Chapter 7

Naalimpungatan si Yara nang makarinig ng malakas na pagbagsak ng metal kaya kaagad siyang bumangon. Nakita niya si Dri na nakatingin sa kaniya at naka-peace sign.

"Sorry, dumulas." Hawak nito ang sandok. "Nagluluto na ako ng noodles. Sorry, nagising ka."

"Okay lang." Kinusot ni Yara ang mga mata niya at humikab. "Anong oras na ba?" Tumingin siya sa labas dahil madilim pa rin.

Tumingin si Dri sa orasan. "4 a.m. pa lang, pasensya na."

Hindi na sumagot si Yara. Bumangon siya at pumasok sa bathroom. Halos hindi niya maigalaw nang maayos ang braso at legs niya dahil para siyang nabugbog. Pakiramdam pa nga niya, parang may alon na nakapalibot sa kaniya na kapareho ng pakiramdam sa tuwing nagsi-swimming.

Pagkauwing-pagkauwi nila kahapon ni Dri, madilim na rin noon, pareho silang plakda. Naunang naligo si Yara, sumunod naman si Dri. Halos basa pa ang buhok nila pareho nang makatulog. Hindi na sila nakakain ng dinner, hindi na nakapag-usap, basta na lang natulog.

Nakahain na rin si Dri paglabas ni Yara ng bathroom. "Kain tayo, nagugutom na ako," sabi nito. "May pasa ka pala sa legs, nakita ko n'ong natutulog ka kanina. Saan ka tumama?"

"Hindi ko alam, hindi ko na maalala." Nagkibit-balikat si Yara. "Ikaw rin, eh. Sa may braso, oh. 'Yan ba ang tumama kahapon sa bangka n'ong tinulungan mong makasakay 'yung lola?"

Tumango si Dri. "Oo," sagot nito bago humigop ng sabaw at halos mapabuntonghininga na ninanamnam ang sabaw. "Ang sarap sa lalamunan."

Mahinang natawa si Yara. Inaatok pa siya kaya panay rin ang hikab niya, pero hindi maitatangging nagugutom talaga siya. Wala silang matinong kain kahapon dahil halos kape lang pagkatapos ng rescue, pag-uwi naman, tulog na sila.

"Gusto mong subukan mamaya kung may sakay na pauwi ng probinsya n'yo?" tanong ni Dri kay Yara. "Puwede kitang idaan doon bago ako umuwi sa bahay. Medyo humuhupa na rin naman ang baha, baka puwede na."

Tipid lang na tumango si Yara. Gustong-gusto na rin niyang umuwi dahil bukod sa wala siyang pera, may trabaho siya online na kailangang gawin kaso hindi niya magawa dahil hindi rin niya dala ang laptop.

"Matulog ka muna ulit. Maaga pa naman," basag ni Dri sa katahimikan pagkatapos nilang kumain. Inabutan din siya nito ng gamot. "Bumili ako kanina sa convenience store ng Advil. Nakainom na ako, ito sa 'yo."

Tinanggap ni Yara ang gamot at ininom iyon bago lumabas papunta sa balcony para manigarilyo. Lately na lang din tumindi ang paninigarilyo niya dahil sa sobrang stress.

Hiyang-hiya na siya kay Dri dahil ito ang sumasagot ng pagkain nila, nakikitira pa siya sa kaibigan nito.

Humithit si Yara sa yosi na hawak bago bumuga ng makapal na usok. Ramdam na ramdam niya ang mint flavor at usok sa lalamunan niya, pero ito ang nakatutulong sa kaniya para mawala ang panginginig ng kamay niya dahil inaatake na naman siya. Ito ang isang rason kung bakit gusto niyang maging busy palagi, she was overthinking.

Tumabi naman sa kaniya si Dri, pero may safe space pa rin sa pagitan nilang dalawa. Hawak nito ang sariling sigarilyo at lighter na pula.

"Hindi ka pa ba papasok sa trabaho?" Nilingon ni Yara si Dri. "Ilang araw mo na rin akong sinasamahan dito, kaya ko namang mag-isa."

"Ayaw mo na ba akong kasama, misis?" pagbibiro ni Dri na ngumisi at sinindihan ang yosi nito.

"Ikaw, papasuin kita ng sigarilyong hawak ko, eh!" Idinuldol ni Yara ang apoy kay Dri ngunit hindi naman idinikit. "Ang aga-aga, Adriano, ha!"

