Chapter 3

Quotes for today:

"It only starts with a playful game that I agree with but in the game I lost— kasi minahal Kita nang totoo"

•••••••••
6 year's ago.....

"Good afternoon class" nagsiayusan kami nang upo ng mga kaklase mo dahil sa bigla-biglang pasok ni Ma'am Hilaria sa classroom namin— eto naman si Ma'am Hilaria sa raming bongga effects ng pagpasok sa entrance nang classroom na mapagpipilian ay Yung gulat effect pa Yung napili nya pano na yung mga may sakit sa nerbyos? Gaya ko? Chourr.

"Good apternun ma'am hilarya" ganyan kami kalamya bumati sa maestra namin— oh may angal ka? Kayo Ang magtuos sa president naming maldita.

Napailing-iling nalang si ma'am Hilaria dahil sa kalamyaang bati namin sa kanya.

"Ok class sa ngayon ay hindi muna ako magdi- discuss dahil maya-maya ay may meeting kaming lahat Ng mga teachers sa Faculty room. Pero imbes na mag discuss ako ay babasahin ko muna ang mga marka nyo sa long test natin noong biyernes. Marami sa inyo ang nakapasa at iilan rin ang bagsak.
But there's one of the class na nag top sa long test and that is Jorjah Gret, hali ka dito Jorjah sa harap at ikaw ang magbabasa ng mga scores sa test."  Tumayo ako nang dahan-dahan dahil feel ko na ako ang Reyna nang mundo–charot!

Nang nasa harapan na ako ay inabot sakin ni ma'am Hilaria Ang mga papel namin sa long test at inumpisahan ko na magsalita.

"Treycie Diguma, Grex Fraudrin, at Honey Vezqaz 13 out of 30.
Flora Gahuman, Sezil Balor, Jonaz Sequa, William Flores,  Kelly Horado, at Reshyl Duso 21 out of 30.
Dennis Piccolo, Gemma Dolores, Sweetheart Cubelo, Trishia Magsanay,
Venisse Sacro, Benus Soparo, Carlo Katigbak, Arjay Daungan, Richie Epis, Karen Amerila, Hermie Dolce, Joyce Gamuhay, Eunice Trahedyo, Glorian Makapagal, Yonsel Klaro, Waysel Klaro, Fande Salmon, Quen Subelo,
Aileen Demalet, Cris Bersal, Ashley Peres, Lake Willow, Ben Magsayday, Ion Sackal at Lime Herrera 25 out of 30.
Flerix Sagabal, Manuel Jaguyan, Azelia Pospowa at Henya Bulan 27 out of 30.
Jorjah Gret 29 out of 30."

Nagsipalakpakan naman ang mga kaklase ko nang matapos akong magbasa— feeling ko tuloy ako na talaga Ang Reyna chos!

"Wow ang galing mo naman Jorge!"

"Uy sa susunod ha pakopyahin mo kami!"

"Oo nga eto oh napaka others!"

Saad nila Christian, Carlo at Arjay pero bhelat lang Ang sinagot ko sa kanila — mag Aral kayo nang mabuti noh!

"Ok Jorjah pwede kanang bumalik at umupo sa upuan mo" at sinunod ko rin ang sabi ni Ma'am Hilaria sakin.

"And by the way bago ako aalis ay may hahabilin muna ako sa inyong task.
Mag advance study kayo sa next lesson natin para bukas ay magpe-pretest ako bago ko simulan mag discuss okay? Sige class dismissed" at yun lumabas na si Ma'am sa classroom namin na di namin sinagot ang pagpapaalam nya dahil abala na sa pagtukaan—este chikahan Ang mga kaklase ko.

"Guys please quiet muna kayo" saad ni Gemma–classmate ko at class president namin.

Nang nasa harapan na sya ay dun lang kami nagsitahimikan dahil pag kami ay di nakinig sa kanya ay baka sunog at prito na kami uuwi dahil sa pagbubuga nya nang apoy sa bunganga nya dahil mukha syang dragon Chos!

"Dahil nabobore ako ngayon why not maglaro tayo nang truth or dare? Ano Sino agree?" Tanong nya pero ni Isa samin ay hindi sumagot kaya nagliliyab na ang mga mata nya–este pinagdilatan nya kami nang dragon nyang mata!

