にじゅうに

Dalawampu't dalawa.

| • | • | • |

Huli na nang mapagtanto ko ang lahat. If I were the old Sasha Devlin, I wouldn’t say sorry to someone who I used to hate with.

Pero hindi ko alam, e... alam ko naman sa sarili ko na hindi ako naaawa kay Freya, pero hindi ko alam kung bakit nagawa kong magsalita ng gano'n. I should've roast her more, because she is a dumb, but I end up with a sorry.

"Love,"

Bago pa 'ko makalingon sa kan'ya ay tumabi na ito sa akin. Alas dose na ng madaling araw pero nandito kami sa labas ng bahay nila. Ang maganda rito, pag ganitong oras na, wala nang mga taong tuma-tambay at naglalakad-lakad.

"Hindi ka pa ba inaantok? Akala ko tulog ka na." Aniya.

Pa-simple kong tinapunan ng tingin si Drake. Nasa harapan ang tingin n'ya. 'Yung sulyap na sana ay gagawin ko, biglang naging titig.

Drake is quite handsome. Matangos ang ilong, makinis ang balat, manipis at mapula-pula ang labi. Sa totoo nga lang, kung hindi ito anak mahirap, iisipin mong mayaman siya dahil na rin sa porma na kaya n'yang dalhin.

Ilang beses ko na 'tong naisip pero... Judith is very lucky to have this man.

"Hm?" Bigla itong napatingin sa akin, "Bakit?"

Sa gulat ay nag-salubong tuloy ang mga kilay ko at inalis sa kan'ya ang tingin. I heaved a sigh. Why am I staring at him?

"Oo nga pala, may trabaho na ‘ko."

"Good for you,"

"Pero... doon nga lang sa Crescent Town."

Pagkasabi n'ya no'n ay automatic na napatingin ako sa kan'ya. "Crescent?" That's my hometown.

"Mm,"

"Anong trabaho?"

"Property Manager ng isang subdivision— The Ridge Subdivison." Bahagya itong natawa, "Nagulat nga ‘ko, e. I’m applying for editorial position but I end up being a Property Manager. Ang bait ni Lord."

Halata sa mga ngiti n'ya ang saya. Samantalang napatitig nalang ako sa suot nitong shirt.

Masaya ako... na hindi ko alam.

"Sisikapin kong umuwi araw-araw, Love. Sabi ko naman sa ‘yo ayoko ng malayo ka sa ‘kin. Pero pag hindi talaga kaya..."

"Sumama ka sa ‘kin." pagtatapos n'ya.

Binalik ko ang tingin sa kan'ya. The smile is still plaster on his face while looking at me, waiting for my response.

Ngumiti ako ng walang halong peke— bagay na minsan ko lang gawin.

"Sure..."

The Ridge Subdivision... that's where I exactly lived.

Magkikita pa kaya kami kung babalik na 'ko sa totoo kong buhay?

"Ah! Bukas pala may family gathering tayo. Hindi naman kalayuan dito. Nagyaya kasi ang mga matatanda." Sabi niya at natawa.

Tumango nalang ako kahit na wala naman akong interes doon. Mayroon kasing bumabagabag sa loob ko...

Maya-maya ay napabuntong hininga siya. Sinandal n'ya ang mga kamay sa bandang likod ng kinauupuan at tumingala sa madilim na langit. "Kapag nakaipon tayo, Love, makakapag-pagawa na tayo ng sarili nating bahay at... pwede na ulit tayong magka-baby."

Bahagya akong nagulat do'n at napatingin sa kan'ya. "I’m not ready to have a baby."

He let out a small laugh, "Someday, you will."

Naalala ko bigla ang tungkol sa nakita kong letter sa kwarto. Oo nga pala, they lost their baby. Pero teka...

Paano kung tumagal pa 'ko rito at dumating 'yung time na yayayain n'ya na akong... err, magka-baby? I think that's absurd.

I'm not the real wife. So I cannot give him what he wants.

At ayoko pa maging nanay.

