Chapter 20: Birthday Paradox (Part 1)

Chapter 20: Birthday Paradox (Part 1)

Heidi Buenaventura

I've done enough. Para sakin, tama na tong ginawa kong pagpapakahirap para sa kanila. Pero ngayon, mukhang hindi ko na hahayaan ang sarili kong maging sunod-sunuran sa principal.

After that day, nakatanggap pa ako ng ilang masasakit na salita, hindi nila ako tinatantanan. Bawat galaw ko, kukutyain nila. Bawat galaw ko, may nakahandang parusa.

Do I really deserve to be punish like this? I don't think so. Ginawa ko lang naman ang dapat kong gawin bilang presidente nila. Bilang katulong ng principal namin sa pagsasaayos ng eskwelahang ito. Para maging isang magandang halimbawa sila sa mga nakakababa sakanila.

Now I'm on my way to our room. Hinanda ko na ulit ang sarili kong makatanggap ng malulutong na sampal, mura at iba pang makakasakit sakin. Pero sinisigurado kong ito na ang huling araw na gagawin nila yun sakin.

Pagpasok ko ng kwarto namin, nakita ko siya. Ang inaasahan kong nagiisang tao na tutulong sakin dahil siya lang ang nakakaintindi sakin. Pero tinignan lamang niya ako na para bang naaawa siya sakin atsaka umiwas na ulit ng tingin.

Dalawa dapat kaming nagdudusa. Dalawa dapat kaming nagpapakahirap. Dibale na, ginusto ko naman to.

Umupo na ako sa upuan ko at hindi ko na pinansin ang mga nangungutyang tingin ng tao sa paligid ko.

Hinihintay ko na ang guro naming pumasok para magturo nang di sinasadyang narinig ko ang usapan nila. Ng taong dahilan kung bakit lapnos ang balat ko ngayon.

"Nagawa niyo yon? Hahaha! Dapat pala sumama ako sainyo!"

"No, Thea. You should not mess your hands by hurting someone."

"Oo nga, tama nang kami nalang ang gumawa nun sakaniya."

Napa-pikit ako. This is too much. Too much for me to handle.

Tumayo ako at pumunta sa harapan nila.

"Althea.." my hands are quivering because of anger. And because I cannot stop myself from hurting her, I slap her.

"Ano ba?!" Rage said and then he pushed me.

Nahulog ako at napa-upo sa tiles. Nakita ko ang mistulang pagngisi ni Althea.

"Bakit hindi mo ipakita samin ang tunay na kulay mo? Bakit hindi mo ko patayin ngayon sa harap ng mga kaklase natin ha?!" sigaw niya sakin.

Ang sakit pero pagod na ata ang mata kong umiyak. Tumayo na ako mula sa pagkakabagsak ko at lumapit sa babaeng akala ko, maniniwala sa akin. Yumuko ako palapit sa tenga niya.

"Althea, dear. Do you really think that I'm the one who killed them?" pagkabulong ko nun, ramdam ko ang bahagyang pagka-gulat niya. Hindi pa rin ako umaalis sa pagkakayuko. Alam kong hindi niya agad yon masasagot kaya nagsalita na ulit ako.

"If yes, then you deserve the slap I gave you and this.." I was about to pull her hair when Hunter pushed me again but someone catched me. Akala ko, sa tiles nanaman ang bagsak ko.

Napa-lingon ako sa taong sumalo sa akin. Napa-ngiti ako. Napagdesisyunan din niyang tumayo para tulungan ako. Besides, dalawa naman talaga kami dapat ang nagdudusa.

"Tama na." sabi ng taong sumalo sa'kin.

"Ice Serge..."  akala ko, titignan mo nalang ako eh. Buti naman, napagdesisyunan mong samahan ako?

++*++

Humarap ako kay Ice tapos nginisian ko siya nang makarating kami sa labas.

"Bakit mo ko tinulungan? Nakonsensiya ka?"

"Partly, yes. But no, because I know it's also my responsibility..."

++*++

Nyx Chantal

After the scene that Heidi created, I noticed that Althea's bothered. Ano kayang binulong sakaniya ni Heidi?

The shy girl, Aura, was also distributing an invitation card to all of us. It looks like she's having her 16th birthday tomorrow. Ang bilis naman.

After receiving the invitation, I went out of the room. Because you all know that I'm craving for answers, I would go out to satisfy my craves.

Habang naglalakad ako, natanaw ko ang nakatigil na sina Heidi at Ice. Dali-dali akong napatago sa pillar malapit sa kinatatayuan ko. Ang daanan kasi papunta sa room namin, may mga pillars. Kung hindi ko nga alam na school to, mapagkakamalan ko tong mansyon eh.