Natawa si Dri. "Uuwi na rin ako mamaya, pero ihahatid muna kita sa sakayan. Kung wala ka pang masakyan pauwi, paano ka?"

"Susubukan kong tawagan si Karol kung puwede bang makituloy sa kanila, o sa ibang kaibigan namin, kung hindi na sila busy, siyempre," sagot ni Yara. "Ayaw ko na rin dito, nahihiya na ako sa kaibigan mo. Ang laki na ng utang ko sa kanila, pati sa 'yo."

Tumingin si Dri kay Yara at huminga nang malalim. "Hindi naman kami naniningil. Nakausap ko na rin sina Mika at MJ na ayos lang kahit sa susunod mo na raw bayaran, naintindihan naman nila ang sitwasyon."

Muling ibinuga ni Yara ang usok bago tumingin kay Dri.

"So, ayon, hindi ka pa ba papasok sa office mo?" tanong ulit ni Yara. "Ilang araw ka nang absent. Wala ka nang suswelduhin, wala ka nang mapapakaing noodles sa akin."

Natawa si Dri. "Sus, gusto mo ba ng Jollibee? Ibibili kita. Ano, deal?"

Umiling si Yara at humithit na lang ng sigarilyo. Pilit niyang pinakakalma ang sarili, she was talking to Dri so he wouldn't notice her current struggles.

"Paano pala kayo naging friends ni Karol? Ayaw ko maging rude ang tanong ko sa 'yo, pero sobrang opposites tayo, eh. We all know na sobrang outgoing ni Karol, ganoon din si Renzo, kaya kami magkakaibigan," sabi ni Dri dahil nagtataka talaga siya kung paano. "Medyo malayo kasi ang personality mo kay Karol."

"Last semester 'yun n'ong college, sinabihan kami na um-attend sa isang seminar for graduating students. Wala akong friends, of course, but I needed to mingle with them kasi sila ang kasama ko. Hindi ko naman alam papunta ng Megamall that time, so kailangan kong makibagay sa kanila, I had to to adjust myself for them," sagot nito at mahinang natawa. "Well, ganoon naman ginagawa ko since then, I adjust based on who I am talking to."

Kumunot ang noo ni Dri. "Ganoon ka rin ba sa akin? I mean, are you adjusting yourself so you could talk to me?"

Hindi sumagot si Yara. Napansin ni Dri na nakatitig lang ito sa kawalan at mukhang walang balak sagutin ang tanong niya. She even acted as if she didn't hear the question.

"Alam mo, hindi mo naman kailangang palaging mag-adjust para sa ibang tao. Just be yourself and you'll be mo—"

Natigilan si Dri nang tumingin sa kaniya si Yara, walang emosyon ang mukha nitong nakatitig sa kaniya. "Wala ka sa posisyon ko para sabihin sa akin 'yan. Hindi mo alam ang pinagdaanan ko, hindi mo alam kung paano mabuhay na parang nakadikit na sa pagkatao ko ang mag-adjust dahil alam mo sa sarili mo na hindi mo makukuha lahat ng gusto mo ngayon kung hindi mo gagawin 'yun."

Hindi nakapagsalita si Dri lalo nang patayin na ni Yara ang sigarilyong hawak at iniwanan siya sa balcony. Wala na itong sinabi, she just left him without saying anything. Inubos muna ni Dri ang yosi na hawak bago pumasok sa loob at naabutan si Yara na nagliligpit ng gamit nito. Tinutupi ang mga bagong labang damit, at inaayos ang bag. He was just observing her until their eyes met.

Tipid na ngumiti si Dri. "Uwi ka na talaga? Huwag mo akong i-unfriend sa Facebook, ha?"

"Siraulo, ba't kita ia-unfriend, eh ang dami kong utang sa 'yo!" natatawang sagot ni Yara. "Paki-compute mo na lang, babayaran kaagad kita."

"Sus, hindi naman kailangan." Naglakad palapit si Dri kay Yara at inabot ang sapatos nitong nasa gilid bago naupo sa sofa. "Hindi naman ako naniningil—" Akmang magsasalita si Yara kaya inunahan na niya ito. "Alam ko naman na ayaw mo ng utang na loob. Ganito na lang, hindi kita sisingilin ngayon, pero 'pag dumayo ka ulit ng Manila o kaya madayo ako sa probinsya ninyo, ikaw naman ang manlilibre."

