じゅうよん

Labing apat.

| • | • | • |

Nanatili kaming nasa gano'ng posisyon. Nasa harapan ko siya, nakapamewang at nakatalikod sa akin. Habang ako ay nakatitig lang rito at hindi alam ang sasabihin.

Scratch that, I mean I have my reasons if ever we'll go through arguments.

Hindi lang dahil napipilitan akong sundin si Isaac at umakto bilang tunay na asawa ni Drake, pero, kahit na naman naiirita ako sa kan'ya, parang hindi ko naatim na pinagkakaisahan siya sa harapan ng marami.

Drake is a good guy. Sa lahat ba naman ng nagawa at nasabi ko, nandiyan pa rin siya at iniintindi ako.

Kung ibang lalaki 'to, malamang ay iniwan na 'ko. Malamang tumira na rin ako dito habambuhay.

Maya-maya ay nakita ko siyang malakas na bumuntong hininga. Humarap siya sa 'kin habang seryoso pa rin ang ekspresyon.

Do I have to say sorry now?

But... I can't.

"Hindi mo dapat ginawa ‘yon pero... salamat," kalmado n'yang saad.

Nagtaka ako, "Binastos ko ang boss mo tapos salamat? Hindi ba dapat nagagalit ka sa ‘kin dahil ikaw ang pag-iinitan n‘ya?" walang emosyon kong tugon rito.

"Bakit naman ako magagalit sa ‘yo kung pinagtanggol mo lang ako?" Maliit siyang napangiti, "Sa lahat ng pagbabago na nakikita ko sa ‘yo, ito ang pinaka masarap sa pakiramdam dahil nagawa mo ‘kong ipagtanggol. Kaya, salamat."

Umikot ang mata ko, "Ginawa ko ‘yon dahil naiirita ako sa boss mo,"

"Wala naman sa ‘kin ‘yun. Pero no’ng binastos ka na n‘ya, hindi na ako nakapagpigil. Sabihin n‘ya na lahat sa akin, ‘wag ka lang bastusin."

Muling gumuhit sa mukha n'ya ang inis. Marahil naaalala n'ya ang nangyari.

Natawa ako nang maalala 'yun, "You know, if you didn’t interefere, I think I’m gonna punch him really really hard."

Sayang, e ’di sana dumudugo na ang ilong ng isang 'yun.

Bahagya na rin siyang natawa, "Bad girl, but thank you."

Wala akong nasabi nang makita ko ang pinaka sinsero niyang ngiti. Sa buong buhay ko rito na kasama ko siya, ngayon ko lang yata siya nakitang ngumiti ng gan'yan. Sa pagiging maldita ko sa kan'ya, malamang ay hindi n'ya na magagawa pang ngumiti. Pero iba ang ngayon...

Naiwas ko bigla ang paningin ko at nakaramdam ako ng pagkailang.

"Tangina mo naman," mahinang bulalas ko.

"H-Huh?"

"Umuwi na tayo. Tinatamad na ‘ko."

Lalakad na sana ako nang bigla n'ya akong pigilan sa kamay. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil naramdaman ko na naman ang iritasyon sa kan'ya.

"Labas muna tayo. ‘Yung tayo lang talaga,"

Nilingon ko siya at tinaliman ng tingin. "What’s that? A date?"

Natawa siya at binitawan ang kamay ko. "Uyy, gusto ng date."

What the hell?

"As if," tinalikuran ko siya at naglakad na.

Humabol ito sa 'kin sa paglalakad. "Joke lang! Oo mag-date tayo. After what happened, we deserve to unwind."

Kumunot ang noo ko. Bakit kasi nauso pa ang date sa mag-co-couple? Pwede naman kahit 'wag na 'di ba? Ang korni.

Isa pa, anong alam ko do'n? Tss.

"I deserve to go home,"

"You deserve to join with me,"

"You go alone,"

"You’ll come with me,"

Huminto ako at tinignan siya ng naiinis. Nakangiti na naman siya.

"Nang-aasar ka ba?" Sarkastiko kong tanong.

Kasi oo, naasar na ako kanina pa simula no'ng ngumiti siya. Hindi n'ya na dapat pang gawin 'yun, lalo lang akong naaasar.

Nagtaka siya pero nasa kan'ya pa rin ang ngiti na tila walang kaalam-alam. "Bakit mo nasabi ‘yan? Gusto ko lang namang mag-date tayo. Ayaw mo ba?"

"Ayoko," I quickly replied.

He paused for a second. Akala ko nga ay sisimangot siya at ku-kwestiyunin na naman ako pero napaigtad ako nang ipatong niya ang isang kamay sa aking ulo.

He laughed cooly and gently, "Ang cute mo,"

Cute was never my thing to begin with, dude.

He scoot in closer to my ear, "But I still love you that much, Judith."

∆ ∆ ∆

I was eating my favorite fried butter chicken right beside my Mom and Dad in the dining table. Sa t'wing gagawa si Mom nito, tuwang-tuwa ako. Feeling ko ako na ang pinaka ma-swerteng bata kapag nakakain ko 'to. Hindi ko maipaliwanag ang sarap.

"Mm! Sasha, you’re too messy!"

Napatingin ako sa damit ko at nakitang ang dami na palang sauce ng ketchup ang natapon doon. Geez, puti pa man din ang suot kong dress.

Kaagad na pinunasan ni Mom ang damit ko gamit ang tissue. "Anak naman, e."

But I didn't care at all. I still eat.

"Shit!" Napaigtad si Dad at tumayo.

