にじゅう
Dalawampu.
| • | • | • |
From the moment I saw her bruises, I knew that she was beaten badly, and I don't care about that.
But now, seeing her thrashing by these bullies... I couldn't help but to think and stop for a moment. Why...? Is it because of her impertinence?
Well, kung 'yun nga, hindi na ako dapat pang magtaka.
"Judith?"
Bumuga ako sa hangin bago tignan si Rivaille. Halata ang pagtataka sa kan'ya. "Turn the car over there," utos ko.
Saglit na dumako ang mata niya sa bintanang nasa likod ko. "Why?"
"You won't?"
He blinked, "Sungit," he mumbled before turning the car on the side.
Malakas pa rin ang ulan. Pero kahit gano'n, tuloy pa rin ang dalawang lalaki sa pambu-bugbog kay Freya sa hindi ko malamang kadahilanan. Siguro nga dahil bastos talaga siya.
What a weak little girl...
Saktong tumapat ang sasakyan ni Rivaille sa kanila. Naging mas malinaw na ang ginagawa nila sa paningin ko. They were too busy. The guy on a red jacket walloped the back of Freya's head with a thin and long stick. While the other one with a black t-shirt pulled her hair up, their mouth is moving like they're uttering curses on her.
"What the fuck?!" Rivaille exclaimed in shock.
Binaba ko ang bintana at sinitsitan sila, dahilan para magsi-tigil sila't lumingon sa 'min. Napabitaw pa ang isa sa buhok ni Freya na wala nang ginawa kung 'di ang umiyak- lalo nang makita ako.
"Hey boy, what are you doing to that bitch?" I asked, keeping my coolness.
"Do you know her?" Rivaille asked.
Hindi ko siya pinansin. "Bakit n'yo siya binubugbog?"
"A-Ate..." Umiiyak na sambit ni Freya dahilan para maikot ko ang mata ko. Puro dugo ang mukha at damit niya, sobrang gulo pa ng buhok.
Oh, geez... now she's calling me 'ate'.
"Ha-Habol kasi ng habol sa 'kin, e! Sinabi nang hindi ko siya gusto... na-nagawa niya pang siraan ako sa mga kaibigan ko! Hindi ko siya mapapatawad!" Usal ng lalaking naka-itim.
If that was true, ayoko mang sabihin pero buti nga sa kan'ya.
"Pero babae siya!" Bulalas ng katabi ko.
"E, ayoko nga sa kan'ya, e! Mapilit! Saka, hindi naman kami hahantong dito kung hindi n'ya ako sinundan. Pinipilit n'ya akong maging kami, e!"
Oh... desperate move?
"Hindi 'yan totoo!" Buong lakas na sigaw ni Freya habang nakaupo sa sahig. "Gusto nila akong halayin! 'Yun 'yong totoo... kaya ako sumunod dito dahil sabi n'ya mag-uusap lang kami! Pe-Pero gusto nila akong halayin!" Humagulgol siya matapos ang huling linya.
"Si-Sinungaling!"
Nagulat ako nang bigla n'yang sipain sa mukha si Freya dahilan para mapahiga ito at itakip ang mga kamay sa mukha.
"This isn't right, Judith." Mahina at seryosong usal ni Rivaille.
Akmang bubuksan na n'ya ang pinto sa tabi n'ya nang hawakan ko siya sa jacket n'ya. "What? Baka makatakas pa 'yang mga 'yan!"
"You, shut up."
Nagsalubong ang kilay n'ya, "W-What?!"
Imbes na sagutin pa siya ay ako ang bumaba ng sasakyan. Tuluyan akong nabasa dala ng ulan pero hindi ko na 'yon pinagtuunan ng pansin. Naisip ko, if they continue beating her up, for sure it would be a big problem to her brother.
Marami nang iniisip si Drake, ayoko nang dagdagan pa 'yon ni Freya.
Pare-parehas silang napatingin sa 'kin, napansin ko pa ngang napaatras ang dalawa sa presensya ko. Nasa mukha nila ang badyang pagtakas, pero syempre, hindi ko 'yon hahayaan.
