じゅうろく

Labing anim.

| • | • | • |

"Judith,"

Sinara ko ang mata ko at dahan-dahang huminga ng malalim. That girl triggered my deviousness! How dare she...

Naramdaman ko ang pagbitaw niya sa braso ko. Nang idilat ko ang mata ay saktong nakita ko siyang pinupulot ang pera. Kaagad ko 'yong kinunutan ng noo.

"Saan galing ‘tong mga ‘to?" Aniya nang makatayo.

"Drop it," I said.

"Huh?"

"Drop that filthy money."

Tila nagda-dalawang isip siya sa sinabi ko. Binilang niya sa kamay ang pera bago ako muling tignan. "Wait... bakit? Kanino ba galing ‘to?"

May bahid ng iritasyon akong napahawi ng buhok saka muling nilingon ang dinaanan no'ng malditang babae na 'yun. Kapag nakita kita sa totoo kong buhay, lalaslasin ko talaga 'yang leeg mo.

"Kung kanino man ‘to galing, hindi dapat siya nagsasayang ng pera. Ang hirap kayang kumita ng pera ngayon."

Inis kong nilingon si Drake, "Binato sa ‘kin ‘yan ng babaeng ‘yun. She said I looked like a squatter and she throw that off to me to buy some respect. Kapal ng mukha,"

Napakurap siya sa sinabi ko, "H-Huh? Sino ba ‘yun?"

"Malay ko!" Inikot ko ang mata sa inis. "Tapos ka na ba? Uuwi na ‘ko!"

Ramdam na ramdam ko ang inis sa loob ko. No one dares to throw money to my face. Naiinis ako dahil wala akong magawa! Gusto ko siyang sugurin na ayoko. Tsk!

"Teka uy!"

Humabol siya sa 'kin nang magsimula akong maglakad. "Ayan ka na naman. Excited ka palaging umuwi. Para ‘di ka na ma-badtrip, kumain muna tayo sa paborito mong restaurant."

Hindi ako sumagot at nagdire-diretso lang. Paborito kong restaurant?

Tss. Hindi mo 'yon afford, Drake.

"Ano? Tara?"

"Ayoko," mabilis kong sagot.

"A-Ayaw mo na naman?"

"Ayoko,"

Hindi na siya nagsalita at tahimik nalang na sumabay ng lakad sa akin. Samantalang napako at napahinto ako sa paglalakad nang madaanan ang isang resto bar. It's a classy, vintage restaurant bar.

Naalala ko bigla na sa gan'yan kami umiinom ni Damon. Na-miss ko ang lasa ng alak.

Pinilig ko ang ulo ko at napapikit. For sure Damon's enjoying his wealthy life-style and I hate it. I used to have it all.

"Okay ka lang?" I heard him asked.

Umiling ako at blangko siyang tinignan.

Tumaas ang dalawang kilay niya nang hindi ako magsalita. Nakatitig lang siya sa 'kin kaya naman nadagdagan ang irita ko.

"Ano?"

"Let’s drink,"

"Drink...?"

"Gamitin natin ‘yang pera na tinapon ng babae kanina nang magkaro’n ng kwenta. If you don’t want, then I’ll drink alone." Litanya ko.

"Sasamahan kita,"

"Then let’s go."

Nilagpasan ko siya sa paglalakad. Naisip ko na sa labas na kami uminom. Wala din akong balak na sa cheap lang magpunta kaya dinala ko siya sa Casa Street—malapit sa Crescent Town na hindi rin naman kalayuan sa kinaroroonan namin. Doon marami at may iba't-ibang klase ng rastaurant.

Sa buong pananatili ko rito, wala pa 'kong naiinom na matino bukod sa kapeng hinanda niya kaninang umaga. Noon, kahit ano pwede kong bilhin. Mahal man o sobrang mahal. Natural, hindi ako bumibili ng mura. Ayokong magsisi sa huli. Saka nasanay na rin akong gawin 'yun. Pero ngayon, I have to accept even in just a small period of time that I have to hold back my pleasure seeking— because, that's what I'm used to have.

