Chapter 7: Starting point
Chapter 7: Starting point
"This is our starting point. A place where our journey will start. Once it starts, no one will ever get away with it."
++*++
Althea's POV
I'm shocked when a group of guys approach me while I'm walking on my way to our room.
"Miss Althea! Sana tanggapin mo to bilang isang pagpapasalamat sa pagtanggol mo sa amin noong isang araw. Talagang hinanap ka namin para dito. Sana matanggap mo to." sabi ng apat na lalaki habang mga nakayuko. Isang lalaki ang may hawak ng isang heart-shaped chocolate cake habang naka-extend ang kamay niya at inaabot sakin ang chocolate cake.
Napangiti ako.
"Hindi ko naman kayo niligtas ah? Natapat lang na padaan ako sa eskinita at nabubugbog kayo. Umayos nga kayo ng tayo." natatawa ako sa hitsura nila. Halos maging mukhang panda sila dahil sa pagkakasuntok KO sakanila.
Flashback
Naglalakad ako papunta sa pinaradahan ng kotse ni manong na driver ko ng makarinig ako ng mga palahaw.
"Aray!!! Tama na please parang awa niyo na wala na talaga kaming pera! Di na kami papalag--- Aray!!!!!" sigaw ng mga lalaki. Dahil sa kuryosidad, sinundan ko ang tunog at napadpad ako sa eskinita kung saan binubugbog ang apat na lalaki ng??? What? Tatlong batang lalaki?! Siguro mga nasa 12 ang edad netong tatlo na to. At yung apat na binubugbog ay nasa 17 -___-
May nakita akong bakal na medyo mahaba. Kinuha ko ito, at tsaka sumigaw at tumalon.
"HAYAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!!" Sigaw ko habang papunta sa mga batang lalaki. Napapitlag naman sila at agad na nagtatatakbo paalis ng makita ako. What?
-__-
Napatingin ako ng masama sa apat na lalaki. Napansin kong sa noble academy din sila nagaaral.
"MGA LETSE KAYO!!! NAGPAPAGULPI KAYO SA BATA?! HALIKAYO DITO AT AKO ANG GUGULPI SAINYO!!!" Sigaw ko sakanila. At binato yung bakal sa gilid. Lalo silang nanginig sa takot. WAAAAAHHHH! WHY SO WEAKKKK?!!!
Sinuntok ko sila nang tagiisa sa mukha, kitang kita ko ang panginginig nila pero parang nawawala ako sa control.
"NO ONE WILL MAKE YOU FEEL INFERIOR WITHOUT YOUR PERMISSION! TANDAAN NIYO YAN! HA?! GUSTO NIYO TO DIBA?! ETO PA!" Aamba pa sana ako ng suntok pero di ko tinuloy nang nakita kong takot na takot na sila.. Hindi naman talaga ako malakas sumuntok pero naiinis lang ako.
*sob* *sob*
Napaupo ako sa sahig. Inilagay ko ang mga kamay ko sa tuhod ko at idinukdok ang mukha sa kamay.
"No *sob* one. You shouldn't let them *sob* hurt you. You should not let them." you should not. Naalala ko ang kapatid ko. Lalaki rin siya. Pero namatay siya. Dahil sa pang bu-bully ng mga kaklase niya. Hindi siya marunong lumaban. At hindi ko siya naipagtanggol! Wala akong kwenta!
Nakaramdam ako na parang may nagpapatahan sakin. Inangat ko ang mukha ko at pinunasan ang luha ko.
"So-sorry.. sorry.. patawad..." sabi ko at dali-daling umalis ng lugar na yon habang pinupunasan ang mga luha.
End of flashback
Nginitian ko sila at pi-nat ang ulo nila na parang aso tsaka nagpaalam dahil siguradong magsisimula na ang klase. Napa-ngiting aso naman sila pabalik.
Naglakad na ako at nilagpasan na sila nang may nakapaskil na ngiti sa labi ko.
Malapit na ako sa class room pero nakita kong naka-lock na ang pinto. Tinignan ko ang relo ko. Hindi pa naman oras pero sarado na ang pinto? Baka napaaga lang ng pasok ang magtuturo samin.
Sinwipe ko ang I.D ko sa may swipe-an sa gilid ng pinto, para kusang bumukas ang pinto, hindi na nito kailangan ng susi. Bumukas ang pinto. Naabutan kong nasa harap ang presidente namin at parang nanginginig ang mga kaklase ko kaya't dali dali akong pumunta sa mga kaibigan ko para maka-chismis.
"Anong nangyare? Hunter?" pagtawag ko sa pansin ni Hunter na nasa kanan ko pero mukhang hindi niya ako napansin. Napairap ako.
