Kabanata 18

Kabanata 18

Negative

Margaret then had her two nieces undergo the DNA testing. She can accept it if Isabelle was really Luisito's daughter. Pero may parte lang din kasi sa kaniya na nagsasabing ang dalawang pamangkin ang ipa-test niya. And her brother was stupid for not doing it even before. At hinayaan lang nito ang sarili sa mga pagduruda nito. For Margaret Douglas should have made a true action when he was really in doubt.

Pero naisip din niya na siguro ay mas natatakot lang din ang kapatid niya na malaman ang buong katotohanan...

"I'm sorry, Diane... We just have to know the truth..." ani Margaret sa pamangkin.

Nag-angat naman ng tingin sa kaniya si Diane na puno rin ng pag-aalala ang mukha ngayon. "I didn't know that Mama had an affair, tita..." she said.

Umiling naman si Margaret sa pamangkin. "Do not just blame your mother, hija... Dahil hindi niya rin naman kasalanan na pinilit lang siyang magpakasal kay kuya... kahit na may iba na rin siyang gusto..." Margaret then sighed.

But Diane was still filled with worries. Douglas was positive that she's his daughter. Ayaw pa nga niya na magpa-DNA test din si Diane. But for some reason ay pumayag naman si Diane sa gustong gawin ng kaniyang Tita Margaret...

Kutob lang din iyon ni Margaret. Na maaring si Diane ang talagang anak ni Luisito at hindi si Isabelle. Dahil na rin naalala niyang dati ay parang may nililihim din si Rebecca sa kanila...

And it was just hard for her to believe that Belle wasn't truly her niece. It's because Isabelle just resembles so much their late mother. Kaya hindi siya naniniwala na hindi si Belle ang anak ni Douglas.

Until the results finally arrived...

Kinatok ni Margaret ang kaniyang kapatid sa opisina rin nito sa bahay. Bago siya tuluyan nang pumasok dala na ang resulta ng test.

"What is it, Margaret?"

"It's here, kuya. The result of the DNA test."

Nagkatinginan sila ni Douglas. Hanggang sa unti-unti rin tumango si Douglas sa kay Margaret.

"These are Isabelle and Diane's..." Margaret said.

Kumunot naman ang noo ni Douglas sa nakababatang kapatid. "What? Didn't I already told you about Diane? Ang sabi ko ay hindi na kailangang—"

"Just to be sure, kuya." putol naman ni Margaret sa sinasabi ng kapatid.

Masama siyang tiningnan ni Douglas. Bago nila binuksan na rin ang mga resulta ng test...

Nagkatinginan muli silang dalawang magkapatid pagkatapos. Bahagya rin umawang ang labi ni Margaret but she wasn't anymore as shocked as Douglas. Because after all, naniwala na siyang si Belle ang kaniyang talagang pamangkin.

"Kuya,"

"Is this..." Parang gumuho naman ang mundo ni Douglas sa naging resulta ng pinasagawa ni Margaret na test.

"I didn't know that you had such thoughts even before, kuya... If I knew you were thinking that way, sana ay nasabi ko na rin sa'yo noon na may tinatago sa atin si Ate Rebecca..." Margaret told her brother.

Natuon naman ang atensyon ni Douglas sa nakababatang kapatid. While Margaret just sighed.

She already noticed it before. Pero hindi na rin kasi niya masyado pang pinagtuunan iyon ng atensyon niya because she also trusted Rebecca...

But back then when Rebecca stopped her from telling her brother right away about her pregnancy with Diane, Margaret actually found it a bit strange na pinatagal pa ni Rebecca bago niya sinabi ang pangalawang pagbubuntis niya sa asawa...

At isa pa sa nagpadagdag din sa duda ni Margaret ngayon ay dahil nang kausapin niya rin si Luisito tungkol kay Rebecca ay inamin sa kaniya ni Luisito na nagkikita pa raw sila noon ni Rebecca habang kasal na ito...

Nagbuntong-hininga na lang si Margaret at umiling sa kaniyang kapatid. "I'm sorry, kuya... And you should really apologize to Isabelle. And accept it kung hindi ka man niya agad na mapapatawad. After all, it's your fault..."

Hindi na rin maitago ni Margaret ang galit na naramdaman din niya ngayon sa kapatid para sa kaniyang pamangking si Isabelle. She was abroad all this time and she didn't know of all the bad things Douglas had done to Isabelle. Only because her brother was doubting that Isabelle's not his daughter. Pakiramdam ni Margaret kahit siya ay hindi niya rin mapapatawad agad ang kaniyang kapatid.

Pagkatapos ay lumabas na rin siya sa ospisina ni Douglas...

"Why didn't you tell me all this time, Isabelle? Bakit hindi ka nagsasabi sa akin ng mga ginawa sa'yo ng Papa mo?"

Umiling naman si Isabelle sa kaniyang tiyahin habang umiiyak na rin. Ngayong alam na nila ang resulta ng DNA test ay mahirap din para kay Belle na tanggapin na lang ang mga nangyari...

"I hate Kuya Douglas for doing this to his own daughter." ani Margaret.

Habang tahimik lang din pareho sina Sam at Luisito. Si Luisito ay gusto na ring makausap at makilala si Diane...

Habang wala rin mapaglalagyan ang pagsisisi ni Douglas sa kaniyang nagawa sa sariling anak. He's aware that he was a bad father to Isabelle, and only because he doubted that she was not his daughter...

Pakiramdam niya ay wala rin siyang mukhang maihaharap ngayon sa totoo niyang anak...

Hanggang sa isang araw ay pinuntahan din siya ni Sam sa opisina niya at nag-usap silang dalawa.

"Captain Lazaro,"

"I'd like to talk to you, Major General." sabi ni Sam sa kaniya.

Unti-unti naman tumango si Douglas sa kaniyang son-in-law.

"It's about Isabelle..." ani Sam.

At halos mag-iwas lang naman ng tingin si Douglas dahil sa kahihiyan din na nararamdaman niya ngayon...

"I truly respect you, General... But I can't just allow you to hurt Isabelle."

Tumango rin naman si Douglas sa sinabi sa kaniya ngayon ni Sam. At naging emosyonal na rin siya pagkatapos. Ilang araw na ring mabigat ang kaniyang kalooban. Labis ang kaniyang pagsisisi. At galit din siya sa kaniyang sarili para sa mga nagawa niya sa anak. And he admitted it to himself that he was indeed stupid for doing all those foolish things without proper proof. And that his sister Margaret was right...

"I want to apologize to my daughter, Captain..." ani Douglas na ngayon ay tuluyan na ngang naging emosyonal.

"You should." sabi naman sa kaniya ni Sam.

"For all the things that you did to your daughter, Sir. And it's not yet late... I know that Isabelle is a truly kind person. She's also so gentle, so I hope you approach her now in the same kind and gentle manner..." ani Sam.

Tumango rin naman sa sinabi niya si Douglas. "I will. I will talk to my daughter properly, this time..."

At tumango na rin si Sam pagkatapos. "You only forced her to marry me..." Sam said.

Nagkatinginan muli ang dalawang lalaki. And Douglas can see Sam's seriousness...

"Please do not force Isabelle to anything ever again, Major General." ani Sam na seryosong nakatingin kay Douglas.

At sa huli ay tumango na rin na bilang pangako si Douglas sa kaniya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top