Chapter 8

Panay ang tingin ni Dri sa phone niya dahil limang araw na, wala pa ring paramdam si Yara sa kaniya. Simula nang ihatid niya ito sa bahay nina Rhian, hindi na ito nag-message o nakipag-usap sa kaniya.

Humikab siya at minasahe ang batok. Katatapos lang niyang magtrabaho.

Maayos naman silang naghiwalay, maayos naman silang nagpaalam sa isa't isa, pero walang news na kahit ano. Minsan siyang nagtitingin sa mga mutual friend nila kung mayroon bang update, pero wala. Kahit mismong account nina Rhian at Diether, tiningnan na rin niya.

Pagka-out ni Dri sa office, kaagad siyang dumiretso sa parking ngunit pagsakay pa lang niya sa sasakyan, nag-ring na ang phone niya at si MJ iyon. Simula rin noong naihatid niya si Yara kina Rhian, hindi na ulit sila nagkausap ni MJ.

Pilit niyang itinatanong kung magkano ang babayaran sa accommodation, pero ayaw nitong sabihin sa kaniya.

"Oh, pre, bakit?" Humikab muli si Dri at isinandal ang likuran sa komportableng upuan ng sasakyan. "Pauwi pa lang ako, ano'ng meron?"

"Busy ka, pre? May relief operations kasi kami sa mga nasalanta, eh. Mamimili at magpa-pack kami ng reliefs," sabi ni MJ. "Medyo marami naman na, pero kung gusto mo lang magpunta, ise-send ko sa 'yo ang address."

Tumingin si Dri sa orasan at sandaling napaisip. "Sig—"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang muling magsalita si MJ. "Nandito nga si Yara, nagulat kami. Akala ko ba, umuwi na siya sa probinsya?"

"Nandiyan si Yara?" Gulat na tanong niya dahil wala rin naman kasi siyang alam. "Nasaan ba kayo? Sa warehouse mo ba?"

"Oo," sagot ni MJ. Naririnig din ni Dri na medyo maingay kung saan man ito naroon. "Kasama niya sina Dominic. Kung sasama ka, diretso ka na lang dito. Laki tulong ng auto mo, eh." Kapatid ng boyfriend ni Rhian si Dominic.

"Sige, susunod na lang ako riyan." Binuksan ni Dri ang sasakyan. "Uwi lang ako sandali tapos pupunta na lang ako."

Nag-agree naman si MJ at masaya nitong sinabing maghihintay sa kaniya.

At habang nagmamaneho, napapaisip si Dri kung kumusta na ba si Yara. Ang akala rin niya ay nakauwi na ito sa probinsya. Maraming tumatakbo sa isip niya, pero hindi niya iyon masasagot kung hindi rin siya magtatanong.

Panay na ang hikab niya habang nagmamaneho kaya dumaan na muna siya sa isang café na mayroong drive thru. Mabuti na lang din at wala na siyang pasok kinabukasan at wala rin naman siyang gagawin. Naligo na muna siya sa apartment niya at kumuha ng ekstrang mga damit.

Pagdating sa warehouse ni MJ, agad niyang nakita si Yara na nakaupo sa isang monobloc na seryosong nakatingin sa kung saan. Tulala ito at parang malalim ang iniisip. Tahimik ito hindi tulad ng iba na nakikipagkuwentuhan sa kung sino man.

Sinalubong kaagad siya ni MJ. Nandoon nga si Rhian na kaibigan ni Yara, sina Diether, Dominic, pati na rin si Renzo, at iba pang barkada nila. Iyon pala ang donation drive na inumpisahan ng isa pang kaibigan nila at nakakalap ng malaking halaga.

Sandali muna siyang nakipag-usap sa mga kaibigan niya ngunit paminsan-minsang tinitingnan si Yara na mukhang hindi pa alam na nandoon siya. Ni hindi man lang lumilingon sa kung saan sila nakatayo.

"Mabuti nakapunta ka," sabi ni Diether. "Malaki 'yung kotse mo, marami tayong mailalagay kapag bumili pa tayo mamaya ng mga gamit. Dala rin naman ni Macky 'yung pick-up niya kaya dagdag din 'yun para hindi tayo pabalik-balik," dagdag nito.

