Kabanata 2

Hi! This story has a new chapter update in my Patreon created page as well in my private Facebook VIP group! There's also an ongoing 50% off membership fee for new and returning members to my Facebook VIP group! To join VIP, kindly message me right away on my Facebook account Rej Martinez or my Facebook page Rej Martinez's Stories. Membership sale of 75 pesos only is available until June 7, 2024!

To join me on Patreon you can download the Patreon app or go to the website. Just search for creator Rej Martinez. You can also avail the 7-days free trial membership while it's still available!

Thank you so much for your love and support for me and my stories!

Kabanata 2

Pregnancy

"Bakit hindi n'yo na lang po ako hinayaan noon na sumama kay Luisito, Mama? Bakit n'yo pa po ako pinakasal sa ibang lalaki?" May hinanakit pa rin na sinabi ni Rebecca sa kaniyang Mama.

"Bakit, Rebecca? Nasaan ba noon ang lalaking iyon? Hindi na nga siya muli pang nagpakita, hindi ba? Taga-Maynila pa iyon, Rebecca. At alam mo naman na ang iba sa kanila ay manloloko rin? Bakit ba hindi mo na lang tanggapin na niloko ka lang ng lalaking iyon? At si Douglas de Leon pa ang nagligtas sa 'yo at sa future mo nang pakasalan ka niya. Do you really think you have a future with that man?"

Hindi nakasagot si Becca.

"At bakit ba hanggang ngayon ay iniisip mo pa rin ang bagay na ito? May anak na nga kayo ni Douglas ngayon. Bakit ba hindi ka na lang maging masaya kasama ang asawa at anak mo, Rebecca?"

Pagkatapos ng sinabi ng kaniyang Mama ay bumaling din si Becca sa kaniyang ngayon ay apat na taong gulang nang anak na babae. Pinangalanan nila itong Isabelle na ginaya rin sa pangalan ng Donya Isabella Luzuriaga.

"Halika nga rito, aking apo. Huwag kang makikinig sa Mama mo. Hayaan mo siya. Ang lahat ng nakikita mo rito sa ating Hacienda at ang iba pang kayamanan namin ng iyong Lolo ay mapupuntang lahat sa 'yo." Naaaliw na ngumiti si Senyora Isabella sa kaniyang apo.

And the four years old Isabelle smiled at her grandmother, too.

"Naku! Napakaganda talaga ng apo ko. Gusto ko man sana na magmana siya sa akin ay mukhang mas nagmana siya sa kaniyang Lola Diana, ang aking matalik din na kaibigan noon. Nakakalungkot nga lang at maagang kinuha ng Maykapal si Diana at hindi na niya naabutan pa at nakita ngayon ang aming apo." The Senyora was talking about the deceased Matriarch of the de Leon household. Who was also her close friend back in the days.

Bahagya lang naman nagbuntong-hininga si Rebecca habang nagsasalita ang kaniyang Mama.

Pagkatapos ng ilang taon niyang pananatili sa Tarlac ay nakapagbakasyon na rin sina Becca at ang kaniyang anak na si Belle sa kanilang lugar sa Negros. Dito siya lumaki kaya namiss niya rin ang lugar na kinalakihan.

While her husband was busy in the military at wala pa sa bahay nila, ay nagpaalam naman siya rito na magbabakasyon lang sa kanila at namimiss niya ang kaniyang Mama...

At ganoon na lang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang makita niyang muli ang kaniyang kababata at kaibigan na si Ellen pagkatapos ng ilang taon.

"Ellen!" Napatayo rin siya sa kaniyang upuan.

Si Ellen ang nag-served ng kanilang meryenda habang sila ay nasa hardin ng mansion kasama ang kaniyang Mama at anak.

"Senyorita..." Ngumiti rin sa kaniya si Ellen.

"Oh my God! Ellen!" Pagkatapos ay sabik niya na itong niyakap.

Ngumiti rin naman si Ellen at niyakap din ang kaniyang Senyorita na matagal din niyang hindi nakita sa mga nakalipas na taon.

Pagkatapos ay bumaling si Becca sa kaniyang Mama. "Ang akala ko po noon ay pinalayas ninyo rito sa Hacienda si Ellen, Mama?"

Umiling naman ang Senyora sa anak. "Nagtatrabaho pa rin siya ngayon dito at kasama niya ang kaniyang anak... Nang malaman kong may anak na siya ay hindi ko naman kaya ng konsensya ko na pabayaan na lang sila..."

Tumingin muli si Becca kay Ellen. "May anak ka na, Ellen?" She was rather a little shocked by the news.

Bahagya lang naman ngumiti sa kaniya si Ellen. "Uh, oo, Senyorita. Lalaki ang anak ko..."

Becca's eyes widened a fraction.