Pati ang kasiyahan kong magpahirap at pumatay ng tao, hindi ko na ngayon pwedeng gawin. Kailangan ko na munang mag-kontrol.

Because for sure, Isaac will definitely give me again his ferocity.

∆ ∆ ∆

Binagsak ko ang baso sa mesa at sumenyas sa bartender na nasa harapan namin, "Isa pa! ‘yung pinaka hardcore!"

I'm a bit tipsy, but I still noticed Drake paused a second and unbelievably stared at me.

"Judith... pangatlo na ‘yan."

"So what?"

He didn't answer. Good for him. Baka mabulyawan ko siya rito nang wala sa oras because for goddamn sake, I'm fucking enjoying.

Mabilis na dumating sa akin ang inorder ko. Namilog pa ang mata ko at namangha sa alak na nasa harapan ko. It's a plain alcohol in a tall shot glass.

"What’s the name of this?" I asked the bartender.

"Spyritus vodka. One of the strongest alcohol for a stronge woman like you," He replied.

I gave him a smirked, "Am I?"

"Sure you are,"

Walang anu-ano'y nilagok ko ang baso na hawak at halos mapamura ako nang tuluyan na 'yong pumasok sa sikmura ko. DAMMIT!

"Te-Teka, Spyritus vodka shouldn’t consume like that!" Sigaw bigla ni Drake.

"S-Sir,"

Napayuko ako at humawak sa tiyan ko. Hindi ko magawang dumilat at umupo ng maayos dahil sa sensasyong dumadaloy sa katawan ko. Sa lalamunan palang, parang gusto ko nang isuka ang ininom at kahit nakapikit, ramdam ko ang paggalaw ng paligid ko. Tangina! Para akong umiikot ng mabilis.

Narinig ko ang pag-ingay ng mga bagay sa paligid ko.

"Gago ka ba?! Bartender ka ba o manyakis ka lang? Hindi mo ba alam na ang gan‘yang alak ay hindi pwedeng inumin ng diretso?! It suppose to prep liqueurs and to spice up desserts!" Rinig ko ang bulalas ni Drake.

What the heck is happening...?

"Hi-Hindi sa gano’n, Sir. We actually serve liquers with no mixes—"

"It has 95% of alcohol! Something like that isn’t for a woman like her!"

"So-Sorry, Sir... sorry."

Bigla ay nasuka ako sa harapan nila dahilan para magulat sila lalo na si Drake na siyang nasukahan ko mismo. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, suka ako ng suka habang ramdam ko ang init at malakas na hagod ng alak sa tiyan ko.

Unti-unti na rin nanlalabo ang mga nasa isip ko... I was thinking if I were this lightweight drinker but... nope. I know I'm not.

Hanggang sa namalayan ko nalang na bitbit na 'ko ni Drake sa mga braso niya. Hindi ko rin masyadong mabuksan ang mata ko dahil pakiramdam ko, kapag ginawa ko 'yun ay tutumba ako kahit na hawak niya ako.

"Hindi ko alam kung anong problema mo pero naiinis ako sa ‘yo, babae." mahinang asik niya.

'Yun ang huling linyang narinig ko bago ako tuluyang makatulog.

∆ ∆ ∆

Nagising ako nang bigla kong maramdaman ang pagbagsak ko sa sahig. Napangiwi ako at napahawak sa pwet ko. Damn, ang aga-aga para masaktan...

When I opened my eyes, I noticed that I'm in somewhere not familiar. Blinking in ponder, I clearly saw the whole room I'm in.

It's like... a hotel room.

"Mabuti naman at gising ka na," A sudden voice approach.

Nakita ko si Drake na nakaputing t-shirt at itim na pajama. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang may hawak na pagkain sa trey.

Dumiretso siya sa higaan at nilapag ang trey doon. "Kumain ka na at nang makauwi na,"

Hinilot ko ang ulo ko. What's with him being sassy?! May kasalanan ba 'ko sa kan'ya? Tss!

