じゅうきゅう
Labing siyam.
| • | • | • |
"Si-Sigurado ka ba na ikaw na ang mag-go-grocery? Pero alam mo ba kung anong mga bibilhin mo? Isang libo lang ang budget natin para sa grocery."
I rolled my eyes as I left her in a fit of pique. Dire-diretso ako palabas ng pinto. Paano ba naman kasi, kanina pa siya hindi makapaniwala na nag-volunteer akong mag grocery. Like, is that a big deal?
"Ho-Hoy! Judith!" Paghabol sa 'kin ng mama ni Drake.
I sighed and turned my head to look at her, "I said, I know what to do. Hindi ako bata kagaya ng anak niyo."
Halata namang natigil siya, "Si Drake?"
Again, I can't help but to rolled my eyes. "Freya,"
Speaking of the devil—
Oh wait, I'm the devil here.
Lumabas si Freya sa pintuan ng kwarto nila. Katulad kahapon, hindi pa rin maipinta ang mukha nito. Naka-long sleeve siya para matakpan nga naman ang mga sugat at pasa sa katawan pero napakunot noo din ako dahil hindi ko na maaninag ang mga pasa niya sa mukha at labi.
"Anak... kumain ka na ba? May itlog na pula pa diyan-"
"Salamat nalang po," mahinang usal nito.
Sinundan ko siya ng tingin nang lumagpas ito sa harapan ko. Tumigil siya at saglit na hindi nagsalita.
"Aalis ka, Freya? Saan ang punta mo't maaga pa. Wala ka naman ding pasok ngayon." Usisa pa ng mama nito.
Tumigilid ito ng tingin ngunit nanatiling nakayuko. "S-Sa kaibigan ko lang po. Sandali lang ako, ma."
Tumaas ang isang kilay ko nang sa akin naman siya bumaling. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng tingin na pinupukol niya, pero masasabi kong hindi siya mukhang galit.
Natural. Ma-malditahan n'ya pa ba ako? Subukan n'ya...
"Freya bakit... ang lungkot mo?" Hindi nakapagpigil na bulalas ng mama niya. Akma pa itong lalapit kay Freya nang umabante ang isa.
Tss. Pahalata rin, e.
"Freya... bakit?"
Halatang nagulat si Freya sa naging reaksyon niya sa nanay niya kaya napailing ito at agad na humingi ng sorry. Siguro ay iniiwas niyang mahawakan ng mama niya ang mga pasa niya. Kapag dumaing siya, yari siya.
"Si-Sige ma, babalik ako agad." Nakayukong paalam niya pero bago siya umalis ay nagsalita na muna ako.
Bahagya kong hinawi ang bangs ko pa-gilid, "You know, Freya girl, never forget that you are someone's reason to smile..." tinignan niya ako at bahagya pa siyang napaamang. Nginisian ko 'to, "Because you are a joke." I ended.
"Gotta go," I raised and wave my hand as a goodbye and finally leave.
∆ ∆ ∆
Of course, aside from killing, I also do groceries to buy some essentials, healthy snacks and whatever that goes to my mind.
Wala namang sinabi kung saan ako mag-go-grocery, kaya naman mas pinili kong sa Costco Wholesale pumunta since doon talaga ako bumibili ng mga kinakailangan— though that store has a quite expensive stuffs, still, it has a lot of good essentials, non-essentials, pre-packaged dry foods and everything else that you need.
Badtrip nga lang, isang libo lang ang budget.
Mabuti nalang talaga at sumakto ako sa weekend sale ng store kaya nakakuha ako Palm Cornbeef, 2 for 495 pesos.
Not bad I guess?
Paborito ko 'tong canned beef na 'to since it's so tasty. Hindi na sila magsisisi sa lasa.
Kasalukuyan akong namimili ng masarap na tinapay nang biglang may pamilyar na boses ang nakapagpa-kunot ng noo ko.
"Woah,"
I sighed before looking at him.
"Is that an earthquake? Or did you just rock my world?" He uttered as he playfully grinned at me.
What an annoying guy...
Tumawa siya nang hindi ako magsalita. Inayos n'ya ang suot na puting jacket at sinandal ang siko sa katabing shelf, "I wasn't expecting to see you here... Glad I caught you,"
Pinanliitan ko ito ng mata, "Who are you again?"
He paused and chuckled, "What a good punch. I'm Riv—"
I turned back as I stepped forward, "Whatever," cutting his words.
I remember him, he's Rivaille. The one who's setting the fire on Damon last time.
As expected, humabol siya sa 'kin. "Wait!" Sumabay ito sa lakad ko, pansin ko pang tinitignan niya ako mula sa gilid, "Wow, what a generous wife... you're buying what? Anything in specific?"
Huminto ako sa isang shelf at tumingin ng mga kape.
"Oo nga pala, ginugulo ka pa ba no'ng lalaking 'yun? Pikon na pikon ako do'n, e. Subukan n'ya talagang kidnapin ka at yari siya sa 'kin." Pagmamayabang niya, "Alam na ba ni Drake 'yan? Oh, I'm sure Drake doesn't have a ball to even save you from that crazy man. Mabuti na rin siguro na 'wag mong sabihin sa asawa mo, wala naman 'yun magagawa, e. That's why I'm here to keep you safe—"
Hindi na n'ya naituloy ang sasabihin nang huminto ako at tignan siya ng matalim.
This guy is crossing the line...
"Why?" He's gawking at me.
