Chapter 13
Ang dalawang araw ay naging isang linggo. Nagsimulang mag-enjoy si Yara na halos ayaw na niyang umuwi. Napansin na rin ni Yara na sa isang linggo nga, hindi lang walong oras ang iginugugol ni Dri sa pagtatrabaho dahil mas madalas pa itong overtime.
Tanghali na ito dumating at mukhang antok na antok. Ni hindi na nakaakyat sa kwarto. Nag-hi lang sa kaniya, nahiga na sa sofa, at nakatulog na lang bigla.
Yara tried to meet some friends, but she only met three. Sa isang linggo, sinubukan niyang mag-reach out sa mga ito, pero busy ang lahat. Makes sense nga naman dahil sa lahat, siya lang ang walang permanenteng trabaho at walang asawa't anak.
Tumawag na rin siya sa pamilya niya sa probinsya at sinabing hindi niya sigurado kung kailan siya uuwi. Panay ang tanong ng mga ito kung bakit, pero hindi niya masabing gusto muna niyang huminga sa lahat. Kahit ang boss niya sa online part-time niya, tumatawag na, pero parang wala siyang gana sa kahit ano.
For some reasons, Yara also decided to create a blog. Nagsusulat siya at doon ibinuhos halos lahat ng hinanakit niya sa buhay. Ipinahiram sa kaniya ni Dri ang laptop nito kaya noong isang araw na nabo-bore siya, naisipan niyang magsulat.
Bigla niyang naalala ang tinanong niya sa isang doctor noong kailangan niya ng medical. Ano ang gagawin niya dahil pakiramdam niya, may sakit siya at kung ano-ano ang nararamdaman niya. Mayroon pang pagkakataon na nagpa-full body check siya dahil kung anong sakit ang nai-imagine niya.
Sinabihan siya ng doctor na baka may anxiety siya dahil normal lahat ng physical tests niya. Sinabi ni Yara iyon sa pamilya niya at ang tanging natanggap niya, nasa isip lang niya ang lahat. Totoo nga naman siguro. Normal ang lahat, pero pakiramdam niya mayroon? It was all in her head . . . until another doctor told her to maybe ask a psychiatrist.
Gustong-gusto niya. Ang problema lang, mahal ang check-up kaya hinayaan na niya.
Habang nakahiga, nakatitig si Yara sa kisame. Sa loob ng isang linggo na kasama niya si Dri, palagi siya nitong kinakausap at pinatatawa. Halos nakalilimutan na niya ang overthinking, pero iba sa gabing iyon.
Her hands were shaking violently, her heart was pounding, she was having trouble breathing, and she was sweating bullets.
Umupo si Yara para pumuwesto paharap sa electric fan at nagsimulang umiyak nang tahimik. "Please po, tama na," bulong niya sa sarili habang sabunot ang sariling buhok. "Ayaw ko na, please. Tulungan n'yo po ako . . . ."
Yara could feel her heartbeat. Halos naririnig niya iyon sa tainga niya at parang may nakabara sa lalamunan niya. Hindi ito ang unang beses. Madalas noon na ganoon ang sitwasyon niya. Gumigising sa gitna ng gabi, umiiyak, at nagmamakaawang pakawalan na siya ng mga bumubulong sa isip niya.
Nagising si Dri at pupungas-pungas na dumiretso sa kusina para uminom ng tubig dahil pakiramdam niya, uhaw na uhaw na siya. Pagtingin niya sa orasan, alas singko na ng hapon. May pasok pa siya kinagabihan.
Madilim din sa buong sala at kusina, wala si Yara kaya umakyat siya para i-check ito. Simula noong magkasama sila, palagi itong nagluluto ng dinner at tumutulong na lang siya. Madalas din itong nanonood lang ng TV.
Kakatok na sana siya nang marinig itong humihikbi.
Dri was hesitant to open the door and give Yara some privacy but he couldn't. He opened the door and saw Yara. Nakasalampak ito sa sahig habang nakasabunot sa sariling buhok at humihikbi. Naririnig niya ang paghikbi nito kasabay ng pagbulong ng mga salitang tama na po.
Dahan-dahan na naglakad si Dri palapit kay Yara at lumuhod para magtagpo ang tingin nila. Nakita niya kung paano ito suminghap ng hangin habang basang-basa ang mukhang nakatitig sa kaniya. Gulo-gulo ang buhok nito mula sa pagkakasabunot at nakayakap sa sarili.
Tipid na ngumiti si Dri at tumayo para kumuha ng suklay. Wala siyang sinabing kahit ano. Sinimulan niyang suklayin ang buhok ni Yara. Mahaba iyon na hanggang likod at may mga buhol dahil sa pagkakasabunot kaya maingat ang bawat pagsuklay niya.
