さん

Tatlo

| • | • | • |

There's a noise around me, I know. Talking people, crying babies... I also felt hot.

Hindi na 'ko magugulat kung nasa impyerno na ang isang tulad ko. Huli kong naaalala, nabangga ang sasakyan ko ng ten-wheeler truck. Wala akong nagawa do'n kaya naman kinailangan kong mamatay.

Sino ba naman ang mabubuhay pa kung mahuhulog ka sa mataas na bangin?

Minulat ko ang mga mata ko at unang bumungad sa akin ang puting kisame. Hindi ko napigilang mapakunot-noo, is this the hell? Bakit ang rumi ng kisame? Puti pa man din.

Tumulo ang pawis ko sa noo kaya naman kumurap-kurap pa 'ko para maging malinaw na iyon sa paningin ko. I can now hear clearly the commotion... mostly the crying babies and the screams of people.

Tatayo na sana 'ko sa matigas na kinahihigaan ko nang biglang may hangin akong naramdaman sa gilid ko. Nang lingunin ko iyon ay nakita ko ang isang babae...

may hawak na pamaypay at pinapaypayan ako.

What the fuck?

"Hindi ko talaga maisip kung bakit ako pa ‘yung nagbabantay sa ‘yo. Alam mo, sayang oras ko sa ‘yo, e. Close ba tayo? Whew," umiirap-irap pa n'yang bulalas.

Dahil sa pagtataka ay pinilit kong tumayo. Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito at agad akong kinontra.

"Ho-Hoy! Bakit ka bumabangon?! Hindi ka pa okay!" Aniya.

Blangko ko siyang tinitigan. She's wearing a plain red shirt and a black maong pants with a flat doll shoes. Her hair is short and her skin is fair. From shock, she's now looking at me with her fury eyes like I did something bad.

She rolled her eyes again, "Humiga ka. Kapag nakita ka ni kuya, pagagalitan ako no’n."

Tumingin ako sa damit ko. I'm wearing a white hospital dress.

So, buhay pa 'ko at may nagsagip sa 'kin mula sa bingit ng kamatayan? Wow, I'm feeling lucky, huh? I should thank and give half of my million that person.

"Who saved me?" I asked in a flat tone.

"E ‘di si kuya! Ang tigas kasi ng ulo mo, marunong naman lumangoy ‘yung tuta pero tumalon ka pa rin sa ilog." Humalukipkip ito, "Masyado kang paranoid, e."

Hindi ko alam pero mahina akong natawa sa sinabi n'ya.

Huminto siya at tinaasan ako ng isang kilay, "A-Anong nakakatawa do’n? Kahit kailan para ka talagang ewan."

"I jumped out of river to save a dog?" I asked, sumeryoso ang tingin ko rito, "Are you fucking with me, bitch?"

She was taken aback, she looked at me from top to bottom, "Tinawag mo ‘kong bitch?"

Ako naman ang napairap. "Who the fuck is your kuya? I need to talk to him. Don’t worry, I’m going to repay him for saving me— but not in the fucking river to save a dog,"

Pinunasan ko ang pawis na tumulo ulit sa noo ko. I scanned the room only to realized that I am not in a private room. Open green curtains, other's looking at us, nurses looks ruffled, public electricfan, filthy floors, stinky smell.

Is this a hospital? It doesn't look like a decent hospital.

Sana dumiretso nalang ako sa impyerno.

"Naguguluhan ako sa ‘yo," tumayo ang babae at namewang sa harapan ko. "Si kuya na ang nagsabi na tumalon ka ng ilog para iligtas ang aso. Saka, bakit ka ba nag-e-english? Hindi ka naman englishera."

Damn this girl...

Tinanggal ko ang puting kumot sa katawan ko at tumayo ng tuluyan sa higaan. Kahit walang suot na tsinelas ay hindi ko na inartehan. I need to get out of here. I'm going to call Damon.

"Hoy saan ka pupunta?!"

Hindi ko siya pinansin at hinanap ang labas. Gusto kong mahilo sa sikip, init at dami ng taong nandito pero wala nang oras para tumigil. I can't believed I end up here, it's not hospital, who the hell call this hospital?!

My forehead creased as I saw how at odd's waiting for me. I leave the filthy hospital, right? Bakit parang mas lumala ang dumi at gulo sa labas?

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit. Naguguluhan na 'ko. Nasaan ako? Bakit ako nasa maruming lugar? Bakit dito ako dinala?

If I remember correctly, the way to Casa West Avenue is a way to a long road highway. Casa West Avenue is not a squatter's area, I also remembered the details told me by Alpha that Casa West Avenue is like a town ship...

So what the hell's this?

If someone's going to save me from that cliff, we would probably end up in a high-end or even in a private hospital near Casa West Avenue.

Nagulat ako nang may bumangga mula sa likuran ko kaya naman napa-abante ako ng galaw. Nagsalubong agad ang kilay ko kaya naman hinarap ko siya para pagsabihan pero mabilis nang nakatakbo ang lalaki sa harapan ko na tila nagmamadali.

"Wallet ko! Magnanakaw ang lalaking ‘yon! Tulong!"

Hindi kalayuan ay nagsisi-sigaw na ang isang matandang babae. Maraming nakatingin at dinadaluyan siya habang ang iba'y sinubukang habulin ang lalaki.

I gazed at the thief's direction. I'm going to remember this place and I'll fucking rip you off, burglar.

For now, I have to really leave.

