ろく

Anim.

| • | • | • |

Tahimik at wala akong kibo habang sama-sama kaming kumakain sa hapag-kainan. Yes, sama-sama. As in nasa isang bilog na lamesa kami, kasama ang mama at papa ng lalaking 'to at ang kapatid n'yang babae.

They're sharing a non-sense stories. Especially when his dad throw a joke;

"Iyong-iyo na 'ko! Iyong-iyo na 'ko! 'Yan ang sinasabi ng ngongo pagbaba sa roller coaster. Hahahahahaha!"

And they all laughed like it was the funniest joke they ever heard in their entire life.

Was that really funny? I find it super cheap.

Nangunot ang noo ko bigla nang lagyan ako ng katabi ko ng okra sa plato. Heck, isn't it obvious that I didn't pick that veggie because I don't eat okra??

"Kumain ka niyan. Maganda sa puso 'yan," He said in a soft voice.

"Get it off, I don't eat okra."

"Kumakain ka kaya nito, hindi nga lang palagi."

"Just get it off,"

"Hindi,"

Tinitigan ko siya ng masama pero siya, nakangisi lang sa akin.

Pasalamat pa nga siya't hindi ako nag-reklamo sa ulam nila, e. Nilagang okra at daing na may kasama pang bagoong? Tapos pakakainin n'ya ako ng okra?

Honestly, ngayon lang ako nakakain ng mga ganitong pagkain. And with all honestly again, I don't like it.

"Si Judith naman ang magjo-joke!" Rinig kong bulalas ng mama ni Drake.

"Ayan, ayan, nakakatawa magbitaw ng joke 'tong si Judith, e." Sabi naman ng papa n'ya na handang-handa na makinig.

Lahat sila nakatitig sa 'kin, hinihintay ang sasabihin ko. Samantalang tumaas lang ang isang kilay ko na parang, are you guys fucking with me?

Nagkibit-balikat ako at tinanggal ang okra sa plato. Sinubo ko ang huling kanin at piraso ng daing na nando'n. After this, I'm done. I can't take their stupid jokes.

"Judith?" Pagtawag ng mama n'ya.

Maayos kong binaba ang kutsara't tinidor ko sa plato at marahang pinunasan ang labi gamit ang tissue na nasa ibabaw.

"Uhm, medyo masama ang pakiramdam ni Judith, ma. Kailangan n'ya munang magpahinga pa." Si Drake na ang sumagot.

"Masama ba talaga ang pakiramdam o ayaw lang makisama? Hindi siya ngumingiti kanina pa, pansin n'yo ba?" Bumanat ang babaeng kapatid ni Drake habang nakataas ang isang kilay sa 'kin.

Uma-attitude talaga sa 'kin 'to ah...

"Freya,"

"You want me to answer that?" Tanong ko sa kan'ya.

Hindi ito sumagot kaya naman muli akong nagsalita. "I'll go with the second one," walang kahiya-hiya kong sabi.

Tumayo ako at tinaasan siya ng isang kilay. I smirked as I saw her glaring at me with it's level of intensity. Hindi ko alam kung anong problema n'ya sa 'kin, pero kung ito ang gusto n'ya, mukhang kailangan n'ya nang pagsisihan.

I can be her sweetest nightmare if she wants.

"Love," seryosong tawag sa akin ni Drake.

Isa pa 'to. Sinabi na kasing ayokong kumain, e. Nagyaya pa! Can't blame me, I'm a straight forward person.

Freya rolled her eyes, "Plastik 'yang pinakasalan mo, kuya. Noong una, bait-baitan. Ngayon, lumabas na ang tunay na anyo. Pwe!" Parang diring-diri pang aniya.

"Freya, asawa ng kapatid mo 'yan." Bulalas sa kan'ya ng papa niya.

"E, totoo naman, e. Ewan ko kung anong sumanib sa babaeng 'yan. Tinawag pa 'kong bitch niyan sa ospital. 'Di ba ang bait?" She answered sarcastically.

When they all eyed me, I can't help but to smile smugly.

"Right from the very start I knew you were a bitch. You showed how disrespectful you are to the wife of your brother yet calling you a bitch stings your tits? How horrible," 'Yan ang napansin ko sa kan'ya kahit ilang oras ko palang siya nakikilala.

She made it clear to me the moment I woke up in that filthy hospital.

So telling the truth would hurt her ass so bad and I don't care. I don't know her anyway.

"Te-Teka, hindi ko maintindihan. May hidwaan ba kayong dalawa, Judith? Freya?" Naguguluhang anas ng mama niya.

I grimaced at her, making her feel more annoyed.

"Tama na 'yan,"

Drake stood from his chair looked very serious. Malamang, dahil sa unexpected na sagutan namin ng maldita n'yang kapatid.

But I'm more meaner, sorry.

Tumingin ito sa 'kin, "Ang daming order online, 'yung mga cupcakes gawin mo na."

I was gaped for a moment. Orders...? Gagawa ako ng cupcakes?

Oh, dear.

"Excuse me?"

He sighed and excused us from his parents who's watching us. Hahawakan sana n'ya ako sa kamay nang matigil siya. Mukhang naalala n'ya 'yung sinabi ko kanina.

"Oo nga pala, ang daming order sa 'yo, Judith. Kailangan bukas makagawa ka na ng cupcakes na order sa 'yo. Sayang 'yun," biglang sabat ng papa n'ya.

Hindi ko mapigilang magtaka. So, aside from being a wife... I have to do this shitty cupcakes because someone ordered?

"What again?" I asked.

Pare-parehas nagtaka ang mukha nila sa akin. Pero mas nagtataka ako. Bakit ako gagawa ng cupcakes? E, ni magluto nga hindi ko alam.