"Huy! Tinatanong ko kayo! Ano? Agree kayo?" Ulit nyang tanong tas alanganin rin kaming tumango sa kanya.

"Hmmm mabuting mga girls lang ang kasali ayaw kong kalaro Ang mga boys baka Kung anong dare or truth ang pagsasabi at panggagawa nila hmp! Kayong mga boys lumabas na kayo—" di pa tapos magsalita si Gemma ay nagsihiyawan na Ang mga kaklase kung ugok—kasama na sila Arjay, Christian at Carlo dun.

'yes!! Nakaligtas kami!

'maiiwasan na ang Dragon!

'yuhoo magchichicks ako mamaya!

'i love you kalayaan!

Huhuhuhuhuhu... Buti pa sila makakalaya na kami kaya nang mga kapwa ko kaklaseng babae? Makakaligtas pa kaya kami?

"SHHHHHH?! quiet nga kayo! Ang ingay-ingay.. huy mga boys! Di kayo makakaligtas sakin noh! Oo lalabas kayo pero magbubunot kayo nang mga damo sa labas nang classroom noh! Kala nyo makakatakas kayo sakin? Never!" Bulalas ni Gemma Kaya nadismaya lahat nang ekspresyon Ng mga lalaki Kong kaklase— HAHAHAHA buti sa inyo!

"Huy! Gemma masyado kanang namumuro saming mga lalaki Ha! Ano ba problema mo!" Reklamo ni Christian kay Gemma mas Lalo tuloy lumiyab Ang mga Mata nya— Hala lagot ka nyan Christian!

"Kala mo naman ikaw Ang principal eh class president ka Lang naman porket sinabihan ka ni Ma'am Flor na ikaw mage-encharge sa loob nang classroom ay ganyan kana makaasta—" di na natapos ang kadugtong nang sasabihin ni Christian nang binunlot ni Gemma ang eraser na malapit sa kanya at binato iyon kay Christian at yun sapol!

Napaka-hunter talaga nito ni Gemma,
napaka sadistic Naman nya AHAHAH patay talaga ang magiging future husband nya mamatay ito dahil sa apoy nang bumunganga nya or kaya sa bugbog or else na gawin nya WAHAHAHA...

"Uyy Tama nayan, Christian lumabas nalang kayo" sabi ko kanila tas Kita ko pa na padabog na lumabas si Christian pero di nakaligtas saking Mata ang black eye sa kanang Mata nya na akala mo nabugbog eh na head shot lang Naman Yan ni Gemma—yan reklamo kapa kasi yan napala mo!

"My ghadness! okay girls mag form na kayo nang circle at magsisimula na tayong maglaro" nagsisunuran Naman kami agad kesa ma Hunter rin kami ni Gemma tulad na ginawa nya kay Christian.

Ng nabuo na namin ang circle form ay umupo na kami sa sahig tas nagsalita na ult ang dragon—este si Gemma.

"Okay Jorjah ikaw mauuna—"

"H-ha? Teka bat ako?" Todo tanong ko pero imbes na ituloy ang reklamo ko ay tumahimik nalang ako dahil naalala ko na baka ma black eye rin ako — ayoko nun!

"Ehem. Kasi ikaw Ang top sa score kanina eh ikaw mauuna diba guys?" Todo tango naman Ang iba.

Napakagat ako sa ibabang labi ko— huhuhu  patay ano gagawin ko?

"At dahil ikaw ang top kanina pipiliin mo ang dare." Ayun! Yan na ba nga sasabihin ko eh mapapahamak ako nito — naku Jorjah magpigil ka baka mapatay mo yang dragon!

"Oo nga sige na Jorjah" todo pilit naman ang mga kaklase ko na kasali sa laro. Di nila ako pinipilit na laruin ko na iyon kundi pinipilit nila ako para matapos natung larong napakapahamak at ako nalang Ang gawing victim HUHUHUHU....

"S-sige ano ba Ang dare?" Tanong ko pero may tinig akong narinig sa labas na sobrang pamilyar sa aking tenga.

"Kuya Arjay sabi ni Mama sa inyo daw muna ako tutuloy dahil mawawala si Mama nang mga limang buwan dahil sa business nya in London" ani ni Junix ang narinig ko Kaya bigla akong natigilan.

