にじゅうご
Dalawampu’t lima.
| • | • | • |
Kung mayro’n mang mas nakakakilala sa kakayahan nila Damon... ako 'yon. Sure, I don’t underestimate their strength. Lalo na ngayon na alam ko sa sarili ko na hindi ako pwedeng pumatay at bumawi.
How can I? My body's still in pain.
I groaned when he tries to pull my hair a bit higher. Para bang gusto n'ya akong kaladkarin doon.
"Now, stay still, Miss Sasha."
Hindi ko na natiis ang sakit ng buong katawan ko nang tumayo siya at kaladkarin nga ako sa aking buhok. Naglakad siya at doon palang, alam ko na ang gagawin n'ya. At hindi ako makakapayag na matali n'ya ang katawan ko.
Humigpit lalo ang kapit ko sa balisong na hawak ko at walang pagdadalawang isip na sinugatan ang kamay n'yang nakahawak sa buhok ko.
Successfully, he released his grip from my hair, and that's the only chance I have to escape.
Hinihingal akong tumayo at tinapunan siya ng tingin. Napapasigaw siya sa ginawa kong sugat sa kamay n'ya.
Isang malaki at mahabang hiwa na magpapaalala sa kan'ya na nilapastangan n'ya ako— eventhough he doesn’t remember me.
"Fuck y—"
I tilted my head and looked at him with a smirk, "you," I continued his obvious word.
Mabilis ko siyang tinalikuran at tumakbo na palabas ng malaking bahay ni Rivaille. I wonder how he's trying to fight Damon. But it isn't the time to be curious about, I have to rush.
Kahit medyo malapit ko nang marating ang gate ay nararamdaman ko ang paghabol sa akin ng lalaking 'yun. Pero hindi na ako nagpadala pa sa pag-aalala, walang lingon-lingon at patuloy ko lang binibilisan ang takbo ko.
Hoping there's no one around outside this time...
But, I was wrong.
Saglit akong napahinto nang mamataan ko sa gilid ang tatlong lalaking nakaitim katabi ang magarbong sasakyan na malamang, gamit ni Damon. Mukhang nakita nila ako dahil mabilis silang kumilos para habulin ako kaya naman mas dumoble ang bilis ko sa pagtakbo. Napapakagat ako sa labi dahil sa nararamdamang pagod, sakit at bigat ng katawan ko sa mga natamo. Idagdag mo pa na hindi ko maiwasang mag-alala sa kung anong gagawin ko kapag nahuli nila ako ngayon.
Mayo Hospital... Sana lang alam ko pa ang papunta sa lugar na 'yun.
Lumiko ako kung saan-saan, dumaan sa maraming tao, nakaistorbo, nabunggo, pero hindi 'yun nakapagpa-tigil sa akin.
I run as fast as I can, as if my life depends on it.
Nasilayan ko ang isang riles ng railroad train. 'Di kalayuan do'n, may isang asul na building at nakalagay ang salitang, Mayo Med Hospital, na siyang malamang na tinutukoy ni Rivaille.
Mas binilisan ko pa ang takbo, na sa sobrang bilis at pagod ko, bigla akong nadapa sa mismong gitna ng riles.
"Fuck!" I cursed out of desperation. Naging triple ang sakit ng paa ko't mga sugat.
Hanggang sa nakarinig ako ng malakas at nakakabinging busina.
Saglit akong natigil sa kinauupuan ko at napatingin sa ingay na 'yun na nanggagaling sa mismong riles na kinaroroonan ko. I know... the train is coming.
"Fuck! Sasha, move!" Halos magsisi-sigaw na ako pero hindi ko magalaw ang paa ko at kung nagagalaw ko man, sobrang bagal nito.
"Ugh!"
Sinubukan kong gumapang, pero hindi pa ako nakaka-dalawang segundo nang makita ko na mula sa gilid ng mata ko ang ilaw na paparating sa direksyon ko.
Wala na 'kong magawa sa mga oras na 'to. I feel like... this is the real end for me. Kaya naman napatunganga nalang ako habang nanlalaki ang mga mata sa paparating.
I thought Isaac wouldn't let me die...?
Napapikit nalang ako at tinanggap ang maaaring mangyari sa akin. This time, biglang pumasok sa isip ko ang lahat-lahat ng nangyari simula mapunta ako rito hanggang sa puntong ito.
Everything about Drake...
“Mahal na mahal pa rin kita kahit gan‘yan ka kaya... pinapatawad na agad kita.”
I don't know, but it feels like I heard him again saying that to me. Lahat naalala ko, from the moment we met, until the moment of our beyond dispute, until he got me relax by his side, until he said 'I love you,' in a jiff.
Everything... everything he have done to me, it's all in my head.
I'm... sorry, Drake. I wish I could say this to you. I wish you could hear my despair.
Nasa gano'ng posisyon ako nang mapansin kong wala na ang malakas na tunog ng tren. Sa pagtataka ko ay dahan-dahan akong dumilat at bahagya pa akong nagulat sa naabutan.
The train stopped— literally, an inch before my face.
Segundo nalang pala, madudurog na ako.
Pero... anong nangyari?
"Too close, but sorry, I had to interrupt your death scene, Winter Sasha Devlin."
That voice...
"Isaac!"
Nakita ko siya hindi kalayuan sa pwesto ko. With his usual black attire, he tilted his head and looked at me with a grin.
"Hi,"
I didn't expect him to show up. Ito na ba 'yung sinasabi n'yang hindi n'ya ako hahayaang mamatay habang nandito ako? Well, if yes, then I have to thank him.