Bigla siyang tumayo at iabot sa akin ang isa n'yang kamay na para bang aalalayan akong tumayo. "Tara, matulog na tayo. May pupuntahan pa tayo bukas."

Tinitigan ko pa muna 'yon. "Matulog na tayo...?" pag-uulit ko.

Natawa siya at kusa nang kinuha ang kamay ko para makatayo ako. "Syempre as you want, doon ako sa sala at ikaw sa kama."

Bigla akong napaiwas ng tingin nang magkalapit ang mga mukha namin. Whew.

"Dumbass,"

Napailing siya habang natatawa at nagulat nalang ako nang hatakin n'ya ako sa kamay at... magyakap kami.

Sa pangalawang pagkakataon, naramdaman ko na naman ang mga bisig n'ya.

Hinaplos n'ya ako sa buhok at naramdaman ko pang hinalikan n'ya 'yun. "Hindi mo na ‘ko niyayakap, Love. Kaya ako nalang ang yayakap sa ‘yo." I heard him chuckled, "I love you so much." he then whispered.

Hindi ko nagawang pumalag o magsalita man lang. Ayoko nang ginaganito ako, pero hindi ko alam kung bakit parang nanghina ang lahat sa akin. Hindi katulad no'ng una, ibang-iba ang nararamdaman ko ngayon.

Para bang... tumitibok ng malakas ang puso ko. Or... kinakabahan ako? O baka... dahil ngayon ko lang ito na-experience?

Hindi ko alam.

Kumunot ang noo ko habang ramdam pa rin ang mga yakap ni Drake. I want to say sorry because first of all, I'm not Judith... second, the things I have done to him and to his family...

Third... is because...

Mariin akong napapikit dahil sa naiisip ko kaya naman huli na nang ma-realize ko na gumanti na pala ako sa mga yakap n'ya.

I hate to admit but... this hug is making my heart... soft.

∆ ∆ ∆

Strange thing...

Lately I've been seeing myself in my dream... I was... crying for some unknown reasons.

I never cry since the last moment with my family. So, why am I dreaming of myself crying? If it is about me, seeing myself at my own house and bringing back those things I love along with my job, I'd probably consider that as tears of joy.

But heck, what was that?

Dumilat ako at una kong nakita ang isang babaeng nag-aayos ng gamit sa maliit na lamesa. Una kong napansin ang mga gumagaling na sugat n'ya. If I know, tinapalan n'ya ang mga ito para hindi mahalata. Nang gumalaw ako ay napatingin siya sa 'kin. For the first time, I saw her genuinely smiling at me.

"Ate," hinarap n'ya sa 'kin ang isang itim na dress, "Pupunta tayo sa family gathering. So, binili kita ng magandang dress!"

Whew.

Umupo ako at kinusot ang mata. She looks lively. Pero ang kinatataka ko, bakit siya nasa kwarto at may pa-gan'yan pa?

"The hell are you doing here?" I asked in a low voice.

Huminto siya pero nanatili pa rin ang ngiti, "Ang sungit mo pa rin sa ‘kin. Akala ko pa naman okay na tayo."

Nag-sorry lang ako sa kan'ya 'di ba?

"But it’s fine!" Sumigla muli ito at lumapit sa akin. Nagulat pa ako nang umupo siya sa tabi ko, "Wala na ‘kong dapat pang ikainis sa ‘yo, ate. Doon sa huling usap natin, naramdaman ko na mabuti ka talaga umpisa palang."

Hindi ako nag-salita.

"Kaya kung susungitan mo ‘ko, wala nang mangyayari diyan. Immune na ‘ko sa ‘yo." Aniya kasabay ng pagtaas ng kamao nito.

Tumayo na siya't nilapag sa higaan ang dress na binili daw n'ya. "Aalis tayo ng 1pm. Mag-ayos ka na ah!" Saka siya lumabas ng kwarto.

Napangiwi ako. What the hell? Hindi ako sanay na ganito ang akto n'ya sa 'kin.

Kinuha ko nalang ang dress at tinignan. Napangiti ako sa loob ko. Infairness to her, she has a great taste compared to Drake's real wife.