Nakinig ako sa usapan nila hanggang sa sinabi ni Ice na responsibilidad niya na tulungan si Heidi. Muntik pa nga akong suminga kasi feeling ko malalaglag na yung sipon ko. Yes, may sipon ako pero buti nalang may panyo ako at di ko na kailangan pang suminga dahil pag nagkataon, baka mahuli nila ako. Teka, anong ibigsabihin ni Ice na responsibilidad niyang tulungan si Heidi?

Ang daming pumapasok sa isip ko na maaaring maging dahilan kung bakit niya sinabi yun. Una, maaaring may relasyon silang dalawa. Pangalawa at pinakamatindi, maaaring sangkot siya sa ginawang pagpatay ni Heidi at maaaring siya ang mastermind.

What am I thinking? I've known him for years. Antipatiko lang siya pero hindi siya mamamatay tao.

I was so engrossed with my thoughts, I nearly forgot that I'm stalking them when I saw Heidi reach out for Serge's wrists and then pulled him. Naningkit ang mata ko. Saan niya dadalhin si Ice?

Tuloy tuloy nilang tinahak ang pasilyo hanggang sa makarating sila sa tapat ng principal's office.

Tumigil si Heidi sa tapat ng pinto. Binitawan niya si Ice na walang emosyong nakatingin sakaniya. Huminga ng malalim si Heidi bago kumatok doon sa loob ng principal's office.

Wala nang pillar malapit sa principal's office kaya kinailangan kong manatili sa kinalalagyan ko kahit na malayo layo sakanila.

Anong gagawin nila don? Matagal na akong may napapansing laging nangyayari diyan sa loob ng principal's office. Diyan ko narinig yung paguusap nila Ma'am Henderson eh diba?

Agad naman may nagbukas sakanila doon. Luminga si Heidi sa pinagtataguan ko. Agad akong napa-talikod ng maayos.

"Buenaventura! Serge! Ano nang nangyare? Nako, pumasok nga muna kayo." Rinig kong bati sakanila ni maam Henderson.

Kaya naman pala wala nanaman si ma'am. Teka, anong ginagawa niya sa principal's office?

Napa-ngiti ako. Why am I having this feeling that I will be given another answer? Pinunasan ko ulit ang sipon ko.

Teka ulit, how am I suppose to hear them? Ugh! Una palang talaga, parang may tinatago na sila eh. And now is the moment of truth.

I tiptoed up to the back of the principal's office where the window is placed. Wala naman sigurong makakahuli sakin dito kasi tago ito. Unfortunately, it's closed. Kinakailangan kong umakyat sa may halamanan para maka-silip.

Sumilip ako sa bintana, from this distance, ang nakikita ko ay ang likod ng principal, nasa harap niya sa kaliwa si maam Henderson, habang si Ice at Heidi nasa harap ng principal sa kanan. Pero si Heidi, nakatayo.

Kitang kita ko ang pag-bagsak ng mga luha sa mukha ni Heidi. Tila ba sinisisi niya ang punongguro na nakaupo lamang at nakahawak sa sentido. Napatingin saakin si Ice.

Sht! Agad agad akong napa-upo sa may mga halaman na pinagtungtungan ko.

Napa-sandal ako sa pader. Ramdam ko ang pagpapawis ko. Kung ano ano naman kasi ang naiisip ko. Sumilip akong muli at nakita ko si Ice na parang nagpaalam sakanila at nakita kong papunta siya dito sa direksyon ko.

Sa takot ko, hindi ko alam kung anong nangyari pero parang may naapakan ako, pagkatapos nun bumagsak ako sa semento.

Masakit yun ah! Teka, ano to?

Inilibot ko ang paningin ko, punong puno ang lugar na to ng mga frames, trophies, mga translucent box at marami pang iba.

Malawak ang lugar na ito at maraming pintuan. Hindi kaya may tao pa rito bukod sakin? Nanlalamig ako. Nakakamangha pero ang creepy dito sa lugar na to.

Kung sa labas, creepy na, mas creepy dito. Parang ito yung pinamumugaran ng atmosphere na creepy lalo na may dalawang kabaong na puno ng diyamante.

Hindi ko na ininda ang nararamdaman ko at sinimulan ko nang magikot.

Hindi ko alam na may ganto pala dito. Bakit dito pa nila inilagay tong mga to? Pwede namang sa taas nalang hindi ba? Lumapit ako sa isa sa mga frames, nakita ko ang picture ng isang pamilyang marangya.

Isang matipunong lalaking hindi naka-ngiti, tas may isang magandang babae na sa tingin ko ay asawa niya habang sa gitna nila, mayroong nakasalamin na babae. Maganda pero halatang mahiyain.. kilala ko to pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita.