Naririnig din niyang panay ang patunog nito ng buto ng daliri at hindi mapakali. Sa isang linggong magkasama sila sa bahay niya, walang ganoong pangyayari kay Yara, ngayon lang. She must have been overthinking again for her to feel this. Panay rin ang buntonghininga nito na parang naghahabol ng hangin.
"Gusto mo bang magyosi?" tanong ni Dri.
Umiling si Yara at hindi nagsalita. Tumayo rin ito at walang sabing nahiga sa kama at binalot ang sarili ng kumot habang nakahawak sa dibdib.
"H-Hindi ako makahinga nang maayos." Suminghap si Yara.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Dri. Tumayo rin siya para isara ang kurtina ng kuwarto para dumilim kahit paano, pero may sapat na liwanag galing sa sinag ng araw. Hapon na rin at padilim na. "May gusto ka bang kainin? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital? Merong malapit dito."
Hindi sumagot si Yara. Nakatayo lang si Dri sa dulo ng kama na hindi alam ang gagawin. Alam niyang mahirap kapag nagbe-breakdown ang isang tao dahil ganoon ang nangyari sa mommy niya noong nagkasakit ito, pero wala siyang magawa kay Yara.
Sinabi noon ng mommy niya na isang yakap lang minsan ang nakapagpapagaan ng loob ng isang tao sa tuwing hindi na nila alam ang gagawin, pero sa kaso ni Yara, hindi niya puwedeng gawin iyon.
Ayaw niya itong magkaroon ng bad impression sa kaniya kung gagawin niya iyon at hinding-hindi niya ito hahawakan nang walang consent.
Dri was struggling to find the right words to say, to make Yara feel better. Hindi niya alam kung ano ang naging trigger nito para magkaganoon.
Hindi niya kayang itanong dahil baka mas lumala, kaya ginawa niya ang nag-iisang bagay na alam niyang puwede, ang manatili lang sa tabi nito. Kahit na walang salita o ano, gusto niyang iparamdam kay Yara na hindi ito nag-iisa.
Maghihintay siyang kumalma ang lahat.
Nakatagilid ng higa si Yara. Maingat namang humiga si Dri sa tabi nito at nakaharap sa isa't isa. Nagtagpo ang mata nilang dalawa. Wala siyang sinabing kahit ano, pinagmasdan lang niya si Yara na nakayakap sa sarili. Nanginginig ang kamay nito at hindi na siya nagulat nang biglang bumagsak ang luha patagilid mula sa mata nito na naging dahilan ng pagbasa ng unan.
Mahirap tumingin sa taong umiiyak na hindi man lang alam ng isa ang dahilan. Pakiramdam ni Dri, para siyang tanga na nakatitig kay Yara, iniisip kung ano ang pinagdadaanan nito, pero hindi niya magawang magtanong.
He respected the boundaries.
Nanatiling nakatagilid si Dri habang nakatingin kay Yara na hindi rin inaalis ng tingin sa kaniya. Walang tigil ang pagdaloy ng luha, nanginginig pa rin ang kamay, at bahagyang sumisinghap.
Nakabalot pa ito ng kumot na para bang ginaw na ginaw.
Inangat ni Dri ang kamay. Hindi niya alam kung itutuloy niya, pero gusto niyang subukan dahil noong panahong malungkot siya, ganoon ang ginagawa ng mommy niya. Hindi siya sigurado kung magwo-work kay Yara, pero susubukan niya.
Maingat na hinaplos ni Dri ang buhok ni Yara at ipinagdadasal na hindi ito lumayo sa ginagawa niya. Ginawa niyang suklay ang daliri at marahang pinaglalandas iyon sa buhok nito nang hindi pinuputol ang titig dito.
Based on what Yara shared, she had been suffering a lot, and seeing her break down was something else.
Kahit na paulit-ulit na sinasabi ni Yara sa kaniya na okay lang ang lahat, ipinakikita rin kung gaano ito ka-strong, lahat ng tao, may kahinaan.
"Hindi ka ba nagagalit sa ginagawa ko ngayon?" tanong ni Dri. "Ihihinto ko kapag ayaw mo."
Umiling si Yara kasabay ng pagbagsak ng luha mula sa mata nito bago pumikit. Panay rin ang singhot nito, basa na rin ang unan dahil sa mga luhang patuloy pa rin ang pagdaloy.
"Noong bata ako, may kinakanta si Mommy sa amin sa tuwing malungkot kami nina Ate," bulong ni Dri habang sinusuklay pa rin ang buhok ni Yara. "Hindi maganda boses ko, pero susubukan ko."
Walang sagot mula kay Yara, ni hindi ito dumilat. Tipid lang na ngumiti si Dri at nagsimulang kumanta. Tulad nga ng sabi niya, hindi maganda ang boses niya, pero susubukan niya. Mahina lang ang boses niya, sapat para marinig nito.
