Lima.

| • | • | • |

Isaac, the angel of fucking death left me with no choice. I'm not even sure how long I'm gonna spend my second life here in Carmona Terminal. And I don't even know why I'm doing this.

To be a good girl and avoids to end up in hell?

Ang daming tao na mas deserving sa akin. Why not them instead of me? Handa naman akong mamatay at mapunta sa impyerno, sunugin ang kaluluwa doon, o kaya maging kasapi ni Satanas. I don't mind.

Because I'm happy eliminating people in a brutal way with my own hands.

Ayoko ng dumi. Diring-diri ako sa marurumi. But blood is an excemption.

Hindi ko napigilang sumigaw sa inis nang mawala na si Isaac sa paningin ko. Nagpa-padyak pa 'ko sa lupa at halos matanggal ko na ang buhok sa anit dahil sa sabunot ko. Hindi ko alam kung kailan at paano ako babalik dahil sa mga sinabi niya. I swear, I fucking swear to hell that I will choke him to death the next time he leave me with no good choice!

Bigla kong naisip, paano na kaya ang top mission na pinahawak sa 'kin? Now that Damon didn't remember about me...

Is he the new assign?

"Lo— Judith!"

Lumingon ako sa lalaking lakad-takbo ang ginagawa palapit sa akin. Siya 'yung lalaki kanina sa ospital.

'Yung asawa ko daw... whew.

Humawak siya sa dalawang tuhod nang makalapit sa akin at nag-habol ng hininga. Matapos no'n ay tumayo siya at kinunutan ako ng noo.

"Nandito ka lang pala. Ano bang nangyayari sa 'yo?" Naguguluhang tanong nito.

"Ba't mo ako sinundan?"

Lumunok ito bago napangiti, "Bakit hindi? Baka kung ano pang mangyari sa 'yo sa daan. Ayokong mapahamak ka."

Korni.

"Maayos na ba lagay mo? Anong nararamdaman mo? Bumalik na tayo sa ospital para mapatignan pa kita."

Huminga ako ng malalim. Me? Going back to that filthy hospital?

"H'wag mo nga akong gan'yanin. Bakit ako babalik do'n kung hindi naman ako nalunod sa punyetang ilog na sinasabi mo?" Mataray na anas ko. "Isa pa, bakit doon mo 'ko dinala? That filthy hospital is getting on my nerves,"

Hindi siya nakapag-salita kaya naman tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Halatang hindi n'ya alam ang sasabihin.

Maayos naman ang itsura niya. He's wearing a white long sleeve polo na tinupi hanggang siko, nakaitim na relo, black slacks and formal shoes. Naka-brush up din ang itim na buhok n'ya.

Mukha namang matino.

"Ju-Judith... ano bang pinagsasabi mo? Kanina ka pa." Aniya sa nalilitong ekspresyon.

"Hindi ako si Ju—" I stopped as I remembered the deal I had with that Isaac. Kailangan ko nga palang maging artista for the show.

I heaved a deep sigh and even it makes me want to throw up, I smiled.

"What I meant is... 'wag mo na akong tawaging Judith. 'Di ba tinawag mo akong love? Then, call me love instead of that cheap name."

Ilang segundo pa bago n'ya mapagtanto ang sinabi ko. Natawa siya at napakamot sa batok. "Ta-Tama ka naman. Mag-asawa tayo, e. Gano'n naman talaga tawagan natin."

My smile turned into a devishly grin. Nasa ganitong sitwasyon palang ako pero nandidiri na 'ko sa pinapakita't sinasabi ko.

I'm not like this. I don't like this. I'll never like this.

"Umuwi na tayo kung wala ka na talagang nararamdaman sa katawan mo. Tara,"

Napaiwas ako nang tangkain niya akong akbayan. Nagtaka agad ang itsura niya sa 'kin.

Was putting his arm around my shoulder a require thing? Ew.

"Ta-Tara na, love."

Mukhang napansin n'ya 'yun kaya naman pilit siyang ngumiti at nauna nang maglakad sa akin. Napairap ako. Ang hirap kayang magpanggap lalo't hindi ako ganito. Sa dinami-rami ng pwedeng maging buhay, bakit may asawa pa?

Pwede naman aso nalang. O kaya sana ginawa nalang akong serial killer.

Oh, but I'm a killer, do I?

∆ ∆ ∆

I can't help but to curse and at the same time, piqued by his imprudent driving... or maybe, because of this stupid vile road.

Sino ba namang hindi maiinis? Bulok na nga 'yung kotse na sinasakyan namin, lubak-lubak pa ang daan pauwi sa bahay niya. Ang ending, kailangan mong mauntog sa maliit na bubong ng sasakyan n'ya.

Ugh!

"Ano ba 'yan!"

"So-Sorry! Alam mo namang lubak-lubak daan dito sa atin, e."

Hindi ko napigilang tignan siya ng matalim. Sa atin...? Was that mean that his house was near this fucking road?

"Bakit...?" Pabalik-balik ang tingin nito sa akin at sa daan. "Saka, bakit parang hindi ka sanay? Araw-araw naman tayo dumadaan dito, e."

I licked my lower lip as I'm starting to burst from irritation. Shitness overload!

