じゅうなな

Labing pito.

| • | • | • |

The spirytus vodka has it's 95% of alcohol. This is one of the strongest alcohol in the whole world. Alcohol at it strength can be very dangerous if consumed to excess— therefore, this should never be drunk neat.

But... I drunk it neat.

Hindi ko ma-explain 'yung hangover ko. Pakiramdam ko nandito pa sa loob ko 'yung alak at nagwawala. 'Yung sakit ng ulo ko, parang pinpukpok at nakakahilo.

Good thing Drake has his car and managed to take me to the hotel. Sabi n'ya kasi, hindi n'ya ako mauuwi sa bahay nang gano'n dahil baka daw magwala ako sa kalasingan. But that never happen because of the impact of that vodka on my nerves that made me sleep for the entire 15 hours.

Yes, 15 hours.

My forehead suddenly creased when the coffee served on our table. Not because it smells different, but because of the different kind of looks.

Hindi pa 'ko nakakapagtanong nang magsalita na si Drake, "That’s egg coffee. Sounds weird, pero maganda ‘yan para sa kagaya mong may malakas na hangover."

Kung pagmamasdan, para siyang kulay dilaw na bula sa ibabaw. It looks really weird, I swear.

Anyway, I stir and took a sip on it.

"Masarap?" He asked, holding a cup of coffee.

"Well," nilasahan ko pa ito, "How can I say... it’s sweet, slightly bitter and creamy."

He made a small smile, "So, nasarapan ka?"

I nodded. In fairness, dito lang ako nakakatikim ng iba't-ibang kape. Back in my real life, I only drink white coffee.

Sandaling naging tahimik ang pagitan namin ni Drake. Parehas kaming nagka-kape pero hindi nag-uusap. Siya, nagce-cellphone. Ako naman ay pa-sulyap sulyap sa katabi naming transparent glass. Iniisip ko kung paano kaya kung makikita ako ngayon ni Damon? Makakaligtas pa ba 'ko? Kung pagmamasdan ko ang kinaroroonan namin, wala masyadong tao.

Siguradong mas may advantage siya sa ganito. Alam na alam ko na ang gan'yan.

"Sana may umorder ulit..."

Napatingin ako sa kaharap ko nang bumulong siya. Nananatili pa rin ang mata sa cellphone.

"Kaka-order lang kahapon. Saka kung mayro’n agad, makakagawa ka ba ng mabilis?" Tanong ko habang hinahalo ang kape.

"Oo naman. Kailangan natin ng pera, e." Bigla siyang huminto na tila may naalala. "Yung bayad pala sa bahay... malapit na nga pala." Nag-aalala niyang usal.

"Ikaw lang ba talaga ang nagbabayad ng upa niyo? E, anong ginagawa ng mama’t papa mo?"

Dumako ang mata niya sa 'kin. "Love, ‘di ba alam mo namang ayoko na silang pahirapan? Nakikitira na nga lang tayo, e. Pagbabayarin ko pa?"

Tss... e 'di pagtrabahuhin niya si Freya.

Umiling si Drake, "Kukunin ko muna ‘yung ipon natin. Papalitan ko nalang kapag nakahanap na ‘ko ng trabaho."

I sighed. Oo nga pala, he lost his job because of me...

"Ilang taon ka na nga ba ulit sa trabahong ‘yun?" I asked.

"5 years. Kahit papaano naman masaya do’n. Pero... hayaan mo na. Marami pa naman diyan." Nakangiti niyang sabi.

I bet it's not easy to find a new job.

"Gan‘yan ka ba talaga, Drake?"

Pansin ko sa kan'ya na parang okay lang sa kan'ya ang mga nangyayari. Parang wala siyang choice. Unang-una nalang sa pagbabago ng ugali ng asawa niya. I heard Judith is way too far from my attitude, I don't even allow him to sleep beside me, well, depende nalang kung tumabi siya sa 'kin kagabi. I'm rude to his family, especially to his stupid sister. I made so much changes in his life, including his beloved job.

Bigla ko tuloy naalala na nawalan din ako ng trabaho. Unfazed Organization was my happiness. But everything disappeared when I came here.

He chuckled, "Anong ibig mong sabihin?"

"I mean, this is all my fault, right? Iba na ‘ko sa dati. Tama ba?"

