The Night We Met
Ipinalibot ni Yara ang tingin sa paligid kung saan ginaganap ang private reception ng kaibigan niya. Naimbitahan siyang maging ninang ng anak nito and she had no guts to say no.
Despite the whole COVID-19 situation, lumuwas siya papunta ng Maynila para lang makasama ang mga kaibigang tatlong taon na niyang hindi nakikita.
Three years seemed like a long time, right? For Yara, it wasn't.
Kahit wala pang pandemic, mas madalas nang nasa bahay lang siya. She was used to being isolated. Mas madalas pang hindi na siya niyayaya ng mga kaibigan dahil hindi naman siya nakapupunta.
Isa pa, sa probinsya siya nakatira. Mas gusto ni Yara na makalanghap ng simoy ng hangin kaya mas pinili niyang umuwi sa probinsya ng mga magulang niya.
Maraming imbitado, ang ilan ay kilala niya. College batchmates or classmates, hindi siya sigurado. Iilan lang naman ang kaibigan niya noong college at tanging ang anim na kaibigan lang ang kilala niya rito ngayon.
Katatapos lang nilang kumain ng lunch at busog na busog si Yara. Sa dami ng shanghai na kinain niya, solb na. Gustong-gusto na rin sana niyang umalis dahil na-a-out of place na siya.
Isa pa, nalaman niyang may anak na halos lahat ng imbitado. Wala siyang maiambag sa mga pinag-uusapan.
Lahat ng mga kasama niya sa lamesa, pinag-uusapan ang tungkol sa sari-sariling mga anak. Sinasabi na nakalalakad na si Mavi, kumakain na ng kanin si Peb, hindi na nagda-diaper si Johannah, at nagsasalita na si Jaira! Hindi siya maka-relate dahil ni boyfriend, wala.
Everyone was wearing a mask and practicing social distancing. Dapat lang din naman, they all couldn't risk COVID-19. Bago rin sila nagpunta sa binyag, they were asked kung ayos lang bang magpa-rapid test for COVID and most of them agreed.
The couple also assured na kahit na negative ang lahat, they should practice distancing pa rin for everyone's safety.
It had been six months since the quarantine became a thing. It became everyone's new normal.
Sobrang daming nagbago sa buhay ng lahat ng tao, including her.
Yara even lost her job, isang rason kung bakit hindi siya okay the past few weeks. She had been doing online works, pero hindi sumasapat iyon lalo na at siya lang ang may trabaho sa pamilya.
The year sucked big time.
Mahinang natawa si Yara nang maalala na plano niyang mag-boyfriend that year na hindi natuloy dahil wala siyang nakikilalang papa! Bwisit kasi itong si COVID kaya hindi siya makarampa, shuta!
Habang nakatingin si Yara sa mga taong nasa paligid niya, gusto niyang kaawaan at tawanan ang sarili. Sa edad na bente siyete, oo na . . . twenty-seven years old na siya, parang siya na lang ang walang kasamang asawa, jowa, o walang anak na ipinagmamalaki.
Alam naman niyang nasa kalendaryo pa siya, pero bigla siyang nakaramdam ng inggit. Bigla niyang naisip na, am I not enough? May kulang ba sa akin? May mali ba sa akin? Pangit ba ako? Pangit ba ang katawan ko?
Bigla niyang naisip ang mga linyahang pangmalakasan ni Liza Soberano sa My Ex and Whys. My god, Cali!
Gustong-gusto nang magpaalam ni Yara, ayaw lang niyang maging KJ. Nakipagkuwentuhan siya sa mga kaibigan noong college at nagtatawanan lang sila, pinag-uusapan ang mga trabahong na-warla, at bigla nilang na-realize na ang hirap palang kumain ng shanghai nang naka-mask.
Ugh, kairita!
Nang hapon na, nagsimula na ring magpaalam ang iba dahil kailangan nang umuwi sa mga anak-anak nila. Napangiti si Yara doon dahil bigla niyang naisip na buti pa siya, walang anak na uuwian. Puwede siyang magwalwal, puwede siyang umuwing lasing nang walang iniisip.
