はち

Walo.

| • | • | • |

Salubong ang kilay ko nang makababa ako ng jeep pabalik dito sa Carmona Terminal. Bakit hindi? Wala na nga 'kong nakuhang gamit sa bahay ko, gano'n pa ang attitude sa akin ni Damon.

After what he said, he did not spill a word anymore and left me dazed.

"Your table's ready,"

Which means, my death has come.

But for the record, I am damn dead already! Lahat ng bagay na mayro'n ako noon at lahat ng nakakakilala sa 'kin ay wala nang naaalala tungkol sa pagkatao ko. Therefore, if Damon make a move to kill me...

Would I die again?

Or will Isaac, the angel of fucking death would appear and save me?

"Judith?"

Nawala ang mga iniisip ko nang marinig ko ang pamilyar na boses ng papa ni Drake. Hindi ko namalayan, nasa tapat na pala 'ko ng maliit na bahay nila.

"Saan ka nagpunta? Kanina ka pa nawawala, nag-aalala na si Drake sa 'yo."

Oh, I almost forgot...

Naglakad ako't nilagpasan siya, "Tell him no need to worry, I'm safe wherever I go,"

Pagpasok ko ng bahay ay naabutan kong may kausap si Drake sa kan'yang cellphone. Nakatayo siya malapit sa lababo at nakapamewang, suot niya pa ang kan'yang office attire.

Hindi ko siya pinansin at dumiretso sa lamesa. Binuksan ko ang nakatakip na ulam. Nakalimutan kong ni hindi pa pala ako nag-aalmusal.

Good thing medyo matino ang ulam nila, tinolang manok.

"Saan ka galing?"

Nang tignan ko siya ay nakababa na ang kan'yang cellphone at nakadako ang mga seryosong mata sa akin.

"Sa labas?" I answered, sarcastically.

"Umalis ka daw ng maaga tapos ngayon ka lang bumalik. Nakalimutan mo na ba na may mga order kang cupcakes?"

Saglit akong natigil. E ano namang pake ko kung may order o wala?

"Nag-half day ako para tulungan ka sana sa paggawa dahil 3pm nila kailangan 'yun. Pero wala ka," Dagdag pa nito.

"Pumunta ako ng Crescent Town. Gusto kong..." Pag sinabi ko bang bumalik ako sa tunay kong bahay, maniniwala siya? "Gusto kong mamasyal. You know, I used to lived there back when I was single." I answered between my sneer.

Lalong kumunot ang noo niya. Tila naguluhan at nalito sa sinabi ko.

"Judith," huminga siya ng malalim bago tumuloy, "...niloloko mo ba 'ko?"

He looked serious, and sounded more serious. Teka, ano bang iniisip nito? Totoo namang doon ako nakatira. O baka naman iniisip niyang nababaliw na 'ko?

Well maybe...

Natawa ako, "What are you up to? Kakain na muna 'ko." Sagot ko na parang hindi tumatalab sa akin ang nanlalamig niyang tingin.

Para lang siyang si Damon pag naging seryoso. That's all and I'm used to it.

Kukuha na sana ako ng plato at kutsara nang magsalita na naman siya, bagay na kinatigil ko.

"Niloloko mo 'ko. Hindi ka taga Crescent Town, Judith. You're from Ballari Town at para makauwi ka do'n, ba-byahe ka ng isang buong araw. Gano'n ka-layo ang lugar na pinanggalingan mo. Kaya 'wag mo sa 'kin sabihing taga Crescent ka, Judith."

I was taken aback, darn it, Sasha! You forgot about the husband and wife thingy!

Dahan-dahan akong humarap sa kan'ya. Walang kaemo-emosyon ang itsura nito. Ngayon ay hindi ko na alam ang sasabihin at naiinis ako! Magaling akong magpanggap sa mga targets ko pero hindi sa ganitong senaryo!

"Ngayon sabihin mo sa 'kin... bakit ba gustong-gusto mo pumunta doon kahit kahapon? Sino ba talaga ang dinadalaw mo do'n?" Seryoso nitong sambit.

Tinanggal ko ang tingin sa kan'ya. What if I tell him I'm cheating? Paalisin niya na ba 'ko?

No. That can't help. Hindi ko nga mabuksan ang gate ng bahay ko, e!

"Uhm..." binasa ko ang labi, wala akong maisip na dahilan, "Namasyal nga 'ko. Tama, I just went to rove around."

"Ah talaga?" Obviously jeering.

"Oo. What I said a while ago was a joke! I'm just teasing you." Tapos nagpakawala ako ng tawa para mukhang kapani-paniwala.

Pero syempre, base sa tingin niya'y mukha hindi siya kumbinsido.

Tuluyan ko nang kinuha ang plato at kutsara sa lalagyan at dumiretso sa lamesa. Medyo naiilang nga ako, e. Kahit hindi ko siya lingunin, alam kong pinapanuod niya 'ko.

Geez, think before you speak, Sasha.

Hanggang sa narinig ko ang pagbuga niya sa hangin. Tinignan ko siya nang makaupo ako. He's now massaging the bridge of his nose, eyes closed from sadden.

I can also see him coping up. Para bang sobrang dami ng effort ang iniipon niya para lang mag-timpi.

Tinanggal ko lang ang paningin sa kan'ya nang dumilat siya't dumiretso sa akin ang seryoso pa ring mata niya.

"Bilisan mo kumain at ihahatid na natin ang delivery mo sa pinapabayaan mong customer." Naging kalmado na ang boses nito at nilagpasan ako para dumiretso sa kwarto.

Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa sala na nadaanan ng mata ko. May limang box na itim ang nando'n sa maliit na lamesa.

It's a box of cupcakes...

Ibig sabihin... he baked all of that all by himself?

∆ ∆ ∆

Drake and I delivered the three boxes of cupcakes to one of our two customers. Nag-kwentuhan pa nga sila ng kaunti and I learned that, that customer was Judith's regular buyer.

And now that we're on our second destination of meet ups, we're just waiting for that customer to arrive.

Sumimsim ako ng fruit juice na binili namin ni Drake dito sa milktea house habang nililibot ko ang paningin. Mabuti na nga lang at ang meet ups ay sa mall, e. Kasi kung sa labas 'yan at ganitong mainit ang panahon? Hihintayin ko nalang siya sa kotse niya at siya nalang ang makipag-usap.

Besides, I don't even know their customers. Panay ngiti nga lang ako kanina doon sa una, e. Akala niya naman kilala ko siya. Idagdag mo pa na inaantok na 'ko.

"Cr lang," paalam ni Drake bago tumayo at lumabas.

Medyo nababagot na 'ko. Sa tingin ko'y lagpas 30 minutes na kaming nakaupo rito. Hindi pa naman kami madalas nag-uusap ni Drake. Feeling ko dinadamdam pa rin niya 'yung usapan namin kanina sa bahay, e.

Well, I don't mind. Pakialam ko naman sa nararamdaman niya?

Nagpapanggap lang naman akong asawa niya, e.

Habang nakadungaw ako sa transparent glass ng milktea house at inaantok ay bigla kong naramdaman na may lumapit sa 'kin. Akala ko nga ay si Drake na pero kaaalis lang niya kaya imposible naman. Pagharap ko ay isang lalaki na nakaitim na black leather jacket, bagsak ang itim na buhok, may itim na hikaw sa tenga at nakangisi sa akin habang may hawak na plastic cup sa harapan ko.

"Hi,"

Hindi ko siya pinansin at sumimsim nalang sa fruit juice ko. Siguro kung ibang babae ako, namula at ngumiti-ngiti na 'ko. But sorry, I'm not pabebe type of girl.

"As usual, masungit ka pa rin sa 'kin, Judith."

Binaba ko ang hawak at tinignan siya, "Excuse me? Who're you?"

Nakangisi siya pero saglit siyang natigil. Isa na naman ba 'to sa mga taong kaibigan sa buhay ni Judith? My ghad.

Nang makabawi siya ay natawa ito, "Sa bagay, it's been a year since we last met. But anyway," he extended his right arm to me, "I'm Knight Rivaille Santiago Ross, but you can call me Rivaille. We met in the bar 14 months ago, in case you have forgotten."

"Okay," kaswal na sagot ko.

Natawa na naman siya at binaba ang kamay, "So how are you? Masaya ka naman ba kay Drake?"

Hindi ko alam pero nakatunog ako ng pagka-sarkastiko sa tanong niya. What's with that question?

"Ahh, we're fine."

Alangan namang sagutin ko na, "Oo masaya ako sa kan'ya," were in fact, hindi naman talaga dahil first of all, hindi ko siya kilala.

"That actually doesn't answer my question, lady." He huffed.

"Masaya naman kami."

Parehas kaming napalingon nang may nagsalita mula sa likod ng lalaking 'to. Dumating na pala si Drake at ayun, seryoso na naman ang mukha.

"Oh! Hi, Drake! Kasama ka pala n'ya," Saad ng isa. Tila may ibang kahulugan pa.

Tinanggal ni Drake ang tingin niya sa lalaki at sa 'kin bumaling, "Mukhang hindi na darating 'yung buyer mo, tara na."

"Nag-text ba sa 'yo? Ano 'to sayangan ng oras?" Bulalas ko sa inis.

What a bogus buyer...

Nasayang ang higit sa 30 minutes kong oras sa buhay dahil sa kan'ya.

"Ako nalang ang makikipag-kita sa susunod para hindi ka na masayangan," aniya. "Tara na, love." saka pa-simpleng dumako ang mata niya sa lalaki na nasa tabi.

Natawa at napailing 'yung lalaki, "Not so fast. I know I was late but c'mon, I'm now here. Dadagdagan ko nalang ng bayad para naman sa paghihintay niyo."

What? So this guy I was talking with was the buyer?!

"Sige, pakidalian." seryosong tugon ni Drake.

Anong problema nito? Kumpara kanina, mas sumeryoso na naman siya ngayon.

Natatawa habang naiiling nalang ang lalaki. Binaba niya ang hawak na plastic cup at dinukot ang wallet. Agad niyang inabot ang dalawang libo kay Drake.

"Sobra-sobra pa,"

Gumalaw ang panga ni Drake habang nakatingin sa pera. Habang ang isa nama'y prenteng nakangisi lang.

I can sense something fishy about these two. May issue ba sila noon?

Huminga ako ng malalim at tumayo. Ako na ang kumuha ng pera sa kamay niya para matapos na 'to. Gusto ko na kasing magpahinga dahil sa mga nangyari kaninang umaga.

"Here's your cupcakes," I outstretch my arm with the boxes, "Thank you for ordering,"

Even if it makes me sick, I have no choice but to say that. Sa itsura ng lalaking 'to, mukhang magaling siyang mang-asar kay Drake, e. And I have to cut it from here because I'm damn sleepy!

Nilagpasan ko sila at nauna nang maglakad pero bago pa 'ko makalabas ng milktea house ay bumanat na naman ang lalaki.

"Let's talk a bit longer next time, Judith!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top