"Kaya nga, eh." Tinapik ni Renzo ang balikat niya. "Wala kang pasok bukas?"

Umiling si Dri. "Wala. Mag-overtime sana 'ko kaso tumawag kayo kaya sige lang. Wala naman akong ibang gagawin."

Nagkakatinginan sina Diether at MJ dahil nakikipag-usap sa kanila si Dri, pero nakatingin ito kay Yara. Hindi pa sila nagkamali nang magpaalam itong lalapitan muna ang dalata.

"Hindi ka pa pala nakauwi?" Nag-angat ng tingin si Yara nang marinig ang boses na pamilyar sa kaniya. Naupo rin si Dri sa tabi niya. "Akala ko, nakauwi ka na, wala na akong update, eh."

"Hello." Tipid siyang ngumiti at kumaway.

"Grabe, hello lang?" nagbibirong tanong ni Dri.

Nagsalubong ang kilay ni Yara. "Ano'ng gusto mo, magpa-confetti pa ako?" Masungit ang tono niya. "Baka gusto mo rin ng welcome party?"

"Sungit!" Tumawa si Dri at kumportableng sumandal sa monobloc. "So, kumusta ka? Okay ka lang?"

Walang sagot si Yara. Tahimik lang itong nakatingin sa mga kasama nila nang kunin ni MJ ang atensyon nila at sinabi ang mga gagawin nila kaya hindi na siya muling nakapagtanong kay Yara.

Nagbigay si MJ ng instruction at gumawa ng grupo sa bawat gagawin. Nagulat sila na sa donation drive na ginawa nila, nakakalap sila ng malaking halaga ng pera para pambili ng kailangan ng mga nasa evacuation center.

"Renzo, Dri," itinuro sila ni MJ, "kayo na lang ang bumili ng mga relief. 'Yung girls dito, mag-wait na lang for packing. Tingin n'yo?"

Tumango si Dri, ganoon din si Renzo. Tatlong sasakyan silang magkakasunod na pumunta sa magkakaibang supermarket din para bumili ng relief. Muli siyang humikab nang maramdaman ang antok.

"Hindi pa pala nakakauwi si Yara," basag ni Dri sa katahimikan at tumingin si Renzo sa kaniya. "Pagkahatid ko kasi sa kaniya kina Rhian, hindi na siya nagparamdam, eh. Kahit isang message, wala."

Nagsalubong ang kilay ni Renzo habang nakatingin kay Dri. "Trip mo ba si Yara?" diretsong tanong nito. "Isang tanong, isang sagot. Trip mo ba si Yara?"

"Ewan." Tumaas ang dalawang balikat ni Dri at sandaling natahimik dahil napaisil siya. "Hindi ko rin alam. Bakit?"

"Putanginang sagot 'yan," pagbibiro ni Renzo.

"Eh, gago, hindi ko nga alam!" protesta naman ni Dri. "Alangang sabihin ko na oo, tapos hindi pala. Oh kaya sabihin ko na hindi, tapos oo pala," aniya at umiling. "Dapat ang mga ganiyang bagay, hindi tinatanong!"

Natawa lang si Renzo sa sagot niya dahil totoo naman. Ang mga ganoong bagay, hindi na dapat itinatanong lalo na kung wala namang kasiguraduhan. Hindi rin naman kasi niya alam ang totoong sagot. Hindi rin naman tama kung sasagot siya tapos hindi siya sigurado.


●・○・●・○・●


Halos tatlong oras bago sila natapos sa pamimili ng mga gamit dahil maramihan, mahabang proseso, mahaba ang pila, at kailangan pang ikahon. Ang iba pang stock ay kinuha pa sa mismong likod ng mall na mayroong malaking stockroom.

Nang makarating sila sa warehouse, naghintay na ang mga kababaihan at nakahanda na ang mga gagamitin para sa pag-pack. Nauna na ring dumating ang mga bigay na unang na-sort at inilagay na sa mga plastic.

Pagbaba ng mga gamit, dumiretso si Dri kung nasaan si Yara. Nakasalampak ito sa sahig at nagpa-pack naman ng noodles at mga delatang nabili nila.

"Hi," bati ni Dri.

Tumingin sa kaniya si Yara. "Oh? Akala namin, kinain na kayo ng supermarket, eh. Ang tagal n'yo kaya."