Natawa si Yara. Kitang-kita ni Dri kung paanong naningkit ang mga mata nito. "Sige, deal. Pero kung kakailanganin mo na, i-message mo lang ako."

Tumango si Dri. "Looking forward na makasama ulit kita, misis." Natawa siya nang batuhin siya nito ng unan. "Ito naman! Ang savage mo na nga magsalita, mapanakit ka pa!"

"Ayusin mo mga binibitiwan mong salita, Adriano, hindi ka nakakatuwa!" singhal nito sa kaniya. "Tantanan mo ako, ha!"

"Itanan kita?"

"Gago!" Binato naman ulit siya ni Yara ng sapatos kaya tumakbo siya papunta sa balcony habang natatawa. Nakikita niya sa salamin na sobrang sama ng tingin nito sa kaniya at nang maging busy ulit, saka siya pumasok.

Pumasok na rin siya sa bathroom para maligo dahil mag-uumaga na at ihahatid niya pa ito sa sakayan. A part of him wanted her to go home, pero ayaw rin niya. He was currently enjoying her company but they weren't nothing but strangers who met unexpectedly. They weren't even friends.


●・○・●・○・●



Nakatingin lang si Yara sa daanan habang papunta sila sa sakayan ng bus. Nagpaalam na lang din siya nang maayos kina MJ at Mika sa pagpapatuloy ng mga ito, ngayon naman, ihahatid na siya ni Dri sa sakayan at ipinagdadasal niyang sana, puwede na siyang umuwi.

"Dri, thank you ulit, ha?" basag niya sa katahimikan. "Nakakahiya na sa dami ng kakilala ko rito sa Manila, ni isa sa kanila, wala akong napuntahan, ikaw pa tumulong sa akin."

Ngumiti si Dri at tumingin sa kaniya. "Wala namang problema, wala naman akong gagawin. Thankful pa nga ako, eh. Alam mo 'yun, natutuwa ako na nakilala kita. All these years, marami tayong mutual friends, pero ngayon talaga kita nakilala. Destiny ba tayo?"

Kumunot ang noo ni Yara habang nakatingin kay Dri na mukhang nandidiri ito sa sinabi niya na ikinatawa nilang dalawa sa huli.

"Real talk, Yara, I'm glad we met. It was unexpected, but unexpected things happen. Minsan, mas maganda pa ang outcome," dagdag ni Dri. "Isa lang ang hiling ko."

"What?" Yara frowned and curiously asked.

Sakto namang tumigil sila sa tapat ng stoplight kaya nakahinto ang sasakyan. "Smile more often, looks good on you," seryosong sabi nito. "Also, don't adjust yourself just to please people. Next time, adjust to please yourself."

"Makapayo naman!" Yara smiled. "Yes, sir."

Nang makarating sila sa sakayan, laking pasasalamat ni Yara na may mga van na. Nagmadali siyang bumaba para kuhanin ang bag niya sa trunk ng sasakyan ni Dri.

Nagpaalam na rin siya rito at tumakbo papunta sa sakayan ng van dahil hindi puwedeng huminto ito nang matagal.

Ni hindi na sila nakapagpaalaman nang maayos. Sinabi na lang ni Yara kay Dri na magme-message na lang ito sa kaniya, pero hindi pa rin siya umalis. He wanted to make sure na makasasakay na ito bago siya umalis, so he waited.

Nag-oobserba lang si Dri nang makita si Yara na parang nag-iba ang aura ng mukha at parang may hinahanap.

Dri saw something in Yara's eyes. Uncertainty and fear. He was observing her too much not to notice the difference between her normal day, anxiety day, and happy day.

Kaagad siyang bumaba at nakiusap sa guard kung puwedeng iwanan saglit ang sasakyan niya para puntahan si Yara. He saw how her hands shook but tried to hide it under her jacket.

"Wala pang biyahe, Kuya?" tanong ni Dri sa kundoktor.

"Mayroon na, hijo," sagot nito habang nag-aayos ng ticket. "Kaso, required na ngayon ang swab o rapid test bago umuwi. Naghigpit kasi sa probinsya lalo na sa mga galing ng Manila."

Tumingin si Dri kay Yara na kagat ang ibabang labi. Wala na ngang baha, ganoon naman ang sitwasyon at naiintindihan niya iyon. Kailangan naman talagang maghigpit.

"Salamat po, Kuya." Pilit na ngumiti si Yara sa kundoktor bago naglakad kasama niya.

