Kabanata 19
Kabanata 19
Forced
At kagaya nga ng pinangako ni Douglas kay Sam ay nagkaroon na rin siya muli ng tapang na harapin na niya ang kaniyang anak. And Belle wasn't also so bad of a daughter that she still accepted her father when he asked to talk to her...
"You've been living here with Captain..." ani Douglas na nilibot niya rin ang kaniyang mga mata sa bahay na tinutuluyan ngayon ng kaniyang anak kasama ang asawa nito. Captain Lazaro have his own residence here in the military base.
Pagkatapos ay bumaling naman ngayon si Douglas kay Belle. He only want nothing but the best for his girls now...
"Opo, pero nasimulan na rin na ipagawa ni Sam ang magiging bahay na namin..." Belle told Douglas.
At bahagya naman napangiti si Douglas sa sinabi ng kaniyang anak. After all it still turned out to be good. Dahil malaki rin naman ang tiwala ni Douglas kay Sam. Alam niyang hindi rin nito pababayaan ang kaniyang anak. And he also know now that Sam really care for Isabelle after he had talked to him just the other day...
"Isabelle..." Douglas called his daughter's name gently this time...
Tumingin din naman si Belle sa ama...
"I'm sorry..." Douglas finally said it.
Nagkatinginan sila ni Belle and her tears just uncontrollably fell from her eyes down to her cheeks like waterfall. She didn't anymore expect that one day Douglas would come to her and also ask for forgiveness...
Nagbabadya na rin ang mga luha sa mga mata ni Douglas. "Forgive me, Isabelle... I deeply apologize for all the wrongs I did to you... my own daughter..." At hindi na niya napigilan dahil lumuha na rin siya pagkatapos...
At nandoon lang silang mag-ama na parehong umiyak pagkatapos nilang makapag-usap na nang maayos...
And while Diane also suffered after knowing the truth.
Douglas have been busy these days visiting and going to Captain Lazaro's place for Isabelle. At narinig din ni Diane na lumalabas na rin ngayon ang kaniyang Ate Belle at si Douglas para mas lalo pa siguro nilang makilala muli ang isa't isa ngayon at nagsimula na rin nga na bumawi si Douglas ngayon sa kaniyang anak...
Habang sa mga nakalipas na linggo naman ay nagkulong lang din si Diane sa kaniyang kwarto...
Napatingin lang siya sa kaniyang phone habang nakaupo lang siya sa kaniyang kama at sinubsob ang kaniyang mukha sa mga tuhod niya. There was a missed call from Lawrence again in her phone. Pero sa huli ay pinatay lang din ni Diane ang kaniyang phone dahil hindi pa siya handang kausapin si Lawrence ngayon...
And now that the truth about her was out, she doubted if the Puentevellas would still like someone like her na isang anak na lang ngayon sa labas for Lawrence.
Pagkatapos ay sumunod naman siyang nakarinig muli ng katok sa pintuan ng kaniyang kwarto. Ang kanilang mga kasambahay ay nag-aalala na rin para sa kaniya dahil hindi na siya halos kumakain at nakakatulog.
And now Margaret just forced her way in Diane's bedroom. Gumamit na siya ng susi para makapasok sa kwarto ng pamangkin dahil ayaw nga silang pagbuksan ng pinto ni Diane.
"What are you doing, Diane?" Margaret finally confronted her niece.
Tumingin lang naman si Diane sa kaniyang tiyahin na may nagbabadya na agad na luha sa kaniyang mga mata. "Tita Margaret..." nanginig din ang boses niya.
And Margaret went directly to her niece's side. Niyakap niya si Diane at inalo. Hindi napabago ng resulta ng DNA test na pamangkin pa rin ang tingin ni Margaret kay Diane. Siya rin ang halos nagpalaki pareho kanila Belle at Diane dahil maaga rin nawala si Rebecca.
"It's going to be all right, Diane..." pang-aalo ni Margaret sa pamangkin.
"I don't know what to do now, tita..." Diane honestly told Margaret.
Margaret caressed her niece's back. "You already know that Luisito is just waiting for you, Diane..."
Pagkatapos ay kumalas sila sa yakap sa isa't isa at tumingin si Diane sa tiyahin. She's been denying to talk to her real father... Pero ngayon ay unti-unti na rin siyang tumango kay Margaret...