Nang maisipan ko nang tumayo at lumabas ay naabutan kong nakaayos na ang mama at papa nila Drake. Mukhang anytime ay ready na silang umalis, samantalang si Drake naman ay nagluluto ng pagkain.

"Ate!"

Napatingin ako kay Freya na may hawak na dalawang damit, isang puting dress at isang blouse na kulay kayumanggi. "Ano mas bagay sa ‘kin? Ito o ito?"

Napaamang ang bibig ko sa kan'ya. Ano kami? Close? Sisters? Blood related?

She pouted, "Ituturo mo lang naman kung anong mas bagay, e. Dali na!"

"Kahit anong suotin mo walang babagay sa ‘yo. H‘wag kang feelingera." Masungit na sagot ko saka dumiretso sa lamesa.

Tumingin sa 'kin si Drake, "Good morning, love!"

"Okay, that’s insulting." Nakasunod na saad ni Freya, "Pero alam kong hindi ‘yan totoo. Alam kong mas maganda ka sa ‘kin pero grabe ‘wag mo naman akong i-degrade!" Nakanguso at nakabusangot n'yang ani.

"Excuse me? I’m not degrading you, it’s a fact." I answered.

"So ano nga?"

"Anong ano nga?"

"Alin mas bagay?"

Tinignan ko siya ng walang emosyon. Hindi ko akalain na ganito pala siya ka-kulit kapag hindi kami magkaaway. You know, it’s irritating.

"Hay, hay, tama na nga ‘yan—" napatigil ang mama n'ya sa amin. Nagtataka n'ya kaming tinignan ni Freya, "Okay na kayo? Ibig ko sabihin... hindi na kayo magkaaway?"

Napabuga ako sa hangin.

"Opo ma. Tinanggap ko na ‘yung mga pagkakamali at mga nagawa n‘ya sa aking kasalanan dati."

Nagsalubong ang kilay ko sa kan'ya dahil sa narinig.

Napansin n'ya 'yun kaya bigla siyang tumawa at kumapit sa braso ko— bagay na kinagulat ko. "Joke lang! Mga kasalanan ko, actually. ‘Di ba? Kung hindi naman dahil sa akin, e."

"Hey—"

"Mabuti naman at naputol na ang sungay mo, Freya." Pabirong usal ng papa nila dahilan para mapabitaw siya sa akin at mag-reklamo.

"Papa!"

"Hahaha! Biro lang ano ba,"

Ilang linggo o buwan na ba akong nandito? Kahit na araw-araw kong nasasaksihan 'to, hindi pa rin ako nasasanay. Pakiramdam ko hindi ako karapat-dapat dito.

Umupo nalang ako sa upuan at sakto no'n ay ang paglapit ni Drake na may dalang kape. Nilapag n'ya 'yun sa lamesa, "Coffee for you,"

Hinawakan at nilapit ko ang ilong ko rito. It's a different flavor of coffee, I guess?

Nang malasahan ko ay napatango ako at maliit na napangiti. Siguro kung makakabalik na ako sa tunay kong buhay, ito ang una kong mami-miss... 'yung mga hinahanda n'yang kape sa akin.

"Kumain ka muna bago maligo,"

Muli na naman siyang naglapag ng isang plato na may lamang sinangag, sunny side up egg and tocino.

Nilayo ko ang tasa sa aking bibig at hindi na napigilang mag-salita sa lasa. "Why is it coffee tastes so much better when you make it?" Ilang beses ko na 'yang napatunayan.

Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. "Because I make it with love."

Saglit kaming nagkatitigan matapos n'yang sagutin 'yon, hanggang sa ako na ang unang umiwas. I... I can't disagree. Wala naman akong magagawa kung 'di ang paniwalaan 'yun dahil totoong masarap ang mga kapeng binibigay n'ya sa akin.

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at mabilis akong halikan sa ulo. "Mag-aayos na ‘ko. Take your time,"

Saka siya umalis sa tabi ko.

Siguro nga... na kapag bumalik na 'ko, isa 'to sa mga una kong mami-miss...

The coffee, and the maker.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top