"At halos magkasing-edad lang din siguro sila ng munting Senyorita..." sinabi ni Ellen at bumaling din siya ng tingin kay Belle.

"Gusto kong makita ang anak mo, Ellen!"

Tumango naman si Ellen. Pagkatapos ay pinakilala na rin ng dalawang dating magkaibigan ang mga anak nila sa isa't isa.

"Belle, halika rito anak. Ipapakilala ko sa 'yo ang anak ng dati kong kaibigan." Nakangiting tinawag ni Becca ang kaniyang anak.

Lumapit naman ang batang si Belle sa kaniyang Mama at noon pa lang din niya nakilala ang noon ay bata ring si Sam...

"Hi, my name is Isabelle..." She cutely introduced herself to the young boy.

"Masaya akong makilala ka, Senyorita Isabelle..." said the young Sam at the age of five. Mas matanda lang din siya kay Belle ng ilang buwan lang, who was also turning five years old the following months...

"Pwede mo lang din siyang tawaging Belle, Samuel. Iyan ang nickname niya." Becca smiled kindly at the boy.

"Belle..." Sam smiled at the little girl.

"Sam..." Belle mentioned the boy's name, too.

At ngumiti na ang dalawang bata sa isa't isa pagkatapos maipakilala.

At simula noon ay naging magkaibigan at naging magkalaro na ang dalawang mga bata. And their days playing under the summer sun were etched into Sam's mind. While in the future Belle might just forget about him and their young days spent together...

"Senyorita, may sasabihin nga rin pala ako sa iyo."

Bumaling si Becca kay Ellen nang mapag-isa rin silang dalawa sa kusina para kumuha ng meryenda para sa dalawang bata. "Ang totoo n'yan, Ellen, ay may gusto rin akong itanong sa iyo."

"Ano po 'yon, Senyorita?"

Becca sighed before she spoke. "Magsabi ka sa akin ng totoo, anak ba ninyo ni Edward si Sam?"

Hindi naman agad nakasagot si Ellen sa tanong niya at umawang lang ang labi nito. Hanggang sa unti-unti rin itong tumango...

Nanlaki muli ang mga mata ni Rebecca. "Then he must know about his son!"

Pinigilan naman ni Ellen ang kaniyang Senyorita. "Hinaan mo lang ang boses mo, Senyorita. Ayaw ng Senyora na marinig ito..." Yumuko siya pagkatapos.

Muli namang nagbuntong-hininga si Becca. "Si Mama..." Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ng kaibigan. "Susubukan kong hanapin at kausapin si Edward." She told Ellen.

Unti-unti namang tumango si Ellen kay Becca at nakitaan nito ng mga emosyon ang kaniyang mga mata. Pagkatapos ay niyakap din ni Becca ang kaniyang kababata.

"Ang alam ko ay wala na rito sa Negros si Edward. He must be in Manila... Huwag kang mag-alala Ellen, susubukan kong puntahan si Edward sa bahay nila sa Manila at magpapasama lang ako sa hipag ko." Becca said.

Tumango naman muli si Ellen sa kaniya.

"May sasabihin din ako sa 'yo, Senyorita."

"Ano 'yon, Ellen?"

"Nakita ko noong nakaraan dito sa bayan si Sir Luisito..."

Nanlaki ang mga mata ni Becca sa narinig.

"May nangyari pala noon sa kaniya kaya hindi ka niya nabalikan dito..." Tumingin sa kaniya si Ellen. "Noong magkita kami habang namimili ako sa palengke ay nakapag-usap kami. Hindi siya tatanggapin ng iyong Mama rito sa mansyon. At alam na rin niya na nakapag-asawa ka na... Pero ang sinabi niya sa akin ay may nangyari raw noong aksidente sa kaniya habang nasa Maynila pa siya. At ilang taon din siyang naka-comatose dahil sa nangyaring aksidente sa kaniya sa sasakyan. Kaya naman hindi ka niya agad nabalikan..."

Becca's lips were parted. At pakiramdam niya ay maiiyak na siya sa nalaman niya lang ngayon. "Nasaan na siya, Ellen? Nandito pa rin ba s-siya?" Bahagya rin nanginig ang boses niya nang tanungin ang kaibigan.

Tumango naman si Ellen at sinamahan siya nito na makipagkita kay Lui...

"L-Lui..."

"Becca?"

"Lui!" Becca ran to him and hugged him as tight as she could. And then she cried in his arms.

Nagkausap na rin sila nang panahong iyon at sa lihim nilang pagkikita na nilihim nila muli sa Senyora Isabella ay may nangyari sa kanilang dalawa...

As soon as Becca was back, she asked her sister in law na samahan siyang puntahan at kausapin si Edward sa Maynila para kay Ellen at sa kanilang anak na si Sam sa probinsya.