"Ahh ganun bah.. ah ok sabay na tayong umuwi" sagot naman ni Arjay Kay Junix.
Nilingon ko sila tas bigla akong napatigil ulit nang magtama ang aming paningin ni Junix.

"Hi Jorge" mas Lalo akong nanigas sa kinauupuan ko nang tawagin nya ako sa pangalan ko— bat parang gumanda ang pangalan ko pag sya tumawag?

May malapad na ngiti ang mukha ni Junix nang binati na nya ako at si ako naman ay nakatulala lang sa kanya— huy JORGE! Wag kang mag ilusyon!

"Huy! Jorjah! Sino yang cute na batang Yan Ang pogi at cute Naman!" Bulalas ni Gemma kaya agad akong napalingon sa kanya at nahuli kong titig na titig sya Kay Junix— huy dragon wag mong pagnanasahan ang Bata sa dragon mong Mata!

"A-ah huy! Wag nga kayo dyan! Ang Bata pa Yan noh tsaka pinsan nyan ni Arjay—teka ano ba dare na ipapagawa nyo sakin" iniba ko Ang usapan kasi Alam kong ano na Ang tumatakbo sa mga isip nilang ewan.

Tiningnan naman ako ni Gemma na may pagkaloko—hala! Anong ipapagawa sakin nito!

Tumingin muna sya sa mga iba naming kaklase na nagsitanguan nalang nang Todo bago nya ako hinarap — patay!

"Ahm we dare you na eh seduce mo yung pinsan ni Arjay" biglang napalaki Ang mga Mata ko halos matanggal na nga tung eyeballs ko eh —charot lang!

"ANO?! jusko naman Gemma ipagawa mo na ako nang ibang gawain wag lang Ang lumandi noh! Naku baka makasuhan ako sa DSWD nyang child abuse!" Todo tanggi ako sa nais nyang ipagawa sakin tas ang dragon humalakhak lang— kunti nalang dragon at matatali na talaga Kita!

"AHAHAHAHA ano ba joke Lang noh! Eto naman hindi madala sa joke ko" — joke mo mukhang dragon!

"Eh ano nga?!" Inis kong singhal Kay Gemma Kaya naman automatic na on Ang pagka-dragona nya—lagot!

"Sinisigawan mo ba ako!" Inis nyang singhal sakin kaya hindi na ako nagulat pa.

"H-hindi ano nga ba ang dare nyo sa akin Gemma" mahinhin na may pagkahalong galang kaya naman kumalma Ang dragon na si Gemma.

"Good. Ang dare namin sayo ay...." Sinulyapan pa nya Ng tingin si Junix na ngayon ay tumutulong na sa pagbubunot ng damo kasama sila Arjay, Christian at Carlo.

"We dare you na yung batang Yun Yung pinsan ni ano—"

"Ni Arjay." Inunahan ko na si Gemma Kaya Wala syang ginawa Kong mag irap sakin.

"Yes, Arjay whatever. And Yun na nga Yung cute na pogi na Bata na pinsan nya— make him fall in love with you." Para akong nabingi sa mga pinagsasabi ni Gemma sakin tungkol sa dare.

"A-ano?! Make him fall in love with me? Ano ba kayo! Wag kayong magbiro nang ganyan noh baka kasuhan pa ako nang DWSD—

"WE don't care! You wanna bet this game? Or you do the second choice?" Selp pigilan mo emosyon mo at baka mapagsalitaan mo nang ano to si Gemma — wait kakalma ako nang 3..2..1..

"Ano ba ang second choice?" Tanong ko sa kanya ngunit tinapunan nya lang ako nang nakakalokong tingin.

Nasa tamang pag-iisip bato si dragon? Baka naman pwede natung imbitahin sa mental ngayon.

"Eat a poop or pumunta ka sa plaza then Ipagsigawan mo na ang landi mo?" Humalakhak sya nang todo kahit wala namang nakakatawa.

Ano?!

"What? Nahihibang kana ba Gemma? Naririnig mo ba ang sarili mong sinasabi?" Nagpipigil lang akong sumigaw at baka marinig nang mga iba kong kaklase na may kaguluhan na sa loob—baka ma guidance kami noh! Ayoko nun lagot na naman ako ni Inay pag nagkataon hindi pa naman kami bati ngayon.