Ngumisi si Dri at gusto niyang makipaglokohan kay Yara. "Bakit? Hinihintay mo ba 'ko?" pagbibiro niya.

"Kapal mo, oy!" singhal ni Yara at inirapan siya. "Kumain ka na?"

Tipid na ngumiti si Dri bago tumango. "Oo, ikaw ba? Okay ka lang ba?"

"Okay lang naman." Ngumiti si Yara at yumuko.

Naupo si Dri sa harapan nito at tumulong sa pag-pack ng relief goods. Gusto niyang gumawa ng conversation at itanong na rin kung bakit hindi na ito nag-message sa kaniya, pero nakaramdam siya ng hiya. Ayaw rin niyang masungitan.

Pero gusto rin niyang malaman.

"Yara, sorry, magtatanong ako."

Nag-angat ng tingin si Yara at tinitigan si Dri. Wala siyang sinabing kahit na ano at naghintay. Kita niya ang pag-aalinlangan sa mukha nito ngunit nanatili rin siyang tahimik.

"Bakit hindi ka pa umuuwi ng probinsya?" tanong ni Dri.

Pinili ni Yara ang ngumiti. Ipinalibot niya ang tingin sa paligid at sinigurong walang tao dahil nahihiya siya sa posibleng maging sagot niya.

"Ang daming requirements, eh." Mababa ang boses ni Yara at nagpatuloy sa paglalagay ng noodles sa plastic. "Lalo na 'yung rapid test. Wala akong pera, Dri," pag-amin niya.

Nakayuko si Dri na naglalagay ng delata sa plastic ngunit pinakikinggan si Yara.

"Nagsabi na rin ako kina Rhian at Diether na aalis na 'ko bukas, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta," ani Yara at pinigilan ang sariling huwag umiyak.

Sinalubong ni Dri ang tingin ni Yara at nanatili siyang tahimik.

"Limang araw na 'kong gumagawa ng paraan. Nahihiya na nga akong manghiram kina Rhian kasi narinig kong financially struggling din sila," pabulong na sambit ni Yara. "Wala akong makuhanan ng 5,000. Nahihiya na 'ko sa kanilang lahat."

Seryosong nakatitig si Dri kay Yara. "Puwede kitang pahiramin para makauwi ka na? Ayaw kong tumingin sa 'yo, Yara. Pangit mo ngumiti kapag pilit. Sabi ko sa 'yo, 'wag kang mag-adjust."

Hindi ang salita si Yara at nagpatuloy sa ginagawa ngunit minsang tinitingnan ang mga tao sa paligid niya. Ayaw niyang may ibang makarinig ng kung ano man ang pinag-uusapan nila ni Dri.

Yara tried to smile and Dri breathed. "Yara, 'wag kang ngumiti. It's okay not to be okay. Lagi mong pinapakita sa lahat na okay ka lang kahit na ang totoo, hindi. Para mong niloloko ang sarili mo."

Muling ngumiti si Yara ngunit pakiramdam niya, parang may nakabara sa lalamunan niya dahil isang-isa na lang, iiyak na siya. Kinailangan lang niyang pigilan dahil ayaw niya. Maraming makakikita, maraming tao.

"Magiging okay rin ako." Hinarap niya si Dri at nginitian ito ngunit nanatiling seryosong nakatingin sa kaniya.

Umiling si Dri at yumuko dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin kay Yara. Hindi niya gusto ang ngiti nito sa kaniya dahil alam niyang hindi iyon totoo. Panay rin ang tingin nito sa paligid na para bang nag-aalala kung mayroon bang nakaririnig sa kanila.

"Hanggang kailan mo sasabihin 'yan sa sarili mo, Yara?" Hindi na napigilang tanong ni Dri. "Hanggang kailan mo ipararamdam sa lahat na okay ka lang kahit na ang totoo, hindi?"

"Hangga't kaya ko." Mababa ang boses ni Yara. Kinagat nito ang ibabang labi. "Siguro, 'pag nandoon na 'ko sa lugar kung saan walang manghuhusga sa 'kin."

Ngumiti si Dri. "Ah, sa piling ko?"

Napanganga si Yara sa sinabi ni Dri at inirapan ito. "Alam mo? Ang seryoso kong nakikipag-usap sa 'yo tapos ganiyan ang ibabanat mo. Medyo nakakapikon."

Natawa na lang si Dri lalo nang nagsasalita siya at nakikipagbiruan, minsang nagtatanong din, pero para siyang nakikipag-usap sa hangin dahil hindi na siya pinapansin ni Yara. Busy na ito sa pagpa-pack sa mga pagkain na para bang hindi na siya naririnig.

"Yara, alam mo ba 'yung kantang Two is Better Than One?" Naningkit ang mga mata ni Dri.

Tumingin si Yara sa kaniya at ngumiti ngunit walang sinabing kahit na ano. Hindi na rin siya ulit nagsalita dahil hindi naman sumagot si Yara. Baka lalo lang itong mainis sa kaniya, pero kumanta siya.

Kinanta niya ang lyrics ng Two is Better Than One. "I remember what you wore on our first date, you came into my life . . . and I thought hey . . . you know this could be something," pagpapatuloy niya. "Cause everything you do and words you say . . . you know that it all takes my breath away . . . and now I'm left with nothing."

"Uy, gago! Nanghaharana si Dri, oh!" pang-aasar ng isa nilang kaibigan. "Hinaharana mo ba si Yara? Nakanamputa, Dri!"

Hindi kumibo si Yara at tumalikod dahil wala siya sa mood makipaglokohan sa mga ito. Nandoon lang siya para tumulong, para malibang, hindi para makipagharutan.

"Well maybe two is better than one, there's so much time, to figure out the rest of my life," itinuloy ni Dri ang kanta.

Napapansin ng ibang mga kasama nila na may something kina Dri at Yara. Napapansin nilang panay ang salita ni Dri, tahimik naman si Yara. Kilala naman ng lahat na reserved at introverted talaga si Yara kaya hindi nila maintindihan kung bakit ito kinukulit ni Dri.

Nagkakatinginan na silang lahat at inaasahan na nilang irap ang magiging reaksyon ni Yara sa bawat sasabihin ni Dri. Hindi naman nila inasahang magpapatuloy pa rin si Dri sa pangungulit.

"Ang sinasabi ko lang naman kasi, Yaralyn Pineda," ibinaba ni Dri ang isang kahon ng sardinas na ilalagay sa plastic, "no man is an island."

Ginagamit ng mga nakapaligid kina Yara at Dri ang mga mata para mag-usap. Walang nagsasalita, pero nagngingitian ang mga ito. Everyone was observing the two.

"Alam mo, kung wala kang magawang matino, Adriano, lumipat ka na lang doon!" Itinuro ni Yara sina MJ. "Sumama ka kina MJ, mag-pack kayo ng mga mineral water!"

Patalikod na nilingon ni Dri sina MJ na inaayos ang mga kahon ng tubig na ilalagay rin sa mga plastic. "Ayaw ko nga. Nandito ka, eh." Nakapameywang niyang hinarap si Yara.

Umiling si Yara at ngumiti kay Dri. "Dri, juice ka ba?"

"Hindi, eh." Ngumisi si Dri. "Bakit? Dahil ba gusto mo ng Sunkist?"

Ngumisi rin si Yara at dumiretso ng tayo. "Kasi Tang-ina, manahimik ka nga muna!"

Everyone contained their laughter especially when Yara cursed. Tahimik lang si Yara at nagmumura lang ito sa mga taong komportable siya, at mukhang kahit napipikon ito kay Dri, she was comfortable talking to him, that was what Karol observed.

"Ang sungit mo!" natatawang sagot ni Dri. "Akala ko kasi, gusto mo ng 'sang kiss, eh," sabi nito at biglang sumeryoso ang mukha. "Yara, huwag ka nang umuwi sa probinsya, rito ka na lang."

Natahimik lahat, pati si Yara, tumigil sa pagpa-pack.

"Kasi, aanhin mo pa ang bahay ninyo, kung nandito ka na sa puso ko! Boom!" ani Dri na para bang proud na proud pa sa sinabi.

Sumimangot si Yara at umiling. "Alam mo, Adriano, you're funny."

"I know right!" pagmamalaki ni Dri. "At least, napapatawa kita.

"Funny-ra ng araw!" singhal ni Yara bago naglakad palayo kay Dri dahil napipikon na siya. Napakadaldal! "Daldal mo, kakairita ka!"

Halos lahat ng nagre-repack ay natatawa. Ang common friends nila at nagkakatinginan, naglolokohan, at nagtatawanan dahil sa bangayan ng dalawa pa nilang kaibigang hindi nila inasahang magkakaroon ng koneksyon.

"Tangina, lowbat ako!" umiiling na sabi ni Dri habang nakatingin sa phone bago tumingin kay Yara. "Na-lowbat first sight ako!"

"Tanda mo na, nagpi-pick up lines ka pa!" singhal ni Yara. "Para kang tanga! Hindi ka na nakakatuwa."

Bigla namang nagsalita si MJ na nakatayo sa sulok hawak ang kahon ng noodles. "Buti pa ang Nido, may label. Sina Dri at Yara, nagbabanatan na, wala namang label!"

Natawa lahat, si Yara naman ay ngumisi lang at sinusubukang mag-adjust sa mga kasama para naman hindi siya magmukhang KJ sa harapan ng mga ito. Oo, nakikipagbiruan siya kay Dri, pero nahihiya pa rin siya sa ibang kasama nila.

"Yara, ano'ng mas gusto mong tawag sa 'yo ng ibang tao, Miss Yara or Ate Yara?" Naningkit ang mga mata ni Dri.

Nag-isip si Yara. "Miss na lang, para pormal. Para kakaiba."

Sandaling tumitig si Dri kay Yara at ngumisi. "Ayaw mo ng misis?"

Kinagat ni Yara ang ibabang labi at sinamaan ng tingin si Dri na ngingis-ngisi habang nagtatawanan ang mga tao sa paligid nila. Nakita ng lahat kung paanong iritableng nakatitig si Yara kay Dri na tawa lang nang tawa.

"Alam mo, sana alak na lang ako," sagot ni Yara.

Ngumiti si Dri. "Bakit? Para tamaan ako sa 'yo? Yiee!"

"Tangina." Nangasim ang mukha ni Yara. "Tatamaan ka talaga sa akin 'pag hindi ka pa tumigil, Adriano. Napipikon na ako."

Ngumiti si Dri nang irapan siya ni Yara at tinalikuran silang lahat. Nagpunta ito sa gilid kung nasaan ang ibang kaibigan. Alam niyang naiirita sa kaniya si Yara, pero ginagawa niya iyon para hindi ito mag-overthink lalo nang makita niyang nagfi-fidget na naman ang kamay nito na parang ninenerbyos habang nagkukuwento tungkol sa pag-uwi.

"Oy, bakit mo ako iniwan doon?" Sumunod siya kay Yara at naupo sa tabi nito. "Nakakainis ka naman!"

Inirapan ni Yara si Dri. "Nakakairita ka kasi! Kinikilabutan ako sa mga pinagsasasabi mo!"

"Kilig ang tawag d'on!"

Hindi nagsalita si Yara. Naka-focus lang siya sa pagbabalot ng noodles. Hindi naman siya mananalo kay Dri kahit na anong bangayan nilang dalawa.

Umalis naman si Rhian kaya nakakuha si Dri ng pagkakataon para tanungin si Yara. "Paano ka bukas?" seryosong tanong niya. "Ano'ng gagawin mo?"

Tumaas ang balikat ni Yara. "Bahala na. Hahanap muna 'ko ng para—"

"Dalawa ang kwarto sa apartment ko. Hindi kita pipilitin, hindi kita gagapangin dahil hindi naman ako tigang at lalong hindi ako rapist. Helping as a friend," ani Dri. "Sabihin mo lang kung ano'ng desisyon mo, tutulungan kita."

Hindi nagsalita si Yara na nanatiling nakayuko, pero kitang-kita ni Dri ang pagtulo ng luha nito sa kamay at pilit na itinatago ang mukha sa pamamagitan ng buhok.

"Huwag kang umiyak, hindi nakakaganda."

Nag-angat ng tingin si Yara at hinampas si Dri ng bimpo. Kahit naka-mask ito, kita ni Dri ang ngiti nito at mahinang natawa. "Bwisit ka!"

"Aasarin pa kita kaya humanda ka."





T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys