Chapter 13
A/N: Parehas lang po ng music sa chapter 12 :)
Andito na kame ngayun sa bahay nila Four. Medyo lasing narin siya dahil uminom siya ng konti kase narinig kung sabi ng mga magulang niya na wag daw siyang uminom ng marami. Bakit naman kaya? Ibibigay ko na sana yung ginawa kung card sa kaniya kaso nung hinahanap ko sa bag wala. Naiwanan ko siguro! Haayst.
"Alam mo ba kung bakit ganun yung reaction ko ng makita ko si Leroy?" Kinabahan naman ako bigla. Paano kung alam niya? "Kase nakalaro ko na yun sa basketball... At natalo namen sila nun. Minsan pa nga natalo narin namin yun sa computer game eh." Seryoso niyang pagsasalita. At super nakokonsensya na talaga ko.
"Four, kame ni Leroy." Nagulat ako sa nasabi ko. Iniisip ko na sana may pang-bura ng alaala ngayun dahil sa nasabi ko. Bigla akung nataranta! Dahil hindi pa naman kame official break pero may iba na agad ako? Ayokong ganun ang isipin niya!
"Anung sabi mo?" Gulat niyang tanong. "Alam mo bang hindi nasagi sa isip ko yan... Kase ayokong masira ang relasyon natin. Meron pa ngang may nakapagsabe sakin nun. Kaso ayoko maniwala kase baka isa siya sa naninira ng relasyon natin. Pero ngayun mismo ng nangaling sayo ang katotohanan." Halos mangiyak-ngiyak niyang sabi... Nalulungkot ako sobra kase nalaman na niya! Kaya napaiyak na talaga ko.
Hindi na ako muling nakapagsalita nun. Tumayo siya at kinuha na niya ang susi ng kaniyang motor. Hinabol ko siya palabas habang tinitingnan ang motor niyang paalis na.. Wala na! Wala na talaga si Four!!
Wala na kung nagawa kundi umuwi na lang din.
Nagkulong lang ako sa kwarto magdamag. At wala akung ginawa kundi ang umiyak ng umiyak...
"Mysty... Myst..." Tawag sakin ni Mama mula sa labas ng pinto ko. Alam niya na rin kase ang nanyari. Halos lahat! Dahil itinuturing ko siyang matalik at totoong kaibigan... "May bisita ka sa baba." Nagtaka naman ako bigla. Inisip kung baka si Rachelle lang oh hindi kaya si Leroy kaya sinabi ko kay inay na papasukin na lang sa kwarto ko. Dahil ayoko pang lumabas... Na ganto ang sitwasyon ko.
"Mysty..." Paglingon ko sa tumawag ng pangalan ko... Nakita ko si Kuya Ricky na kapatid ni Four. Napaupo naman ako ng maayos. Bakit siya nandito?
"Wala akung alam kung anung nangyayari sa inyo ni Four, pero nahihirapan at nasasaktan kase kame sa itsura niya ngayun... Nakakulong lang siya sa kwarto niya at hindi pa kumakaen. Mas lalo lang hindi nakakatulong ito sa kanyang kala---" Bigla na lang niyang hindi naituloy yung sasabihin niya.
"Ano po ang rason kung bakit kayo nandito? Diretsuhin mo na ako Kuya Ricky." Walang emosyon kung sabi. Oo naaawa ako kay Four, pero parehas lang naman kaming nasasaktan dito diba?
"Please Mysty, alam kung despite of everything eh makikinig parin siya saiyo. Tulungan mo siya please... Kausapin mo lang siya?"
Pagmamakaawa ng Kuya niya. Naiyak na naman ako... Ang tanong. Makikinig nga ba talaga siya?
Mahal na mahal ko siya sobra, kaya hindi narin ako nag-dalawang isip na puntahan siya. Hindi ko alam kung makikinig ba siya sa akin. Pero hindi ko malalaman ang kasagutan kung hindi ko susubukan. Diba?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top