にじゅうさん
Dalawampu’t tatlo.
| • | • | • |
Saktong ala-una ng hapon nang umalis kami sa bahay at ngayon, kagaya ng sabi kanina ng parents nila ay sa Adam’s, kami pupunta, isang restaurant kung saan kikitain ang iba pang ka-anak nila.
Nakita ko ang repleksyon ko sa bintanang katabi ko dito sa passenger's seat. Hindi sinasadyang napahawak ako sa suot kong kwintas.
It's a silver heart shape that has a small, but elegant diamond inside. It was... given to me by Drake earlier.
Papasok na sana ako ng passenger seat ng sasakyan n'ya nang bigla n'ya akong pigilan sa kamay. Pagtingin ko sa kan'ya ay nakangiti siya sa 'kin at basta nalang akong pinatalikod.
"Drake!"
"Just a sec,"
Hanggang sa naramdaman ko na may sinuot siya sa aking leeg... napayuko ako at doon ko na-confirm na isa siyang kwintas.
What the...?
"Do I need it for a show?" I asked.
Nang matapos siya ay inayos n'ya ang buhok ko at bahagya akong pinaharap sa kan'ya, natawa siya sa tanong ko. "Show? Bakit mo naman naisip ‘yan, love?"
Nag-crossed arm ako, "Because we’re meeting with your relatives?" Pa-tanong kong sagot.
"Hindi ‘no. I bought it for you."
"Why?"
Hindi naman sa ayaw ko pero parang gano'n na nga. Hindi ako sanay na may ibang tao ang nagbibigay sa akin ng kung anu-ano— lalo pa't hindi ko kasama sa org.
Nagkibit-balikat ito, "Noong nakita ko ‘yan sa mall, bigla kitang naisip. Naisip ko... hindi kita nabibigyan ng kahit anong regalo bukod sa binigay kong singsing sa ‘yo, ayaw mo kasi ng nagpapa-regalo, e."
So gano'n ang tunay na Judith?
"Kaya sinuot ko agad sa ‘yo para wala ka nang angal." Napangiti siya, "I hope you like it,"
Hindi ako nakapag-salita at napatitig nalang sa kan'ya habang kunot ang noo. Ngayon palang parang alam ko na kung bakit ayaw ng Judith na 'yun ang magpa-regalo.
"How much is this?" I asked after a few moments of silence.
Mukha naman siyang nagulat sa tanong ko dahilan para umiwas at mapakamot siya ng batok. "I-Importante pa ba ‘yun..."
I rolled my eyes. Don’t tell me that it was a stolen necklace?
"Okay. 4,499 pesos—"
"What?!" Literally, I am surprised. Sa pagkakaalala ko, nag-iipon siya ng pera. Tapos...
Err, stupid.
"Love, hindi naman importante kung mahal ‘to o hindi. Gusto ko lang mapasaya ka kahit sa bagay na ‘yan— teka, nasayahan ka man lang ba? Hindi mo ba na-appreciate?" Nawala ang ngiti sa kan'ya at napalitan ng pag-aalala.
Tss.
"I appreciate," bigla akong napahinto.
Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko ang dati kong buhay kung saan nakukuha ko ang mga gusto ko nang walang kahirap-hirap. Kung sasabihin mo sa akin na mahirap ang pumatay... not on me.
Patayin mo nalang sarili mo kung slow ka.
But... I don't know why I'm feeling this. Like, parang ang laking bagay sa 'kin na binigyan n'ya ako ng ganito. Because it was unexpected. Though, I'm not really into jewelries.
Nabalik lang ako sa wisyo ko nang mahina siyang matawa, "Salamat naman... ingatan mo ‘yan, sana suotin mo araw-araw para sa akin."
Hindi na ako nakasagot nang buksan n'ya na ang pintuan ng passenger seat, "Let’s go?"
Nanatili akong nakatingin sa nakangiti n'yang mukha. Gusto kong mainis sa mga oras na 'to. Halu-halo ang nararamdaman ko at hindi ko alam kung saan magsisimula.
Bakit... bakit ba may ganitong tao?
Lahat ng tao... masama, 'di ba?
Kaya walang peace sa daigdig na 'to dahil sa mga sakim at walang puso na mga tao.
Pero bakit—
"Kuya! Ate! Okay na lahat! Ready to go na tayo!"
"Yeah, ito na nga, e." at dahil sa pagkatulala ko sa kan'ya ay hinawakan ako nito sa kaliwang pisngi, "Natutunaw nang puso, love."
"Ang sweet sana all." Rinig kong kumento ni Freya.
Doon ako bumalik sa wisyo kaya napailing nalang ako at bahagya siyang nginitian. Pumasok ako sa sasakyan na may agam-agam.
Naguguluhan ako. Kaya naman hanggang sa makaalis kami ay tahimik lang ako.
Ang dami na n'yang nagawa sa akin, pero hindi ko man lang mabanggit-banggit ang salitang, 'sorry,' na mabuti pa kay Freya, nasabi ko.
Fuck it, Sasha.
Bigla kaming napahinto sa isang lugar. Napansin kong may mga nagkakagulo sa harapan namin, 'yun siguro ang dahilan kung bakit huminto si Drake sa pagmamaneho.
"Anong mayro’n?" Curious na tanong ni Freya.
"Parang may banggaan sa gitna. Tsk!" Tumingin si Drake sa likod kung kaya pang makaatras, good thing maluwag ang kalsadang kinaroroonan namin.
"Mukhang bago lang ‘yung aksidente, kuya."
"Obviously,"
Napahinga ako nang maluwag at sasandal na sana ulit sa bintana nang manlaki ang mata ko sa nakita.
Bigla akong kinabahan. Sobrang kinabahan.
Isang pamilyar na lalaki ang nakasakay sa kan'yang kotse, bukas ang bintana, nakalabas ang braso at may hawak na sigarilyo— nakatingin siya sa akin.
Si Damon.
W-What's the meaning of this?!
Naramdaman kong nakaikot na ang sasakyan ni Drake para makalayo sa naabutan naming eksena pero hindi ko mapigilan mapatingin sa side view mirror. Nakita kong umandar ang itim na sasakyan ni Damon at doon palang, alam ko nang susunod siya sa amin.
"Drake, drive faster." mahina at kinakabahan kong utos sa kan'ya.
"Bakit? You looked tensed."
Tumingin ako sa kan'ya, "Basta magmadali ka. We’re in—"
"Teka anong ginagawa n‘ya?!" Biglang bulalas ni Freya dahilan para ilibot ko ang mata ko para dalhin kay Damon.
"Shit!" I cursed.
Bigla akong napayuko nang paputukan ni Damon ang sinasakyan namin. Gumewang-gewang ang sasakyan at hindi ko na malaman kung anong gagawin ni Drake.
"Ku-Kuya, anong nangyayari?" Nakayukong tanong ni Freya sa kapatid.
"Hindi ko alam! Bakit n‘ya tayo—"
Naputol ang sasabihin n'ya nang sunod-sunod na namang paputukan ang sasakyan namin. This time, tumagos na ito sa bintana.
"Judith yumuko ka pa!" Utos ni Drake.
Napangiwi ako nang maramdaman ang hapdi sa balat ko. Nakita kong dumudugo ito dahil sa salaming pinaputukan ni Damon.
I gritted my teeth in furious. That damned Damon... hindi ko siya mapag-bibigyan ngayon.
Just you wait.
Naging sunod-sunod ang pagputok sa sasakyan namin. Bangga, putok, at kung saan-saan na dinadala ni Drake ang sasakyan. Naririnig ko rin ang pag-iyak ni Freya sa likod habang nakikiusap sa kuya n'ya na mag-ingat.
The highway was too big and that means Damon has a lot of advantage to give us accident. Nabubunggo na rin namin ang ilang mga sasakyan kaya lalo akong kinakabahan.
Ako lang naman, Damon, 'di ba? Bakit nandadamay ka pa...?
"Ahhh!"
Umalingawngaw ang sigaw ni Freya at nang tignan ko ang tinatahak namin ay nanlaki nalang ang mata ko dahil sa aming sasalubungin.
A sudden flashback came back in my mind... it was when I went into accident to become Judith.
