じゅうに
Labing dalawa.
| • | • | • |
"Sasha...?" Bumaling ang katabi ko kay Damon, "Her name's not Sasha, it's Judith."
Naikuyom ko ang kamao ko sa inis at galit na unti-unting tumataas sa ulo ko. I can't believe he found me in that span of time! We just talked, few days ago. Then here he standing right in front of me.
Wala naman akong duda sa kakayahan ni Damon pagdating sa paghahanap ng impormasyon, medyo nakakagulat lang na sobrang bilis n'ya akong nahanap.
Depende nalang kung sinundan n'ya ako noong araw na nag-usap kami.
"Whatever you say, I'll take her."
"No you can't,"
If ever Damon successfully take me, what will I do? Can I escape?
Hindi ako handa sa bungad na ito ni Damon. Napapaisip tuloy kung talaga bang kailangan naming magpatayan. I can't kill right now. Isaac will surely give me again a shitless pain.
Baka 'yun pa ang maging dahilan ng pagtira ko dito habambuhay... and still, Damon is a friend of mine. Sayang naman ang talino n'ya sa pagkakalap ng impormasyon kung mawawala na siya nang dahil sa 'kin.
Umikot ang mata ni Damon nang dahil sa pagkabagot. Namulsa siya at walang emosyong tumitig sa lalaki, "You're wasting my time. For your information, you are out of my interest."
Matunog na ngumisi naman ang isa, "Like I care, I only care about Judith."
"Oh? I'll kill her."
"Just try and you're dead."
"Trying is for weakling like you. Just a little interrogation and she's done." Damon answered in his signature cold voice.
The guy gritted his teeth in vexation, "You call me weak? You, piece of nuts?"
"Because you are,"
Naramdaman ko ang biglang paggalaw ng lalaki na akmang lalapit kay Damon pero mabilis ko siyang napigilan sa jacket n'ya. He looked back so I turned to look at him with eyes that are sharp as knives.
"Don't interefere, dumbass." I muttered.
I don't like the feeling of being defended by some stranger. Isa pa, hindi niya kilala ang kausap niya. Lalo lang akong pag-iinitan ni Damon sa ginagawa niya.
"Yes, tell him to not— a weakling like him should learn to shut their mouth." Rinig kong sabat ni Damon.
Lalo tuloy nagngitngit sa galit ang isa kaya naman hinatak ko siya pa-atras. He's darting a death glare at Damon. Well, I cannot blame him. Damon's counter is truly insulting.
Taas noo kong binalingan si Damon. I feel the sensation of raging in my system. Gayunpaman, sinikap kong kumalma.
Kahit gusto ko na talaga siyang sapakin.
Damn you hard, Damon.
"What's your problem, Water?" I mocked and showed a smirk.
I didn't recieve a response. Maybe because that name hit his ball.
"Everything I told you the last time we talked, was absolutely true. But then now, I realized that it doesn't matter anymore whether you believe it or not. Besides, planning to kill me is pointless. So, I'm not coming with you." I stated.
Alam ko na ang mangyayari kapag nawalay ako dito sa lugar ni Drake. Talk about having a contract with a damn angel of fucking death.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang sakit sa dibdib na ginawa niya sa 'kin. That torture is fucking insane!
"Kill you...?" Anas ng katabi ko. "You're going to take her because you want her to—"
"And you," baling ko sa kan'ya, "keep silent,"
I heard the gentle laugh of Damon. His hands on his tummy and one on his pocket. "I knew you are a tough girl. But hey, are you scaring me?"
"Why? Are you scared?" I replied.
"No. Not even a little,"
Magsasalita pa sana ako nang mahagip ng paningin ko sa likod niya ang mama ni Drake na may dalang basket. Hindi siya nakatingin sa amin pero naalarma ako.
Another sin to Drake if ever she turn her head here!
I bit my lower lip. Isa-isa na namang bumabalik sa utak ko ang mga kundisyon ni Isaac. Diring-diri man ako pero wala akong magagawa.
What I'm planning would probably take me to safety. Of course, he wouldn't announce that he's a criminal in front of others— except from this guy beside me who already knew Damon's intention to me.
Tinaas ko ang isang kamay ko para makuha ko agad ang atensyon niya, "He-Hey! Mother of Drake!" Calling the attention of his mother.
When she turned her head to me, I force myself to smile. How sucks...
"I mean, Mother— mama?"
Ni hindi man lang ako sigurado sa itatawag sa kan'ya. I don't even know her name!
Lumapit ito sa 'min at nagtatakang tinignan ako. "Anong ginagawa mo dito? Akala ko kasama mo si Drake."
"I was supposed to go home,"
Lumakad ako't nilagpasan siya ng kaunti. Binalingan ko si Damon at 'yung lalaki, parehas ko silang nginisian.
Lalo na si Damon.
I'm escaping, Water.
"Nasa bahay siya 'di ba? Dadalaw daw kayo kay Freya kung... gusto mo daw." Paghabol ng mama niya sa 'kin.
Hindi ako sumagot.
"Are you running away from me?" Biglang sabat ni Damon na siyang kinatigil ko.
Damn it.
