にじゅうはち
Dalawampu’t walo.
Huling kabanata.
| • | • | • |
Gabi na nang maisipan kong umalis sa ospital. Dumating din ang iba naming mga kasama sa Unfazed para bisitahin si Damon at natural, lahat sila ay nagulat sa nalamang desisyon ko.
Tinawagan ko na rin si Boss at mag-uusap kami mamaya. Sabi ko nga, may mga rules kapag pumasok at lumabas ka ng Organisasyon.
I heaved a heavy sigh as I stepped outside of the elevator. Gusto ko bago man lang sana ako tuluyang umalis, ma-bisita ko si Drake.
Kinakabahan ako na na-e-excite. Atleast kahit hindi n'ya ako maalala, nasa akin pa rin ang mga magagandang alaala na iniwan n'ya sa 'kin.
Hindi ko sigurado kung nandito pa nga si Drake dahil hindi ko naman narinig ang tugon ng nurse kanina. Pero ang pagkaka-alala ko, malala ang tinamo ni Drake kaya malabong pauwiin siya ng gano'n.
Sana nandiyan pa nga siya...
Tumapat ako sa harap ng kwartong kinaroroonan n'ya. Tinaas ko ang kamao ko para sana kumatok pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Nahihiya na kinakabahan ang eksaktong nararamdaman ko.
Titignan ko lang siya, that's all.
Akmang kakatok na 'ko nang bumukas bigla ang pintuan.
"Mama, hindi mo ‘ko kailangan itulak! May sugat pa kaya ako tignan mo..."
"Ang tagal mo kasi sumunod bata ka, dalhan mo na ang kuya mo nang damit at ilang araw nalang ay pwede na siyang makalabas rito."
"Okay, okay, ito na nga oh—"
Natigil sila sa pagdidiskusyon nang makita akong nakatayo sa labas ng pinto. Samantalang mas natigil ako. Tinignan ko mula ulo hanggang paa si Freya, maayos na ang lagay n'ya kahit na may mga benda pa ang ilang sugat nito.
"Excuse me?" Aniya.
"May kailangan ka ba, hija?" Tanong ng mama n'ya sa akin.
Bigla ko tuloy naalala 'yung huling pag-uusap namin at aaminin ko, medyo gumaan ang pakiramdam ko nang makita sila.
Nagtinginan silang dalawa, "Ma, hindi kaya siya ‘yung bagong girlfriend ni Kuya?"
Nangunot ang noo ko. "Uhm... ah, may kilala po ba kayong Judith?" Tanong ko.
Kumunot ang noo nila sa akin. "Judith? Aba’y oo. Kaibigan ka ba n‘ya? Kaibigan ka ba nila Drake at Judith?"
Hindi ko alam pero kahit wala naman siyang sinasabing masakit, pakiramdam ko medyo tinamaan ako. Judith at Drake palang ang sinasabi n'ya pero pinapamukha na nito sa akin na sila ang mag-asawa— which is actually true.
"Sorry," lumungkot ang mukha ni Freya, "Hindi mo ba nabalitaan? Matagal nang patay si Ate Judith. Namatay siya sa aksidente. Siguro mga isa’t kalahating buwan na rin ang nakakalipas."
Ano...?
Biglang pumasok sa isip ko ang mga unang eksenang nangyari sa akin. Noong na-aksidente ako, ang tantya ko ay nasa lagpas isang buwan na ang nakakalipas. Ibig sabihin... kasabay ng aksidente ko ay ang aksidenteng nangyari kay Judith. Sabay no'n ang oportunidad na dinala ako ni Isaac sa buhay ni Drake at magpanggap na Judith.
Kaya pala walang binabanggit na 'Sasha' si Damon dahil walang pumalit sa akin... dahil patay na talaga si Judith.
"Sino ‘yan, Ma?"
Napaigtad ako sa mga iniisip nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Lumingon sila parehas sa likod at bahagyang niluwagan ang daan dahilan para makita ko na nang malinaw si Drake...
Oh my gosh... finally.
"D-Drake,"
Gusto ko siyang sugurin ng yakap at umiyak sa bisig n'ya pero... sino ba ako? Sino ako para gawin 'yon sa kan'ya?
"Kilala mo ba siya, Kuya?" Tanong ni Freya.
Kumunot ang noo nito sa akin at dahan-dahang napailing. "Ah...? Sorry, pero sino ka?" Maingat n'yang tanong.
I expected this... you already expect this, Sasha.
Nagulat si Freya nang mapatingin sa akin. "Te-Teka, bakit ka umiiyak?!"
Pinunasan ko agad ang luhang nakatakas sa pisngi ko at ngumiti. Nakatutok pa rin ako kay Drake, hindi alintana na lahat sila'y nagtataka sa kinikilos ko.
"Thank God you’re okay..."