Sobrang contradicting dahil naiinggit siya sa mga ito habang pinag-uusapan ang mga anak, pero natuwa siya na hindi niya kailangang magmadali para sa anak kung hindi gusto na lang niyang umuwi para matulog.
"Bakit hindi ka na lang bumalik dito sa Manila?" tanong ni Kat, isa sa mga kaibigan ni Yara. "Marami kang makukuhang work dito, kaysa nagtitiyaga ka sa online part-time. Magkakasama pa tayo, puwede tayong magwalwal anytime!"
Umiiling na ngumiti si Yara. "You of all people know na ayaw kong tumira dito sa Manila. Bukod sa mausok, maingay."
"Hindi ka ba nabo-bore man lang sa probinsya? I mean, no offense meant, you're used to living in a city, tapos nandoon ka?" tanong ulit ni Kat. "Saan ka pala tumutuloy ngayon?"
"Nag-Airbnb ako. Balak ko na rin kasing umuwi bukas, eh," sagot ni Yara. "Ayaw kong mag-stay nang matagal dito sa Manila, though pag-iisipan ko kasi medyo na-miss ko rin ang city life. Ang saklap nga lang, may COVID."
Umiling si Rhian, isa rin sa mga kaibigan nila. "Grabe naging epekto ng COVID, 'no? Ang saya-saya natin last year, everyone was having fun, everyone was looking forward to 2020 dahil new life. Oo nga . . . new life ang ibinigay sa 'tin. New normal na binago ang buong mundo."
"True," Yara answered. "I mean ako, sanay akong mag-isa sa bahay, pero nai-stress ako. Paano pa ang sanay talaga sa labas? Ang daming nawalan ng trabaho, ang daming apektado. Minsan nga, sa tuwing nag-iinarte ako sa buhay ko, iniisip ko, paano na lang ang iba?"
Shera nodded. "I agree. Some are even suffering from anxiety and depression. I mean, come to think of it. Kung iisipin mo, may pros and cons ang nangyayari ngayon. Pros, we can spend more time resting and more bonds with our family. Cons, isa lang, eh."
Yara shook her head and sadly smiled. "Cons, hanggang kailan kaya?" tanong niya. "We're not sure until when, we're not even sure kung babalik pa tayo sa normal. Minsan, gusto ko na lang talaga kumeme sa kung saan kasi I feel so alone."
Natawa si Shera sa sinabi niya. "Girl, same. Pressured na ako. I'm twenty-seven, hanggang kailan ang COVID? Paano ako rarampa?"
Single rin si Shera, tulad ni Yara.
"We'll get through this. I hope we will," Yara positively said. Ayaw niyang maging negative, she just wanted to have fun. Dahil kapag umuwi siya, kapag nahiga na siya sa kama, alam niyang mag-iisip na naman siya ng kung ano-ano.
Dumilim na rin at kaunti na lang ang bisita, iilan na lang sa close friends ng couple. Sinusubukan pa ni Karol na ipabuhat sa kaniya ang anak nito, pero hindi niya ginawa. Hindi dahil sa maarte siya, ayaw niyang magpasa ng mikrobyo sa baby, at ayaw rin niyang humawak ng baby, baka bigla niyang ibuka ang legs niya magkaanak lang.
Ekis.
"Love, dadating daw si Dri!" sigaw ni Renzo, asawa ni Karol. "Na-late, galing daw sa duty, pero on the way na. Nagpabili ako ng pulutan, pandagdag. Inubos ninyong girls ang sisig at shanghai, eh."
Nagtawanan silang mga nakaupo sa lamesa. May safe space pa rin sila para sa social distancing. Isa pa, iilan na lang sila. Hindi na sila lalampas sa sampu at nagkayayaan silang mag-inuman. Naglabas din ng shot glass at mga baso si Renzo para tig-iisa sila.
Hindi nga naman hygienic sa panahon ngayon ang isang tagay.
Kuwentuhan, inaalala pa ang nakaraan, at naglalabasan ng sama ng loob dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraang buwan. Nalungkot si Yara na hindi lang pala siya ang nawalan ng trabaho, marami sila.
Everyone was struggling na nakuwento pa ng isa nilang kasama, na his family waited and asked for their barangay's help para lang may makain lalo na at nawalan ng trabaho ang buong pamilya.
The pandemic really took a toll on everyone.
They were laughing when a car pulled. Tumayo naman si Renzo para salubungin ang bagong dating. Nakasuot ito ng puting long-sleeved polo at nakatupi hanggang siko, naka-slacks na dark blue, at ayos na ayos ang buhok. Mukhang kagagaling lang ng opisina. Sana all, may work.
"Dri, pre!" nakangiting sabi ni Gab, isa sa mga kaibigan ni Renzo.
Narinig ni Yara na pinag-uusapan ito ng mga kaibigan nila at Adriano raw ang pangalan. Hindi pa niya ito nakikilala kaya hindi siya makasabay sa mga sinasabi at pinag-uusapan tungkol dito.
"Akala namin, hindi ka na naman pupunta. COVID na't lahat, busy ka pa rin. Kumusta ka naman?" Tinapik ni Renzo ang balikat ni Dri.
Ngumiti si Dri at kumaway sa kanilang lahat. "Gan'on talaga, kailangang kumita. Napapagod na rin ako, kung may ipon lang talaga ako, hihinto na ako sa trabaho, gusto ko munang matulog nang mahimbing."
Nagtawanan lahat, pero nanatiling tahimik si Yara. Gusto niyang sabihing same.
"Nagrereklamo ka, kami naman, puro tulog dahil walang trabaho," pabirong sabi ng isang kaibigan ni Dri. "Upo ka na, mag-enjoy muna tayo, kalimutan muna natin na may putanginang pandemya. Nakakapagod, tangina."
Naintindihan ni Yara ang hinaing ng bawat isang kasama niya sa pabilog na lamesa. Kaniya-kaniya sila ng hinaing sa buhay. May nawalan ng trabaho, may part-time na lang ang trabaho, may ilang nagkasakit dahil sa pagtatrabaho kaya kailangang mag-resign, ang iba naman, may trabaho nga, stressed naman.
"Fuck 2020, pre." Itinaas ni Gabby ang baso. "Kung puwede lang na mag-teleport pabalik ng 2019, mag-iipon ako. Hindi ako magta-travel, hindi ako magluluho, kasi tangina, walang-wala ako."
Ang kaninang masayang inuman, nauwi sa hinaing. Lahat sila, may problema.
"Ikaw, Yara," kuha ni Karol sa atensyon niya, "kailan ka mag-aasawa at mag-aanak?" tanong nito.
Yara snorted. "Tingin mo, sa pandemya, makalalandi pa ako?" natatawang tanong niya. "Girl, kung puwede lang akong bumukaka ngayon, ginawa ko na. Pero naisip ko rin, parang ayaw kong magkaanak. Imagine, iluluwal mo sila sa ganitong kagulong mundo? Iluluwal mo sila na hindi nila mararamdamang mag-enjoy katulad natin dati?"
Natahimik ang lahat sa sinabi ni Yara.
"Sa tuwing iniisip ko ang sitwasyon natin ngayon, ayaw kong magkaanak. Ayaw kong maranasan ng magiging anak ko ang nangyayari ngayon. Kawawa sila," sagot niya bago tumungga ng alak. "Hindi na ako mag-aanak. Hindi sa pagiging madamot." Itinaas niya ang baso. "Cheers sa mga mas pinili na lang mag-isa."
"Ang duwag naman ni Yara!" natatawang sabi ni Gabby.
Magsasalita na sana si Yara para sagutin ang sinabi ni Gabby nang biglang magsalita si Dri na nasa sulok at iniikot ang beer na hawak. "Normalize the idea of women not having children. It's their body, it's their choice," biglang sabi nito na nakatingin sa kung saan. "Ako, personally, wala akong karapatang sabihin na duwag sila. I don't know their struggles because I am a man. Wala naman akong gagawin kung hindi ang buntisin lang sila, pero ang babae, we're not sure."
Walang nagsasalita. Yara stared at Dri.
"I don't and won't have their maternal instinct kaya ang masasabi ko, let's not judge women based on their decisions," dagdag ni Dri. "Natural sa babae ang nanganganak, pero hindi lahat, gustong magkaanak. Let's respect that." Tumingin ito sa kaniya bago tinungga ang beer na hawak.
Natahimik ang lahat sa sinabi ni Dri. Totoo naman, sa tuwing iniisip niya kung paano ang magiging mundo ng next generation, parang bigla niyang ipinagpasalamat na wala siyang anak at ayaw na niyang mag-anak.
Hindi rin masyadong uminom si Yara, hindi katulad ng mga kasama nila na sinulit ang bawat bote ng alak para daw kalimutan ang panandaliang paghihirap sa buhay. Yara decided not to drink much, para na rin hindi siya mahirapang umuwi.
Tumulong munang magligpit si Yara dahil halos lahat ng kainuman nila, bagsak na at kaniya-kaniyang uwi na. Nahiya naman din kasi siya kina Karol na maraming ililigpit at napakaraming kalat.
"Sorry kanina, Ya," biglang sabi ni Gabby. "Pasensya na, hindi ko sinasadya."
Natawa si Yara. "Okay lang, view mo 'yun, iba ako. Naiintindihan ko."
Wala naman talagang kaso sa kaniya ang sinabi ni Gabby dahil iba-iba ng paniniwala ang mga tao. Ayaw niyang pangunahan ang mga ito. Sasabihin sana niyang ayos lang, pero nauna si Dri.
Nagpaalam na rin si Gabby sa kanila dahil inaantok na raw at bibiyahe pa. Panay pa rin ang hingi nito ng sorry kahit na sinabi niyang maayos naman ang lahat.
Habang pinupulot ni Yara ang mga lobong pumutok na, lumapit sa kaniya si Dri. Nakatupi ang sleeve nito hanggang siko at medyo magulo na ang pagkakatali ng buhok. Mukhang mahaba ang buhok nito dahil naka-bun, pero may mga nakabagsak.
"Are you okay?" Dri warmly smiled at Yara.
Yara frowned and chuckled. "Oo naman, bakit mo natanong? Salamat pala kanina. Akala ko rin, ako lang may ganoong perspective sa buhay at hindi lang si Gab ang nagsabi na duwag ako . . . marami, pero okay lang naman kasi iba-iba naman tayo ng pananaw."
"Fuck 'em." Dri shook his head and smiled. "Hindi kasi nila iniisip ang future and I understand that women have different views when it comes to having kids. Nasabi rin kasi sa akin 'yan ng sister ko. Noong una, hindi ko ma-gets. Pero eventually, oo nga, sa mga nangyayari ngayon, it's gonna be really hard."
"Sinabi mo pa." Mahinang natawa si Yara. "Masaya siguro, pero kapag hindi handa, 'wag na muna."
●・○・ND・○・●
Bukod kina Karol at Renzo, apat silang natira para tumulong sa pagliligpit. Sinabi nina Karol na hayaan na lang ang mga iyon. Natutuwa rin naman si Yara na nagkaroon siya ng pagkakataong makausap ang mga kaibigan.
It was two in the morning. Ni hindi nila namalayang madaling-araw na dahil nag-enjoy silang lahat sa pagkukuwentuhan.
Na-open pa ulit ang topic tungkol sa sinabi ni Gabby kay Yara. Sa totoo lang naman, hindi siya na-offend sa sinabi nito dahil madalas na niyang naririnig iyon.
Oo, gusto niyang mag-asawa, pero wala sa isip niya ang mag-anak. Mahirap ang buhay, mahirap ang sitwasyon ng mundo, at paniniwala niya iyon na hinihiling niyang respetuhin ng iba.
Nang matapos silang magligpit, nagpaalam na si Dri kay Renzo, ganoon din si Yara kay Karol. May dalawa pa silang kasama at nakisuyo kung puwedeng ihatid ni Dri. Inaayos naman ni Yara ang bag niya dahil magbu-book na siya ng ride nang lumapit sa kaniya si Dri.
"Yara, hindi ka pa sasabay?" tanong ni Dri at itinuro ang mga kasamang nilang palabas na ng gate. "Saan ka ba? Doon na lang kita ibababa."
"Sa may Araneta ako, nag-Airbnb kasi ako sa isang condo roon." Ngumiti si Yara. "Okay lang, ako na lang. Mag-Grab na lang ako."
Umiling si Dri. "Uy, hindi. Ayos lang. Sabay ka na lang. Pero bago 'yun, let me introduce myself." Inilahad nito ang kamay. "Don't worry, nag-alcohol ako. Mag-alcohol ka na lang din pagkatapos. I'm Adriano Castillo, sabi ni Renzo, batchmates daw tayo. I took up finance."
"Yaralyn Pineda, I took up tourism." Tinanggap niya ang kamay ni Dri. "Don't worry, nag-alcohol din ako. Are you sure? I mean, hindi ka ba out of the way?"
Inilabas ni Yara ang alcohol spray sa bag at ginamit iyon habang nakikipag-usap kay Dri. Nanghingi pa nga ito.
"Hindi, okay lang talaga. Tara na?"
Tumango si Yara at sumunod na kay Dri. Nagpaalam sila kina Karol at Renzo na hinatid sila hanggang sa gate kung saan naka-park na rin ang kotse nito.
Nakasakay na sa likod ang dalawang ihahatid nila kaya sinabi ni Dri na sa shotgun seat na maupo si Yara.
For some reasons, walang naramdamang awkwardness si Yara kay Dri. Siguro dahil mayroong isang bagay na magkapareho sila sa perspective ng buhay.
Nagmamaneho si Dri nang mapatingin kay Yara. "Ilang taon ka na?"
Natawa si Yara. "Noon, parang nahihiya akong sabihin, pero ngayon? I already embraced that I might end up as an old maid, ako ang tita na palaging umiinom sa mga reunion. I'm twenty-seven."
Dri laughed. "Ang advanced naman! Twenty-eight ako last week," sagot nito. "Do you mind if I turn on the speakers?"
Umiling si Yara at tumingin sa bintana. "Puwede ko bang buksan ang bintana? Gusto ko ng malamig na hangin, na hindi aircon."
Hindi na niya kailangang sabihin ulit dahil binuksan na ni Dri ang bintana sa side niya. Bahagyang inilabas ni Yara ang ulo sa bintana. She was wearing her mask, but feeling the breeze while listening to the music made her feel more alive.
They listened to The Night We Met by Lord Huron.
"Fuck you, COVID!" malakas na sigaw ni Yara habang natatawa.
Narinig niyang tumawa si Dri kaya nilingon niya ito na tumingin sa kaniya, bago sa mga tao sa likod nilang natutulog. "Buti na lang mga lasing sila," sabi nito.
Natawa lang din si Yara habang dinarama ang malamig na simoy ng madaling-araw. Buti na lang at walang masyadong sasakyan. Nakikinig siya sa kanta habang nililipad ng hangin ang buhok niya at nakalabas ang kamay na kunwari, sinasapo ang hangin. Mayroong kaunting ambon, pero hindi ganoon kalakas.
When the night was full of terrors
And your eyes were filled with tears
When you had not touched me yet
Oh, take me back to the night we met.
"COVID really did fuck us all," malungkot na sambit ni Dri at huminga nang malalim. "Ang hirap."
Humarap at tumagilid si Yara ng upo habang nakatingin kay Dri. Tinitigan niya ito habang nagmamaneho, iniisip na sana, kung sakali man, magkita pa sila. Hindi niya alam kung bakit, pero bihira siyang magkaroon ng taong makakausap na medyo matino.
"Okay ka lang?" tanong ni Dri nang hindi tumitingin kay Yara.
Nakatagilid lang si Yara na nakatingin lang at hindi sumagot.
Nang walang narinig, humarap si Dri sa kaniya, naramdaman ni Yara na bahagya ring bumagal ang takbo ng sasakyan.
"Okay ka lang ba?" pag-uulit ni Dri. Nagsalubong pa ang kilay nito.
Mahinang natawa si Yara. "It's unusual for someone to ask if I'm okay. Yes, I think I am okay."
"Okay ka lang ba?" tanong ulit ni Dri.
Kumunot ang noo ni Yara at tinitigan si Dri. "Oo nga, okay lang ako," sagot niya at pinilit ngumiti.
Mahinang natawa si Dri at ngumisi. "Liar."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top