Kabanata 25
Kabanata 25
Regret
"I'm glad..." parang nakahinga naman si Sam pagkasabi niya nito. At pagkatapos niya rin marinig ang sagot sa kaniya ni Belle nang magsabi ito na gusto rin siya.
"To be honest, I did not expect much... And I only said it to you now because I didn't anymore want to regret..." aniya.
Dahil sa totoo lang din ay nakaramdam din naman siya ng kaba at takot nang halos ma ambush sila ng mga kasama niyang sundalo. Takot dahil alam niyang magsisisi siya lalo kapag hindi man lang niya naipalam kay Belle ang tungkol sa tunay niyang nararamdaman...
He looked at her in the eyes. " I don't want to have the same regret as my father did, Isabelle..." he told her. At naalala niya ang huling pag-uusap nila ni Edward tungkol sa namayapa na niyang ina.
Nasabi rin sa kaniya ni Edward na pinagsisisihan din ng kaniyang ama ang nangyari kay Ellen...
Pagkatapos ay lumuhod siya bahagya para pumuwesto sa may paanan halos ni Isabelle. She was sitting on a chair at ngayon ay nakaluhod na lang si Sam doon para magkaharap sila at maglebel ang kanilang mga paningin.
And then Belle nodded at him. "Ako rin, Sam... Ayaw ko rin pagsisihan kung sakali mang may nangyaring masama sa'yo kanina at hindi ko man lang naipalam sa'yo ang tungkol sa nararamdaman ko..." Ramdam pa rin niya ang pag-iinit ng kaniyang pisngi at pinamumulahan pa rin siya ng pisngi dahil medyo nahihiya pa rin. But she didn't anymore stop herself from telling Sam all her thoughts now...
"I was really worried for you earlier, Sam. And I got scared," She let out a slow sigh. At parang ngayon pa lang din siya totoong nakahinga na nga nang maluwag.
"Thank you, Isabelle," he said as he slowly and carefully touched her hand, and when Belle signaled him that she's allowing it that's when he held her hand that was on her lap...
And it was still awkward after that. Pagkatapos nilang makapag-usap at kailangan pa rin nilang humarap sa mga kasamang mukhang nag-aabang pa sa labas...
Bago lang ang mga kasama ni Belle sa medic at hindi pa talaga silang close kaya naman wala rin halos nagtanong sa kaniya, although their eyes looked curious about her and the Major Sam Puentevella.
While Sam received some quiet teasing from the naughty soldiers...
Pagkatapos ay nagpatuloy na rin sila sa kanilang misyon kinabukasan. It was still not safe, but they made it to finish what they went there for. And it took them some time before they all finished their job.
At sa mga araw na nasa kanilang misyon sila ay naging maayos na rin ang relasyon nina Belle at Sam sa isa't isa...
"Belle! Nagkita kayo ni Samuel doon?" natutuwa namang tanong ni Margaret sa pamangkin.
Ngayon ay nakabalik na rin ng Maynila si Belle. Since Margaret got married she stayed in Manila with her husband Luisito now. He's also busy with his business and Margaret worked as doctor at a hospital in the city. Si Isabelle din ay dito na sa Manila noon nakapagtrabaho. Also Diane moved here dahil nandito rin ang bahay nila ng asawa niyang si Lawrence ngayon sa Manila.
While Douglas just busied himself in the army at tumaas na rin muli ang ranggo nito.
Belle smiled at her aunt. "Opo, Tita Margaret..."
Margaret then smiled more and widely at her niece. "Pagkatapos ano ang nangyari?"
Napangiti na lang si Isabelle sa mga tanong sa kaniya ngayon ng tiyahin. Margaret also seemed really excited for her niece's lovelife. Kaya naman sinagot na lang din ni Belle ang kaniyang mga katanungan tungkol sa kanila ni Sam...
"Belle, nandito si Diane," tinawag ni Margaret ang kaniyang pamangkin sa kwarto ni Belle nang isang araw ay bumisita rin sa kanila si Diane.
"Ah, sige po, tita. Pababa na po ako."
"Sige," Pagkatapos ay binalikan na rin ni Margaret sina Diane at kasama ang anak nitong si Llana na naghihintay sa kanilang living room.
Margaret smiled at Diane. "Wala pa rito ang Papa mo, hija,"
"Ayos lang po, Tita Margaret. Nagpunta lang din ako para po mamigay ng invitation para sa first birthday ni Llana." Diane smiled.
"Naku! Ganoon ba? Parang kailan lang ay kapapanganak mo pa lang sa batang ito. Hello, Llana," Bumaling din si Margaret sa kaniyang apo.
"Diane," Binati ni Belle ang kaniyang kapatid pagkababa niya.
Agad din naman na ngumiti si Diane sa kaniyang ate. "Ate Isabelle, mabuti naman at nakabalik ka na rin galing sa misyon ninyo,"
"Oo nga at magkasama rin sila ni Sam doon." Ngumiti naman si Margaret.
Nailing na napangiti na lang din si Belle.
Pagkatapos ay ngumiti rin si Diane habang nakatingin sa kaniya. "At mabuti rin na walang masamang nangyari sa inyo. We were all worried when we heard that news that there was an ambush attempt. Nag-alala sina Papa lalo na para kay Kuya Sam." aniya.
Tumango rin naman si Belle sa sinabi ng kapatid. At naalala pa rin niya iyong nangyari.
Bumaling naman si Belle ngayon sa pamangkin. "Hello, Llana! Napabisita ka rito sa amin." Belle smiled at her niece.
"Oo, maghahatid lang din kami ng imbitasyon para sa birthday niya." sabi ni Diane.
"Oh! She's already turning one year old?"
Bumaling si Margaret sa pamangking si Belle. "Oo nga at sabi ko na parang ang bilis ng panahon,"
Napangiti na lang silang tatlo bago binalingan ang inosenteng bata sa kanilang harapan.
"Si Lawrence?" Belle asked.
"Dapat ay magkasama nga kaming pupunta ngayon dito. Pero may mga business meetings pa kasi siya kaya sabi ko ay ako na lang ang maghahatid ng invitation sa inyo at isasama ko na lang si Llana."
Tumango naman si Belle sa sinabi ng kapatid at muli niyang binalingan ang pamangkin at ngumiti sa cute na si Llana.
"At magkikita rin kayo ni Kuya Sam doon sa party ni Isabella Diana. Dahil sigurado akong pupunta siya." Diane smiled at her sister.
Bumaling naman si Belle sa kapatid at napangiti na lang din sa sinabi nito.
They parted ways since the mission was done. Pero nag-usap din naman sila na magkikita muli pagkatapos lang din nilang magpahinga galing sa misyon...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top