Chapter 2
Quotes for today:
"Nung una akala ko tamang usap lang natin wala lang sakin yon nang tumagal unti na pala ako nahulog sayo"
•••••••
6 years ago...
"Uyy hala!! Magaala-singko na nang hapon!! Patay na Naman ako ni Inay ngayon" kabado kong sabi kina Raphael, Arjay, Christian, Carlo at Junix.
"Di kaba nagpaalam?" Tanong sakin ni Raphael tas umiling Lang ako.
"Tumakas Lang kasi ako sa bahay eh" napakagat nalang ako sa ibabang labi tas namomoblema narin ang mga kaibigan ko.
"Ako na bahala magpapaliwanag kay Aleng Gina" saad ni Raphael tas nagsitanguan Naman Ang tatlong loko.
Kahit kailan napakaduwag talaga tong tatlong to oh!
Nagsisakayan na kami sa mga bisikleta namin tas pinaandar ito.
Malapit na kami sa tapat mg bahay namin na eskinita lang tas Nakita rin namin si Inay nakatayo sa tapat ng bahay.
Patay!
Ng makamenor kami ay tahimik lang akong eh pinark si Shitsui sa tabi— Shitsui Ang pangalan ng bike ko oh diba Ang sosyal.
Lumakad naman ako palapit kay inay na ngayon Ewan ko kung maguguhit paba tong mukha nya.
"Hi nay." mahina kong bati Kay Inay kaso tinitigan nya lang ako ng matalim na para bang pinagpapalo na nya ako sa titig nya.
"Saan ka nanggaling Jorjah?" Kalmang sabi ni inay pero halata namang galit sya dahil sa ekspresyon ng mukha nya.
"Ah nag bisikleta lang po kami Aling Gina—"
"Ikaw ba si Jorjah ha! Arjay! Bat ka nakikisali sa usapan namin" gigil na sabi ni Inay tas napahalukipkip naman Ang loko tas tiningnan ko sya tas kinausap kahit walang boses na 'tumahimik ka nalang kung di mo gustong mapalo'
"Ah Nay wag napo kayong magalit sa kanila totoo pong nag bisikleta po kami, sige na alis na kayo" di parin ako nakaligtas sa mga matatalim na titig kay Inay.
Nagsisakayan naman sa mga bisikleta ang mga kaibigan ko tas umalis na sa tapat ng bahay namin naiwan nalang kami ni Inay sa labas pero tinitigan uli ako ni Inay bago sya pumasok sa bahay naming maliit tas mukhang kubo na barong-barong— ganyan kami kahirap pero pinagmamalaki ko pa rin.
Pumasok na rin ako sa loob at bumungad sakin ang nakakatakot na awra ni Inay na mukhang handa na naman akong sermunan nito tas may halong insulto— pero okay lang sanay na ako.
"Jorjah." Naku! Ayan na sisimula na Naman Ng world war 3 namin huhuhuhuhuhu....
"Po?" Mahina kong sagot kay Inay tas napaupo sa upuan sa salas namin— kahit maliit bahay namin tas barong meron parin kaming salas noh!
"Tigil-tigalan mo nayang pag babarkada nang mga lalaking iyon walang magagandang naidudulot sayo iyon Hindi nakakatulong! Baka nyay Yan pa makabuntis sayong Bata ka!" Tahimik lang akong nakikinig sa mga salita ni Inay kahit masasakit na salita ang sinasabi nya sige Lang inay pagpatuloy mo Lang.
"Ikaw di mo man lang gayahin yung kuya Danilo mo na college na ngayon tas nagpopokos sa pag-aaral walang barakada-barakada na Yan tapos ikaw pabarkada-barkada ka di ka man Lang nagpopokos sa pag-aaral mo baka naman Jorjah pinabayaan mo na pag-aaral mo—ako na nagpapakahirap kumayod para lang mapa-aral ko kayo ng mga kapated mo tas ikaw mag bubulakbol kalang?!naku mabuti pang tumigil ka nalang sa pag-aaral Kong magpapabuntis ka nang maaga dyan sa mga kaibigan mong mga lalaking nagdadala ng kapahamakan mo!" Parang binibiyak at winawasak ang puso ko sa mga sinasabi ngayon ni Inay tungkol sakin at sa mga kaibigan ko.
Ito Naman si Inay napaka-advance mag-isip porket barkada ko ay puro lalaki, kasama ko puro lalaki ay mabubuntis agad? Pwede bang sabihin natin na, OO kaibigan ko ay puro lalaki pero kahit lalaki sila naintindihan nila ang nararamdaman ko sila ang naririto sa tabi ko kapag malungkot ako o may problema.
Sila ang nasasandalan ko pag walang-wala na ako. Sila ang gumawa ng mga bagay na dapat sya na inay ko Ang dapat gumawa non para sa akin.
Gusto ko nang patulan Ang mga insultong mga salita ni Inay tungkol sakin at sa mga kaibigan ko— kahit sabihin kong loko Ang mga yun naging mabuti parin sila sakin, naging totoong kaibigan sila sakin.
Pero pinigilan ko parin Ang sarili Kong sagutin si Inay kahit ganyan ka kitid magsalita at magisip si Inay rerespetuhin ko parin sya dahil sya parin ang inay ko.Sya ang nagpabuhay, nagbihis , nagpakain , at nagpaaral sa kin sa mundo.
"Oh Jorjah naman! Nakikinig ka ba! Pag ako talaga hindi makapagtiis sayong Bata ka mapapalo na talaga Kita! Kay laki-laki mo na tapos magpapasaway ka pa sakin ngayon! Mahiya ka naman Jorjah! Dalaga ka na! Malaki ka na Alam mo na ang tama at mali! Pero bakit napakatigas talaga yang ulo at kokote mo ha?!
Di ka man Lang gumaya yang anak ni Paning na kapitbahay naten Yung anak nyang si Panye Yung kaedad mo? Malinis sya di kagaya mo napakadungis parin, Hindi sumusuway sa Nanay at Tatay nya tapos ikaw nanay na nga meron ka sumusuway ka parin, mga kaibigan nya puro babae tas nagpopokos sa pag-aaral nya tsaka may bonus pa! With Honors pa sa paaralan eh ikaw? Ano? Ni isa wala kang laban sa kanya?! Kasi puro ka barakada-barakada, lakwatsa-lakwatsa, tsaka lande-lande Kaya Alam ko na talagang mabubuntis Kang maaagang Bata ka—"
"TAMA NA NAY!" Puno nang lungkot, galit at inis ang nararamdaman ko ngayon. Patawarin sana ako nang diyos sa pagsasagot ko Kay Inay ngayon kasi kahit anong pagpigil at tiis tung nararamdaman ko ngayon. sumasabog na ngayon.
"ANG ADVANCE NYO NAMAN PONG MAG-ISIP! Okay na sana yung insultuhin mo na Yung mga kaibigan ko, laitin mo sila hanggang sa magsawa ka, e kompara moko sa lahat ng mga magugustuhan nyo pero wag po kayong magsalita ng tapos kasi hindi nyo po Alam ng buo ang nadaranasan ko!" Gulat na ekspresyon lang ang tanging nasa mukha ni Inay. Di nya inakala na masasagot ko sya dahil kadalasan tumatahimik lang dyan ako sa tabi.
"Nay kinakaya ko pong tanggapin Ang mga insultong panlalait nyo sa mga kaibigan ko PERO ngayon di ko na kinakaya. Lahat po nang mga pinagsasabi nyo ay puro kabaliktaran dahil Ang totoo Hindi sila ang nagdadala sakin sa kapahamakan kundi sila Ang dahilan sa pagtitino ko! Nay wag kayong humusga kung di nyo pa sila masyadong kilala kasi ako nay? Kilala ko sila. Kilalang-kilala ko sila dahil sila lang naman ang nandito para sakin imbes kayo!" At dahil sa pagsagot-sagot ko kay Inay ay syempre nakatanggap ako ng malutong na sampal.
"Ang lakas Ng loob mong pagsalitaan mo ako Ng ganyan! Yan na ba natutunan mo sa pagbabarkada mo?!" Galit na galit na sabi Kay Inay sakin habang ako umiiyak na ngayon dahil sa sakit ng sampal nya sakin at sa mga pinagsasabi nya.
Napailing-iling ako bago ko tuluyang sagutin muli si Inay.
"Nay patawarin nyo ako Kung nasagot Kita pero sumusobra ka na" walang buhay Kong sagot kay Inay tas umalis ako Ng bahay na umiiyak.
Sa totoo lang hindi talaga ako umalis Ng bahay, lumabas lang ako.
Pumunta ako sa likod ng bahay namin tas nagtungo ako sa kwartong binuo ko sa likod ng bahay namin na ako lang ang nakakaalam.
Tas doon na ako nagpahinga, umiyak, hanggang sa nakatulog ako na hindi kumakain ng hapunan.
Kinabukasan nagising ako sa lamig ng hangin. Napabangon ako sa higaan ko tas napagtanto ko na umaga na pala.
Nagtungo ako sa kusina nang bahay namin at dahil tahimik lang ang loob Alam kong tulog pa sila Inay at iba kong mga kapatid.
Dahan-dahan Lang akong pumasok sa loob nang kusina at iniiwasan ko lumikha ng tunog o galos.
Nakita kong may ulam na sardinas sa lamesa kaya kumalam ang sikmura ko eh natural hindi ako nakapaghapunan kagabi.
Mabuti naman at binilinan pa ako Ng ulam ni Inay.
Kumain na ako tas nagtungo sa kasilyas (palikuran o cr) ng bahay namin. Nakita kong may nakapundong tubig sa balde kaya ginamit ko ito para makaligo na.
Sorry nalang sa nag igib nito kagabi mag igib ka nalang ulit.
Nang natapos akong naligo ay nagbihis na ako Ng uniporme namin sa eskwelahan dahil Lunes na ngayon.
Lumabas na ako Ng bahay bitbit ang bag ko tas naglakad na ako papunta sa paaralan namin.
Tamang pagdating ko sa paaralan ay syang pagdating rin ni manong guard namin sa school.
"Oh Ang aga natin Jorge ah, mag-aalas singko palang ng umaga" medyo nga akong nagulat kay Manong Guard sa sinabi nya pero sige keri Lang Yun.
"Ah napaaga Lang po nang gising Manong, Alam mo na mas mabuting maaga kesa sa ma late diba?" Nagtawanan naman kami ni Manong Guard.
"Napakasipag mo talagang mag-aral Jorge talagang matutuwa yang si Gina sayo dahil nag-aaral kang mabuti" saad ni Manong Guard tsaka dun ko ulit naalala Ang sagutan namin ni Inay kagabi.
"A-ah Manong pwede napo bang pumasok?" Iniba ko ang usapan kasi ayoko munang maalala Ang nangyari kagabi dahil mas Lalo akong nagi-guilty sa mga ginawa ko kagabi.
"Ahh oo Naman" sabi ni Manong Guard tsaka pumasok na ako sa loob ng paaralan.
Naglakad ako ngayon patungo sa building ng mga Fourth year or Grade 10.
Sobrang napakatahimik sa loob kasi nga napakaaga pa NGAYON.
Ng nasa tapat na ako ng classroom namin ay sarado pala ito kaya napaupo nalang ako sa sahig tas sumandal sa pader.
Di parin nawawala sa aking isipan ang nangyari kagabi palagi akong binabara ng konsensya ko.
"Kailangan kong manghingi ng sorry ni Inay mamaya" malungkot kong sabi sa sarili ko tas nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
"Ate Jorge."
"Ay pusang palaka!" Nakuu!!! Kala ko katapusan ko na, akala ko mamatay na ako sa nerbyos!
"Naku! Ikaw lang pala yan Junix! Ano ba papatayin mo ba ako sa nerbyos Kang Bata ka!" Napahawak parin ako sa aking dibdib para pakalmahin ang nagliliyab at nagkakagulong bagay sa dibdib ko.
"Sorry ate I didn't mean na gulatin ka, kasi kanina pa Kita tinawag di ka man lang sumagot" paliwanag ni Junix sakin Kaya tumango nalang ako.
"Ano palang ginagawa mo dito Junix?" Tanong ko sa kanya tas umupo rin sya sa tabi ko— syempre di ako nagulat noh! Pero medyo konti Lang.
"Wala Lang, I'm just walking around tas nakita Kita dito na malungkot" nilingon ako ni Junix tas nagtama ang mga Mata namin "Ate Jorge bat kaba malungkot? Dahil po ba sa nangyari kahapon? Napagalitan ka po ba nang Nanay mo?" May pagkahalong pag-alala sa tono nang pananalita ni Junix, bigla ko na Naman ulit naalala Ang nangyari kagabi.
Tumango ako bilang sagot "Oum napagalitan ako ni Inay pero okay Lang yun Wala Lang Yun" parang gusto ko ulit umiyak di dahil sa sakit ng mga sinasabi ni Inay kundi sa konsensya ko.
"Kung okay Lang yun bakit malungkot ka parin?" Tanong nya uli sa akin —teka bat ka ba tanong ng tanong? Maiiyak talaga ako neto huhuhuhuhu...
Dahil sa di ko na kayang pigilan ang mga luha kong kanina pa nag-urong at sulong ay pinalaya ko na sila.
"Shit. Ate Jorge bat ka naiyak!? May nasabi ba akong hindi maganda? Tell me may masakit ba sayo? Sinaktan kaba nang Inay mo? Tell me!?" Nagtaka naman ako sa inasal ni Junix ngayon-ngayon Lang.
"T-teka napaka-oa mo naman *singhot* naiyak ako dahil sa konsensya ko, eto naman grabeh makareact" pinunasan ko na Yung mga luha kong nailabas kanina.
"Ghad. Akala ko ano na" bulong ni Junix sa sarili pero narinig ko Naman.
"Teka bat ganon?" Tanong ko sa kanya tas napakunot noo sya— mukha namang panot joke.
"Anong ganon?" Balik nyang tanong kaso umiling Lang ako baka ma mis interpret ko pa sya dahil sa naisip ko.
"Wala" natahimik ulit kaming dalawa.
Pero nagsalita ulit sya.
"Ate Jorge Alam mo bang maganda ka kapag nakangiti ka" masaya nyang sabi Kaya nagulat ako— oo nagulat ako kasi sya lang naman nagsabi na maganda ako CHOURRRRR.
Pero sa totoo nagulat talaga ako sa sinabi nya tas nagulat rin ako dahil biglang kumabog at tumibok nang mabilis ang aking puso.
Gulat akong napalingon sa kanya pero hindi man lang nya ako tinapunan ng tingin at nasa harapan sya nakatingin.
"A-anong sabi mo?" Tas hindi man Lang nya ako tiningnan.
"Sabi ko Wala" tsaka tumawa sya—abay lokong Bata to ah Sino ba Nanay nito at sasabihin Kong akin nalang anak nya Shooottt na disssss!!!
Tumayo na sya kaya tumayo rin ako.
"Ate Jorge una na ako mukhang magsidatingan na mga kaklase mo oh" tinuro nya payong mga students na papasok sa loob at classmates ko nga—nasa second floor Ang classroom namin kaya Kita namin Ang buong sukat paaralan.
"Oo nga" Yan Lang sabi ko tas aalis na sana si Junix nang tawagin ko sya tas huminto rin sya at nilingon ako. Matagal rin akong hindi nakapag salita kasi Wala Naman kasi ako dapat sabihin— eh kusang gumalaw Ang bibig ko at tinawag sya.
"Ah... Jorge nalang tawag mo sa akin nakakatanda kasi yung tawagin mo akong ate hehehehe..." Akward Kong sabi sa kanya pero ngumiti Lang sya sakin at nagsimula na namang tumibok ng mabilis ang aking puso.
"Sige kitakits nalang tayo mamaya....
JORGE"
At tuluyang umalis na si Junix pero ako nakatulala parin dahil sa nangyari ngayon-ngayon Lang.
Tinawag na nya ako sa pangalan ko nang walang ate tas.... tas.... tas....
Napakasarap pakinggan na tawagin nya ako Ng walang ate..
Ano batong nararamdaman ko?
•••••••••
PRESENT...
"Hi Jorge ano kumusta ka na?" Ani ni Raphael sa kabilang linya.
"Heto maganda parin di parin nagbabago eh ikaw kumusta ka na jan sa States? Padalhan mo Naman ako Ng imported chocolates jan oh" napahagikhik naman si Raphael sa kabilang linya tas napapangiti rin ako— na parang timang chooss!!
"Maybe next time wala pa kasi akong free time masyadong marami akong inasikaso dito sa sa trabaho ko dito sa company ng parents ko" ani nya.
"Naks! Busy ang don natin ah" biro ko at natawa naman si Raphael sa kabilang linya.
"You know hinding-hindi ka pa rin nagbabago ahh anyway kaya pala ako napatawag dahil may important na sasabihin ako sayo—teka hindi naman ako nakakaabala sayo diba?" Ani ni Raphael and nagtaka naman si ako kung ano ang mahalagang sasabihin sakin ni Raphael.
"Hindi ka naman nakaabala lunch break namin ngayon— teka ano bang sasabihin mo at bakit ito napaka-importante aber?" Tanong ko sa kanya tas tumawa ulit sya.
Parang timang parin to si Raphael tumatawa parin kahit walang nakakatawa.
"Magva-vacation tayo." Saad nya tas di rin ako agad naniwala baka scam Yan noh!
"Weh. Di nga? Bakit Naman?" Tanong ko tas napakunot ang noo ko.
"Well its not exactly na tayong dalawa lang ang magva-vacation kundi tayong buong magkaibigan" saad nya habang ako nagpipigil sumigaw dahil sa saya.
"Ahm. Ahm. Ahm. Mukhang hindi ako makakadalo kasi baka hindi ako payagan ni Sir Sevi—"
"No need na yang mga excuses na Yan actually Sevi agreed na pumunta ka sa vacation natin pero............." Ano naman tong si Raphael pabitin Alam Naman nyang ayaw ko sa mga bitin lines nayan.
"Anoo??? Anong perooo??? Peroo kakaltasan ang sweldo ko? Kung Yan man ang pero na sinasabi mo hindi ako sasama—"
"Pero kasama sya." Mabilis pa sa kidlat na sabi ni Raphael.
Ano???
"Ha?? Bakit kasama sya? Teka nga kilala mo ba si Sir Sevi?" Sunod-sunod kong sagot.
"Yes kilala ko si Sevi and he is my best friend in college here in States noon and for your first and second question my answer is I DON'T KNOW.
I just called him last night para manghingi ng permission sa kanya dahil boss mo sya and then ang sabi nya papayag daw sya in one condition.
Makakasama ka raw sa vacation pag kasama rin sya."
What???
"Weehhhhh?????? Di ngaaa??? Yan Ang pero ni Sir Sevi??? Baka niloloko mo lang ako Raphael ah... Baka naman prank ito dahil Alam nyo na gusto ko talaga yang vacation-vacation nayan... Pag eto panloloko hinihiling ko talaga na mabaog kayong lahat at Hindi na mabibiyaan ng mga anak" pananakot ko sa kanya.
Pag ako talaga niloloko sa totoo lang kahit kaibigan ko pa sila itutuloy ko parin Ang hiniling Kong mabaog sila bwahaahahaha.
Tawa parin ng tawa si Raphael sa sinabi ko kanina —kala mo di ko totohanin yun humanda kayo sapagkat paparating na si madam kulams bwahaahahaha.
"No I'm not kidding and joking Jorge, it's not a prank. Totoo lahat ng mga pinagsasabi ko kahit tanungin mo si Sevi para maniwala ka na" abay lokong Raphael to ah di parin tumitigil sa kakatawa humanda ka sakin talaga— teka tatanungin ko ba talaga si Sir Sevi?
"Sige na nga maniniwala na ako Basta pag eto talaga panloloko nyo lang to sakin tas dinadamay-damay niyo pa si Sir Sevi naku humanda lang kayo dahi reresbak ako noh! Hindi ako papatalo!" Sabi ko Kay Raphael tas tumawa-tawa parin sya.
"Sige na ibababa ko na to dahil malapit ng mapanis tong kinakain ko Sayang Naman Ang Mahal Naman nitong bilhin—oh Basta Raphael Yung imported chocolates ko ah! Eh pa pakage mo naman sakin oh damihan mo ha? Love ko kasi si Chocolates eh" habilin ko sa kanya tas 'umoo naman sya.
Yessss chocolates come to Mee bwahaahahaha.
Naunang ibinaba ni Raphael ang linya nya tsaka ko naman pinutol rin Ang linya ko.
Ibinalik ko na ang cellphone ko sa bag ko tas binalikan ang baon Kong hindi natapos kainin dahil panira nang moment si Raphael—joke.
Habang mino-moment ko naman Yung baon kong Chicken Joy lang Naman Ang ulam ay may bigla-bigla lang na tinawag ako sa pangalan tsaka sumulpot sa harapan ko.
"Jorge."
"Ay pusang paniki!!!!!!!!!!!!" Nagulat naman si Sir Sevi sa pinagsasabi ko tas nagulat rin ako noh!!!
"Nakuuuu ikaw Lang Naman pala Yan sir! Ginugulat mo naman ako may sakit po ako sa nerbyos" napahawak Naman ako sa aking dibdib dahil sa lakas Ng kabog nito dahil sa pagkagulat.
"I'm sorry I didn't mean to call you by name." Saad Naman ni Sir Sevi tas napatango nalang ako tas nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Tsaka bigla na naman akong napangiti sa naaalala ko.
"Jorge what's with the smile?"takang tanong ni Sir Sevi sakin Kaya Naman napabalik ako sa realidad.
"Ah Wala po sir may naalala Lang po ako—ahm sir ano po kailangan nyo po sakin?" Pang-iiba ko nang usapan dahil sa kabila nang aking pagngiti kanina ay may kasunod itong sakit at bahid ng lungkot.
"Ahh last night Raphael told me na magva-vacation daw kayo and... And"
Nakuuu sirr wag mo nang patagalin yang pinagsasabi nyo baka masampal ko kayo Jan eh—pero charss lang di ko gagawin yun noh baka matanggal pa ako sa trabaho.
"Ahm I already said yes to him para sa permission mo pero in one condition dapat..... Kasama ako." Nagulat ako.
OO nagulat talaga pero di ko pinahahalata.
"That's all." Tas tumalikod na sya sakin at umalis.
Napangiti ako nang mapakla dahil sa naalala ko kanina habang kausap si sir Sevi.
Why do still the memories came back Junix? Hinding-hindi naba talaga ako makaka-move on sayo? Hindi naba talaga Kita maaalis dito sa puso' t isipan ko?
Author's note: paano ba makaka-move on Kung MARUPOK ka Naman 😂 sinong agree jan?
Magcomment at vote lang ang uma- agree😊
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top