Kabanata 5
Hi! Kabanata 9 of No One Else was already posted in both Patreon and Facebook VIP group! You can download the Patreon app now and avail the 7-days free trial membership! And to join VIP, kindly message me directly on my Facebook account Rej Martinez. Thank you for your support!
Kabanata 5
Happy
Pero sumunod din na nagpunta sa Negros sina Diane at Douglas nang sunod din nilang mabalitaan ang tuluyan na ngang pagkapanaw ni Senyora Isabella. Kaya nandoon din sila sa lamay at libing nito bilang pagrespeto.
Diane also cried during her grandmother's wake. Habang may namumugtong mga mata rin si Belle dulot ng pag-iyak din niya sa pagkawala ng kanilang lola.
While Sam was also there but Belle just didn't notice him because she was busy mourning for the death of her grandmother. Habang siya lang naman ang pinagtutuunan din ng atensyon ni Sam. Nakaramdam na rin siya ng pag-aalala para kay Belle dahil napuna rin niyang hindi ito kumakain nang maayos simula nang dumating ito rito sa Hacienda. At mukhang hindi rin ito nakakatulog nang maayos dahil napupuyat din ito sa pag-aasikaso nila ng lamay.
"Someone from here will come with us back to Tarlac." sabi ni Douglas sa pamilya niya.
At dahil bago pa man nawala ang matandang Senyora ay hinabilin na nito si Sam sa kaniyang son in law bilang pakiusap na kupkopin ang ulila nang bata. Dahil simula nang mamatay din sa pagkakasakit ang kaniyang inang si Ellen ay kinupkop na lang din ito ng matanda at pinag-aral.
Nag-utos si Douglas na ipatawag ito. At nang dumating si Sam ay pinakilala niya na ito sa nakababatang kapatid at kay Diane at Isabelle. "This is Samuel. Hinabilin siya sa akin ng Lola ninyo na pag-aralin ko rin siya sa Maynila at gusto niya ring pumasok sa military." Bahagyang ngumiti si Douglas sa ngayon ay seventeen nang si Sam at kakatapos lang din nito sa Senior High School.
Habang si Belle naman ay may natitira pang isang taon sa Grade 12 sa susunod pa na pasukan. Mag-summer break pa lang din kasi sila sa eskwela. While Diane's in her 6th grade. She's eleven while Belle's currently sixteen.
Nauna ring ngumiti ang mabait na si Margaret kay Sam. "Hello, Sam. Nagtapos ka na rin ba ng high school?"
Tumango naman si Sam. "Opo."
"Mabuti. Ito nga pala ang dalawang mga pamangkin ko. At ang mga anak din ng kuya ko. Ito sina Belle at Diane." pinakilala ni Margaret ang mga pamangkin.
Diane smiled at the older boy. At sa mga panahong ito ay nakikita na niyang parang isang nakatatandang kapatid na lalaki si Sam kung nagkaroon man siya ng kapatid na lalaki ay ganito rin siguro ang mararamdaman niya sa nararamdaman niya ngayon kay Sam.
Habang nakita naman ni Belle na tumingin sa kaniya si Sam. Bahagya lang naman kumunot ang noo niya nang konti bago niya inalis ang tingin dito. Hindi niya alam kung bakit ito nakatingin sa kaniya...
Sam can still remember the only five-years-old girl Belle in the past. They used to play when they were both young here in the Hacienda Luzuriaga. But it was Belle who doesn't remember him anymore, o dahil baka sobrang bata pa rin nito noon at ang dami nang nangyari sa kaniya sa mga nakalipas na taon...
"Nakapag-impake ka na ba ng mga gamit na dadalhin mo sa pagsama mo sa amin papuntang Maynila, hijo?" tanong ni Douglas kay Sam.
Bumaling naman si Sam kay Douglas at tumango. "Opo."
Ngumiti naman si Douglas kay Sam. Ang totoo niyan ay sabik din sana siya na magkaroon ng isang anak na lalaki. Pero hindi siya nabiyayaan at puro mga anak na babae ang iniwan sa kaniya nang yumaong asawa...
Douglas can only sigh in silence while he watched Sam in front of his family now. Sasama na ito sa kanila sa pagbabalik nila ng Tarlac at mananatili rin sa bahay nila habang summer break pa. At papasok din sa military academy kagaya na ng napag-usapan din nila pagkatapos.
Noon pa pinakilala sa kaniya nang yumao lang na si Donya Isabella ang binatang si Sam. Ang alam lang ni Douglas ay anak ito ng isang dati ring katulong sa mga Luzuriaga na namatay din sa pagkakasakit. At simula noon ay kinupkop na ito ng Donya at pinag-aral bilang anak din ito ng dati at malapit din na kaibigan ni Rebecca.
At noon pa man ay nakiusap na rin kay Douglas ang Donya kung pwede niya bang tulungan at gabayan si Sam lalo na at sa kagustuhan din nitong maging isang sundalo...
