Chapter 17

"Mystyyy!!! Wake up! Wake up! Nananaginip ka lang okay? Wala na siya Mysty! Wala na!" Sigaw sa akin ni Rachelle. Napatingin ako sa paligid ko. Andito parin kame sa bahay nila...

"Hindi yan totoo!!! Buhay pa siya! Kausap ko lang siya kanina... Masayang masaya kame Chelle..." Hindi ko mapigilang mapaiyak.

Pero parang totoo lahat ng nangyari kanina. Tinext niya ko ehh... Tapos nagkausap pa kame diba? Masayang masaya nga kame kase success ang operasyon niya! Asan na siya? Nananaginip nga lang ba talaga ko?

Nagulat ako ng may biglang tumawag. At no. Ni Four yun! Nananaginip parin ba ko? Napatingin ako kay Rachelle, medyo nagulat din siya... Kaya alam kung hindi na ko nananaginip.

"Oh! Tingnan mo... Tumatawag nga siya ohh..." Sabi ko pa kay Rachelle.

Pagsagot ko sa tawag boses babae agad ang bumungad sakin.

[Mysty... Si Tita Emely mo ito... Mama ni Four, kasalukuyan na kaming bumibiyahe papunta diyan, malapit narin kame. salubungin mo kame sa bahay. Ako na ang tumawag sayo kase nagpapahinga pa si Four.]

Aniya niya. Natuwa naman ako sa binalita ni Tita Emely, makakapagsimula na kaming muli!

"sige po Tita.. " Sabi ko. Sabay putol nung tawag.

"Anung sabi?" Sabi agad ni Rachelle, alam kung pati siya eh na e-excite.

"Papunta na daw sila Tita at Four dito sa kanila!" Excited na sabi ko.

"Success daw ba ang operasyon?" Tanong niya na nagpalungkot sa akin. "Oh, ba't ka malungkot?" Hinawakan niya ko sa braso.

"Walang kasiguraduhan kung success ba ang operasyon... Pero!!" Pag cheer up ko sa sarili ko. "Sinabi ni Tita Emely, na kasama niya na si Four, kasalukuyan lamang itong nagpapahinga sa biyahe kaya si Tita ang tumawag na lang sakin upang ibalita." Napangiti naman si Rachelle, sa sinabi ko.

"Ano pang ginagawa mo diyan Girl? Let's go na! Sigurado akung andun na sila kanina pa..." Napatayo ako bigla sa sinabi niya kaya nahilo ako bigla oo nga pala... Naka inom ako ng onti.

"Samahan mo muna ako sa bahay Chelle, kukunin ko yung ginawa kung card para sa kanya."

Naalala ko na naman yung kanina. Akala ko totoo ng nabasa niya. Hindi pa pala. Tss... Nag ha-hallucinate nga lang talaga ko siguro kanina.

Pagdating namin sa bahay agad kung kinuha ang card tsaka umalis na...

Habang palapit ng palapit kame sa bahay nila Four, palakas naman ng palakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero nakakadama ko ng kaba! Naramdaman ko lang na piniga ni Rachelle ang kamay ko. Sigurado akung nararamdaman niya ang kabang kanina pa namumuo sa akin.

Nung nasa tapat na kame ng bahay nila... Nagulat ako kase ang daming tao! Sigurado akung natutuwa ang mga kamag anak niya kase success ang operasyon ni Four! Kaso bakit parang ang dami namang ilaw??

Napasinghap si Rachelle sa tabi ko habang nakahawak na ang mga kamay niya sa bibig niya. Hindi ko maintindihan ano bang nangyayare??

"Mysty..." Nagulat ako ng biglang yakapin ako ni Rachelle, habang humahagulgol na siya sa iyak.

"Rachelle... Okay ka lang? Ano bang problema mo?" Andito parin kame sa labas ng gate nila Four.

"Mysty sorry!!! W-wala na si F-four..." Huh??!!! Napabitaw agad ako sa yakap niya. At tiningnan siya ng masama.

"Hindi totoo ang sinasabi mo Rachelle, sabi sakin kanina ni Tita na kasama niya daw papunta si Four dito!!" Sigaw ko sa kaniya.

"Kung hindi totoo ang sinasabi ko Mysty... Ano ibig sabihin nito??" Tinuro niya yung mga liwanag at nagkukumpulang mga tao sa loob ng bahay nila Four.

Napailing ako sabay takbo papunta sa loob ng bahay nila Four, dahil hindi ko malalaman ang totoo kung andito lang ako sa labas ng bahay nila. Naramdaman kung sumunod sa likod ko si Rachelle, papasok sa loob ng bahay...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top