"Oo naman I hear my own words Jorjah bakit? Ano bang ikinagagalit mo ha?! Porket nag top kana sa subject ni Ma'am Hilaria ay lalaki nayang ulo mo?! FYI lang Jorjah ha! Your not the queen in this room and you know what? Your just like your mother na slut at malandi—" nasampal ko si Gemma.

Oo nasampal ko ang Dragon!

"Don't dare say that in front of me." Lamig kong tugon sa kanya na hanggang ngayon gulat parin dahil sa sampal ko kanina sa kanya— hirap naman makaget-over ni dragon Ang puchang ganern!

"How dare you slap me—" singhal nya at aakmang sasampalin ako pabalik pero napigilan sya ng mga kaklase ko—kasi ayaw  din nila ma guidance noh!

"Mas how dare you ka! Wala ka sa posisyon na laitin Ang Inay ko na hindi naman totoo?! We're poor but we're not cheap like other's. My halaga kami at di basta-basta namin ibibigay nang madalian ang dignidad namin! Kaya pala pinapagawa mo tong game nato dahil gusto mong ipahiya ang inay ko? Well sorry to say this but yung mga pinagsasabi mo ay nagreflect sa Nanay mo?! And FYI yung dare nyo—wait sa iyo Lang Yun diba? Dinamay mo pa ang iba eh makasarili ka naman kagaya nang Nanay mo?! Well pag nanalo ako sa bet na to? Pagsasampal-sampalin Kita hanggang sa mas lalong lumala Ang dragon mong mukha at pag natalo ako....."

"What if you lose?" Ay kapal nang mukha nabuhayan na naman ng pag-asa si dragon sa pabitin Lines ko na gusto ko na di tapusin.

"At Kung matalo... Wala edi natalo ano paba! Goodbye sayo Dragon!" Tumayo ako tas kinalabit yung bag ko na nakalagay Lang sa upuan ko and then Yun padabog na lumabas sa classroom— oh diba bongga?

Nakalabas na ako sa classroom tsaka lumapit na ako kina Arjay.

"Huy tumayo na kayo dyan uuwi na tayo" malamig kong tugon sa kanila Kaya naman dali-dali silang lumingon sakin ngunit walang ekspresyon Ang nakikita ngayon saking mukha dahil naiinis pa rin ako sa dragon nayun!

"Oh Jorge anyari?" Tanong ni Arjay sakin tas di ko nalang sya sinagot at inirapan ko sya nang bongga.

"Bakit? Nagkagulo ba kayo sa loob dahil sa larong pinamunuan ni Gemmang dragon?!" Inis na tanong ni Christian Kaya tumango nalang ako nang matipid.

"Namumuro na talaga yan si Gemma hintay Lang kayo dito ha at pagsasabihan ko nayun—"

"Chill Lang pre wag mo nang galawin ang dragon baka ma double kill yang Mata mo, magmumukha kanang panda pag ganun" sabi ni Carlo.

"Gago!" Sinabuyan ni Christian si Carlo ng damong pinagbubunot nila tas nagtawanan Ang loko.

"San ba si Raphael?" Tanong ko kaya napahinto sila sa pagtawanan at tumingin sa akin.

"Ahh si Raphael hindi makakasabay nating umuwi dahil may projects silang gagawin" sagot ni Arjay Kaya tumango nalang ako.

"Sige na punta na tayo sa rest house" nang magsikayan na sana sila pero Hindi nila tinuloy kasi may napansin sila—ano nagagandahan kayo sakin?

"Teka Jorge saan Ang bike mo?" Gulat na tanong ni Christian

"Hindi ko nadala si Shitsui kanina dahil naglakad Lang ako at umalis Lang ako nang walang paalam kaninang umaga" sagot ko sa kanila tas nagsitanguan Lang sila sakin.

"Ah Jorge sa akin ka na lang umangkas" saad ni Junix — Hala kanina pa sya nandito?

