Kabanata 22

Kabanata 22

Teasing

"Tulungan na kita, Ma'am Isabelle..." Ang kaninang kausap pa ni Sam na sundalo habang nasa sasakyan pa lang sila ay nauna nang makababa pagkarating nila at nag-offer agad ito kay Belle na tulungan ito habang pababa pa naman sa kanila rin sinakyan ang mga kasali sa medic.

Bahagya naman natigilan si Belle at tiningnan niya ang sundalo. And her eyes widened a bit. Ngumiti lang naman ito sa kaniya. Naalala pa siya ni Belle.

Pero ang pagtulong niya kay Belle ay agad din naudlot nang tinawag na rin siya agad ni Sam in a commanding voice. That the soldier immediately halted and tensely looked at the Major.

"What are you doing, First Lieutenant Borromeo?" Sam asked him coldly.

Napakamot na lang naman bahagya sa ulo niya ang mas batang sundalo. "Uh, wala naman, Major... Tutulong lang sana..."

"Don't be a bother to them..." sinabi lang naman si Sam.

At pagkatapos ay sinulyapan din niya ang banda nina Belle. At dahil nanatili rin ang tingin ni Belle sa kanila ni First Lieutenant Borromeo ay agad din nagtagpo ang mga mata nila ni Sam pagbaling niya. And he immediately looked away when she caught his eyes...

Tumikhim naman ang kasama niyang sundalo. At nang binalingan din muli ito ni Sam ay nangingisi pa ito. Kumunot naman ang noo niya rito. Pero agad na rin umiwas sa kaniya si First Lieutenant Borromeo...

But why does he felt like the Lieutenant was somewhat teasing him? Tsk. Sam just sighed. And went on their job here.

He attended meetings with the other soldiers and his superiors. Naging abala rin siya at hindi na niya napansin si Isabelle na pasulyap-sulyap lang naman kapag nand'yan siya at nadadaan din sa harapan nito...

At may pagkamadaldal din si First Lieutenant Borromeo, kaya naman nakuwento rin tuloy niya sa mga kasamang sundalo ang pagiging mag-asawa dati nina Sam at Belle...

And the soldiers who were with them were giving both Sam and Belle their curious looks. At kapag titingnan naman nila ang Major ay mapapangiti rin sila kagaya ni Lieutenant Borromeo...

Halos umirap na lang naman si Sam nang mapuna na rin niya ang ginagawa ng mga kasama. And he would shoot dagger look on First Lieutenant Borromeo, while the other soldier would just act all innocent from his sharp eyes...

"You seemed so relaxed here, First Lieutenant. I think you're ready to go first to the field." Sam said that made the lieutenant's eyes go wide. Bahagya na lang naman ngumisi rito si Sam pagkatapos. But it was a smile without humor...

Bahagya naman napalunok din ng laway si First Lieutenant Borromeo. Hanggang sa sinaway na rin niya ang mga kasama na tumigil na rin ang mga ito sa pang-uusisa tungkol kanila Belle at Sam.

Pero hindi pa rin nila maiwasan ang ma curious. Lalo na at nakikita nila ang kagandahang taglay ni Belle. The soldiers can't help it but to wonder why this beautiful woman and the Major had separated...

Lalo na at hindi naman talaga palakwento si Sam. Kahit pa nga makasama rin nila ito minsan sa inuman at sa labas ng trabaho, at kahit pa medyo nalalasing na rin ito, never did once Sam shared anything about him and his personal life to others.

Sam can be kinda aloof, but he also gets along with his subordinates. And he was a respected army Major and esteemed soldier. And others look up to him.

And Belle can also see that now. Ngayong nandito na rin siya at nakakasama sa trabaho ang dating asawa...

She could see the respect and admiration for Sam of the people around him. And Belle felt glad that Sam was surrounded by good people as well who appreciates him...

Hanggang sa kailangan na muli nilang bumiyahe at papalapit pa sa lugar ng nagkakagulo. But then Sam suggested that they would go first and leave some of the other soldiers behind including the medic team...

"Bakit hindi pa tayo magsabaysabay na lang, Major? Kasama na rin ang mga medic?" First Lieutenant Borromeo asked him.

Bumaling naman si Sam sa kasama. Umiling lang siya. "I have a bad feeling about this," Sam sighed. "We have to check first," aniya pa.

Bahagya naman nanlaki ang mga mata ng first lieutenant. At agad na rin siyang tumango at sumunod kay Sam.

While Belle was worriedly looking at Samuel not so far away from her for now. Pero mamaya ay aalis na rin ito kasama ang ilan lang na mga kasamahang sundalo. Belle wanted to go with him, but then they're just also following orders and she doesn't have the right...

At nagtagpo pa ang mga mata nila sa huling pagkakataon bago tuluyang umalis na nga ang ilan lang sa grupo nila Sam. And Belle was just left standing there as she watched him leave and there's nothing she could do about their decision...

Hanggang sa tuluyan na ngang nakaalis sina Sam...

Hindi naman mapakali si Isabelle nang nakaalis na sila at naiwan lang siya roon kasama ang iba pa nilang mga kasamahan sa misyon na ito.

At lumipas ang oras. Hindi na halos alam ni Belle kung gaano katagal na ba silang naghihintay doon. Inalala niya ang huling naging tinginan pa nila ni Sam kanina bago ito umalis. Nagtagpo pa ang mga mata nila kanina at nagkatinginan sila bago tuluyang umalis si Sam kasama pa lang muna nito ang ilan lang din na mga sundalo...

And she couldn't help herself but to really worry for him. For this wasn't a joke and it's the real deal to the life of a soldier na madalas ay pinapadala sa gyera...

And this was war...

Parang ngayon pa lang din tuluyang nag-s-sink in ito kay Belle. And it was just also her first time to be sent on a real mission.

She was preoccupied about getting in this mission with Samuel...

Pero ang katotohanan sa misyong ito ay parang ngayon pa lang talagang tumatatak na sa kaniya.

Lumipas pa ang mga oras, hanggang sa nakatanggap na lang sila ng balita habang naghihintay doon tungkol sa kanila ni Sam... At parang gumuho naman ang mundo ni Belle nang marinig ang tungkol sa isang ambush...

Major Sam Puentevella and his other soldiers were being ambushed...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top