Chapter 11

Hindi alam ni Yara kung ano ba ang pumasok sa isip niya at sinabi niya lahat ng iyon kay Dri. Mayroong kasamang pagsisisi, pero magaan. Naramdaman iyon ni Yara sa mismong dibdib niya.

Para siyang nabunutan ng tinik at parang nakahinga nang malalim. Hindi niya gusto ang pakiramdam na binubuksan na naman niya ang sarili niya sa taong hindi niya sigurado kung ano ba talaga ang intensyon.

Pero magaan. Iyon ang sinasabi ng puso at isip niya.

Iniikot-ikot niya ang buhok ni Jea na mahimbing na natutulog. Dumako rin ang tingin niya kay Dri na seryosong nanonood ng pelikula sa Netflix. Pagkatapos din kasi ng mga naikuwento niya, hindi na ito nagsalita.

Yara knew something was different. There was a foreign feeling inside her heart because it was the first time she opened about herself. Kahit ang mga kaibigan at ex niya, hindi alam kung ano ang pinagdaanan niya simula pagkabata.

Some knew a little, but not as much as Dri knew now.

Gusto rin maman niyang kaltukan ang sarili niya na pati ginawa ng ex niya, nagawa niyang sabihin kay Dri. It was wrong for her to share it . . . it was too personal. Gusto niyang magalit sa sarili niya, pero hindi niya magawa.

Nakakahiya dahil hindi naman sila totally magkaibigan.

Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili niyang mali ang pinagsasabi niya kay Dri, pero tumatak sa kaniya ang mga sinabi nito. Malamang na hindi niya magawang magsabi sa mga taong malalapit sa kaniya tungkol sa nararamdaman niya dahil alam niyang hindi siya pakikinggan . . . ang masakit pa, huhusgahan siya.

Alam ni Yara na hindi maganda ang nasa isipan niya. Masyadong niyang hinuhusgahan lahat ng tao sa paligid niya.

Tumingin siya sa orasan. Alas-tres na rin ng umaga. Hindi na siya nakatulog, ganoon din si Dri. Sakto namang bumukas ang pinto at dahan-dahang pumasok sina MJ at Mika na nakangiting nilampasan sila at sumenyas na maliligo lang bago sila kausapin.

"Saan ka mamaya?" tanong ni Dri kay Yara. "May balak ka ba ngayong araw?"

Nag-isip si Yara nang may maalala. "Oo. Balak ko nang magpa-test. Ikaw? Uuwi ka na rin ba mamaya o may pasok ka?"

"Sasamahan kita, kung gusto mo lang naman. Alam kong tatanggi ka, pero wala rin naman akong magawa. Kung okay lang sa 'yo, guguluhin kita."

Umiling si Yara at natawa. "Feeling ko, 'yun ang role mo sa buhay ko. Guluhin at asarin lang ako."

"Where is the lie?" nakangiting tanong ni Dri. "If annoying you means you'll smile and laugh more often, I am willing."

Ngumiti lang si Yara at hindi na sumagot. Tumayo siya para tupiin ang comforter na ginamit, pati na ang mga nakakalat na laruan ni Jea, at ipinasok ang mga iyon sa kwarto nito. Iniligpit din niya ang playpen na nakakalat at naglinis nang kaunti. Sakto namang paglabas niya, nasa dining area sina Dri, Mika, at MJ na nagkukuwentuhan.

"Coffee." Iniabot ni Dri sa kaniya ang tinimpla nitong kape na kaagad niyang ininom. Halos mapapikit siya dahil ang sarap. Lately lang din niya nalaman na bago pala maging finance employee si Dri, nag-bartender ito sa Starbucks.

Naupo si Yara sa tabi ni Dri habang nakaharap kina MJ at Mika na inilalabas ang dala nitong mga pagkain at nagyayang kumain ng almusal. Bukod sa kape, mayroong almusal galing sa isang fast-food chain.

"Maraming salamat, Yara, ha? Sorry, nag-extend ka pa nang isang araw," sabi ni Mika na iniabot sa kaniya ang muffin. "Hindi ka naman ba pinahirapan ni Jea?"

"Uy, hindi. Mabait na toddler si Jea. Tuwang-tuwa nga kaming dalawa sa bathtub noong pinaliliguan ko siya, eh," masayang kuwento ni Yara. "Gusto niya ng bubbles."

Komportableng nakaupo si Dri at nakikinig habang nagkukuwento si Yara. Sa tuwing pumapasok sa isip niya ang mga naikuwento nito, yumuyuko siya at napapaisip.

Minsan talaga, the less people know, the better. Kung puwede lang na hindi na niya malaman ang ibang detalye, gagawin niya.