"You know, guys, I don't give a fuck if you want to beat her to death." Tumigil ako sa paglalakad. "But she's my husband's sister, and I don't want him to suffer more on her mess just because she's an ill-mannered bitch."
Hindi sila kaagad nakapag-salita kaya naman nagsalita ulit ako. "Do you understand me?"
"Tch! Narinig mo 'yon, Freya? Wala ka talagang kwentang babae." Bulalas ng isa sa kanila dahilan para mapayuko nalang ito at umiyak.
"Sobrang landi pa,"
Napangisi ako sa kanila. Gusto ko sana silang suportahan, e. Pero si Drake ang iniisip ko. Masyado na siyang maraming iniisip at ayoko na 'yun dagdagan pa ng babaeng 'to nang dahil lang sa kapalpakan n'yang lumandi.
What a nuisance...
Gano'n pa man, para maging patas, taliwas pa rin ako sa ginagawa nila kay Freya.
Someway, somehow, they should learn a lesson.
"Alright that's enough," I cut in and walk towards to the boy who looks more in charge of this trouble.
Walang anu-ano'y hinatak ko siya sa kan'yang kwelyo at tinulak sa harapan ni Freya. Napaluhod ito at halatang naguluhan sa akin.
"Sid!"
"Shut up," baling ko sa kasama n'ya bago lingunin ang nakaluhod na lalaki. "Now say sorry,"
Namilog ang mata niya sa 'kin. Mukhang hindi n'ya akalain na ipapagawa ko 'yun sa kabila ng pang-i-insulto ko kay Freya.
"A-Ano? Bakit ako pa?"
"Tignan mo siya, hindi ba't mukha na siyang zombie sa itsura n'ya? Maraming sugat, pasa, dugo... and it's your fault."
"Kahit pa! Siya naman ang nauna, e! Mapilit siya!"
"Kung hindi mo 'ko susundin..."
Dahil katabi ko lang ang isang lalaking kasama n'ya, hinablot ko ito sa kamay at pinaikot papunta sa harapan ko. Ngumawa siya ng malakas dahil na rin sa pwersadong pihit ko sa braso nito. Ngayon ay naka nakatalikod ito sa harapan ko habang hawak ko ang braso n'ya, umaangil at nagmamakaawang bitawan ko siya.
"Arthur! Tangina..." bulalas no'ng lalaking nakaluhod.
"Pipilayin ko 'to sa magkabilang braso n'ya. Kapag nag-matigas ka pa, 'yang leeg mo na ang isusunod ko. Choose wisely," I said in a smug expression.
Wala nang nagsalita matapos no'n. Mga malalakas na pagpatak nalang ng ulan at mga nagdadaang sasakyan ang maririnig sa paligid namin. Tila nahihirapan siyang pumili sa sinasabi kong gawin niya.
Well, hindi ko siya masisisi. Saying sorry right after you beat someone is definitely hard. Especially if that someone is a perfect feature of the word, audacity.
But of course, this is his lecture.
Ilang sandali lang ay hinarap n'ya si Freya. Makikitang labag sa loob n'ya ang anumang pinapagawa ko. Nakakuyom pa ang kamao nito. "Hindi ako nag-sisisi na pinagtulungan ka namin dito, Freya. Pero dahil sa kan'ya," tinapunan ako nito ng tingin at binalik din sa kan'ya, "Magso-sorry ako. Kaya, sorry."
Bumuntong hininga ako kasabay ng pag-ikot ng mata ko. "Damn, I'm not satisfied."
"A-Ano?" Bulalas niya bigla.
"I'm not satisfied." Pagdidiin ko pa.
His forehead creased in annoyance, "Ano ba? Nag-sorry na 'ko!"
"Ahhh! Ta-Tama na!" Sigaw ng lalaking hawak ko ngayon nang lalo ko pang pilipitin ang braso niya.
"Atleast be sincere," I coldly replied.
"S-Sid! Mag-sorry ka na..."
I can't help but to smirked. Nakakatuwa siyang panuorin habang hindi malaman kung ano bang gagawin.
Sa huli, wala siyang choice kung 'di ang humarap muli kay Freya.
"So-Sorry! Sorry dahil pinagtulungan ka namin ni Arthur. So-Sorry talaga."