"Rageee?" tawag ko sa pansin ni Rage na nasa kaliwa ko pero nakatulala lang siya at parang sobrang lalim ng iniisip.
Isa nalang ang naiisip kong matinong sasagot sakin dahil ang isa pa ay alam kong may sarili nanamng mundo.
"La-Lawrence?" banggit ko at tumayo para tumingin sa likod ko pero medyo napalakas ata ang pagkakasabi ko kaya't halos napatingin sakin ang buong klase.
"He- he's dead, Althea. He's gone." Rain said in front of my chair without bothering to look back. Pero kahit ganun, rinig ko ang pagnginig ng bibig nya dahil sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Marahas akong napalingon sa sinabi nya.
"Anong sabi mo, Rain?!" sigaw ko at biglang dumilim ang lahat.
Nyx Chantal
Nakakagulat. Isa sa klase ang nawala. At hindi namin alam ang dahilan. Bigla na lamang kaming nakarinig ng balita na wala na si Lawrence. Ni hindi ko pa nga siya nakikilala ng maayos.
Nakakapagtaka din dahil hindi pumasok sa amin ang suppose to be na magtuturo samin ngayon.
Napatingin ako kay Althea na nahimatay na napapaligiran ng mga kaibigan niyang lalake, na nabawasan. Agad siyang isinugod sa clinic dahil duon.
May natanggap nga pala akong text kagabi. Hindi ba masyado pang maaga?
[Review. The test is about to start.]
<unknown number>
Yan ang mensaheng natanggap ko kagabi pagkauwi ko.
"Guys. I guess we just have to let him go. Dont be scared. He'll be in good hands now." sabi ni Heidi. Hindi ko alam kung bakit pero may nagsasabi saking hindi ito basta basta.
"Besides, malapit na ang test. Nakatanggap ako ng message na nagsasabing malapit na ito. Ito ang dapat nating paghandaan. Diba?" Agad na napalitan ng mood ang klase. Bulungan everywhere.
Oo nga pala! Nakareceive ako ng text about dun.
Ako din! Sino naman yun?
Ikaw ba yun, Heidi? Nagpalit ka ba ng number?
Yan ang mga naririnig ko.
"Hindi ako yan. Kahit ako nakareceive din ako niyan eh." Sabi niya ng may ngiti na sa labi.
Tuloy pa rin ang kwentuhan na parang walang namatay nang biglang nagbukas ang pintuan at iniluwa nito ang dalawa sa kagrupo ni Althea na seryoso ang mukha at may hawak na isang malaking box na kulay pula at may ribbon na kulay black. Elegante itong tignan masyado itong malaki kaya nakakacurious kung ano ang laman nito.
"Ano yan, Rage? Hunter?" Tanong ni Heidi.
Nagkibit balikat ang dalawa.
"May nagbigay lang samin. Delivery guy. Ang weird nga kasi nakatakip ang mukha nya ng mask. Para raw yan sa buong section Deity." Sagot ni Rage.
Napuno na naman ng boses ang klase. Kesyo ano daw ang laman noon, importante daw ba.
"Sige. Umupo kayong lahat. Ako na ng magbubukas neto." sabi ni Heidi.
Tinanggal niya ang ribbon sa pagkakatali ng unte unte, lahat kami ay nakatuon ang pansin dito. Kahit si Ea sa tabi ko. Pero mukhang naboboring siya.
Pagkatanggal ng ribbon, inangat niya ang nasa taas. At nang mabuksan iyon, umalingasaw ang baho. Ang nakakasulasok na amoy. At pumaibabaw ang sigawan ng mga tao sa klase.
Third person's POV
Takot na takot ang itsura ng lahat nang makita ang nasa loob ng kahon. Dalawang kamay ito na may bakas ng mga sugat at may dugo. Para itong binalatan, at kitang kita ang laman ng kamay na ito. Katabi nito ang puso at utak, na parang hinati hati para kainin.
Sinubukan ng iba buksan ang pinto pero hindi ito nagbubukas kaya lalong nataranta ang mga tao dito.
"Itapon niyo na yan! Itapon niyo na yan!!! Parang awa niyo na! Itapon niyo--" tuloy tuloy na sabi ni Heidi na nasa harapan hanggang sa sumuka na sya.
Pero isa ang nakakuha sa pansin ng magkaibigang Rage at Hunter.
"Ang relos... Lawrence...."
Sa kabilang banda naman, narinig iyon nila Nyx kaya nanlalaki ang mata ni Nyx at medyo nagising naman ang diwa ni Gaea dahil sa nakita. Nakakadiri. Hindi nila maiwasang mangilabot sa nakita pero hindi sila nag papanic. Wala namang mangyayare.
