10. Venus

I CAN feel the cold wind touching my skin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakasakay ako kay Angel ngayon. Walang-tigil ang pagtulo ng mga pawis ko kahit malamig ang hangin. Mabilis ang pagtakbo ng oras, hindi ko napansin na palubog na ang araw.

'Wag kang lilingon Cleofa, ' wag.

Pilit kong pinakakalma ang sarili ko at sinusubukan kong pigilan ang sarili na lumingon kina Helix. I bit my lower lip out of frustration.

Ang lalaking 'yon! Sinummon niya ang familiar niya!

Ano na lang ang mangyayari kina Helix?!

Sobrang bilis ng lipad ni Angel at hindi ko namalayan na nasa harap na kami ng gate. Mabilis na nakuha ng atensyon ko ang isang pamilyar na lalaking papasok sa gate ng academy. Para akong nagkaroon ng lakas at pag-asa nang makita siya.

"Alvis!"

Lumingon ito sa akin nang tinawag ko siya. Agad akong bumaba kay Angel at balisang lumapit sa kaniya.

"A-Alvis! S-Sina Helix! May Deity! M-May nakapasok!" nauutal na sambit ko.

Pilit akong pinakalma ni Alvis na hindi maintindihan ang sinasabi ko. "Hey! Cleofa, relax! Dahan-dahan lang. Ano'ng nangyari?"

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Huminga ako nang malalim bago muling sumagot kay Alvis. I looked him dead in the eye. "M-May nakapasok sa Algrea, inatake kami ng isang lalaki sa gubat!"

Tila namilog ang mga mata ni Alvis sa sinabi ko. Katulad ko ay bakas din sa mukha niya ang pagkabahala.

"M-May nakapasok?!" hindi makapaniwalang sambit niya.

"N-Nasa gubat sila. K-Kailangan natin silang— "

Natigilan ako sa pagsasalita nang may malakas na hampas ng hangin ang tumama sa amin. Naningkit ang mga mata ko at marahan itong tinakpan. Napatingin ako sa itaas kung saan bumungad sa akin ang isang malaking ibon.

No, it's not a bird.

It's a freaking huge griffin.

Bumaba sa likod nito ang isa sa mga taong kailangan namin ngayon. Kumikislap sa ilaw ng paangat na dalawang buwan ang kulay pula niyang buhok.

"X-Xilah!" pagtawag namin.

Her face is serious, and she has a sharp look in her eyes. Base sa itsura niya ay mukhang alam na niyang may nakapasok na tagalabas.

"Alvis, take Cleofa inside the castle. Sabihin mo kay Sir Saremo ang nangyayari," maawtoridad na sambit niya.

Isang seryosong tango ang isinagot ni Alvis sa sinabi ni Xilah na muling sumakay sa familiar niya.

"T-Teka! I-Isang myembro raw ng Trejon guild ang lalaking 'yon! Isang g-gorgon ang familiar niya! Kailangan natin muna ng tulong!" pagpigil ko.

Imbis na mabahala ay kumurba lamang ng ngiti ang labi ni Xilah sa sinabi ko. "Interesting."

Hindi ako pinakinggan ng guro namin. Bagkus ay bumwelo ang familiar niya sa paglipad. And just like that, they flew toward the forest.

"She's stronger than you think, Cleofa," pagpapakalma sa akin ni Alvis.

"But, Alvis! Iba 'yon! He has a gorgon!" giit ko.

"That's the point."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Alvis. Nagtataka akong napatingin sa kaniya. "What do you mean?"

"She's one of the powerful gifted before. She's also known as Venus, Aphrodite's heiress."

My eyes slowly widened in disbelief. Nabigla ako sa sinabi ni Alvis. Xilah? She inherited Aphrodite's gift?!

"And just like the goddess of love, she really has a powerful gift."

"The ability to counter, stone eyes."

I looked at him, dumbfounded. Parang alam ko na ang gustong sabihin ni Alvis. Ipinaliwanag sa amin ni Xilah kung ano ang counter type.