"You..." I thrilled, "Shut the fuck up." Looking at him with a straight face.
Bukod sa masyado siyang madaldal, hindi ko pa nagugustuhan ang sinasabi niya. Baka iyon pa ang ikasira ng buhay niya.
"Fi-Fine..."
Tinalikuran ko siya at basta nalang kinuha ang isang malaking pakete ng kape. Mabilis ko na ring kinuha ang iba pang kailangan makaalis lang agad at pakiramdam ko, naiirita na ako lalo pa't nasa iisang lugar lang kami ni Rivaille.
Sino ba 'to sa buhay ni Judith? Masyadong papansin.
Laking problema ko lang nang nasa counter na 'ko. Sa sobrang inis ko kanina, nakalimutan kong isang libo nga lang pala ang dala kong pera.
Badtrip talaga!
"Pwede ko bang tanggalin nalang 'yung iba? You know, I only got one thousand pesos here, unless you want it cover up for me?" Sabi ko sa kahera na halatang nabigla sa sinabi ko.
"Ma-Ma'am, hindi po namin pwede gawin 'yon..."
"Then, allow me to remove this items." Tinanggal ko sa paper bag ang malaking oatmeal at gatas na kinuha ko kanina.
"Pero ma'am hindi na po pwedeng i-void 'to. Pag na-punch na, hindi na pwedeng tanggalin."
Umayos ako ng tayo at tinaasan siya ng isang kilay. "I-void mo o i-charge mo sa sarili mo, miss. I only have one thousand here."
"Ma'am pasensya na pero hindi po talaga pwede,"
Tsk!
"Look," I scoot closer over the counter, "You're wasting my time here. Do something to—"
"That's enough, ladies."
Nahinto ako nang may umentradang lalaki. Sino pa ba? E 'di si Rivaille.
Naglabas siya nang dalawang libo sa wallet niya at nilapag sa counter. "Sorry about that, I got her." Rivaille gloated.
Napangiwi ako sa kan'ya samantalang nginisian niya lang ako.
Pagkatapos na pagkatapos n'yang mabayaran ang pinamili ko ay agad ko nang kinuha ang mga paper bag at nagmadaling umalis. Binilisan ko talaga sa paglalakad hanggang sa makalabas ako ng store. Pero tignan mo nga naman, mukhang mamalasin talaga ako. Madilim ang langit at nagbabadya ang ulan.
Great.
Naramdaman ko agad ang pagsunod niya sa 'kin.
"Teka lang! Nakakainis naman 'to, e! Niligtas na nga kita do'n, iniwan mo pa ako! Hey, do you even know how to say thank you? Sesh..."
Humugot ako ng malalim na hininga. "Thank you," labas sa ilong kong sabi.
Okay. Atleast I know how to say thank you. Hindi nga lang sincere. Saka, fine, I'll consider that for taking care of my bills. Atleast nasa akin pa rin ang isang libo.
"Woah! Hahaha! Hindi 'yon pilit ah!" Humalakhak siya.
So noisy.
"C'mon, need a ride?" He offered.
Tatanggihan ko palang sana ang alok niya pero biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nag-takbuhan ang mga tao sa labas papuntang store para sumilong dahilan para dumami kami agad dito.
"It's raining cats and dogs, you have that two paper bags, don't tell me you're still going to commute? Masasayang 'yan."
Nangumbinsi pa talaga...
Tinignan ko siya mula sa gilid ko. Ayan na naman ang ngisi niya. "Bakit ka ba gan'yan sa 'kin? What do you really want, asshole?"
Una ko siyang na-meet sa isang milktea shop, kung saan siya pala 'yung hinihintay naming buyer ni Drake. Doon palang hindi ko na alam kung anong klaseng motibo ang gusto n'ya. Though I'm pretty sure that this guy was once a friend of Judith— base on his description.
Sandali siyang natahimik habang nasa akin pa rin ang tingin at ang signature smirk niya. "What if... you're the one that I want?"
Huh?
From his signature smirk, his face turned serious, then looked away, putting his both hands in his pocket.
"Alright. Just stay still and I'll get my car."
Pagkaalis niya ay hindi ko maiwasang magtaka. Anong sinasabi niya?
That guy is sure 100% insane.
∆ ∆ ∆
The wind is so strong that the heavy rain ends up horizontally, not vertically. The sound of the rain is like harmonic thrumming, nature's white noise. Bigla-bigla ang buhos ng ulan ngayon.
Hinayaan ko nalang rin na ihatid ako ni Rivaille sa bahay. Kahit hindi ko alam ang rason, sigurado ako na kapag nakita ito ni Drake ay magagalit 'yun.
But, I think somehow he would consider this as valid, right?
Kung kanina ay naging seryoso siya, ngayon nama'y parang winakli niya nalang 'yun at bumalik sa dati. He's telling me a story about his group, ewan. Hindi ko maintindihan. Hindi ako interesado, e.
Nang may mahagip ang mata ko sa isang banda ng kalsada...
"Stop the car!" Mabilis na utos ko habang hinahabol ng tingin ang nasa labas.
"What?"
"Stop the car!" Pag-uulit ko na agad naman niyang ginawa.
"Anong problema, Judith?"
Hindi ko siya pinansin. Mula sa malayo, nakatingin lang ako sa kanila. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko maalis ang tingin ko. Hindi ako makapaniwala at hindi ko 'to naisip...
Then I remembered the first time I met Damon...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top