Nang biglang may nagsalita sa gilid nila, "I think, this is our starting point." Sabi neto habang inililibot ang tingin sa loob ng klase. "A place where our journey will start. Once it starts, no one will ever get away with it."
"What do you mean, Miggy?" tanong ni Nyx ngunit ngumisi lamang sakaniya ang binata bilang sagot. Ano ang mga alam mo? Miggy Rivera? May alam ka ba kung sino ang may gawa neto kay Lawrence?
Kung normal lang ang pagkakamatay ni Lawrence, bakit kailangan pang ipadala at iregalo samin ang kamay, utak at puso niya? Napaka walang awa ng kung sino man ang gumawa sakaniya nito.
Naputol ang pagiisip ni Nyx dahil sa isang tunog.
Nakarinig sila ng napakatinis na tunog mula sa speaker na nagdulot ng sakit sa mga ipin nila. Nakakagigil.
Napatakip ang lahat ng tenga at magkadikit ang ibaba at itaas na ipin nila dahil sa epekto ng tunog habang ang iba ay sumisigaw ng tama na.
Nawala ang matinis na ingay. Kinakabahan man ang lahat, tinignan nila ang mga kasama nila. Bawat isa sa kanila'y may pusong gusto nang kumawala dahil sa sobrang kaba. Pero mas nadagdagan ang kaba nila ng may nagsalita sa speaker gamit ang napakalalim na boses pero kahit ganoon para bang naglalambing ito.
"A beautiful gift for a beautiful section. Did you like my gift, section Deity?"
++*++
Charm's POV
Isa lang akong tipikal na estudyanteng nahalo dito sa section Deity. Ang pagaaral lang naman ang gusto kong matapos at diploma ang gusto kong makuha para makuha ang atensyon ng mga magulang ko.
Nalaman ng principal ang nangyari kaya pumunta sya sa amin kaagad para pakalmahin kami at sabihing pwede na kaming umuwi.
Kasama ko si Aura ngayon, naglalakad kami papunta sa mga sasakyan namin. Kaibigan ko siya at parehas kaming nakatingin sa kawalan dahil sa nangyare lamang kanina.
Ito ang unang beses na nakakita ako ng putol na kamay, utak, at puso. Itinapon na rin nila ang mga yon dahil sa hindi ito maganda bilang maging isang regalo. Kung tutuusin, dapat hindi muna nila tinapon yun.
Gusto kong malaman kung sino ang taong yon.
Tumingin ako kay Aura. Maganda tong si Aura. Kaso mahiyain nga lang. May isa pa kaming kaibigan si Hera. Kaso di siya sumabay samin ngayon eh.
"Aura? Sino sa tingin mo ang gagawa nang ganung bagay? Sino kaya yung nagpadala satin nun?" sabi ko tas tumingin agad sa nilalakaran ko.
"H-- hindi ko alam... ang.. ang sama niya. Pero kung sino man yun, sa tingin ko naman, may dahilan siya kung bat nya yun nagawa no?" napabalik ang tingin ko sakaniya. Ano namang dahilan yon?
Kumibit balikat ako.
"Sige na, Aura. Babye.." kumaway ako sakaniya nang makapaghiwalay na kami ng landas at kumaway naman siya pabalik.
Habang naglalakad ako papunta sa sasakyan at driver ko, may nakita ako sa isang kotse. Kaklase ko yun ah? Mandy and Luke? Hayst. Nag me-make out. Ipinagsawalang bahala ko na lamang sila at nginitian ang driver ko tsaka pumasok ng kotse.
Nyx Chantal
Tama nga ako. May something na mangyayare sa section na to. It's not that I'm a clairvoyant or something. It's just that I trust my instinct so well.
Hindi pa rin ako makapaniwala na may taong kayang gumawa ng ganung bagay. Oo, mahilig ako sa mga gruesome scenes na napapanood namin dati ni Ea pero iba pa rin pala kapag ikaw mismo ung nakakakita ng mga putol na kamay mismo.
May feeling ako na masusundan pa to. Siguro dahil sa masyado nang marami ang napanood kong patayan. Pero feeling ko talaga eh. Astig.
Napangiti ako. Malalaman ko rin tong kababalaghan na nangyayare.
Lovely's POV
Naglalakad ako pauwi ngayon. Kakagaling ko lang kasi sa bahay ng kaibigan kong si Selena. Sa section Deity, we are known as The Duo! Magkasama kaming dalawa sa lahat ng kalokohan namin pero ngayon nakakawalan ng mood mangtrip.
Madilim dilim na. Dahan dahan akong naglalakad at ineenjoy ko ang hanging tumatama sa katawan ko nang may maramdaman akong sumusunod sakin. Napatigil ako sa paghakbang.
Tumingin ako sa likod pero wala namang tao. Siguro guni guni ko lang yun.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko at nakarinig nanaman ako ng mga hakbang kaya binilisan ko ang pag lakad dahil kinakabahan na ako. Si Selena ba to? Pinagtitripan nya ba ako? Pero bat kinakabahan ako? Ugh.
Tumalikod ulet ako para tignan pero wala nanaman akong nakita.
Mas binilisan ko pa ang lakad ko dahil punyetaaaa kinakabahan na akoooooo! Wala na akong nakikitang tao dito, ako nalang mag isa at kung may sumusunod nga talaga sakin, baka malagot ako! Wala akong alam sa self defense! Ayos lang yan! Malapit na naman ako.
Halos takbo-lakad na ang ginawa ko upang mapabilis ang pagkarating ko sa bahay pero habang bumibilis ako sa paglakad, mas bumibilis rin ang mga yapak na naririnig ko. Nagsign of the cross na ako. Waaah lord kung eto man po ung parusang ibibigay nyo dahil sa pantitrip namin ni Selena, patawad na po. Di na po namin uulitin!
Hindi ako makalingon sa likod kasi natatakot ako baka totoo nga ang hinala kong may sumusunod saakin! Rapist ba to, o magnanakaw? Waaahhh punyetaaaaaaa. Hindi kaya minumulto ako ng kuya ko????
Di kalaunan, nakarating na rin ako sa tapat ng bahay namin. Kinuha ko ang Id ko dahil dun nakasabit ang susi ko at halos hindi ko na mailusot ang susi sa door knob dahil sa kaba. Nanginginig ang kamay ko at sobrang lakas ng tibok ng puso ko kahit hindi ko na naririnig ang mga yapak.
Nang mabuksan ko ang pinto, medyo nawala ang panginginig ng kamay ko pero kinakabahan pa rin ako lalo na't umalis ang mga magulang ko. As usual, business trip. Pumunta ako agad sa kwarto ng kuya ko, nakita kong walang nabago sa mga gamit niya, at wala ring tao. Tatalikod na sana ako ng bigla akong nakaamoy ng nakakahilong amoy mula sa panyo ng taong nasa likuran ko. Pinilit kong tumalikod bago mahimatay.
"B-- bakit?" tanong ko nang may paos na boses sakaniya. Anong kasalanan ko sakanya? Gumuhit ang isang ngisi sa mga labi niya at tuluyan na akong nawalan ng malay.
Third person's POV
Binuhusan ng taong dumakip kay Lovely si Lovely ng malamig na tubig at nagising naman ito.
Unti unting idinilat ni Lovely ang mga mata niya at minukhaan ang kwartong kinalalagyan niya. Kulay itim ang kwarto ngunit nababakbak na ang pintura nito at may stainless na manipis na nakapaikot sa buong kwarto bilang isang design, may kaliitan lang ang kwartong ito at wala itong bintana. May isang tv na malaki sa gilid na naka built in sa pader. Hindi niya matukoy kung nasaan siya dahil hindi naman din siya pala-labas ng bahay liban na lamang kapag may napag-usapan silang lalabas ni Selena.
Nadako ang tingin niya sa taong nasa may madilim na parte ng kwartong kinalalagyan niya.
"Tapos mo na bang tignan ang lugar kung... saan ka mamamatay?" nakangising sambit ng taong ito kay Lovely. Napakagandang pakinggan ng boses nito ngunit nakakakilabot dahil naiisip niyang baka ito din ang pumatay kay Lawrence.
Sinubukang gumalaw ni Lovely pero napansin niyang nakatali ang kamay niya sa isang upuang nakadikit sa lapag gamit ang isang kadena, may tali ding nakalagay sa bibig niya at wala na rin siyang lakas. Napansin ni Lovely na sa harapan niya, may isang frame ng taong ito kung saan may hawak itong kutsilyo na nakasubo sa bibig niya habang naka-tingin sa malayo.
Hindi makapagsalita si Lovely, bigla na lamang siya naiyak dahil naiisip niyang baka katapusan niya na ito.
Medyo malayo ang pagitan niya sa taong iyon at kumportableng nakatayo ang taong ito sa madilim na bahagi ng kwarto.