Pumunta naman ako sa mga transparent na lalagyan. Napansin ko na sa gitna nito ay may mga keypad. Kailangan ng password?

May dalawang papel sa loob na naka-rolyo. Sinubukan kong buksan ito pero may passwo--

"Didn't you know that trespassing is bad?"

Parang nagstop ang oras ko nang maring ko ang tinig na yon kasabay ng pagtago ko ng lalagyan sa likod ko. Sht. I'm doomed.

"I-Ice.." nakita ko siyang seryosong naka-tingin saakin. Kinuha niya mula sakin ang transparent na lalagyan at inilagay niya sa dala niyang bag. Saan niya nakuha yong bag na yon?

"H-hoy Ice! Alam kong mali ang ginawa ko! Pero please give me that thing!" Napatigil siya at napalingon sa akin.

"Hindi mo to mapapakinabangan kung hindi mo mabubuksan." sabi niya. Ibigsabihin ba nun, tutulungan niya akong buksan iyon? Sana pala, maraming ganun ang kinuha ko.

Hinila niya na ako papunta sa isang pintuan. Parang kabisado niya na ito. Pagkabukas ng pinto, bumungad samin ang isang twisted staircase.

Pagkatapos nun, binitawan niya ako at nauna siyang umakyat. Buti lang no, baka masilipan niya ako eh.

Nang makarating kami sa taas, may pinto nanaman. Nagulat ako nang pagbukas niya ng pinto, bumungad samin ang isang bodega. Ang daming pasikot-sikot. Ang daming misteryo. Ako nalang ba ang hindi nakakaalam nito dahil kakalipat lang namin ni Ea?

Nang lumabas naman kami sa bodega, napunta kami sa likod ng cafeteria. Hindi kapansin-pansin ang pinto dahil natatakpan ito ng mga halaman at ang pinto ay kulay berdeng may disenyong mga halaman.

Dinala ako ni Ice sa library. Maaari akong hindi sumunod sakaniya pero sumunod pa rin ako. Dahil ba yon dun sa transparent na lalagyan? Maybe yes, but I'm thinking of something ample. I think Ice is holding something that can satisfy my craves.

Umupo siya sa likod, sa medyo tago at hindi masyado napupuntahan ng mga estudyanteng nagbabasa. Sumunod naman ako.

Nang nakaupo kami, nagsalita siya.

"What do you want to know? Spill." sabi niya. Sinasabi ko na nga ba! Marami siyang alam! Napa-ngiti ako.

"Kasabwat ka ba ni Heidi?" Unang tanong ko sakaniya. Yun kasi talaga ang bumabagabag sakin.

Napa-buntong hininga siya.

"Yes."

++*++

Gaea Klint

I was sleeping when suddenly someone tapped me on my shoulder.

"A-ano.. Please come." sabi ng isang babaeng mahiyain sabay abot sakin ng isang invitation card.

It's AURA VERONA'S 16th birthday on March 6, 2017 and we will be glad if you'll arrive. Come at once and we'll have fun.

Wear either red or black in formal. We'll be expecting you, GAEA KLINT.

6 PM @Verona's Palace

A letter that is in luxury white envelope tainted with bloody red.

They really put an effort in writing down the names of their guests.

I'm looking forward to this. Because my mind's telling me that something bloody will happen. They will probably execute their plan on the night of the girl's birthday because it's the perfect day to commit crimes.

I looked around. Where the hell is Nyx?

I maintained my bored look until someone boomed the door. Attention whore. Oh, it's Hailey. Or was it Heidi? Harley? I don't care. It's the former president before she was blamed to be responsible of our classmate's death.

She roamed her eyes and after a second, she seems to be relieved.

"Kayong lahat. Makinig kayo sakin. Don't go tomorrow. At Aura's birthday. The killer might launch his/her plan tomorrow. Please. Kahit ito lang, ple--"

"Sinasabi mo bang ang bestfriend ko ang killer?!" biglang sabat ng isang babae. Maybe the birthday girl's bestfriend.

"Hindi! Pero posibleng dun isagawa ng killer ang plano niya!" balik ni Heidi.

Everyone said "boo" to our beloved president.

"Edi sige! Pumunta kayo! Because I'm fvcking tired protecting all of you! Pero pag may nangyaring masama sa inyo, don't fvcking blame me!"

The good girl has gone mad and the show became more interesting.

To be continued...

A/N: I decided to post an ud which contains 2,045 words. Is it enough to compensate my few lovely readers in waiting for such a long time? ;) Btw, who's point of view do you want to read on the next chapter? Tell me, puhlease

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top