Kabanata 12
Kabanata 12
Husband
Dumating ang mga Puentevella sa bahay ng mga De Leon. At nakita ni Belle na mukhang maayos din naman ang pakikitungo nina Diane at Lawrence na nag-iisang anak at apo ng mga Puentevella, sa isa't isa.
Naisip na lang ni Belle na hindi naman siguro hahayaan ni Douglas na magpakasal na lang si Diane sa isang tao na hindi naman niya gusto...
"Diane," she called her sister nang magawi silang dalawa sa kusina.
Belle was preparing the desserts in the kitchen after they had dinner with their guests. While Diane also came in the kitchen to ask about sa panghimagas nila. "Okay na ba, ate?"
Tumango naman si Belle. "Yes, dadalhin na ng mga kasambahay sa dining room."
Diane smiled. "Okay. Thank you."
"Diane, do you like Lawrence Puentevella?"
Nagkatinginan silang dalawang magkapatid. At unti-unti naman na tumango si Diane sa nakatatandang kapatid at pagkatapos pa ay ngumiti rin siya kay Belle.
Tipid na rin na napangiti si Belle sa kapatid. She thought that it's good for her younger sister, then...
"What's taking you so long to prepare the desserts, Isabelle?!"
Napaatras si Belle nang hindi pa siya nakakabalik sa dining room ay mukhang sinugod na rin siya ng kaniyang ama sa kusina. Habang nauna naman nang makabalik si Diane sa dining room at kasama na muli ngayon ang mga Puentevella. And the dining room was far from the main kitchen so the guests wouldn't hear Douglas scolding his eldest daughter.
"Pinaghihintay mo ang mga bisita!"
"P-pasensya na po kayo, Papa. Pero dinala na po ng mga kasambahay ang panghimagas sa dining room—" Aminado naman si Belle na medyo natagalan nga ang paghahanda dahil medyo na delay din ang pagkakaluto ng cook nila sa mga panghimagas...
Natigilan naman si Belle sa pagsusubok pa na magpaliwanag nang walang kung ano ano'y sinampal na lang siya bigla ng kaniyang ama. "Gusto mo ba talagang ipahiya ang kapatid mo?!"
Belle couldn't say or do anything. Nanginginig na lang agad siya. Dahil mabigat talaga ang kamay ni Douglas sa panganay na anak at parang ang dalidali lang sa kaniya palagi na magalit kay Belle at saktan ito...
"Major General!"
Natigilan din si Douglas nang marinig niya ang boses ni Captain Samuel Lazaro na nasa pintuan na pala ng kusina at nakita nito ang ginagawa niya kay Belle...
Dumating din si Sam sa mansyon ng mga De Leon nang gabing 'yon upang dalawin muli ang asawa. Gabi na pero nanggaling siya sa ibang lugar dahil na rin sa trabaho at may inuwing mga pasalubong para sa asawa.
"Ah! Good evening, Captain. Napadalaw po kayo..." salubong ng isang kasambahay na naglilinis sa sala kay Sam.
"Good evening. Ang Ma'am Isabelle mo?"
"Abala pa po sa kusina... Pero tatawagin ko na rin po siya. Sandali lang po—"
"Hindi na. Nasa kusina siya? Ako na lang ang pupunta sa kaniya." sabi naman ni Sam sa kasambahay.
"Sige po..."
At kitang-kita ni Sam ang pangmamaltrato na ginagawa ni Douglas sa anak niyang si Belle...
"Captain Lazaro..."
Agad na nilapitan ni Sam ang asawa at nilampasan lang ang heneral. Napatingin naman si Douglas sa dalawa at nakita niya ang pag-aalala ni Sam kay Belle.
"Ano po ang nangyayari rito?" muling bumaling si Sam kay Douglas.
"I was only..." Douglas sighed and calmed himself down. "Nag-uusap lang kaming mag-ama, Captain—"
"No." Umiling naman si Sam sa sinabi ni Douglas. Dahil hindi iyon ang nakita at naabutan niya. He just saw the general na pinagbubuhatan ng kamay ang anak nito and then Isabelle crying.
Umigting pa ang panga ni Sam nang makita niya rin ang panginginig ng asawa niya.
Douglas just sighed again. "I'm sorry you had to witness a father disciplining his daughter—"
"For what reason, Sir?"
Natigilan naman si Douglas. At halos hindi agad niya masagot si Sam.
"What's happening, Belle?" Sam turned back his attention to his wife.
Hindi rin naman makasagot si Belle habang nanginginig pa at tumulo lang muli ang luha niya...
Mariin na napapikit si Sam and with controlled anger he faced the Major General again. "I'm bringing my wife with me tonight, Sir." He told Douglas.
"Captain, this is just a misunderstanding. Gabi na, at bakit hindi ka na lang din magpalipas ng gabi ngayon dito sa bahay? Para mas makapag-usap din tayo nang maayos." Douglas told his son-in-law.