And with the help of Margaret, her kind sister in law, Becca was able to find Edward Puentevella's house in Manila. And while her husband, Douglas, was still busy as usual in the military.

"You are Rebecca, right? Dati kang kaibigan ng asawa ko. I've also heard about your family, the Luzuriagas in Negros." Miranda or Andi Lacson-Puentevella, Edward's wife welcomed her instead when Becca came to their house in Manila.

"Pasensya ka na at wala pa ngayon dito ang asawa ko." Pagkatapos ay natigilan din ito sa pag-aasikaso sa kanila ni Margaret nang may marinig din silang iyak ng bata.

The nanny went to Andi with the boy child. Tinahan naman ni Andi ang kaniyang anak. "Oh, this is my son, Lawrence. Anak namin ni Edward." Ngumiti siya sa kanila ni Becca pagkatapos.

And Becca looked at the child in Andi's arms. The boy looked like he's just a year or two younger than Sam...

At medyo nagdalawang-isip na rin si Becca na kausapin si Edward dahil baka pagmulan pa ng away ng mag-asawa ang tungkol kay Ellen at Samuel.

Pero kaibigan niya si Ellen at kailangan din ni Sam ang ama niya. Kaya naman gusto pa rin sanang kausapin ni Becca si Edward kaya nga lang ay hindi na rin ito nakauwi pa sa bahay nila nang gabing iyon at nasa ibang bansa pa dahil sa business. Becca waited for Edward until evening but he didn't came home so they were not able to talk.

Kaya bumalik na lang din sina Becca at Margaret ng Tarlac na hindi pa niya nakakausap si Edward.

"Ate, ayos ka lang ba? Ilang araw ko nang napapansin ang hindi gumagandang lagay mo." Margaret assisted her sister-in-law who was just vomiting in the bathroom a while ago early in the morning.

Ilang araw na rin na ganito ang nararamdaman ni Becca. At kinakabahan na rin siya sa kutob niya...

And her sister in law was a nurse kaya naman nalaman din nito na mukhang nagdadalang-tao nga siya...

"Sigurado akong matutuwa ang kuya, ate." Margaret happily and innocently said.

Bata pa ito sa mga panahong ito at nagtapos lang din ng kurso nitong nursing noong nakaraang taon lang. At nag-p-practice pa lang talaga ito ng pagiging nurse sa isang ospital din sa Tarlac ngayon. At ang balak talaga ni Margaret ay maging medic din sa military. She wanted to work in the military as well just like her older brother. She also wants to serve the country like their family's long honor.

"Magiging ate na rin si Belle! Halika ka rito, Belle. Buntis na muli ang Mommy mo. Magkakaroon ka na ng nakababatang kapatid." Margaret got her niece and smiled at her.

Ngumiti rin ang medyo wala pa ring muwang na si Belle sa kaniyang tiyahin.

Habang dumoble naman ang nararamdaman na kaba ni Becca sa kaniyang dibdib.

"Uh, Margaret? Pwede bang ilihim na lang muna natin ito sa kuya mo?"

"Huh? Bakit, ate?"

Bahagya siyang umiling. "Naisip ko lang kasi na... Malapit na rin naman ang birthday ng kuya mo. Ilang buwan na lang din. At gusto ko siyang surpresahin tungkol sa pagkakaroon muli namin ng isa pang anak..."

Ngumiti naman at tumango sa kaniya ang walang alam na si Margaret. At pumayag din ito sa gusto niya at hindi pa muna sinabi sa nakatatandang kapatid ang muling pagbubuntis ng kaniyang sister in law.

Becca sighed in a bit of relief after that...

And when Douglas came home, Becca already prepared herself and she would sleep with her husband tonight...

She started by kissing him... At hindi naman siya tinanggihan ng kaniyang asawang sundalo.

Pinag-isipan na itong mabuti ni Becca. She realized that what she did with Luisito was a mistake. Especially that she's now a married woman. At kahit pa hindi rin siya gaanong masaya kay Douglas... Because her husband was rather cold and a little indifferent to her ever since they got married...

Pero ito pa rin ang ama ng anak niya. At natatakot siya na kung malaman ni Douglas ang kataksilan niya ay baka maghiwalay sila at natatakot siyang kunin nito sa kaniya si Isabelle. At ayaw niyang malayo pa sa isa't isa ang kaniyang mga anak...

So she will choose to stay with her husband for their family...

Dahil sa totoo lang ay may takot din si Becca sa kaniyang napangasawa...

And then a couple of months later on the day of Douglas' birthday, Rebecca surprised her husband with her second pregnancy...

And she saw that he was happier with the news of her pregnancy this time than he was when she was also pregnant with Isabelle...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top