"You are the crowd that sits quiet, listening to me, and all the mad sense that I make."
Hindi inalis ni Dri ang tingin kay Yara. Nanginginig ang baba nito sa pagpipigil na humagulgol kasabay ng pagmamalabis ng luha. He couldn't do anything, he couldn't hug her . . . so he stayed there brushing her hair and humming that song.
And it was his mom's favorite song.
"You are one of the few things worth remembering, and since it's all true . . . how could anyone mean more to me than you."
Napapaisip pa rin si Dri, how could someone suffer like this?
Kung puwede lang na wala nang masaktan, kung puwede lang na hindi na makasakit, but people were all made to be fragile and strong at the same time.
In Yara's case, she was strong because she already lived with it, but she was fragile, too. She was like a living fragile, glass doll, and she would break with one wrong move.
Hinayaan lang ni Dri na umiyak si Yara hanggang sa maging even na ang paghinga nito at nakatulog na lang. Inayos niya ang kumot, pero hindi siya umalis sa tabi nito. Dumiretso siya ng higa at tumitig sa kisame. Hindi na siya sigurado sa ginagawa niya.
Kung ano man ang mangyari sa susunod pa, bahala na.
●・○・●・○・●
Nagising si Yara na masakit ang ulo at ang huling naaalala niya, natulog siyang naririnig ang boses ni Dri. Tumingin siya sa orasan at nakitang alas-tres pa lang ng madaling-araw. Ni hindi niya alam kung anong oras na siya nakatulog.
Laking gulat niya pagbangon nang makita si Dri na nakahiga sa comforter at nasa sahig. Nakayakap ito sa unan na parang hotdog kaya mahina siyang natawa. Para itong batang takot mawala ang unan.
"Okay ka na?" tanong ni Dri habang kinukusot ang mata at naupo. "Good morning."
"Bakit diyan ka natulog?" tanong ni Yara.
Dri smirked. "Bakit, gusto mo ba sa tabi mo?"
"Ang epal." Yara rolled her eyes. "Lipat ka na rito sa kama. Lalabas naman na ako."
"Madaling-araw pa lang, saan ka pupunta?" tanong ni Dri. "Nagugutom ka ba? May niluto akong sopas sa baba, baka lang gusto mong kumain. Kung hindi naman, matulog ka na muna ulit."
Umiling si Yara. "Hindi na ako inaantok, ikaw na lang matulog dito, kakain na lang ako sa baba," sagot niya.
Hindi pa tuluyang nakatatayo si Yara, naunan nang bumangon si Dri at lumabas ng kuwarto. Wala na itong sinabi, basta na lang siya iniwanan. Sumunod naman siya at nasa hagdan pa lang, naamoy na niya ang sopas at kape.
"Masarap ba 'yan?" tanong niya habang kumukuha ng bowl para maghain. "Kapag 'yan, hindi masarap."
"Magtiwala ka sa akin," sagot ni Dri na ibinaba ang bagong init na kaldero at nagsimulang magsandok. "Nagugutom na ako, tagal mo kasing gumising!"
Kumunot ang noo ni Yara habang nakatingin kay Dri. "Wow, kasalanan ko pa? Dala ko ba ang kaldero?" singhal niya. "Eh 'di sana, kung nagugutom ka, nauna ka nang kumain!"
"Sungit naman nito, hungry ka lang kaya kumain ka na." Dri smiled. "Oh, pandesal." Inabot nito ang pandesal na may palamang Cheez Whiz.
Yumuko si Yara na tiningnan ang sopas na sinandok ni Dri at nakitang may boiled egg pa iyon. Para itong special na sopas kapag bumili sa labas. Hindi niya sinasadyang mapangiti, pero iniwasan niya. Baka asarin siya ni Dri, nakakahiya.
"T-Thank you kagabi," mahinang sabi ni Yara. "H-Hindi ko alam gagawin ko kagabi."
Ngumiti si Dri. "Kapag ganoon, tawagin mo lang ako. Kung ayaw mong makita ng iba 'yun personally, tumawag ka via video call. Sasagutin kita."
Natawa si Yara dahil kahit kailan, kakaiba bumitiw ng salita si Dri. Corny, sobrang corny, pero hindi siya napipikon. More like, natatawa siya na ikinatutuwa pa nga niya.
"Wala kang pasok?" tanong ni Yara habang kumakain sila. Umiling lang si Dri bilang sagot dahil saktong iinom ito ng tubig. "Uuwi na ako."
Natigilan si Dri sa pagsubo at tumingin kay Yara. Nakayuko itong hinahalo ang pagkain. "Kailan?"
