じゅうさん

Labing tatlo.

| • | • | • |

The other day, Freya was dismissed from the hospital and went back home for her full recovery.

Hindi kami nagkikibuan. I'm trying to intimidate her but she's not biting it anymore. Maybe because she already learned a lesson.

Hindi na rin n'ya nagagawang sumabat, titigan ako ng masama o irapan. Para tuloy siyang naging isang maamong tigre. Hangga't maaari ay iniiwasan nalang n'ya ako— which I'm satisfied. Though I didn't even try to apologize yet.

Even on Drake.

"Okay! I’m glad you all came to this dinner meeting. Aware naman kayo kung bakit tayo nandito, ‘di ba? I’m open to any suggestions. Please cooperate onto what topic we should publish on our quarterly bulletin magazine," Saad ng lalaking nasa edad 50's.

Drake insisted me to accompany him with this dinner meeting with his co-workers and of course, the boss himself. Ika n'ya, ayaw daw n'yang maiwan kaming dalawa ni Freya sa bahay. Natatakot siguro na kung ano na naman ang magawa ko sa kapatid n'ya.

Oh please, I don't wanna feel the torture again so I won't do anything.

Mahirap mang magpigil, pero kailangan, kung gusto ko talagang 'wag manirahan dito habambuhay kasama ng sakit na 'yun.

The girl in a red dress raised her right hand, "Sir! How about we go on the topic, 'plastic surgery?' Since a lot of people are doing it?"

Uminom sa tasa ang boss nila, "I guess your suggestion was right to include,"

"Polygamy Legalization, Sir?" Tanong ng lalaking katabi ni Drake.

Tumango ito, "What about it?"

"Polygamy is legal in 58 out of nearly 200 sovereign states that vast majority of them being muslim situated in africa and asia. We could write a more comprehensive explanation on why this Polygamy is legal on those countries."

"Ahh, Interesting."

Others were raising hands and suggesting their own topics to write on their bulletin. I guess, Drake is in the field of news magazine.

Tahimik at walang buhay lang akong nakikinig sa kanila, until Drake started to talk.

"How about, 'Physical punishment in school?' sa ngayon kasi, maraming taliwas dito." He suggested.

Tumango ang boss niya, habang may isang lalaki ang nagsalita, "Physical punishment? That was too low for the topic. Lahat naman tayo nakaranas niyan sa eskwelahan,"

"Pero hindi lahat ay natututo. ‘Yung iba, over protective sa mga bata— dahilan para magreklamo o ‘yung iba, mawalan ng gana pumasok." Sagot ni Drake.

"Masyadong common, Drake." Anas ng babae, "Understood na ‘yun. Kung may reklamo sila sa ginagawang disiplina, e ‘di ‘wag nila papasukin ang anak nila! Magreklamo sila kung gusto nila."

"That’s the point," Tugon nito, "Ikapapahamak naman ng mga teachers kapag gano’n. Isa pa, maraming mga bata ang spoiled brat at feeling entitled ngayon. Hindi ba’t magandang usapin ‘yun para maging malawak ang isipan nila?"

Bumuntong hininga ang boss nila. Natahimik ang lahat at napatingin sa gawi niya, "Suggest another topic, Mr. Miranda."

Nagsitanguhan ang mga kasama niya.

"But Sir isn’t—"

"Next,"

"Sir sandali, lahat ng topic na binigay nila payag kayo. Pero ‘yung sa akin hindi? Hindi ba’t maganda ang suhestiyon na ‘yun?"

"Mr. Miranda, mababaw masyado ang usapin na ‘yun. Nasa magulang ‘yan, e. Nasa teacher din. Iba ang ngayon sa kabataan natin. Marami pa namang mas magandang topic,"

"Ano?" Tila nagbabadya na ang inis sa kan'ya.

"Sa totoo lang, I agree with them. Kapag nakita ng mga tao ‘yun sa magazine natin, lalagpasan ‘yun at hindi papansinin. Is that what you want? It’s a boring and non-sense topic."

Natigil si Drake nang pa-simpleng matawa ang ilan sa kanila na para bang isang joke ang topic na binigay niya. Tipong napahiya siya.

Sumandal ito sa upuan at tumigil magsalita. He bowed and stared at his own plate.

Hindi ko tuloy maiwasang mapakunot noo. May ilan sa kanila na napapailing at napapangisi mismo kay Drake.

"Next topic,"

Pa-bagsak kong binaba ang hawak na kutsara't tinidor dahilan para lahat sila ay mapalingon sa akin sa gulat at pagtataka. I raised my head and turned to their pig-ignorant boss.

"What’s wrong on that topic? In case you’re a real dimwit, corporal punishment in schools has effectively been banned in many parts of the world, but seen as a vital tool to preserve order and respect in other places. It can be an effective way of maintaining discipline in an educational setting, while those who are against it generally view it as an ineffective method of maintaining discipline or unethical." I explained, shocked was written on his face, "Kaysa naman sa 'Plastic surgery,' na mas common. Hello? Bukod sa mas walang kwenta, anong makukuha nila sa usapin na ‘yun? Is that a real deal to talk about? Tss."

Napairap ako sa iritasyon. Wala sana akong pakialam, e. Pero nakikita ko kay Drake na gusto niyang ipagtanggol ang topic na 'yun— and so I saved him.

"Excuse me...?" The girl who suggested it obviously dropped her jaw.

Saglit na natigil ang boss nila, pero agad ding nakabawi. Bahagya itong tumawa na tila napahiya. "Okay... but who are you, lady?"