"You scared?" I heard him smirked, "Running away like a scaredy-cat, huh?"
"Hoy! Don't talk to her like that!"
"I'm not interested on you, brat."
"You wanna piece of me?!"
I heaved a deep sigh. Tangina, Damon. Sana pala hindi ko nalang binanggit ang tungkol sa Unfazed Organization. Nanggigigil ako sa mga tinatawag niya sa 'kin.
My ghad. I can feel my guardian devil telling me to kill this guy right here, right now. But of course, I cannot do that.
Tangina ka talaga, Damon.
"Sino ba 'yang mga 'yan, Judith? Anong kailangan nila sa 'yo?" Tanong ng mama ni Drake sa akin dahil sa pagtataka.
Tinapunan ko lang siya ng tingin bago lingunin ang dalawang naglalaban ng matatalim na titig sa isa't-isa. They looked stupid af. They're both making me livid.
"Oy, Water." He looked at me, "Yes I'm running away now. I'm not interested in both of you so get lost. You can't capture me. If you really want to, then better luck next time— 'cause you lack of skills, too boring to fight with." I ended with an insulting remark.
Kahit ang totoo, wala akong laban sa kan'ya ngayon.
"And you," baling ko sa isang lalaki, "Go home and leave me alone."
"What? I'm trying to defend you." Anas niya.
Tinalikuran ko siya, "I don't like it."
Wala akong narinig mula kay Damon na salita. Maybe he can't fix the right words to warn me in front of this woman I called, mama.
Mabuti na rin 'yun. Kung nagkataon, baka natangay na 'ko ni Damon at mararamdaman ko na naman muli ang sakit sa dibdib ko. Kapag naaalala ko talaga na ginagawa sa 'kin ni Isaac 'yun, hindi ko mapigilang manggigil.
Nagdire-diretso na 'ko pauwi. Habang naglalakad ay hindi mawala-wala ang pagsasalubong ng kilay ko. Naiinis ako! Damon's really getting on my nerve! Hindi ko tuloy alam kung papaano ko ililigtas ang sarili sa susunod na magkita kami. Hindi 'yun malabo dahil kilala ko siya. I might avoid myself from dying, but how can I handle my intense furious the next time we meet? Baka mapatay ko siya— which I don't wanna do even if he's being a stupid brat.
Besides... pag nalaman ito ni Drake, dadagdag na naman ito sa problema ko. Like, how can I explain to him about that?
I can't even say sorry.
It's hard and sucks.
∆ ∆ ∆
Binagsak ko agad ang sarili ko sa upuan nang makauwi sa bahay. I was anxious and devastated because of Damon. Kung hindi ako hinatak ng lalaki kanina, malamang nakuha na 'ko.
Wait, who the hell is that guy again? I can't remember his name.
Nawala ako sa pag-iisip nang lumabas si Drake sa kwarto. He's still wearing his office attire. Mukhang kagagaling lang ng work.
Tinignan niya muna ako bago lagpasan, "Saan ka galing?" bagot niyang tanong.
"Sa tabi-tabi,"
Tumigil siya at tinuklop hanggang siko ang suot na white long sleeves. Pagkatapos niyang gawin 'yun ay tumitig siya sa 'kin ng seryoso.
Hindi ko tuloy maiwasang magtaka sa tingin niya. Ano na naman?
Tila nakikita ko sa kan'ya na may gusto siyang sabihin, pero bigla siyang umiling at napapikit saka ako tinalikuran. "Hindi mo ba dadalawin si Freya?"
Tumaas ang kilay ko, "Why would I?"
Tinignan niya ako pabalik.
"I mean..." I sighed, "Ano namang gagawin ko do’n sa maruming ospital na ‘yun? I still hate her."
Lumapit siya sa 'kin at tumabi. Medyo nagulat pa ako nang mataman niya ako ngayong tignan sa mata na para bang sinusuri ang loob ng pagkatao ko.
Tss. Makikita mo si Satanas sa loob ko, dude.
"Wala kang sasabihin?" Makahulugan niyang tanong.
I looked away like I have no idea, "Wala... I guess,"
Isipin ko palang na magso-sorry ako sa kan'ya, nasusuka na ako. Dito nga kay Drake mismo hindi ko magawang sabihin 'yun, e. Doon pa sa bruha niyang kapatid?
"Wala...?"
Hinawi ko ang buhok ko at humalukipkip. "Wala nga,"
"Sa akin?"
I looked at him, "Ano?"
"Wala kang sasabihin?"
Oh.
Nakipagtitigan ako sa itim at seryoso niyang mata. Nagdadalawang isip kung dapat na ba ako mag-sorry. Pero hindi ko magawa. Pilit na pumapasok sa isip ko na hindi ako gano'ng tao. I don't apologize to someone.
Dahil wala akong mahanap na salita, bumuntong hininga nalang siya at sumandal sa upuan. He closed his eyes and that made me free to scrutinize his soft feature.
Habang ginagawa ko 'yun, nagulat ako sa biglang pag bulalas niya sa mahina at malambot na tono...
"Mahal na mahal pa rin kita kahit gan‘yan ka. Kaya, pinapatawad na agad kita."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top