Nagsimula akong maglakad palayo sa lugar pero napahinto ako at bahagyang nagulat nang may humatak sa kamay ko. Kinabahan ako ng kaunti dahil sa higpit ng kapit n'ya sa pulsuhan ko.

"What the heck?!" Bulalas ko.

The guy's looking at me intently. Medyo matangkad siya kaya kinailangan kong tumingala.

"Alam mo bang hindi ka pa magaling? Bakit ka lumabas ng ospital at nagawang takasan si Freya?" Seryosong litanya nito.

Tumigil ako hindi dahil sa gulat na baka siya ang kuya na sinasabi ng babae, kung 'di dahil sa mga nangyayari.

I pulled out my arm from his grip, "Thanks for saving me but I'm leaving,"

"Saan ka naman pupunta?" He can't help but to asked in ponder, "Saka bakit ka gan’yan sa ‘kin? Galit ka ba?"

"Babayaran nalang kita,"

Tumalikod ako at iiwanan na sana siya pero muli na naman niya 'kong pinigilan sa kamay. Kaagad ko 'yong binawi.

Damn this guy... ang ayoko sa lahat, 'yung hinahawakan ako basta-basta.

"Hindi kita ma-gets, anong babayaran pinagsasabi mo, love? May ipon ka ba?" Tanong niya na lalo kong kinainis.

Love... huh?

My eyes twitched in fury, "You don’t know me, you, asshole."

Nagulat siya, "A-Ako? Asshole?"

Bigla ko siyang hinablot sa kwelyo at bahagyang nilapit sa 'kin, halata ang mas lalong gulat na ekspresyon niya. "Anong lugar 'to at saan ang pabalik ng Crescent Town? Sagot!"

Tinaas n'ya ang magkabilang kamay n'ya sa takot. "Te-Teka lang... bitawan mo muna ako, love—"

Marahas ko siyang tinulak, "Don’t you dare call me 'love', it’s making me sick."

"Bakit? A-Ayaw mo nang tawagin kitang gano—"

I cut him, "Saan ang pabalik ng Crescent Town?" I don't have much time, tangina.

"Sige... sasamahan kita pumunta do’n. Ano bang gagawin mo do’n?"

"I’ll go alone so spill the direction,"

Hindi agad siya nakapagsalita kaya tinitigan ko siya ng masama. Nakikita ko sa mukha n'ya ang pagtataka at mga katanungan. Parang dapat ako 'yung nagtataka ah.

"What?"

Kumurap-kurap siya at tila bumalik sa wisyo, "A-Ah, sumakay ka ng jeep diyan tapos baba ka ng main street. Pagkatapos, sumakay ka ng bus na may karatulang nevada, mga isa’t-kalahating oras ang biyahe. Tapos pagbaba mo, sakay ka naman ng train, baba ka lang ng briston avenue tapos mag-taxi ka kasi panghigh-end ang lugar na ‘yun, ayun na ‘yon."

What the actual fuck... so, that means I am indeed far away from my town.

This sucks.

"Pero kung papayagan mong samahan kita, hindi mo na kailangan mag-commute. May kotse ako," alok n'ya.

Huminga ako ng malalim at nag-isip. Actually, I don't know this guy. What if he's a kidnapper? I have no weapons to hold right now. Also, I am wearing a cheap hospital dress.

My eyes gave him a gawp, "Do you have a phone? Give me your phone."

Kinapa n'ya ang bulsa ng pants n'ya at nilabas doon ang isang touch screen na cellphone. Inabot niya ito sa 'kin, "Sino namang tatawagan mo?" Pakikialam niya.

I quickly grabbed the phone. Tch, a cloudfone brand? Doesn’t know there's a brand like this.

Nevertheless, I dialed the phone number of Damon. Good thing I knew about his number in case of emergency.

I sighed and turned around. Nakatitig kasi sa 'kin 'yung lalaking 'to. It's giving me creeps.

Napangiti ako sa loob ko nang mag-ring ang kabilang linya. Hindi na 'ko makapaghintay na sagutin ni Damon ang phone.

"Hello, Damon’s speaking."

Finally!

"Damon! It’s me, Sasha. I need your help. Can you please track this place using this mobile number and send me a help? I don’t know—"

"Huh?"

He sounded confused.

"I said I need a hel—"

"You got a wrong number. Why whould I help a stranger like you? You also know my name, what are you?"

Malamig at may halong pagtatakang tanong nito sa 'kin. But I was more shock.

"You... don’t know me?"

"You’re wasting my time, I’ll hung up."

"Wait, Damon—"

But he really hungs up, leaving me dumbfounded.

I was stunned for a moment, thinking what the hell's up to. How come that my long time buddy, didn't know about me?

Am I dreaming?

If yes, wake me up, my demons!

"O-Okay ka lang ba?" Biglang tanong ng lalaki sa likod ko.

"Okay ka lang ba?" What a stupid question.

"Love— ibig kong sabihin, Judith, sino ba ‘yong tinawagan mo?"

Dahan-dahan nag-salubong ang kilay ko kaya naman hinarap ko siya. Mukha siyang nagsisi na nagtanong pa sa 'kin, pero mukhang mas dapat siyang magsisi sa tinawag niya sa 'kin.

"What did you say...?" Mahinang asik ko rito.

"A-Ano?"

"Why are you calling me names, asshole?"

Napapahiya itong tumawa at napakamot sa ulo. Samantalang mas kinaiinis ko ang malaking pagtataka na nararamdaman ko.

"Judith ang pangalan mo. Love naman ang tawagan natin." Tinaas niya ang kaliwang kamay at pinakita sa 'kin ang suot na silver ring, "Kasal tayo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top