I smirked, "Oh, sorry. I’m Sash— Judith Miranda. Drake’s wife."

I almost forgot. Geez...

"You’re maybe right on that topic, Mrs. Miranda. But it was too lame to talk and write as an interesting topic. Malay natin, may mai-suggest pa ang asawa mo na mas magandang topic, ‘di ba, Drake?"

Hindi sumagot ang isa.

"Mas maganda? I already explained yet you still didn’t get? Hah!" ‘Yung totoo, naiinis na ako sa kawalan niya ng impormasyon. "That topic is important especially on the parent’s side! Ano, nag-aral ka ba? Looks like you’re raising a spoiled stupid brat kid."

Naramdaman ko ang paghawak at pisil ni Drake sa kamay ko. Tinignan ko siya at sinenyasan niya akong tumigil.

Isa pa 'to, hindi niya ba alam na pinagtatawanan at minamaliit siya ng mga kasama niya? From the way they looked at him, It's obvious.

"Anong sabi mo sa ‘kin?" Seryoso at malalim na tanong ng boss nila.

"You’re the one who’s lame. Your reasons are lame. Sa mga binanggit ko, ni hindi mo nga ma-depensahan ng maayos. Tapos naghahanap ka pa ng mas maganda? Not on me, boy."

Mukhang na-sobrahan yata ako sa pang-iinsulto dahilan para mapatayo siya at duruin ako, "Get out!"

Tumayo ako at pinantayan siya ng tingin. Akala niya ba matatakot niya 'ko?

"Why? Feeling hurt?" Lalo akong napangisi, "Nahalata ko pa sa ‘yo, may pagka-bias ka at hindi ko alam kung bakit. All their suggestions were included, but my husband’s idea was too lame for you to include? Hoy, sa totoo lang, walang ka-kwenta kwenta ‘yung suggestions ng iba. Baka ‘yun pa ang ika-bagsak niyo."

"Judith, tama na."

Rinig kong pagpigil sa akin ni Drake.

"Anong alam mo?" Galit na bulalas ng boss, "Unang-una, hindi kita kilala kaya wala akong pakialam sa mga sinasabi mo. Pinagtatanggol mo lang ‘yan dahil asawa mo si Drake. That’s all! But you know," tinignan ako nito mula ulo pababa, "His lucky to have a woman like you. A smart, beautiful, sexy and most of all... fuckable as hell."

Fuckable... huh?

'Yun ang naging senyales ng pagtayo ni Drake sa kan'yang upuan at seryosong nilapat ang mga mata sa kan'yang boss.

"You’re saying too much, Sir."

"Me?" Saka ito humalakhak ng nakakainsulto. "Baka ‘yang asawa mo? Kung ‘di ba naman pakilamera ‘yang babae na ‘yan! Pasalamat siya’t pinuri ko pa siya."

"Pasala—" Drake cut my words.

"So I should be thankful because you told her she’s fuckable as hell?" Malalim nitong anas.

Ngumisi ang isa, "Yes, she’s fuckable, like a whore."

Doon ako hindi nakapag-timpi, pero mukhang mas nawalan ng timpi ang kasama ko dahilan para bigla niyang hablutin sa kwelyo ang kan'yang sariling boss.

Nagulat ang lahat sa aksyon na 'yon ni Drake— maging ako.

"Ulitin mo ‘yung sinabi mo,"

Napatayo ang iba dahil sa nag-uumpisang tensyon kay Drake at sinusubukang pigilan ito. Samantalang, nanlalaki ang mata ng boss nila't hindi na nagawa pang magsalita.

"D-Drake, boss natin ‘yan."

Ilang segundo pa ang lumipas nang itulak niya ito at bitawan. Sobrang seryoso ng postura ni Drake. Ibang-iba sa kaninang wala laban.

Doon nakahinga ng maluwag ang boss nila at naiilang na inayos ang kan'yang kwelyo. "Lu-Lumabas kayong dalawa,"

"Mawalang galang na, Sir. Pero insultuhin mo na ang lahat sa akin, ‘wag lang ang asawa ko. Hindi kita mapag-bibigyan sa bagay na ‘yon." He retorted in his serious dominant voice.

After that, namalayan ko nalang na hawak-hawak na 'ko ni Drake sa kamay at palabas na kami ng building.

Hindi ko alam pero bigla akong natahimik. Sa hindi ko malamang kadahilanan, bigla akong nawalan ng salita sa kan'ya. Gusto kong hatakin pabalik ang kamay ko dahil ayoko ng hinahatak ako, pero hindi ko magawang kumontra ngayon.

Maybe because he's too dark and serious at this moment?

Huminto kami malayo sa building na pinanggalingan. Binitawan niya ako at mula sa likuran niya, nakita ko siyang napahawi sa kan'yang buhok dala ng nangyari.

Dahil wala akong masabi, tahimik lang akong nakatitig sa likod niya.

Hanggang sa bigla siyang nagmura.

Geez, mukhang may bago na naman akong kasalanan...

Aaminin ko, naawa ako sa kan'ya kanina. He's doing his best to explain his side yet they're considering it non-sense. Ano ba naman 'yung pag-aralan 'yun 'di ba? The idea was good enough as a topic.

Parang nawala ako sa pag-iisip. Drake was always too good to me even if I have this bad attitude. He's calm and soft, kahit na ang daming kong nagagawang kasalanan sa kan'ya. Even if I don't do my job as a wife, he still trust me, he still care, he still believe.

Though I don't know what to do, in return with his and his parents kindness towards me, I defended him to his boss.

Kahit na alam kong hindi dapat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top