Pero hindi pa rin maalis ni Diane ang isip niya sa kay Douglas na siyang kinalakihan na niyang ama. She was already so close to her father na si Douglas na talaga ang kinikilala niyang ama at mahirap nang palitan iyon sa puso niya. And Diane loved the father who had raised her with nothing but gentleness and care. Kahit pa nga dahil lang naman iyon ang akala ni Douglas ay siya ang tunay nitong anak...
"Diane," natigilan ang mayordoma nila nang makita niya si Diane na nakatayo lang doon sa labas ng opisina ni Douglas dito sa bahay.
"Manang..."
"Ano'ng ginagawa mo rito?" nag-aalalang tanong naman sa kaniya ng mayordoma.
At napangiti na lang din bahagya si Diane sa pag-aalala pa rin nito sa kaniya. Nalaman na nilang lahat ang tungkol sa tunay niyang pagkatao pero nagpapasalamat pa rin siya dahil mukhang hindi naman nagbago ang tingin sa kaniya kahit ng kanilang mga kasambahay.
"Gusto ko lang po sanang makausap ang Papa..." aniya.
Nakatingin sa kaniya ang kasambahay. "Mukhang maayos naman ang mood ngayon ni Douglas dahil nanggaling siya kanila Isabelle..."
Nagkatinginan ang matandang kasambahay at si Diane. Pagkatapos ay unti-unti rin itong ngumiti sa kaniya. At nagdesisyon na si Diane na kakausapin ngayon si Douglas.
She knocked on the door and when she got permission to get in the room she went inside.
"P-Papa..." she still called Douglas that dahil na rin sa nakasanayan na niyang tawag dito sa mahabang panahon din.
Nag-angat naman ng tingin sa kaniya si Douglas. "Diane..." And for the past days since they've known about the truth ay hindi pa rin nakakausap ni Douglas si Diane. He got busy with his other daughter Isabelle...
"Come in, Diane. Have a seat."
Dahandahan naman ang paglapit ni Diane hanggang sa naupo siya roon sa isang upuan across Douglas' desk.
"What brought you here in my office this late? Dapat ay natutulog ka na. May pasok ka pa ba sa university bukas?" magaan lang siyang tinanong ni Douglas.
At nag-angat ang nag-iinit nang mga mata ni Diane dahil sa luha sa kaniyang kinagisnang ama. She almost didn't expect that Douglas seemed to still treat her the same after knowing the truth about her...
"Opo..." she first answered his question. Busy pa rin siya sa university at graduating na rin siya. And she still wish for Douglas to come to her graduation.
"Do you hate me now, P-Papa?" she started asking Douglas the questions that's been bothering her ever since the truth about her was revealed to them.
Tumingin naman sa kaniya si Douglas at unti-unti ring umiling sa kaniya ang kinilalang ama. "No..." Douglas answered. The truth was he couldn't anymore get himself to hate the daughter that he had already learned to love and care about all these years...
Dahil matagal na panahon ding nasa puder niya si Diane at siya ang nagpalaki sa batang ito.
And then Douglas let out a sad yet gentle smile. "You are still my wife's child... And every time I look at you, you remind me of your Mama, you remind me of Rebecca..." he told Diane.
At sa totoo lang din ay dahil hanggang ngayon guilty pa rin si Douglas sa pagkamatay ng kaniyang asawa...
If only he was even a little kinder to Rebecca, hindi rin sana ito pumanaw nang maaga at iniwan sila ng mga bata...
And Diane's tears fell like waterfalls again. Sobrang sakit ng dibdib niya dahil sa kaniyang mga emosyon. Pero labis talaga siyang masasaktan if Douglas wouldn't look at her the same anymore...
For Diane, Douglas was her father.
Habang matagal din na pinag-isipan ni Sam ang kaniyang magiging desisyon ngayon. Pero sa kaniyang magiging desisyon ay wala siyang ibang mas inisip kundi si Isabelle lang...
"Let's end our marriage, Isabelle..." he told her when they were again alone in their home...
But for Belle it was sudden that her lips parted and she was speechless at first. Pagkatapos ay unti-unti rin lumakas ang pintig sa dibdib niya. "A-ano ang sinasabi mo..." she managed to ask him.
Sam almost looked away but if he want this done then he should at least look at Belle's eyes and show her his sincerity...
"I know now that Major General De Leon only forced you to marry me... And it wasn't right, Belle..." he said.
Nagkatinginan naman silang dalawa ni Belle sa mga mata ng isa't isa pagkatapos ng sinabi niya.
Sam sighed a bit, "From now on, you don't have to do something you don't like, Belle... And no one will force you anymore...
"... From now on, you can start doing what you really like..." Sam smiled at her with a hint of sadness in it...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top