Hindi muna siya sumagot at nanatili lang na nakatingin sa akin habang may maliit na ngiti sa labi. Siguro ay napapaisip sa mga sinabi ko.

"Sa ‘yo na nga mismo nanggaling, nagbago na ‘ko. Dati, mahilig akong gumawa ng cupcakes, sinasakyan ko lang ang pang-aasar ng kapatid mo, pinapatabi kita sa kama, hindi ako nag-rereklamo sa buhay. Pero ngayon, iba na ‘ko. Like, I ate all of the words I say before."

I really can't help but to wonder. Guys like him is rare to find. Sa bagay, ang mga nakakasama ko lang namang lalaki ay mga taga-unfazed.

But he's different. He's too different. I know.

Maya-maya ay uminom siya sa kape at sumandal sa kinuupuan. He side his gaze at the window.

"Ano pang silbi ng pagpapakasal ko sa ‘yo kung sa mga simpleng gano’n lang, susukuan ko na? Hindi naman ako gano’ng lalaki, Judith." Tumingin ang seryoso niyang mata sa akin, "I mean what I say,"

Hindi ako nakahanap ng salita para sumagot. I just stared back at him.

"Wala naman sa ‘kin kung hindi mo na ‘ko pinapatabi sa ‘yo sa kama. Nakakapagtaka lang noong una, pero ngayon okay na. Mas okay na ‘yun kaysa malaman kong niloloko mo nalang ako." He continued.

Niloloko...

From the very beginning, I'm already fooling him.

"Kung sa trabaho naman ang iniisip mo, wala sa ‘kin ‘yun. Oo, mahal ko ang trabaho ko. But if someone try to insult you, I’m willing to quit anytime. That’s how much I love you,"

This isn't real. He loves his real wife. It's Judith, not Sasha.

Bigla ay napaiwas ako ng tingin. "Dummy,"

Mahina itong tumawa, "May tanong ako..."

Hindi ako sumagot kaya nagpatuloy siya, "Ayokong tanongin ‘to pero gusto ko lang marinig... mahal mo pa ba ‘ko?"

Nagsalubong ang mga kilay ko nang mapatingin muli sa kan'ya. He's smiling... hoping for a yes.

"A-Anong klaseng tanong ‘yan?" Iritado kong anas.

"Sa mga nangyayari ngayon, hindi mo ‘ko masisisi kung magtatanong ako ng gano’n. Ano, is it the same from before?"

Honestly, hindi ko alam ang sasabihin ko.

What should I answer?

Nakipagtitigan ako sa kan'ya. Pakiramdam ko buhol-buhol ang nasa isip ko ngayon. Bakit ko sasabihing 'no' kung alam kong mahal siya ni Judith?

Pero bakit ko din kailangan sabihin ang 'yes?'

Sino ba 'tong tinatanong niya? Si Judith pa ba... o si Sasha na?

Silly I was. He doesn’t know about my real name.

Napayuko siya at bahagyang natawa, "Ayos lang."

Inubos niya ang kape sa tasa pagkatapos ay ngumiti sa akin. Halatang hindi umabot sa kan'yang mata.

"Tapos ka na diyan? Tara na at nang makauwi. Hinihintay na tayo nila Mama. Wait, cr lang."

Tumayo siya at umalis sa harapan ko. Habang sinundan ko lang 'yun ng tingin... iniisip kung anong katangahan na naman ang nagawa ko. It was not answering his question.

Natulala ako. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong isasagot. Sa mga pumapasok sa isip ko, hindi ko alam kung alin doon ang tama o pagsisinungaling lang. 'Yun ang dahilan kung bakit hindi ko siya nasagot.

At kahit ayoko dahil hindi naman ako ganito... somehow, 1/4 of my feelings, feels guilty.

∆ ∆ ∆

Parehas kaming nagulat ni Drake nang pagpasok namin sa bahay ay naabutan naming nagkakatuwaan sa loob at may mga suot silang birthday hat, may torotot pa nga.

"Nandiyan na pala kayo. Tara na’t kumain!" Paanyaya ng mama niya na siyang unang nakapansin sa 'min.

"Ano pong— ah! Birthday nga pala ni Freya!" Biglang bulalas ni Drake.

Oh, birthday ng maldita...

"Regalo ko?" Nakangiting bungad nito.