Umaasa lang ako sa mga food delivery. Tapos uutusan ako dito mag-bake?

Oh, shut up.

"Haynako! Online business mo hindi mo alam? 'Yung totoo, feeling may amnesia?" Freya said in sarcasm.

"S-So, kailangan kong gumawa ng cupcakes?" Natural, Sasha. Tangina naman.

"Bakit parang hindi mo alam?" Seryosong tanong ni Drake. "Anyway, sige, tutulungan kita bukas. Magha-half day ako sa work."

"Sarapan mo ulit, Judith ah! Naku, ang dami kayang may gusto sa mga cupcakes mo."

"Oo nga, e. Iba talaga ang talento ng asawa ng anak natin, darling."

Tinuloy nila ang pagkain samantalang hindi ko pa rin ma-proseso sa utak ko ang dapat gawin. I don't fucking know how to bake!

Damn... what else do I have to know next time?

∆ ∆ ∆

Kakatapos ko lang maligo dahil nasanay akong maglinis ng katawan bago matulog at halos hindi ko ma-take ang cr nila. Ang sikip, tapos parang pinagkaitan ng sabon sa liit. Idagdag mo pa na walang shower.

Tss. Bakit ko ba ine-expect na may shower?

"Judith, naiwan mo ‘to."

Papasok na sana ako ng kwarto nang tawagin ako ng mama ni Drake. Nakangiti siya't may hawak na silver ring.

"Tinabi ko. Naiwan mo kasi sa lamesa hindi ko lang alam kung kailan. Baka mawala, e. Suotin mo na. ‘Yan ang nagpapatunay na magkabiyak kayo ng anak ko."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon sa sinabi niya. Gusto ko nga sanang sabihin na, hindi ko nga po kilala 'yang anak niyo, e. But of course, since I'm an actress for now, I have to bear it.

"Yeah right, thanks." Bagot kong sagot bago abutin ang singsing.

Atleast I thanked her instead of ignore her.

"May away ba kayo ni Freya? Bakit kayo nagsasagutan kanina? Pwede mo sa ‘king sabihin, anak."

I was froze with her last word.

Anak...

No one tries to call me that, even my own parents.

"E... medyo mataas talaga sungay niyan ni Freya. Hindi mo naman pinapatulan ‘yan dati, e. Kaya nagulat ako nang magkasagutan kayo kanina sa hapag-kainan. Hindi ko alam kung bakit gan‘yan ‘yan. Ang sabi niya ay dahil gusto n‘yang subukan ang pasensya mo kung talagang deserve mo si Drake. Sira ulo," natatawa't naiilang niyang kwento.

Well, what? She wants to what?

Test my patience?

E, kung sunugin ko kaya siya ng buhay?

Natawa ako sa sinabi niya sa 'kin. "You’re daughter’s sick. Baka magsisi siya na subukan ang pasensya ko?" The words came out from my mouth like I'm not talking to a mother.

Like I care who she is.

Ngumiti nalang siya sa 'kin. "Hayaan mo na ‘yun. Pinagsasabihan naman namin pero... ‘wag mo nalang patulan."

Ngumisi ako. Papatulan ko siya anumang sitwasyong gusto ko.

No one dares to try to argufy with me, I'm telling you...

"Sige na, magpahinga ka na. Good night, Judith." Saka siya pumasok sa kwarto nila.

Tinignan ko ang singsing na hawak. It's a wedding ring. Malas nila ako ang tumayong asawa kuno ni Drake.

Anyway, I wore it in my index finger. Asawa daw, e. Baka kwestiyunin pa 'ko.

Pagpasok ko ng kwarto ay nakita kong nakaupo si Drake sa kama at nagce-cellphone. Bahagya akong nailang. What's the meaning of this? We're going to share on the same bed?

No way.

Napansin niya yatang nakatayo lang ako sa harap niya kaya binaba niya ang phone at tinap ang katabing parte. "Halika na dito, love."

This is gruesome.

"Pwede bang doon ka nalang sa matigas na sofa niyo? Gusto kong solohin ‘yung kama," sabi ko sa kaswal na tono.

He frowned, "Huh? Ayaw mo na ba ‘ko katabi?"

Kailan ko ba ginustong katabi ka? What a bothersome guy.

"Doon ka na. Kung ayaw mo ako ang lalabas," sagot ko.

Huminga siya ng malalim at tinanggal ang tingin sa 'kin. Bumalik ang seryosong itsura na pinakita niya kanina.

"Hindi na talaga kita maintindihan, love. Kanina ka pa kakaiba, simula nagising ka sa ospital, hanggang sa hapag-kainan kanina. Nawi-wirduhan na ‘ko sa ‘yo." Tumayo siya at kinuha ang isang unan. "Wala ka namang ibang lalaki, ‘di ba?"

Nagulat ako sa tanong niya.

"Pinagsasabi mo?"

Hindi nga ‘ko marunong lumandi, e. Tapos may instant asawa na 'ko. Ngayon magkakaroon pa ng ibang lalaki?

Mas interesado pa akong kumitil ng buhay.

"Nevermind," he spoke, "May tiwala ako sa ‘yo. Malaking tiwala."

Lumakad siya at bigla akong napaiwas nang tangkain niyang humalik sa labi ko. What the actual fuck?!

He paused. Obviously puzzled, but managed to smile.

"Good night, I love you." He whispered and leave.

Napabuga ako sa hangin nang marinig kong sumara ang pinto. Lumingon ako do'n at kumunot ang noo sa mga naisip.

Ganito ba talaga pag may asawa? Hindi ba't nakakasawa ang ganito? Kiss and hugs, sweet words, trust... pero wala namang forever. So it's still going to end heartbreaking.

Poor you, Drake. I'm not your real wife.

I'm an assasin agent and I don't fucking care with romance.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top