Nagtititigan lang silang dalawa habang may luha sa mata ni Lovely nang biglang gumalaw ang taong ito. Hinugot niya ang isang kutsilyo sa may tagiliran niya na lalong nakapagpaiyak kay Lovely. Iniling iling ni Lovely ang mukha niya at gusto na niyang sumigaw ng wag itong lalapit pero tunog lamang ang lumalabas sa bibig nito at walang nabubuong salita dahil sa tali nito sa bibig.
Tuwang tuwa naman ang taong iyon sa nakikita niya kaya lumalaki ang ngisi nito sa labi. Inilagay niya ang kutsilyo sa may stainless na design na nakapalibot sa kwarto na dahilan kung bat nanggigigil si Lovely, kinagat niya ng mariin ang nakatali sa bibig niya nang sinimulan nitong maglakad papunta sakaniya.
Naglalakad ito papunta kay Lovely habang tumatawa. Tinanggal niya ang kutsilyo sa stainless na design ng kwarto at pinaglaruan ang dulo nito gamit ang bibig niya habang nakangisi pa rin.
"May bago nanaman akong ireregalo sa seksyon Deity, Lovely. Maraming salamat sayo." Sambit nito nang nasa harapan na siya ni Lovely na naginginig at tuloy ang pagagos ng luha sa mukha.
Tinanggal nito ang tali sa bunganga ni Lovely.
"Any last words?" tanong ng nakangising tao sa harapan ni Lovely.
"Fck you!!" buong tapang na sabi ni Lovely sa taong kaharap niya at dinuraan niya ito kahit na umiiyak siya. Marahas na pinunasan ng killer ang pisngi niya.
"+*&+%$#+@ mo kang bastos ka!!!!" sigaw nito kay Lovely at sinaksak ang kutsilyo sa pisngi nito. Bumalik ang mga ngiti nito sa labi at nilalakihan nito ang mga mata habang nakatingin sa nagulat na si Lovely.
"AHHHHHH-----" Idiniin nito ang kutsilyo sa pisngi ni Lovely hanggang sa tumagos ito sa kabilang pisngi ng dalaga. Natigil sa pagsigaw si Lovely.
"Yan ang nararapat sayong letse ka! Wala kang kwenta! Dapat wala kang bibig! Napakawalang kwenta mo kang nilalang ka! Dapat lang na mawala ka sa mundo!" sigaw ng killer habang nanlalaki ang mata at nakangiti. Hinigit nito ang kutsilyo sa pisngi ng babae at sinasaksak naman ito sa puso ng babae habang patuloy pa rin ang pagagos ng dugo sa butas na pisngi ng babaeng biktima niya.
"ba... liw ka na.... hi.. ndi ko alam ang.. *sumuka ng dugo* ginawa namin sa.. yo para ganituhin mo kami..." pilit na sinabi ni Lovely kahit hirap na hirap na siya pero tumawa lang ang killer pabalik.
Tinanggal naman ng killer ang kutsilyo sa puso ng babae habang tumatawa, ni hindi man lang nandidiri sa ginagawa niya at hindi niya pinakinggang ang sabi ni Lovely.
"A...ano bang kasalanan k-ko sayo? B- bakit?" tanong ni Lovely dito kahit hirap na hirap na siyang magsalita. Gusto niya lang sana malaman ang dahilan kung bat biglaan siyang mamamatay.
"Gusto mong malaman kung bakit? Kasi napakaduwag mo. Kasi walang kwenta yang bibig mo." sambit ng killer kay Lovely. Patuloy na rumaragasa ang luha sa mata ni Lovely kahit alam niyang wala na itong patutunguhan kundi ang kamatayan.
Bumalik ang killer sa kaniyang ginagawa. Sunod niyang isinaksak ang kutsilyo sa tiyan ng babae, tinanggal niya ito at isinaksak pa sa ibat ibang bahagi ng katawan ni Lovely na kamamatay lang habang nakatirik ang mga mata.
Itinigil niya ito at pinunasan ang mukhang natalsikan na ng dugo ng babaeng pinatay niya. Nakangiti pa rin ito habang nanlalaki ang mga mata kahit pa hinihingal na siya.
"Yan ang kapalit. Dapat lang yan sayo. Hindi lang pala sayo. Sainyong lahat! All of those who loaned must pay for a higher prize! And that prize I'm talking about is your lives!" sabi ng killer at tumawa ng pagkalakas lakas. Dinilaan niya ang kutsilyong may dugo at tinignan si Lovely na nakahandusay at walang buhay sa harapan niya ng may malaking ngiti sa labi.
"Napakagandang tignan...." sabi nito at kumanta na parang baliw gamit ang isang malambing na tono at lumabas ng kwartong iyon ng may ngiti.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top