Bumuga ako sa hangin at naikot ang mata. Ilang taon na ba 'yang babae na 'yan? Bakit parang children's party ang mayroon?

Tss. What a boring birthday.

Akmang papasok na 'ko ng kwarto nang hawakan ni Drake ang kamay ko. Medyo nagulat ako do'n kaya napalingon ako sa kan'ya para tanongin siya pero hindi siya nakatingin sa akin.

"Nakalimutan kong birthday mo... pero, pera nalang kaya?" Nangingiting aniya.

Sumimangot naman ang bruha. Money as a gift? Kung alam ko lang na birthday niya e 'di sana niregaluhan ko siya ng alaga...

Alagang ahas.

'Yung papatay agad sa kan'ya.

"Sige. Ti-treat ko din kasi mga kaibigan ko!" Bigla'y natuwa siya.

Hinawakan ni Drake ito sa ulo at bahagyang ginulo ang buhok. Kaagad namang sumimangot ulit si Freya.

"Kuyaaa!"

"Dalagang-dalaga ka na, wala munang boyfriend ah?"

"Eeh?" Mukha siyang nagulat.

"Mamaya na ‘yan, Drake at Judith. Tara na dito o mainit pa ‘yung pansit. Masarap ‘to, hindi kayo mag-sisisi sa lasa." Bulalas bigla ng mama nila.

Napatingin ako kay Drake nang pisilin niya ang kamay ko at tanguhan ako. Marahan niya 'kong hinatak papuntang mesa pero bago 'yun, napadaan muna ang mata ko kay Freya.

Tinaasan ko siya ng isang kilay nang makitang nakatingin ito sa akin, pero agad din niyang iniwas 'yun.

Buti naman, 'no.

"Saan kayo galing dalawa? Hindi kayo umuwi ah." Tanong ng papa niya na kumakain ng lumpia.

"Oo nga. Teka," binaba ng mama niya ang hawak na kutsara't tinidor at tinignan kami na parang ino-obserbahan.

Hindi ko tuloy maiwasang maikunot ang noo ko. What's with that look?!

"Magkaka-apo na ba kami?"

Huh?

"Magkaka-apo na tayo?! Buntis ka na, Judith?!" Mabilis at nakakagulat na usal sa akin ng papa niya.

Bahagya akong napaatras. Kitang-kita sa mukha ko ang pagkalito. "W-What? Me?"

"Kaya ba kayo hindi umuwi kagabi dahil... gumawa na kayo ng baby? Ay, ang sayaaa!" Biglang tumili sa tuwa ang dalawa na akala mo ay nanalo ng jackpot prize sa lotto.

Pero lalo akong nalito. Baliw ba talaga 'tong mga magulang ni Drake?

"Excuse me, I’m sorry but you mis—" Drake cut my words with his genuine laugh.

"Ma, Pa... ‘wag nga kayong gan‘yan. Wala pa nga kaming sariling bahay, e. Hindi na muna ulit, ‘yun ang usapan namin ni Judith." Aniya.

Nanahimik bigla ang dalawa. "Pero miss na namin ulit magka-apo. Saka, mahal niyo naman ang isa’t-isa, ‘di ba? Para naman kayong hindi mag-asawa niyan, e." Nanghihinayang na tugon ng mama niya.

Napalunok ako sa mga sinasabi nila. Ano bang iniisip nila? Na hindi kami umuwi para lang gumawa ng baby?

That wouldn't happen. Whew!

Pansin kong hindi agad nakapag-salita si Drake kaya nilingon ko siya. Nakangiti siya pero... halatang pilit nalang ngayon.

Malamang ay naalala niya ang hindi ko nasagot na tanong niya kanina.

"Mama naman... oo mahal na mahal ko ‘to. Mahal mo rin naman ako, ‘di ba?" dumako ang mata niya sa 'kin, pero ni hindi na naman ako nakahanap ng sagot kaya binalik niya ang tingin sa mama niya, "Pero hindi pa ngayon, ma. Pag ano, may bahay na kami."

It's obvious how he looks pinched, showing his smile. They looked disappointed, but shake their heads and just continue the celebration.

Bigla akong tinamaan ng matinding ilang. Ni hindi ko magawang igalaw ang kamay ko.

I hate this... I... really wanna go back.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top