A ten wheeler truck who's obviously out of control is right in front of us.
"Hi-Hindi ko na ma-kontrol!" Anas ni Drake habang pinipilit na ilayo ang sasakyan namin sa truck.
Mabilis kong hinanap si Damon sa labas, nakahinto na siya sa isang gilid at nakatingin sa amin— with his devishly smirk.
Tila planado n'ya ang lahat...
Oo nga pala, he is Water Damon, na hindi ako titigilan hanggang sa malaman n'yang patay na ako dahil sa pagkakaalam kong organisasyon kung saan iisa lang kami.
Everything was fucked up because of me...
And now, I know he won.
A loud horn of a truck covered us before everything turned blank.
∆ ∆ ∆
Nagising ako nang maramdamang basa ang aking balat, para bang umuulan ng tubig. And to confirm, as I open my eyes, I saw raindrops.
Medyo madilim ang paligid... huling pagkakaalala ko, I was with Drake—
Bigla akong naging alerto nang maalala si Drake at ang huling nangyari. Naging malinaw ang paligid ko't kinaroroonan. Nasa kalsada ako at nakahandusay, sobrang sikip at bigat sa pakiramdam dahil sa tumaob na sasakyan namin.
Kaagad hinanap ng mata ko ang mga kasama. Where the hell is Drake and Freya?!
"Drake!" Buong lakas na sigaw ko habang pinipilit makalabas sa nakaipit sa akin.
Nakita ko ang kamay ko, may pulang likido.
Pero hindi ko na ininda pa ang mga sakit na nararamdaman sa katawan, patuloy kong sinisigaw ang pangalan niya. Hanggang sa tagumpay kong naiurong ng kaunti ang bakal na nakaipit sa paanan ko.
"A-Ate..."
"Freya?"
Lumingon ako sa baba at nakita ko ang nakatihayang si Freya. Nakapikit ang isa n'yang mata at duguan ang ulo.
"Tu-Tulong..." she uttered helplessly.
Habang nakatitig ako sa kan'ya ay nakakaramdam na ako ng sobrang tinding kaba. Drake was the driver before the accident, it's possible that...
Hindi. No, this is between me and Damon only. Wala dapat mamatay sa mga kasama ko.
Hindi ko inaasahan na... muli kong mararamdaman ang naramdaman ko dati noong huli naming pagkikita ng parents ko. Now I feel... numb and feeble.
Sa isang iglap ay bigla nalang akong nakarinig ng paggalaw ng mga bakal. Someone's outside...
Bigla kong naisip si Damon.
Hanggang sa naramdaman ko ang marahan n'yang kamay na hinatak ang katawan ko palabas ng sasakyan. Gusto ko sanang pumalag dahil hindi n'ya ako pwedeng patayin pero nagsalita ito.
"Judith! You have to come with me!"
It's Rivaille?
Basang-basa siya ng ulan at pansin ko ngayong nasa labas na ako ay nababalot ng usok ang paligid. Wala rin ako nakikitang mga tao na pwedeng rumespunde sa amin.
"Te-Teka lang!" Angil ko matapos n'ya ako tangkaing buhatin.
"We don’t have time!"
"Si Drake!" I wailed.
Napatigil siya't tumingin sa 'kin.
"Hindi natin siya pwedeng iwan dito! He and his sister!" Kaya naman kumalas ako sa kapit n'ya at kahit masakit ang katawan ay pinilit ko na hanapin sila sa ilalim.
Bago pa man ako makayuko ay hinawakan na n'ya ako sa braso. Tinignan ko siya ng matalim.
"As long as I want to help them, but Damon is after you. He is just around!" Makikita ang bahagyang inis sa kan'yang ekspresyon.
Damon... he is... still here?
"I’ll leave my men to take care of your husband, for now, let’s move."
At wala na 'kong nagawa nang buhatin n'ya ako at nagmamadaling lumisan sa lugar na 'yun. Habang palayo, hindi ko matanggal ang mata ko sa nakataob at umuusok na sasakyan ni Drake. He's still there, and I'm not sure if he's going to make it alive.
"Please..." iyan nalang ang nasabi ko bago mariing ipikit ang mga mata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top