"Ah di na kina Arjay na ako sasakay may pagkabigatin kasi ako—"

"Marunong akong magbike, kahit mabigat o magaan Kaya ko" tugon ni Junix Kaya Naman nag aalanganin akong sumagot pero pumayag nalang rin ako baka naman magtampo to sakin— dipa naman kami masyado close.

Nang umangkas na ako sa bike ni Junix ay sa una palang pansin ko na medyo nahihirapan syang mag balance kasi nga mabigat ako.

"T-teka Junix kina Christian nalang ako aangkas mukhang nahihirapan ka dyang—"

"No! Jorge Kaya ko to" saad nya— abay malakas Ang fighting spirit nitong si Junix ah..

Naalala ko tuloy Yung bet ni Gemmang dragon sakin. Napatingin ako Kay Junix na parang nahihirapan sa pagpadyak dahil sa kabigatan ko tsaka sa pagbabalance nya.

Parang naaawa ako kay Junix pag itutuloy ko tong bet na pinapagawa sakin ni Gemma. Bata pa si Junix Wala patong karanasan sa ganito—syempre ako rin noh! NBSB Kaya to!

"Jorge ilang takal nang Kanin ba kinakain mo Ang bigat mo eh" napatigil ako sa pagmuni-muni dahil sa sinabi nya sakin.

"Abay loko ka ah! Hindi nga ako kumakain palagi eh tsaka tatlong sandok Lang Ng kanin ang kinakain ko noh eto Naman sabi ko na nga kina Arjay o Christian aangkas napakatigas nang ulo mo eh" panisi ko sa kanya pero tumawa Lang sya— abay lokong to ha bat ang cute nya tumawa...

Nang nakarating na kami sa rest house ay agad akong lumundag tas tumakbo papalapit sa damuhan na di masyadong maputik o madumi tsaka humiga doon.

Napakagaan talaga sa kaloob-looban ko pag nakahiga ako sa damuhan na para bang may connection kami sa isat-isa na para bang nawawala ang mga problema ko sa buhay pag nakahiga ako sa damuhan— Reyna ba ako sa past life ko? Reyna nang damo?

"Jorge babalikan namin kayo dyan mamaya magkarera muna kami!" Sigaw ni Carlo sa di kalayuan pero di ako sumagot at alam na nila na Umoo na ako— teka bat namin?

Narinig ko ang foot steps palapit sakin kaya napalingon ako sa left side ko at nakita kong humiga rin si Junix sa tabi ko— hala anong ginagawa nya dito?

"Junix bat di ka sumama sa kanila magkarera?" Tanong ko sa kanya pero nginitian muna nya ako.

Aba may sayad bato?

"Pagod ako mas gusto kong samahan Kita humiga sa damuhan Jorge" lumingon sya sakin tas nagtama na Naman Ang mga Mata namin Kaya ako na ang umiwas nang tingin.

Tumingin ako sa ulap na ngayon ay bumubuo nang ibat ibang shape.

"Jorge?"

"Jorge?"

"Jorge"

Narinig ko talaga ang pagtawag sakin ni Junix pero nagbingi-bingihan lang talaga ako kasi pinakikinggan ko ang bawat tawag nya saking pangalan—bakit pag sya tumawag sakin sa pangalan ay parang gumanda ito at napakasarap pakinggan sa tenga?

"Mmm" ilang segundo rin ang pinalagpas ko bago ako sumagot.

"Wala" tugon nya kaya Wala Lang rin ako.

"Junix" this time may sasabihin ako sa kanya.

"Mm" sagot nya.

"Pwede ba kitang maging boyfriend?" Napalingon sya sakin Ng madalian dahil nabigla ata sya sa sinabi ko Kaya nilingon ko rin sya Kita sa mukha nya ang pagkakabado. Kaya natawa ako.

"AHAHAAHAHA I mean pwede bah? Please Yun kasi Ang dare sakin Ng dragon kanina at ikaw Ang napagtripan nya" parang nadismaya ata si Junix sa kasunod na sinabi ko— teka bat Naman sya madidismaya? Hay nag iilusyon ka na Naman Jorge.



'ilusyon pa ba talaga yun?'


••••••••••

Authors note: Ang hilig mong mag ilusyon Jorjah(;ŏ﹏ŏ)
By the way salamat sa pagbabasa( ◜‿◝ )♡

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top