"Bakit ba dito ka tumira?! Don't you have choices? Do you have a proper well job? You decided to have a wife yet—" Natigil ako nang bigla na naman akong mauntog sa bubong niya. Napapikit ako sa sakit nang tuktukan ko. "Damn it,"

"Malapit naman na tayo, love. Pa-Pasensya ka na." Rinig kong anas niya.

Kung talagang may nag-uusok lang ang ilong sa inis, malamang sobrang labo na ng mga bintana dito sa kotse niya. Hindi nalang ako sumagot at salubong ang kilay na tumitig nalang sa labas ng bintana.

Napansin ko pa ang maliit na crack sa gilid no'n. Tss! How irresponsible man.

Minutes have passed and yes, we're now at our destination. Nauna siyang bumaba at bababa na rin sana ako nang nagmamadali siyang lumapit sa pinto ko at buksan 'yun para sa akin.

Hindi ko napigilang maikot ang mata ko. Ginagawa lang 'yun ng mga body guard na pinapasamahan sa akin ni boss.

Pagbaba ko ay bahagya akong napangisi sa nakita. Isang kulay pula na may halong puting kulay ng bahay. I can see that there's a second floor from the outside, a mini garden, and atleast there's a silver small gate for his grotty car.

Nagsimula akong maglakad papunta doon dahil baka muli na naman niya akong pagbuksan ng gate— which I find really corny.

I was about to open the gate when he called me with his sickly-sweet endearment.

"Love,"

I gave him a blank expression.

He jerked his thumb pointing on his back, "Bakit ka diyan lumalakad? Ito ‘yung bahay natin."

Huh?

Sa tapat lang ng bahay na lalapitan ko sana ay isang maliit na kulay puting bahay. And when I say small, it's really freaking small! Iisang bintana, isang pintuan, and the fucking walls looks really disgusting! What's this thing called? 'Yung pader na hindi straight? Kulubot 'yung itsura.

Mahirap akong paiyakin pero ngayon, parang gusto kong humagulgol sa titirhan ko.

The guy gave me a gaze with his questionable look. Napansin n'yang hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.

"Love?"

I pinched my lips together, close my eyes tightly and push myself to calm down.

Man... can I really take this for a long time?

I heaved a deep sigh and tell myself that it is not forever... it is not going to be for a lifetime, Isaac will soon show up and give me a better choices. I better choose either hell or my real life-style.

Dumilat ako at tinignan siya ng blangko. His vacant expression is filled with wonder. I cannot blame him.

"Let’s get inside and show me my room," seryosong sambit ko nalang.

"Show your room?" Tanong niya, "It’s our room, love." He mumbled.

"Whatever,"

Pagpasok namin sa loob ay bahagya akong nagulat na may dalawa pang tao na nakaupo sa kahoy na upuan. 'Yung babae, nagtatahi. 'Yung lalaki, nagbabasa ng dyaryo.

His parents, probably.

"O, Judith. Kamusta? Ngayon na pala ang uwi mo. Bakit naman gan’yan ang damit mo? Hindi ka man lang dinalhan ni Drake ng gamit." Bulalas agad ng matandang babae.

"Saka nasa’n si Freya? Hindi ba’t kasama niyo ang batang ‘yun?" Tanong naman ng lalaki.

"Sabi ko umuwi nalang siya. May dinaanan pa kasi kami ni Judith," sagot niya at bahagya pang napatingin sa akin.

I rolled my eyes. Akala ko ba nagpakasal na 'tong lalaki na 'to? Bakit nandito ang parents niya?

"Sige po, kwarto muna kami."

Marahan niya akong hinatak sa kamay at kahit gusto kong magprotesta, pinigilan ko nalang ang sarili at sabay na kaming pumasok sa maliit na kwarto. Ano pa nga bang aasahan ko, 'di ba?

Binawi ko agad ang kamay ko nang maisarado na n'ya ang pintuan. Tinignan ko siya ng matalim.

"Ano?" Natatawang aniya.

"Don’t you ever pull me again," I said.

He frowned, "Huh?"

"I don’t like being pulled especially when someone has guts to hold my hand. Don’t you dare hold my hand again, idiot."

Natameme siya sa sinabi ko kaya naman nilibot ko nalang ang paningin. Apat na sulok ng kwarto, single bed, standing fan, walang bintana, walang cr sa loob.

Tss.

"Saan nakalagay dito ang damit ng asawa mo?" I asked. Nararamdaman ko na kasi na nangangati na ang katawan ko sa suot ko.

"Asawa ko?"

"I mean, my clothes, idiot." I growled.

"A-Ah, ayan,"

Turo niya sa kulay pink na cabinet. What a lame color.

Nilapitan ko 'yun at binuksan. Bumungad sa akin ang mga plain na t-shirts. Binuksan ko lahat ng drawers at naghanap ng mas magandang damit. To my dismay, it's all nasty.

Inis na napakamot ako sa kilay ko. Kahit isang magandang damit, wala! Ano ba namang klaseng babae ang pinakasalan nito? Puro pang tiangge ang tela at disenyo.

So I'm gonna wear this ugly clothes, huh?

What a hopeless life.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top