ang isa naman ay hindi. Ngayon ay nawawala ang anak nilang hindi gifted kaya ipinapahanap nila," pangunguna niya.
"Bakit sa bahay nila?" marahang tanong ni Alvis.
"Because she never goes outside. And ang sabi sa details ay huli siyang nakita ng kapatid niya sa loob ng bahay. Actually, wala naman talagang paki ang mga magulang niya kung nawala siya. But her sister does—her sister has the gift to see the future," muling sagot ni Aqua.
"At ginagamit 'yon bilang pagkakakitaan ng mga magulang nila. But after her sister disappeared, hindi na niya magamit ang gift niya. Kaya kailangan ng mga magulang niyang hanapin ang nawawala nitong kapatid," paliwanag niya pa.
I suddenly felt sad after hearing what Aqua had just said. Kung hindi lang dahil sa kapatid niya ay wala nang balak pang hanapin siya ng magulang niya.
"They've already searched the whole house but, wala pa rin silang nakita. But according to her sister, nasa loob lang daw ang kapatid niya. That's why we need to find her."
"Ang dali naman niyan," sambit ni Helix. Inaayos niya ang necktie niya habang walang-ganang nakikinig.
Kumurba ang labi ni Aqua ng isang ngisi. "'Wag magpapakampante, hindi basta-basta ang bahay nila. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit hindi nila mahanap ang nawawalang bata sa isang bahay lang?"
Pare-pareho kaming hindi nakasagot sa sinabi ni Aqua at hinintay ang sasabihin niya. There was a sudden silence that suddenly made me feel uneasy.
"It's because their house is haunted."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top