Pagsakay sa sasakyan, huminga nang malalim si Yara at tinanggal ang mask na suot. Nagmadali itong mag-type, sunod-sunod naman ang tunog.

As for Dri, he was just driving to nowhere. It was almost seven in the morning. Hindi niya alam kung saan sila pupunta. May kaunti pang ambon, pero hindi na katulad nitong nakaraan.

"P-P-Pu . . . " Yara stuttered. Ni hindi niya alam kung paano niya sasabihin kay Dri dahil nahihiya na siya, naiiyak, at hindi na alam ang gagawin. "Puwede mo ba akong ihatid sa apartment ni R-Rhian?" Pinilit niyang huwag umiyak. Ayaw niya.

"Oo naman. Ituro mo na lang, hindi kasi ako familiar, eh," sagot ni Dri. "Nakasama ko na rin sina Rhian n'on sa inuman, pero hindi ko alam kung saan siya nakatira."

Ngumiti si Yara. "Ah, so close rin kayo ni Rhi? Eh si Diether?" Boyfriend iyon ni Rhian. "Close rin kayo?"

"Oo, nakakasama ko sila sa inuman kina Renzo kaya kilala ko sila. Ikaw nga lang yata ang hindi ko kilala sa barkada nila, eh," sagot ni Dri. He was trying to lighten up the mood, para hindi na ito mag-isip. "Bakit nga ba hindi ka nakakasama? Dahil sa probinsya ka? Ilang years ka na ba r'on?"

Yara sighed. "Doon talaga ako lumaki, pero n'ong nag-college na ako, lumipat ako ng Manila. Tumira din ako rito nang seven years tapos bumalik ako sa probinsya. Mas gusto ko kasi ang buhay r'on."

"Kung sakaling mabibigyan ka ng pagkakataon na mamili ng lugar na titirahan mo, saan?" tanong ni Dri. "Ako, gusto ko sa Baguio."

Natawa si Yara. "Same. Gusto kong tumira sa Baguio. Ang sarap kasi r'on, alam mo 'yung gigising ka na ang gloomy, well . . . ako 'yun, I love gloomy weather. 'Yung weather na hihiga ka lang."

"Gusto ko naman sa Baguio kasi tahimik," sagot ni Dri.

"Gusto mo pala nang tahimik?" natatawang tanong ni Yara. "Akala ko kasi, wala kang ginawa kundi dumaldal, eh. Ang daldal mo kasi minsan!"

Natawa si Dri. Nagkuwentuhan lang sila ng kung ano-ano para hindi na maisipan ni Yara kung ano ang kasalukuyang sitwasyon nito. Ayaw rin niyang magtanong para hindi na nito maalala.

"Tapos naalala ko noong college, sa sobrang pagiging introvert ko, may five-hour break time ako. Wala naman akong mapuntahan, ayaw ko rin namang umuwi kasi nga tatamarin naman akong pumasok. Kaya ayon, nanonood ako ng sine mag-isa."

Nagulat si Dri. "Seriously? Nagmu-movie house ka nang mag-isa?"

Yara nodded without saying anything.

"Ang tibay! Pero nasubukan mo nang manood nang may kasama?"

"Oo naman, pero mas gusto kong mag-isa," sagot ni Yara. "Tahimik kasi at wala akong aalalahaning katabi. Sometimes, being alone is therapy lalo na kapag buong araw kang nakikisalamuha sa iba."

Dri looked at Yara. "But sometimes, being with someone can make a lot of difference, too. Malay mo, kapag nasubukan mo na, hanap-hanapin mo na."

"Ayaw kong magsalita nang tapos." Yara breathed. "Medyo malapit na rin tayo sa bahay ni Rhian, nakausap ko na rin siya and willing naman muna siyang ampunin ako. Ikaw pala, papasok ka na ba sa office?"

"Oo, eh. Kung hindi lang ako papasok sa office, baka hinatid na kita sa probinsya ninyo," ani Dri.

Umiling si Yara. "Hindi rin puwede kasi kailangan ko pang magpa-rapid, eh. Sinabi rin ng mama ko na nag-lockdown sa area namin dahil medyo maraming positive. Baka raw ma-quarantine ako sa facility kahit negative ako."

"Dito ka na nga lang," sagot ni Dri. "Kung may kailangan ka, sabihan mo ako, ha?"

Tumango si Yara. "Salamat ulit."





T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys