36

Marahas ko siyang itinulak. Gulat na gulat ako sa ginawa ni Apollo. Hindi ito maaari. Isang pagkakamali ito! Ano na lang ang sasabihin ko kay Chaos pag nalaman niya na hinalikan ako ni Apollo? Mabilis na kumalat ang kaba sa buong sistema ko.


"Apollo, bakit mo ginawa 'yun?! Sinabi ko bang pwede mo kong halikan?! Bakit?!"


Padabog kong pinunasan ang mga labi ko. Nanginginig ang mga kamay ko sa nangyari. Nararamdaman ko pa rin ang lambot ng mga labi niya na dumampi sa akin. Hindi ako mapakali... Hindi ito tama. Diyos ko, pagtataksil ito.


Patawarin mo ko Caly... Hindi ko ito sinasadya...


Gulat na gulat at hindi makagalaw si Apollo. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang gulat, pagtataka at lungkot.


"But," Tinitigan niya ang mga mata ko. Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamay na para bang nagpipigil itong hawakan ako.


"I love you." Matigas niyang sinabi ito. Na para bang walang mali sa ginawa niya dahil mahal niya ako.


"Sapat na rason na ba 'yun para bigla mo na lang akong halikan?!" Hindi ko mahinaan ang boses ko dahil hindi ko mapigilan ang pagalab ng damdamin ko. Ano ba sa tingin niya ang gusto niyang mangyari? Na ayos lang sa akin ang halikan niya ako? Iniisip ba niya na dapat ay humalik ako pabalik?! Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya!


Nakipagtitigan siya sakin. Kitang-kita ko kung paano niya basahin ang bawat ekspresyon sa mukha ko. Galit na galit ako! Wala pang nakakahalik sa akin! At basta-basta na lang 'yun mawawala sa taong hindi ko naman mahal?! Hindi niya dapat ginawa 'yun! Hindi naman ako ang kasintahan niya!


"I kissed you because I love you. Isn't it enough reason?"


Inulit niya ulit ang rason niya. Dati rati naman pag hindi niya maiwasang lumapit sa akin ay laging ito ang sinasabi niya. Paulit-ulit lang niyang idina-dahilan na mahal niya raw ako...



"Apollo, lumayo ka nga sa akin. Kita mong may ginagawa ako eh." Angal ko nang marahan niya akong niyakap mula sa gilid ko.


Marahas kong tinanggal mula sa bewang ko ang mga kamay niya. Sa mga ganitong oras ay hindi ko mapigilang mailang. Hindi mo dapat sa akin ginagawa ito... Hindi ako ang kasintahan mo...


Tinitigan lang niya ako. Ngunit hindi pa rin siya umaalis sa tabi ko. Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya. Pinilit niyang ngumiti kahit na taliwas ito sa nararamdaman niya. Dahan-dahan niyang inilapit ang kamay niya sa mukha ko pero iniwas ko ito.


"I love you..."


Hinanap niya ang mga mata ko pero hindi ko siya tinignan. Hindi ko siya kayang tignan...



"Apollo! Diba sinabi ko na sayong 'wag kang makikielam?! Diba sinabi ko sayong 'wag kang lalabas?! Bakit ba hindi mo kayang makinig sakin?!"


Baka sabihin ni Chaos pumayag akong tumira ka sakin para may mautusan. Natatakot ako kapag lumalabas siya dahil ayokong sumama ang tingin sakin ni Chaos. Mahigpit na ipinagbilin niyang bawal siyang lumabas dito sa bahay at hanggang bayan lang ang pwede dahil baka may makakilala sa kanya.


Napaka-tigas ng ulo nito. Paano kung habang nagbebenta siya ng mga kakanin ay may makakilala nga sa kanya. Ano na lang ang sasabihin ko kay Chaos? Hindi ko naman talaga gustong pagsabihan si Apollo pero kung lagi na lang ganito...


"I just wanted to help you. You looked so tired last night. And you don't want me to take care of you... So, I thought... I thought I could help you in another way. I just really wanted to help..."


"Hindi ko kailangan ng tulong mo! Ang sinabi ko sayo, dito ka lang! Hindi ka pwedeng umalis! Hindi mo ba maintindihan ang paulit-ulit kong sinasabi na pag umalis ka ay baka mapahamak ka?! Hindi mo ba talaga pinapahalagahan ang mga sinasabi ko sayo?!"


"Of course, I do. Every word from you is important to me..." Malambot at nagsusumamo ang mukha ni Apollo. Hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya lag ganito dahil nagi-guilty ako.


Calia, hindi niya alam na hindi ikaw si Caly.


Wala siyang alam... Siya ang biktima dito...


Pero sa araw-araw na gumigising ako at nakikita ko ang mga mata niyang puno ng kalungkutan at pagmamahal... Kinakain ako ng konsensya ko. At hindi ko kayang pigilan ang kagustuhan kong bumalik na siya sa dati...


-


"Love, can we go out?"


Linggo ngayon at biglang nagaya si Apollo. Pero hindi ako pupwede dahil pupunta ako sa bayan. Magkikita kami ni Chaos.


"Hindi pwede." Mariin kong sinabi habang gumagawa ng sago't gulaman. "Pupunta akong bayan mamaya."


"I'll come with you."


Napatingin ako sa kanya. Nakita ko ang pagaasam sa mga mata niya. "Hindi pwede. Dito ka lang."


Bumagsak ang tingin niya. "I'll just walk you there, then."


"Hindi nga pwede. Ba't ba ang kulit mo?" Matalim ko siyang tinignan. "Bumalik ka na sa kwarto mo."


"You never go out with me..." Para siyang batang nagsusumbong. "You never stay... You always leave..."


"Anong gusto mo? Dito lang ako sa bahay? Anong gagawin natin dito? Magtititigan?" Sumbat ko sa kanya.


Natahimik siya sa sinabi ko. Narinig kong tumunog ang aking cellphone na nakapatong lang sa lamesa at nakita kong nagpadala ng mensahe si Chaos. Hindi ko nilagay ang pangalan niya kaya't numero lang ang nagpakita. Napatingin dun si Apollo at pagkatapos ay tumingin sakin. Alam kong naroon na si Chaos sa tagpuan namin kaya't nagmadali akong tapusin ang ginagawa ko.


Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at ibinulsa ito. Nakita kong sinundan pa rin iyon ng tingin ni Apollo ngunit hindi ko na lang siya pinansin.


"Aalis na ko. Isarado mo ang pintuan pagkatapos at 'wag kang magpapapasok ng kahit na sino. Gagabihin ako ngayon. Nagluto na ko ng ulam mo para mamaya. Iwan mo na lang 'yung pinagkainan mo at ako na ang maghuhugas pagdating ko. Isasabay ko dito sa mga lalagyan ko..."


Turo ko sa mga container na lalagyan ko ng mga paninda. Tahimik lang siyang nakikinig at nakatitig sa akin. Maagap niyang kinuha ang lalagyan at tinulungan ako sa pagdala bago lumabas. Umamba siyang hahalikan ako nang paalis na ko pero agad akong umiwas.


Lagi na lang...


Tumikhim siya at hindi pinakita sakin na nasaktan siya sa ginawa ko. Ngumiti ulit siya at bago ko pa masarado ang kawayang gate namin ay nakita kong nakadungaw pa rin siya sa bintana.


"I love you..."


Sambit niya. Nagkunwari akong hindi ko ito narinig. Hindi ko kasi kayang sagutin...



"I don't understand. You don't want me to leave but you always push me away. Like you can't stand the thought of being with me. Why can't I hold you? Because I want to hold you so bad." Mahina ang boses nito at puno ng hinanakit. Kinagat niya ang labi niya at bumuntong-hininga.


"Is it really that bad? Do you really hate the thought of me loving you in the simplest ways? I wake up every day. Do the things that you ask me to do without saying anything. Never asking questions of the things that I don't know of even If I badly wanted to ask the reason why. I am technically walking on dark days, love."


Humakbang siya papalapit sa akin pero umatras ako. Natatakot akong maulit ulit ang nangyari. Mas lalo akong natakot nang mapagtantong naramdaman ko na sa likod ko ang lamig na dulot ng semento sa lababo. Marahil ay nakita niya ang takot sa mukha dahil huminto ito. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya.


"But then you are the light, my light. And I keep on reaching out for you... How much more I'm willing to take to hold out for you but you're too high, too far. And I don't want to think about it but... why do I feel like you're not even reaching out to me?"


Nagulat ako nang tumingin siya sakin at biglang tumulo ng luha niya ang siyang nagpalambot ng galit ko. "...is it really that bad? The thought of you loving me..."


Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Wala akong maisagot. Tahimik ang buong bahay at wala kang maririnig kundi ang mga huni ng ibon. Maaliwalas ang sikat ng araw. Isa na naman sana itong magandang araw kung hindi lang nararamdaman ang mga pusong nasasaktan. Kaya pala. Kaya pala mahigpit na sinabi ng nanay ko ng wag akong magmahal. Dahil pag nangyari iyon, gustuhin mo mang pigilin, hindi mo 'yun magagawa.


Tinignan ko ang mga mata ni Apollo. Nung una pa lang ay ang mga mata na talaga ni Apollo ang unang ko napansin sa kanya. Wala kasi itong naitatago sayo dahil mababasa mo ang nararamdaman niya sa mga mata niya. Ito ang nagsisilbing bintana para sa akin para makita kung anong gusto niyang iparating. Kahit na hindi siya magsalita ay kaya ng sagutin nito ang mga tanong mo. At nasasaktan ako sa nakikita ko...


"Is it really that hard to love me?"


Namumula ang kanyang mga mata at hindi ko siya kayang matignan pa.


Dahil napagtanto kong hindi ako ang kausap niya kung hindi si Caly...


"Is it really that hard to fight for me? Because I feel like... I've been fighting forever but no one ever really fights for me."


Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya kahit na hindi naman talaga ito para sa akin. Akala ko noon, ang pagmamahal na meron si Chaos kay Caly ay kakaiba. Walang makapapantay dahil tunay ito at totoo. Parang sinasaksak ng paulit-ulit ang puso ko sa ginagawa ni Apollo.


Pero ito...


Itong pagibig na kayang ibigay ni Apollo... Hindi ko pa man nalalaman ang lahat ay nasasaktan na ako. Alam kong wala pa ito sa kalingkingan ng kung anong kaya niyang gawin para sa kanya. Napakalalim. Nakakalunod. Nakakapanghinayang....


Siya ang taong lubos kung magmahal. At walang itinitira para sa sarili... Nakakatakot ang ganitong pagmamahal.


Tumawa siya ng mapakla. "I don't really remember anything."


Napatingin ako sa kanya sa gulat. May naaala siya? Paano– "And it's making me crazy."


Hinawakan niya ang ulo niya at bahagyang sinabunutan ang buhok niya. Patuloy siyang tumatawa ng mapakla. "And this hurts so bad," Hinawakan niya ang dibdib niya. May mumunti na namang luha ang lumandas sa mga mata niya. Tinakpan ko ang bibig ko. Namumuo ang luha sa aking mata sa nakikita ko. Anong ginawa nila sayo Apollo? "I want it to stop hurting."


Parang kahit kailan ay hindi siya nakaramdam ng pagmamahal... At sobrang sakit malaman na wala man lang lumaban para sa kanya.


"Please, love me. Please, make this pain go away?" Tumingin siya pero parang tumatagos ang mga mata niya sakin. "You told me you will... You promised me forever... You told me that no one's going to hurt me but you did... What now? What do I do now that you gave up on me? When all that I ever know is how to love you with everything in me..."


Kumikirot ang puso ko. At sobrang bigat ng pakiramdam ko... Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito...


"You promised, baby... You promised..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top