"Baka magpa-rapid test na ako mamaya. Ang dami mo nang nakikita sa akin, medyo hindi na ako komportable kaya uuwi na lang siguro ako. Pasensya ka na kung nakita mo 'yung kaga—"
"Wala naman akong issue roon, eh," pagputol ni Dri sa sasabihin ni Yara. "Kung gusto mo pang mag-stay, open naman ang bahay ko. Saka sabi mo, 'di ba, gusto mo munang mag-enjoy? Nakakainis ka naman, eh."
Yara frowned in confusion because she was not sure what he was saying. She didn't say anything. Hinayaan niyang si Dri ang gumawa ng conversation.
"Yayayain sana kitang lumabas ngayon," sabi ni Dri. "Kung gusto mo lang. Off ko kasi at alam mo naman na hindi ako sanay na nag-i-stay sa bahay kaya gusto ko sanang umalis. Sa isang araw ka na lang umuwi. May gusto lang akong puntahan ngayon, please?"
Paano siya makahihindi?
Noong nagbe-breakdown siya, tinulungan siya nito kahit na hindi siya nagsabi. Nandoon lang si Dri, tahimik na sinamahan siya sa kung ano ang pinagdaanan niya.
Hindi rin niya inasahang magpe-please pa ito para lang umalis sila. Muli, sa isip niya, bahala na.
"Sige," sagot ni Yara. "Pero bukas, uuwi na ako."
Tumango si Dri. "Deal."
Walang idea si Yara kung saan sila pupunta hanggang sa dumaan sila sa isang flower shop. Sinundan lang niya ng tingin si Dri nang bumili ito ng isang bouquet ng bulaklak at nagka-idea na siya kung saan sila patungo.
Pagpasok nito, ngumiti si Dri sa kaniya at binigyan siya ng isang white rose.
"Ano'ng meron at may pabulaklak ka? Pinapatay mo na ba ako?" pagbibiro ni Yara.
"Sira!" natatawang sagot ni Dri. "Wala lang. Alam ko naman na itatago mo 'yan kasi remembrance dahil galing sa 'kin."
"Alam mo, ang kapal mo talaga." Inirapan niya si Dri. "Mga banat mo minsan, eh."
Natawa si Dri at patagilid na tiningnan si Yara. "At least, natatawa ka. Sorry pala, hindi ko sinabi kung saan tayo ngayon. Gusto ko lang bisitahin si Mommy, first time ko rin kasing pupunta roon nang may kasama."
"Bakit, sa mga jowa mo ba noon, wala kang sinasama?"
Umiling si Dri. "Wala. Sino ba kasi ang gusto ng date sa sementeryo? Ikaw, isasama kita kasi kaibigan kita, hindi kita girlfriend kaya alam kong hindi ka matu-turn off sa akin."
"Wala namang nakaka-turn off sa 'yo except masyado kang makulit!" singhal ni Yara. "Lagi mo akong inaasar, nakakapikon ka na minsan."
"Sabi ko sa 'yo, aasarin pa kita lalo soon." Ngumisi si Dri at tumaas ang dalawang kilay. "Pero real talk, Yara, masaya akong nagkakilala tayo. For years, iisa lang pala ang circle of friends natin, pero bakit ngayon lang tayo nagkakilala?"
Nagkibit-balikat si Yara dahil hindi rin niya alam.
"Kung kailan may pandemic na hindi tayo makakapag-travel, hindi tayo makanonood ng sine, na kailangan mo nang umuwi sa probinsya, na walang kasiguraduhan kung magkikita ulit tayo," seryosong sabi ni Dri. "Seriously, ten years ko nang kilala ang buong barkada, bakit ngayon lang?"
"Grabe, sayang na sayang?" natatawang sabi ni Yara. "Ganiyan ka ba kasaya na nakilala mo ako? Anyway, ako rin naman, I'm happy I met you. May nakilala akong epal."
Nilingon siya ni Dri at ngitnian. "Malay mo, itong epal na 'to ang mang-aasar sa 'yo habambuhay. Hindi bilang tayo, ha? Bilang magkaibigan."
"To be honest, I'm starting to treasure our friendship," ani Yara. "It was super rare to find friendship during these times, but I found it in you." Humarap si Yara kay Dri at nakita itong nakangiti habang nagmamaneho. "Hoy, ngiting-ngiti ka?"
"Eh kasi . . . ayaw mo pang aminin noon na masaya kang nakilala mo ako tapos ngayon. Siyempre iba!" nakangiting sabi ni Dri. "Pero real talk, after pandemic, travel tayo."
Yumuko si Yara. "I'm not sure. I have responsibilities." Tumingin na lang din siya sa kawalan para iwasan pa kung ano ang sasabihin ni Dri.
"Sabihan mo lang ako kung gusto mo," sabi ni Dri. "I-free ko 'yung time ko."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top