Kaya sumama nga si Sam sa pamilya De Leon sa pagbabalik ng pamilya sa kanilang lugar sa Tarlac. Hindi kasing laki ang malaki rin naman na bahay ng mga De Leon sa Tarlac kumpara sa lumang mansyon ng mga Luzuriaga na kinalakhan ni Sam. Pero malaki rin at malapad ang lupa ng bahay ng mga De Leon. At naisip niyang dito sa malaking bahay na ito na may malapad na hardin at bakuran lumaki si Belle...
Pagkatapos lang ng libig ni Donya Isabella ay saka sila lumawas na pabalik na rin ng Tarlac. And Sam spent his summer vacation in the De Leon estate.
"Kumusta ka rito sa bahay, hijo? Sana ay nagiging maayos lang naman ang stay mo rito sa amin? Sa pasukan ay papasok ka na rin sa academy." pagkausap ni Douglas kay Sam habang nasa hapag na sila ngayon at sabay-sabay na kumakain ng hapunan ang kaniyang pamilya kasama si Sam.
Tumango naman si Sam. "Opo. Salamat po."
Ngumiti sa kaniya si Douglas. "You're welcome, hijo."
At habang naririnig ni Belle ang palitan ng usapan sa dalawang lalaki ay napatingin din siya sa kanila at naabutan ang nakangiting mukha ng ama sa kanilang bisita...
She'd never seen her father smile like that at her before. Pero para sa isang batang hindi naman nito kaano-ano ay nakakangiti ito...
Belle's heart was filled with bitterness and some jealousy...
"Belle..." kinatok ni Margaret ang pamangkin sa tahimik lang na kwarto nito pagkatapos ng kanilang hapunan.
"Tita..."
Ngumiti si Margaret sa pamangkin. "Pwede ba kitang makausap, Belle?"
"Opo. Tungkol po saan?"
Naupo ang magtiyahin doon. "Malapit ka na ring maka-graduate, Belle. Isang taon na lang at magkokolehiyo ka na rin. May naisip ka na bang gusto mong kuning kurso sa pagpasok mo sa college?" Margaret asked her niece.
Then Belle sadly remember the conversation between her father and Sam in the dining room earlier. She smiled a bit sadly, too. Her father was so interested with Sam's decision of going to the military academy. While he never showed interest in his own daughter's plans for her education, too...
"Hmm. I want to be a nurse like you, tita." Belle smiled at Margaret.
"You want to be like me?" Napangiti rin si Margaret sa sinabi ng kaniyang pamangkin.
Belle nodded at her aunt. "Opo." She smiled.
Ngumiti rin si Margaret. "Uh, Belle, are you okay?" Then Margaret started asking her niece. Napansin kasi niya na parang ang tamlay pa rin nito at naisip na baka nagluluksa pa rin sa nakaraan lang na pagpanaw ng lola nito na ina ng Mommy nitong si Rebecca na wala na rin...
Belle looked at her aunt. And then she shook her head slowly. Pero dahil noon pa man ay komportable na rin siya sa kaniyang tiyahin kaya naman sinabi na rin niya kay Margaret ang nasa kaniyang isip. "Naalala ko lang po ang huling usapan namin ni Lola... She said that she only wanted my mother to be happy..."
Nagkatinginan din ang magtiyahin pagkatapos ng sinabi ni Belle. "But, I also can't help it but to think and just wonder... if my mom was really happy, too, before she passed..." umiling si Belle.
Nanatili naman ang tingin ni Margaret sa pamangkin. Pagkatapos ay nagpakawala siya ng isang marahang pagbubuntonghininga.
"Your Mama was happy, Belle..." Margaret told her niece as she tried to reassure Belle, too.
And Belle turned to look at her Tita Margaret again after what she said. And then Margaret continued to talk more about it.
"Hindi man sila gaanong okay noon ni kuya... But when she became pregnant to you, and you came into her life, I saw her happy, Belle. She was happy with the first time she held you in her arms and close to her chest when you were only a newborn baby. Alam ko na masaya ang inyong Mama sa naging buhay niya rito sa mundo dahil dumating kayo ni Diane sa buhay niya." And Margaret smiled to her niece after also remembering her brother's wife.
Habang tumulo lang naman ang luha ni Belle sa kwento ng tiyahin sa kaniya.
"Belle..." Margaret hugged her niece close to her chest.
"Do you really have to go, tita?" Belle asked when she remembered that her aunt was also about to leave to study more abroad. Nakapagpaalam na rin kasi ito sa kanila ni Diane.
"Yes, I have to, Belle. Maganda rin ang opportunity na binigay sa akin ni kuya na pag-aaralin niya ako sa Amerika ng medicine. Don't worry we will always talk over the phone, okay?" Pinakawalan ni Margaret sa yakap ang pamangkin, and she gave Belle a reassuring smile.
Margaret was already like a mother figure to both Belle and Diane since Rebecca's passing...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top