Nagulat pa kami ni Mom nang may biglang tumalon na palaka sa lamesa. Napatili si Mom samantalang kaagad naman 'yun binugaw ni Dad gamit ang nalaglag na sandok ng kanin.

"Darling!" Natatakot na anas ni Mom.

Samantalang hindi ko alam ang magiging reaksyon. Hindi ko magawang matakot o mag-histerical.

Napapaisip lang ako kung paanong may nakapasok na palaka sa bahay namin.

Mabilis ang naging kilos ni Dad, next thing I know, he's now holding a knife. Lalong napatili si Mom nang hulihin ni Dad 'yun gamit ang kutsilyo. He successfully caught the big frog, and stabbed him to death.

Binitawan ni Dad ang kutsilyo nang makita na durog-durog na ang palaka. I clearly saw how the frog try to break free— but it's no use.

"Bwiset! Bakit nagkaroon niyan dito?!" Hinihingal na bulalas niya.

"Oh my god..." Mom was still frighten.

But I became inert— staring at the poor frog's body.

Lumapit sa akin si Mom at umupo sa harapan ko. Kitang-kita ang pag-aalala na may halong takot sa mata niya.

"Sa-Sasha... it’s okay. The frog’s dead."

Doon ko lang napagtanto na lumuluha na pala ako.

"H’wag ka na matakot, anak. Wala na siya. Mag-luluto nalang rin ulit ako ng paborito mong chicken, okay? Stop crying, baby." She wiped my tears and hugged me gently, caressing my long black hair.

Bakit ba 'ko umiiyak?

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Umiiyak ba ako dahil natapon ang pagkain ko? O dahil natatakot ako sa palaka?

But no. That's not the real case.

Nag-simula si Mom at Dad na linisin ang durog na katawan ng palaka kasabay ng mga natapon na pagkain sa mesa. Samantalang hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nakatitig pa rin ako sa mga bahid ng dugo nito sa sahig.

I'm only 10 years old. Ngayon lang din ako nakakita sa personal na palaka. But now I know why I'm crying...

It's because Dad killed the innocent frog.

Nararamdaman ko sa puso ko ang awa dahil sa nangyari. Gusto ko nga sanang lapitan ito, pero alam kong pagagalitan nila ako. They claim that frogs are dirty creatures. Nakakadiri, panget, marumi, nakakatakot.

Pero para sa 'kin, may buhay din sila. Animals are God's creatures. They're all innocent.

Pero bakit... may mga taong nananakit, pumapatay, pinagti-tripan ang mga ito? They are defenseless.

Kaya sa mga oras na 'to... I realized that killing was not good for animals— lalo kung hindi naman ito hayup na kinakain. Idagdag mo pa na hindi magandang may mga krimen ng pagpatay dito sa mundo natin.

Why are we, humans, are so cruel to everything?

I was like that... before.

Until the night my parents got murdered in front of my own eyes.

May mga lalaking nanloob sa bahay namin isang gabi. Lahat sila nakaitim, naka-maskara at may baril na hawak.

The thieves only wants our money, right? But why do they have to raped my Mom in front of me and Dad's very own eyes?

Pinagsamantalahan... hinubaran... binaboy nila si Mom.

Dad couldn't do anything to save her. Because one wrong move, and I'm dead.

Pagkatapos nilang babuyin si Mom, ginilitan nila ito hanggang sa mawalan siya ng hininga. Takot na takot ako na baka ako ang isunod kaya hindi ko magawang bumitaw kay Dad.

Sinubukan pang agawin ni Dad ang baril sa tatlong lalaking 'yun sa takot na baka bigla nalang akong paputukan. Nagbunuan sila hanggang sa may magwagi. Habang ako ay nakaupo sa sahig at iyak ng iyak.

Naagaw ni Dad ang kutsilyo ng isa at nasaksak ito pero hindi doon nagtatapos ang lahat, nahulog ang baril sa lalaki at akmang kukunin 'yun ni Dad nang sipain niya ng malakas si Dad sa mukha at sugurin ng saksak.

Pinagtulungan nila si Dad.

I was stunned. Sobrang takot ko. Sobrang nanghihina ako dahil sa mga nakikita. Pumasok sa isip ko na wala na 'kong kasama, kakampi.

They killed my parents.

Sa kabila no'n, hindi ko na alam ang nangyari sa katawan ko. Next thing I know, hawak ko na ang nalaglag na baril at pinagbabaril sila kung saan-saan. Pikit-mata kong pinutok lahat ng bala at bahala na kung saan 'yun tumama. Habang ginagawa ko 'yun, sigaw ako ng sigaw at pumapasok sa isip ko ang itsura nila Mom at Dad. Nawalan na 'ko ng kontrol.

Pagkaubos ng bala, dumilat ako at nakitang puno na ng dugo ang dating malinis na bahay namin. Limang katawan ang nasa sahig, kabilang na ang katawan ng magulang ko.

Pagbagsak ng baril sa kamay ko ay doon na ako napaluhod at humagulgol ng sobrang lakas.

They... killed my parents.

I... killed them.

Doon ako natuto tumayo sa sariling paa. Wala akong kasangga noon sa lungkot. Pinag-aral pa ako ng kapatid ni Mom hanggang college, pero hindi ko na rin natiis ang pang-aabuso nila.

I lived by my own. Pinanindigan ko ang ginawa ko.

Bash me all you want, curse and hate me. But being resentful to all the criminals makes me want to be a criminal too.

Until I met Damon and the Unfazed Organization.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top