"Any kind of counter-gift doesn't work on her. Unlike me, I have the gift of thunder: my gift is a control type. Kaya kong kontrolin ang kahit anong klase ng kuryente. While Xilah, kayang-kaya niyang baliktarin ang epekto ng mga ability sa kaniya. And a gorgon is an easy opponent for her."

Halong paghanga at pagkatakot ang naramdaman ko sa sinabi ni Alvis. "W-Which means— "

"Yes," sagot niya.

"With the gorgon's ability, she can turn anyone who looks into her eyes into a stone."

"That's why we should trust her. Hindi niya pababayaan ang mga kasama mo. Kaya pumasok na tayo sa kastilyo," pagpapagaan niya ng loob ko.

Kahit labag sa loob ko ay tanging pagkagat sa ibabang labi at pagtango ang nagawa ko sa sinabi ni Alvis. Kailangan kong pagkatiwalaan si Xilah.

Mariin akong napahawak sa laylayan ng uniporme ko habang pumapasok kami sa academy. Most of the students were unbothered because they had no idea what was going on outside.

"Cleofa, dito ka lang. Pupuntahan ko lang si Sir Saremo." Isang tango ang isinagot ko kay Alvis. Tiningnan ko siyang umalis sa harapan ko.

Tila bumagal ang oras habang tumatakbo siya papalayo sa akin at unti-unti kong nakikita ang isang babae sa likuran niya. Nagkasalubong silang dalawa sa paglalakad, dahilan para malipat ang tingin ko sa kaniya.

My eyes slowly widened, and my mouth fell half open when I saw a familiar face. Kaswal lamang itong naglalakad na may hawak-hawak na libro.

"W-Wait!" pagtawag ko.

Lumingon sa akin ang babae habang nakataas ang dalawang kilay. She's our classmate who's with Luxxine a while ago!

"N-Nasaan si Luxxine?" kinakabahang tanong ko.

She looked at me, confused. Tumingin ito sa bintana at itinuro ito.

"Katatapos lang ng meeting. Bumalik na uli sa labas si Luxxine para sundan ka."

Para akong nabingi sa narinig. I was frozen in my place, and I couldn't utter a word.

"Bakit? May— "

Nang bumalik ako sa katinuan ay hindi ako nag-aksaya ng oras sa pagkilos. Without thinking twice, I immediately rushed outside the academy. Walang ibang nasa isip ko kung hindi ang hanapin ang kaibigan ko sa labas. Luxxine has no idea what's happening!

Nang makalabas ako ng academy ay hindi ko pinatagal ang pagtawag sa kaniya.

"Angel!" I shouted.

My familiar appeared from the sky. Nang makarating siya sa harapan ko ay agad akong sumakay sa kaniya.

We immediately went to the forest.

I knew Helix would kill me if he knew what I was doing. Ako ang pakay ng lalaking sumugod sa amin kaya priority nila ang kaligtasan ko. But . . . I won't just stay inside the academy and leave my friend who's looking for me alone.

"Sorry . . . after I found Luxxine, pangako, babalik kami agad sa academy," bulong ko na para bang naririnig ako nina Helix.

Humampas sa akin ang malamig na hangin dahil sa bilis ng paglipad ng familiar ko. Suddenly, I felt dizzy. Papikit-pikit ang mga mata ko habang nakatingin sa harap. Nakaramdam ako ng panghihina at umiikot ang paningin ko.

I didn't notice that I'm slowly falling from Angel's back. Ramdam ko ang pagtama ng hangin sa likuran ko habang tumatama sa akin ang sinag ng paangat na dalawang buwan.

Natauhan na lamang ako nang maramdaman ko ang panghihina ng kamay ko at tuluyan akong nahulog.

Napapikit ako sa taas ng pagkakahulog ko. Pero imbis na sakit sa katawan ang maramdaman ko, nakaramdam ako ng pagsalo ng mga bisig sa akin.

"You're really stupid," rinig kong sambit ng isang lalaki.

Hindi agad naproseso ng utak ko ang narinig. I slowly opened my eyes to see a familiar face. Bumungad sa akin si Helix na buhat-buhat ako at tumatakbo. "P-Paanong—"

"Napakakulit mo talaga, 'no? Ligtas ka na roon, bumalik ka pa!" inis na sambit ni Helix.

Hindi ako nakasagot dito dahil wala akong lakas na makipagtalo sa kaniya.

"Tingnan mo ang sarili mo, masyadong matagal mo nang kasama ang familiar mo. Kinukuha nila ang lakas mo kapag nandito sila. Don't be so reckless, stupid."

Halong pagkairita at pag-aalala ang nakikita ko sa mga mata ni Helix. Iyon ba ang dahilan kung bakit ako nanghina?

It only means that I can't summon Angel all the time.

"P-Paano mo nalaman na bumalik ako?" naguguluhang tanong ko.

Nanatiling nasa daan ang tingin ni Helix habang tumatakbo.

"Rivan's gift. Sa tingin mo, pagpapa-fall lang ang kakayahan ng ungas na 'yon? Once na ginamit niya sa 'yo ang gift niya, your minds will be linked together for an hour," sagot niya sa akin.

"He told us what you're thinking. Kaya sinabi ni Xilah na salubungin na kita kung sakaling babalik ka."

Mariin akong napakagat sa ibabang labi habang nakaiwas ang tingin. "P-Pero ang kaibigan— "

"Don't worry. That girl is already with Xilah's familiar. Wala nang rason para mag-alala ka," putol ni Helix sa sasabihin ko.

Parang natanggal ang tinik sa lalamunan ko dahil sa narinig. "H-How about the others? A-Are they okay?" marahang tanong ko.

"They're fine. Mga Deities 'ata ang mga 'yon. At isa pa, they're with the great Venus," he reassured me.

Tuluyang nawala ang lahat ng agam-agam na nararamdaman ko. Nagpatuloy lang kami sa pagtakbo ni Helix. Pero hindi kalaunan ay huminto ito. Akala ko no'ng una ay nabigatan na ito sa akin, pero nang tingnan ko ang daraanan namin ay nabigla rin ako.

"Tsk, kung ano-ano ang ginagawa ni Zeo," sambit ng lalaki.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko ang lalaking nakaharang sa harapan namin ngayon. He's wearing a white shirt together with black pants and a long black coat. Base sa sinabi niya ay kasama siya no'ng lalaking umatake sa amin.

"Ayokong mapagod, bata. Ibigay mo na lang sa akin ang babae," walang kaemo-emosyong sambit niya.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sa akin ni Helix. "Nah, I found her first. Go find yourself another girl."

Tiningnan ko ang pagkairita ng lalaki sa sinabi ni Helix. His look sharpened. "Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo, bata," seryosong aniya.

"Neither am I."

The atmosphere suddenly changed. Mabilis na bumigat ang pakiramdam ko. Tumalim ang tingin sa amin ng lalaki. Marahan akong ibinaba ni Helix sa gilid ng isang puno. "Stay here," marahang bulong niya.

"Sige, bata, pagbibigyan kita. Maglaro muna tayo," sambit ng lalaki sa harapan namin.

Kumurba ang isang ngisi sa labi niya. His eyes changed and turned white. Naramdaman ko ang biglaang paglakas ng hangin sa paligid. Biglang nagsiikutan ang mga nahulog na damo sa lapag at iilang maliliit na kahoy.

"Oh, that's your gift, sir?" sagot ni Helix. Kahit na nakatalikod ay alam kong nakangisi siya ngayon. He loosened his necktie and stretched his neck. Inamba niya ang magkabila niyang mga kamay. "Maling gifted po 'ata ang kinalaban n'yo," may yabang na sabi niya.

Nagbago ang ihip ng hangin. Kahit lumakas ang paghangin kanina ay nakararamdam ako ngayon ng init. My eyes slowly widened when I saw what the jerk did. Naglabas ng dalawang apoy si Helix sa magkabilang kamay niya.

Kasabay ng paglakas ng hangin ay ang paglaki ng dalawang apoy. Sumasabay ito sa paghampas ng mga puno dahil sa hangin.

"Wind makes fire stronger."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top