Pero umiling naman si Sam sa father-in-law niya. "Hindi na, po..."
At nagkatinginan din silang dalawa ni Douglas at Sam.
"I respect that you are my wife's father, Sir... But I am Isabelle's husband now..." He told Douglas. And Sam looked at the General with equal courage in his eyes. While he also hides Belle behind him...
Sa huli ay wala rin nagawa si Douglas nang hawakan na sa kamay ni Sam si Belle at magpasya na siyang isama ang asawa sa kaniya.
Ngayon ay sinamahan na rin ni Sam si Belle na mag-impake at kumuha ng mga gamit niya sa kwarto.
"I'm taking you out of here. May mga nakausap na rin ako para sa paggawa at pagpapatayo ng magiging bahay natin. Pero habang ginagawa pa iyon, sana ayos lang sa'yo na doon muna sa base tumira kasama ko?"
Umiling naman si Belle sa asawa. "Ayos lang sa'kin. But I don't want you to have a rift between you and my father..." she told her husband.
Ang totoo ay hindi lang talaga kayang mapigilan ni Belle kanina ang mga luha niya lalo na nang makita niyang dumating ang asawa at pakiramdam niya ay may magtatanggol na sa kaniya mula sa ama...
She felt vulnerable with Sam beside her earlier. And her tears wouldn't stop from falling. At nakita na iyon ng asawa niya.
Pero ayaw din niya na masira ang relasyon at magandang pinagsamahan ng kaniyang ama at asawa nang dahil lamang sa kaniya...
"Sanay naman ako na ganoon magdisiplina si Papa—"
Umiling naman agad si Sam sa sinabi ng asawa. "That was not discipline. He was abusing you! Damn it." But Sam also tried to calm himself down after. He doesn't want to scare Belle. Pero pagkatapos ng nasaksihan niya kanina ang after realizing things from seeing his trembling wife a while ago...
Sa totoo lang ay halos hindi na rin niya mapigilan ang galit na naramdaman niya ngayon. But he's just trying to stop it for the sake of Belle.
Tiningnan niya si Belle. "Be honest with me... Please, kailan pa nangyayari ang ganito? Dati ka pa bang pinagbubuhatan ng kamay ng Papa mo?" he asked her.
Sam wasn't dumb. He knew that something wasn't right by the look of it. Alam niya agad na may hindi tama sa sobra-sobrang panginginig ng asawa niya kanina at mukhang takot na takot din si Belle sa kaniyang ama. At hindi rin niya maintindihan ang ganoong galit ni Douglas sa anak na kaya niyang pagbuhatan ng kamay nang ganoon bilang isang ama...
Sam didn't know that Douglas was capable of that...
Bahagya lang naman umiling at nag-iwas ng tingin si Belle sa kaniya...
Sam could only sigh. And he doesn't want to force Belle to talk to him either. But he will know of the truth.
Pagkatapos nga nilang mag-impake ng mga gamit ni Belle ay handa na rin silang umalis sa bahay ni Douglas. Pero nakasalubong pa nila ang mga Puentevella na papaalis na rin.
Nagtagpo ang parehong mga mata nina Edward Puentevella at Sam...
Kung alam mo nga lang ay hindi ka na mag-iisip pa kung bakit naging mag-ama ang dalawa. Dahil sa tangkad pa lang at pangangatawan pati na sa hugis ng hirtsura—ang kanilang mga mata, labi at ilong ay masasbi na talaga kahit ninuman na magkatugma...
Ngunit hindi iyon alam pareho nina Edward at Sam. Pero natigilan pa rin si Edward nang makita niya sa unang pagkakataon si Sam...
"Edward, this is my son-in-law, Captain Samuel Lazaro." Nagawa pang ipakilala ni Douglas si Sam sa kaniyang mga bisita na parang wala lang din nangyari kanina...
Tumingin naman si Sam sa father-in-law niya at parang gustong sumama na nang tuluyan ang tingin niya rito. Ayaw niyang parang wala na lang iyong nangyari kanina at ang ginawa nito kay Belle.
"Lazaro?" Natigilan naman si Edward nang marinig niya ang pamilyar na apelido nito.
Bumaling din ng tingin si Sam kay Edward at muli pa silang nagkatinginan.
"Yes," sagot naman ni Douglas na wala rin alam at nagsimula na ring ipagmalaki lang ang mga achievements ni Sam sa military sa kaniyang mga bisita.
Pagkatapos ay nauna na ring magpaalam sila ni Sam. At sinabi lang din ni Douglas sa mga bisita na sinusundo lang din ni Sam ang kaniyang asawa...
Pero hindi naman maalis ang paningin ni Edward sa likod na lang nina Sam na umaalis na kasama si Belle. At may isang tao lang siyang kilala noon na Lazaro rin ang apelido. Si Ellen Lazaro.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top