"More," I commented.
"Pa-Patawarin mo 'ko! Sumagot ka. Sabi ko sorry..."
"More, baby boy."
Inis n'ya akong nilingon at talaga namang salubong na salubong na ang kilay n'ya. "Niloloko mo nalang ba ako?!"
Bilang sagot, lalo kong diniinan ang pihit ko sa brasong hawak ko.
"Ahhh! Ma-Masakit! Sobra na! P-Please..." Mangiyak-ngiyak n'yang angil.
"Put some emotion. Just like him," pagtukoy ko sa lalaking umaangil sa harapan ko.
Nakipagtitigan pa siya sa 'kin. Pero ano bang akala n'ya? Magpapatinag ako? He don't know what I really can do. I can do more than this.
Maya-maya ay muli siyang bumaling kay Freya. Mariin siyang napapikit. "Patawad... patawarin mo kami. Pasenya ka na, sorry talaga. Sorry dahil... hindi kita kayang gustuhin, e. Hindi kita gusto, Freya. Kaya ko nagawa 'to sa 'yo dahil... gusto kong layuan mo na 'ko dahil may iba akong gusto... at hindi ikaw 'yun. Sorry..."
Hindi ko malaman kung umiiyak siya o ano. Pero nakikita ko na ngayon sa mukha n'ya ang emosyong gusto ko makita.
"Wala akong pakialam kung isumbong mo 'ko kanino man pagkatapos nito. Hindi ako tatakbo dahil alam ko 'yung ginawa ko. Pero sana..." dumilat ito at nagtama ang pangingin nila, "Sana maintindihan mo na ngayon na hindi... hinding-hindi kita kayang gustuhin. Sorry, Freya."
Napatakip ng bibig si Freya dahil sa mga narinig. Oh great. I just want to see him drive up the wall but it turns into drama.
"Sid..." mahinang sambit ni Freya.
Tinulak ko ang lalaking hawak ko doon sa lalaking 'Sid' ang pangalan. Kaagad n'ya itong tinulungan dahil sa patuloy na pagdaing ng isa.
"Boys, you don't need to beat up a girl just because you want her out of your way. Instead, tell her properly. Your actions speaks up for violence against woman. Do you wanna go to jail?" Walang emosyon kong bulalas ko sa kanila.
Parehas naman silang umiling.
"Then, this should be a lesson for you. 'Wag kang masyadong kampante, baka isang araw, makatapat ka ng sisira sa 'yo. Or you want me that one to destroy you? I'm willing."
Umiling-iling ito habang napayuko nalang. "Hi-Hindi... sorry."
Napangisi ako. "Good boy. Now move your asses and get lost. Kapag nabalitaan ko ito ulit, hahanapin ko kayong dalawa, tandaan n'yo 'yan."
Mabilis silang gumalaw at patakbong lumayo mula sa kinaroroonan namin. Mukha silang mga takot na ipis, napaka daling tapakan. Kung wala lang akong kundisyon kay Isaac, hindi ko na kailangan pang magsayang ng laway.
You know what I mean...
"A-Ate..."
Napatingin ako kay Freya. Sobrang dungis n'ya at maraming sugat. Siguradong magagalit si Drake kapag nakita niya ito.
"Get in the car," utos ko saka naunang maglakad papunta ro'n.
"Wow..." kumento agad ni Rivaille nang makapasok ako sa passenger seat.
"Let's give her a ride. You don't mind, do you?" Sambit ko sa kan'ya.
Tumango ito, "Oo naman."
Lumingon ako kay Freya na buong lakas pinipilit ang sarili na tumayo. Sira-sira pati ang kan'yang damit dala ng pambubugbog. Sa paningin ko, para na siyang lantang gulay na anumang oras, pwedeng bumagsak diyan at himatayin.
Hanggang sa nakita ko si Rivaille na dinaluyan na siya para alalayan.
Tinanggal ko ang paningin sa kanila at sumandal nalang sa upuan. Bumuntong hininga ako at pumikit.
Hindi ko maiwasang isipin ang magiging reaksyon ni Drake dahil dito.
Nakakainis.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top