Kabanata 27
Kabanata 27
Start Over
"Uh, I think I must go..." paalam ng lalaking kausap lang kanina ni Belle.
Ngunit parang hindi na rin ito narinig nilang dalawa dahil nakatingin na lang sina Sam at Belle sa isa't isa ngayon.
And so the other man just made his own exit to leave the two of them...
"Isabelle," Sam greeted her.
"Busy ka kanina?" Habang ito naman ang tanong sa kaniya ni Belle.
"I was not. I was just waiting for you to finish talking to..."
Belle sighed a bit. "May kausap ka rin kanina..." she said to him.
"Well, may kausap ka rin so I waited a little bit, and while waiting ay nilapitan lang din ako ng nakausap ko rin kanina..."
"Ano naman ang pinag-usapan n'yo?"
"She just asked me about my work,"
"That's all?"
Bahagya nang kumunot ang noo ni Sam. "Yes. Sandali lang din kaming nag-usap dahil lumapit na ako dito."
Wala nang sinabi pa si Belle pagkatapos.
"How about you? Kanina pa kayo nag-uusap noong lalaking kasama mo rito kanina pagdating ko pa lang. Uh, may I also know what you two were talking about?" marahang tanong ni Sam sa kaniya.
Umiling naman si Belle. "Wala, uh, nagpakilala lang siya sa akin."
Unti-unti namang tumango si Sam. It was obvious that they were just a little jealous, but couldn't say it straight to each other. At nagkakahiyaan pa.
"Belle, Sam," nakangiti naman si Margaret nang puntahan sila nito. "Kumain na kayo. Bakit ba nakatayo lang kayong dalawa d'yan."
Pagkatapos ay dinala na rin sila ni Margaret sa kanilang mesa kasama sina Luisito.
Si Douglas naman ay mas nahuli pang dumating. Pero pumunta rin siya sa birthday ng anak ni Diane at Lawrence. Medyo kinagulat nga lang nila nang may dalang kasama si Douglas. It was a woman na mukhang hindi rin nalalayo ang edad nito kay Margaret. And Margaret smiled widely when she saw her brother at agad niya silang sinalubong ng kasama ni Douglas.
At agad na rin naman tumayo si Belle at sumunod din sa tiyahin papunta sa kaniyang Papa. "Papa,"
"Oh, Lorena, this is my daughter, Rebecca Isabelle De Leon." pinakilala rin agad ni Douglas ang kaniyang unica hija.
Ngumiti naman kay Belle ang babaeng kasama ng kaniyang Papa na si Lorena. "Nice to meet you, Isabelle. Palagi kang kinukwento sa akin ng iyong Papa." she smiled kindly and beautifully.
"Isabelle, this is Doctor Lorena Cuevas..." pormal na pagpapakilala rin ni Douglas.
Napangiti naman si Isabelle para sa kaniyang Papa at kay Lorena na rin. "Nice meeting you, too." nakangiti rin ani Isabelle and they gave each other a cheek-to-cheek kiss.
Magaan na rin ang loob ni Isabelle sa ngayon ay girlfriend pa lang ng kaniyang Papa. Hindi na rin naman ito ang unang beses na nakita at nakilala niya si Doctor Lorena Cuevas dahil matalik na kaibigan din ito ng kaniyang Tita Margaret. And it wasn't long since Lieutenant General Douglas De Leon started dating Doktora Lorena Cuevas now.
Nakangiti pa rin si Margaret sa kaniyang kuya at kaibigan. She's as glad that her brother had finally found peace and was able to move on from the past...
Margaret knew that this was what her brother needed. As she also learned that not accepting the things that had already happened and not even trying to move on from it, could actually make one to lose their mind...
Iyan ang natutuhan niya rin bilang isang doctor at may mga pasyente rin noon na nalilipat sa psychiatric ward at isa ito sa maaring maging dahilan para mawalan ng bait ang isang tao...
Margaret had dealt with a lot of different patients especially when she was still studying to become a doctor and she was doing her research most of the time. At marami rin siyang na experience habang nagtatrabaho rin dati sa mga ospital.
Kaya naman noong nangyari iyong sa kanila ni Luisito dati, she tried her best to stay put and just think more reasonably. To be patient and to be a little more understanding. At the end dapat ay unahin mo pa rin kung ano ang mas mahalaga sa kahit na ano pa man ang magiging desisyon mo.
Dahil walang magandang maidudulot sa'yo ang galit, labis na pagsisisi at hindi pagsusubok na makabangon mula rito, at ang paghihiganti. Ang mga bagay na ito ay walang magandang dulot sa isang tao. Because what's already done was done. One cannot turn back the time anymore. At ang mayroon lang na maari at mas mabuti mong gawin ay ang pagtanggap sa mga mali mo nang nagawa, paghingi ng patawad at ang pagsusubok na huwag nang ulitin pa ang mga mali mo, at ang magpatuloy pa rin sa buhay.
"You introduced Papa and Doktora Cuevas to each other, right, Tita Margaret?" tinanong ni Belle ang kaniyang tiyahin.
Ngumiti naman si Margaret sa pamangkin. "Yes, I did. At sinubukan ko lang ang iyong Papa, Isabelle. But I guess I was lucky." Margaret smiled happily.
At masaya na ring napangiti si Belle sa pinag-uusapan nila ni Margaret.
Pagkatapos ay nakita nilang pinapakilala naman ngayon ni Douglas si Doktora Lorena Cuevas kay Diane at Lawrence pati na rin sa anak nilang si Llana. And they saw that Doktora Lorena also gave her birthday gift to Isabella Diana.
And Belle smiled as she witnessed her family gathered today and they all had properly moved on from the past...
Napatingin naman siya pagkatapos kay Sam na nasa tabi niya lang at kausap din muna nito si Luisito habang abala rin sila kaninang mag-usap ni Margaret. At nanatili ang tingin niya kay Sam. And she thought to herself that it wasn't yet late to start over now...
Bumaling sa kaniya si Sam at nagkatinginan silang dalawa. Hanggang sa binigyan nila pareho ng isang magandang ngiti ang isa't isa...
Hindi pa rin naman huli ang lahat para sa kanilang dalawa ni Sam. And everyone deserves a second chance. At iyon na ang gustong gawin ngayon ni Belle ang bigyan sila pareho ni Sam ng isa pang pagkakataon.
At ganoon din naman si Sam. He also want to start over with Isabelle. And this time he hope to do it right.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top