Tumayo ako at bahagya pa 'kong na-out of balance pero nagawa ko namang kumapit sa bed side table na katabi ko lang. Geez, my head's rapidly throbbing. Grabeng hangover.

Nang makaupo ako sa higaan ay kinuha ko ang agad ang kape na naro'n. Baka sakaling magising-gising ang diwa ko.

"Judith,"

"Hm?" Ni hindi ko siya magawang lingunin. Focus na focus ako sa mainit kong kape.

I heard him sighed, "Kung may problema ka, sabihin mo nalang sa ‘kin. Hindi ‘yung dinadaan mo sa alak."

Doon ako napatigil.

"Hindi naman kita pinagbabawalan, ‘di ba sinamahan pa nga kita? Pero sana, kung may problema ka, sabihin mo sa ‘kin. Asawa mo ‘ko," Kalmado pero madiin niyang saad.

Ano na naman bang ginawa ko? Ang huli kong naaalala, uminom lang kami.

What a stupid guy...

"Wala naman akong problema, Drake. Ano bang pinagsasabi mo?" I continue drinking.

"Ano ba kasing naisip mo’t nagyaya kang uminom? Tapos ‘yung kinukuha mo pa ay ‘yung mga matatapang na alak. E, hindi mo naman pala kaya."

Binaba ko ang tasa sa trey at kinunutan siya ng noo. "I can drink strong alcohols, but that shit is different. Malay ko bang may gano’n pala? Besides, I used to have fun like that when—" nahinto ako nang ma-realize ang sinasabi.

Shit! Baka mamaya kung ano na naman ang isipin nito.

"When?"

Inalis ko ang paningin sa kan'ya. Tss! Nakaramdam ako ng inis.

"Ano, party goer ka noon, gano’n?"

Party goer ba si Judith? Whew! Malay ko sa asawa mo! Basta ako, oo.

Then a bright idea pops up. "When I was working at the bar... right?"

Hindi pa ako sigurado. Naalala ko lang noong nagkita kami no'ng Rivaille na sinabi niyang doon niya ako nakilala. Tama.

Kumunot ang noo nito, "Waitress ka do’n, hindi party goer."

Hindi na 'ko nakasagot. Damn it. Ano bang problema niya? Por que ba nasukahan ko siya gano'n?

"Paano kung wala ako? E, ‘di nasa kama ka na ng ibang lalaki ngayon. Sobrang wasted mo kagabi, Judith. Sigurado kung wala ako? Maraming magtatangka sa ‘yong tangayin ka at ayoko naman na mangyari sa ‘yo ‘yun." That clearly explains why he was this sassy. "Hindi ka naman din pala-inom dati, ayaw mo sa alak. Pero noong nagyaya ka, gusto ko sanang kontrahin ka pero ayoko namang pigilan ang gusto mo. Hangga‘t kasama mo ‘ko ayos lang. Pero... ‘yung magpaka-lasing ka ng todo? Hindi ko maisip kung bakit."

Of course he'll take care of me, I'm his wife.

But I can't help myself to get annoyed. Feeling ko limitado lahat ng gusto ko.

Muli siyang bumuntong hininga. Kinuha niya ang trey sa kama at nilagay sa maliit na mesa, saka siya bumalik at tumabi sa 'kin. Iniwas ko pa nga ang mukha sa kan'ya.

"Hindi ako galit dahil sinukahan mo ‘ko, o pinahirapan mo ‘ko, o dahil nag-iinom ka ngayon na hindi mo naman ginagawa dati. Gano’n talaga, some people will change." He stated in his calm voice. "Naiinis lang ako dahil uminom ka ng gano’n karami. Pakiramdam ko may problema ka na hindi sinasabi sa ‘kin, e."

Well...

I actually do have... a lot.

Pero dahil kakaiba ang problema na 'yun tungkol kay Damon, hindi ko na sinabi. Sa totoo lang, wala naman akong problema noong nag-inom ako.

Nagulat ako nang bigla niya akong haplusin sa pisngi, bagay na kinainit bigla ng pisngi ko.

"Sige, kumain at mag-ayos ka muna. After that, let’s drink some nice coffee outside."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top