Sinubukan kong igalaw ang paa ko at nakakagulat na bigla ko nalang itong nagalaw na parang hindi ako na-stuck sa gitna. Pakiramdam ko makakatakbo na muli ako.
Kaya kailangan ko nang magmadali.
Tumayo ako at umalis sa gitna ng riles. Pinasadahan ko pa muna ng tingin ang tren na muntik nang kunin ang buhay ko.
Then I looked at Isaac, "Thanks for saving my life."
Lumabas ang ngiti sa kan'yang labi, "I see, you’ve changed."
"I need to go—" tatalikod na sana ako nang bigla siyang magsalita.
"No can do,"
Nawala ang kaunting galak sa buhay ko dahil sa sinabi n'ya. Why can't I go? Siguro naman alam n'yang hinahabol ako at kailangan ko nang mapuntahan si Drake?
Nakapamulsa siyang humakbang palapit sa akin. Hanggang sa magkaharap na kami.
"I’m glad because I knew your humanity is back. There is something in you that you still didn’t figure out."
I raised my eyebrows in annoyance, "What the hell are you talking about?"
Pero binigyan n'ya lang ako ng isang ngisi. "Because I’m your angel of death. But... sadly, I have to stop you from going," he pointed the blue building that's behind us, "From that hospital."
Lalo akong nagtaka sa kan'ya. Hindi ko tuloy maiwasang ikuyom ang kamao ko. I haven’t change! So don't tell me—
"Now, let’s move."
Nagulat ako nang mahawakan n'ya ako sa siko para marahan na hatakin kaya agad akong napaatras sa kan'ya. Nawalan ng emosyon ang mukha nito.
"What?! What are you saying?! Saan tayo pupunta? Bakit? Anong kailangan mo ngayon?"
Naiinis ako. Kung kailan may kailangan akong gawin, saka maraming humaharang. Hindi ko siya maintindihan...
at ayokong intindihin.
"This is the time, Sasha. I’m taking you back to your real life."
Wh...what?
"It’s hard to explain, but you see, you’ve changed. Compare before? You were too aggressive, too wild to handle. Nakikita ko ang mga ginagawa mo. Hindi mo lang pansin pero malaki ang naitulong nito sa ‘yo. You can’t kill, am I right?" Aniya.
Saglit akong hindi nakapag-salita.
"It’s because you told me not to,"
"Liar."
Nagsalubong ang dalawang kilay ko. "I can kill anyone I please! Hindi ko lang naman ginagawa dahil sinabi mo, ‘di ba? I’m just following your stupid order! Because I don’t want to be here forev—"
Hindi ko alam kung bakit napahinto ako sa sasabihin.
"You’re a liar," he uttered very clearly.
Napalunok nalang ako habang masamang nakatitig sa kan'ya. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng pagdadalawang isip sa sistema ko.
Why, Sasha? What’s the problem?
"See?" Naramdaman ko na namang hinawakan n'ya ako sa braso pero mas hinigpitan na n'ya ito ngayon. "I’m taking you back so shut your mouth for a while."
"No!" I cried in protest.
"This is the time, Sasha!"
Pinilit kong bumitiw, "I said no! I haven’t seen him yet! Ano ba?!"
"You don’t have to see him!"
"Why not?! I’m his wife!"
"You’re just a fake, substitute wife, Sasha! Wake up! You’re not the real Judith!"
I was taken aback, dumbfounded by his words.
What am I doing? He's right...
Para akong inuntog ng malakas sa pader ng paulit-ulit. Para akong sinampal ng katotohanang, "Oo nga naman... sino nga ba ako?"
"And you’re telling me you don’t want to be here forever? You love him, do you? Say your lie again and I’ll definitely let you in death right here, right now." galit na bulalas nito na tila napuno dahil sa akin.
So... that means... I'm... going back now?
Suddenly, a pang in my heart moved me. Gusto kong i-deny. Gusto ko siyang sigawan at sabihing hindi 'yun totoo pero... bakit ko ba kasi niloloko pa ang sarili ko?
Nararamdaman ko 'yung hagod sa loob, e. Para 'tong pinipisil, dahilan para manlambot ang mga tuhod ko.
Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko habang nakatitig sa kan'ya. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko rin alam anong nangyayari sa akin pero isa lang ang sigurado ako...
Nagsi-bagsakan na ang mga luha sa mata ko nang dahil sa katotohanang sinasampal sa akin ni Isaac.
I'm not his real wife... ni hindi ako 'yung tunay n'yang mahal dahil nagpapanggap lang ako sa pangalan ni Judith.
And when I go back in my real life, even if we meet again...
He wouldn't be able to remember even a small amount from me.
He heaved a sighed, trying to calm himself. "Now you felt how to be in someone’s grief— just like the family of the people you assasinate before."
Mariin akong napapikit at dahil do'n, mas nagsi-bagsakan ang mga luha sa pisngi ko. Gusto ko nang umalis, gusto ko siyang makita.
"I... I don’t want to go," naiusal ko na lamang sa mahinang boses.
"You don’t decide your fate,"
"Please..." Dumilat ako at lumuluhang tinignan siya sa mata, "Please, Isaac. Atleast... for a month. Let me stay with him..."
Bahala na. Wala na 'kong maisip na paraan para hindi ako mahatak ni Isaac. Desperada na kung gano'n, pero... I cannot take it now. Not today, not tomorrow, not in this moment.
Siguro nga nagbago na talaga ako. Didn't expect to begged to someone like Isaac. Didn't expect to cry. I didn’t expect all of this before.
But now it's happening...
All because I love Drake.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top