Binasa ko ang labi ko at nagpaalam na sa Mama n'ya at kapatid. Tumalikod ako at nag-lakad paalis sa kwarto. Baka kasi kung magtatagal pa ako do'n, hindi ko na matiis na lapitan pa siya.
Atleast, masaya ako na nakita ko ulit siya at bahagya nang umaayos. Okay na 'ko doon.
Gano'n pa man hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Malay mo naman, ngayon aalis na ako sa Unfazed... magkita at magkausap na kami. Baka sakaling kami pa rin ang nakatadhana.
Sa ngayon, kuntento na ako na nakita ulit kita, Drake.
∆ ∆ ∆
Seven months ago since I last saw Drake and his family. Pagkatapos no'n, nag-simula ulit ako ng panibagong buhay. I left the Organization and start a business with Samantha.
As for Damon, dahil may koneksyon pa rin naman kami at hindi naman mapuputol 'yun, balita ko nasa Unfazed pa rin siya kasama sila Alpha. He’s still doing the missions, 'yun nga lang, hindi na pagpatay ang ginagawa n'ya.
Ang style n'ya ngayon, ito-torture n'ya, tapos iiwan ng mag-isa sa kalsada na may nakasukbit na kariton sa leeg na nag-sasabi kung anong mga krimen ang ginawa n'ya at 'yun na ang magiging paraan ng mga pulis para hulihin siya.
Hm. Atleast somehow he changed, I guess.
"Sasha, ikaw na ang makipag-usap sa client ah? May catering kasi sila at tayo ang napili n‘yang mag-provide. We cannot let this pass," bulalas ni Samantha habang nagma-make up.
Habang napairap nalang ako sa kan'ya at tinutok sa daan ang mata. "Ikaw ang contact person n‘ya ‘di ba? It should be you instead of me."
"Aww. Pero kailangan kong puntahan si Auntie sa mall. Pero after no’n pwede naman kitang puntahan ‘no."
Hininto ko ang sasakyan malapit sa mall para ibaba si Samantha. Malapit lang din dito ang coffee house na usapan namin ng client n'ya kaya madali nalang siguro kung pupuntahan n'ya ako galing mall.
"See you later, Sash!" Kumakaway n'yang paalam.
Napailing nalang ako bago simulan na magmaneho papunta sa coffee house. Usually, si Samantha ang gumagawa nito. Kaya naman medyo kinakabahan ako dahil hindi naman ako gano'n ka-galing makipag-sales talk.
Tss.
Pagdating ko sa coffee house ay mukhang wala pa naman ang kliyente kaya umorder muna 'ko ng white coffee. Sabi kasi sa 'kin ni Samantha ay on the way na raw ang customer.
Maganda ang sikat ng araw ngayon. Naalala ko dati noong nasa Unfazed pa 'ko, ganitong oras madalas akong magmasid sa target ko. Nagpapanggap akong mabait at kaibigan, pero syempre, that’s part of my plan. Para saan pa kung hindi ako magiging maingat sa mga targets ko, lalo kung worth more than a million ang presyo nila sa paningin ko.
I smirked.
But that was before...
Biglang pumasok sa isip ko si Drake. Hindi ko maiwasang isipin... ano kayang mga pinag-kakaabalahan n'ya ngayon? Is he still baking? Property Manager pa rin ba siya? May... bago na ba siyang babae?
The thought of that made a little pang in my heart. Geez, e ano naman sa 'yo?
"Excuse me, ikaw ba si Miss Winter Sasha?"
Natigil ako sa paghahalo ng kape ko. Kasabay no'n ang tila pagtigil ng mundo ko.
There’s no way... no way.
Seven months ago and still... I love how he speak.
Dahan-dahan kong inangat ang paningin ko sa taong nakatayo sa gilid ko. Napansin ko ang suot n'ya, he's wearing a black long sleeve polo with his coat on and a black slacks. Napansin ko rin ang silver watch n'ya sa kaliwang kamay.
Hanggang sa tuluyan nang lumapat ang mga mata ko sa mukha n'ya.
Para akong naubusan ng hangin sa loob dahilan para maihawak ko ang isang kamay sa dibdib. Ang lakas ng tibok ng puso ko.
Bakit... siya ‘yung...
He suddenly smiled as he extended his arm to me, "Mukhang ikaw nga," aniya, "Hi, I’m the client of yours, Drake Miranda."
Tumayo ako habang nasa kan'ya pa rin ang tingin. I can't believe it...
Pero sa huli, tinanggap ko ang kamay n'ya. Ang sarap sa pakiramdam na nahawakan ko ulit siya...
I longed for this...
"Hi... I’m Sasha. Nice to meet you again, Drake."
Hindi siya nagsalita at sinuklian lang 'yun ng ngiti. Probably because he remembers me at the hospital back then.
Whatever. Basta hindi ko na naman ma-explain ang nararamdaman ko.
I don't care how complicated this gets, but I still want him.
What a plot twist you were, love.
∆ ∆ ∆
End.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top