Kung puwede lang niyang burahin sa isip niya, ginawa na niya.

"Halos wala kaming ginawa kung hindi maglaro ng mga Barbie niya. She's a nice kid. Hindi siya mahirap alagaan," pagpapatuloy ni Yara.

Ngumiti si Mika. Nakita nilang mahilig sa bata si Yara. "Ikaw, naisipan mo na bang magkaanak? Kung sakali lang, ha?"

"Pang-ilan ka na rin na nagtanong sa 'kin. Kahit mga kamag-anak ko sa probinsya, tinatanong ako tungkol diyan." Sumimsim si Yara ng kape. "Sa totoo lang, wala akong plano. Sarili ko nga lang, hindi ko na maasikaso nang maayos, ibang tao pa kaya? H-Hindi ko kaya."

Tahimik sina Dri, MJ, at Mika na nakatingin kay Yara na nakayuko hawak ang mug na para bang pinakikiramdaman ang init niyon.

"Ayaw kong pumasok sa isang responsibilidad na hindi ko kayang panindigan," dagdag niya.

Nagkatinginan ang tatlo at hindi ipinahalata kay Yara ang mga reaksyon. Kung tutuusin, hindi na nagulat si Dri. Nakita niyang hinawakan ni Mika ang kamay ni MJ mula sa ilalim ng lamesa.

"Magki-kick in naman 'yung maternal instinct mo kung sakali kapag nandoon ka na sa sitwasyon," sabi ni Mika at kumain ng tinapay. "But yeah, we all have different views in life. Iba-iba tayo ng gusto. Isang factor din kasi ang pinagdaanan, ganoon."

Tumango si Yara. "Oo. Hindi sa pagiging duwag, may mga pansariling rason lang talaga tayo."

Masaya siyang naiintindihan ng mga kausap niya ang tungkol sa desisyon niya. Hindi rin niya inaasahang makakausap niya nang seryoso si Mika dahil medyo nahihiya siya rito. Mabait naman ang mag-asawa at wala siyang masabi, pero nahihiya siyang kakikilala lang niya sa mga ito.

Matagal pa silang nagkuwentuhan bago nagpaalam si Yara kay Mika kung puwedeng makiligo na muna bago umalis. Naiwan naman sina Dri, MJ, at Mika habang mahimbing pa ring natutulog si Jea sa sala.

"Uuwi na ba si Yara sa probinsya?" tanong ni Mika kay Dri.

Nagkibit-balikat si Dri. Hawak niya ang kapehan. Pangatlo na niya iyon dahil inaantok na siya. "Yata. Hindi rin ako sigurado, eh. Nabanggit niya kanina na magpapa-rapid test na raw siya, pero hindi ako sure. Sasamahan ko na lang din."

"Type mo ba si Yara?" Ngumiti si MJ habang nakatingin sa kaniya. Tumingin siya kay Mika na parang naghihintay rin ng sagot. "Umpisa pa lang, tinutulungan mo na, eh."

"Masama bang tumulong?" balik na tanong ni Dri. "Sa panahon natin ngayon, pagtutulungan sa simpleng bagay lang naman magagawa natin, eh."

Tumango si Mika. "Tama naman, saka mabait naman si Yara, sobrang tahimik lang minsan. Minsan, hindi ko alam kung paano ko siya ia-approach, natatakot ako na baka hindi niya ako kausapin."

"Masaya kausap si Yara, promise," nakangitig sabi ni Dri. It was not his story to tell kaya wala siyang ibang sasabihin. He even changed the topic about their businesses dahil ayaw niyang pag-usapan nila si Yara.

Dri already knew that Yara hated being talked about behind her back—who wouldn't—kaya naman kahit positibo ang topic nila, hindi na siya sumagot.

Those kinds of conversations may lead to something unexpected, and he didn't want that. He wasn't there to hurt Yara—he didn't want to. He was there to support her.

Pagbaba sa basement, nakita ni Dri na humikab si Yara. Kahit wala siyang tulog at may pasok pa siya mamayang gabi, parang ayaw muna niyang umuwi. Isa pa, kahit sobrang tahimik ni Yara sa tuwing magkasama sila, ayaw niya itong iwanan.

"Saan ka magpapa-rapid test?" tanong ni Dri dahil napag-usapan nilang sasamahan niya ito.

Tumingin si Yara sa kaniya habang nagsusuot ng seatbelt. "Busy ka ba ngayon?"

"Bakit? Gusto mo akong i-date?" Dri smiled playfully.

Inirapan siya ni Yara. "Alam mo minsan, ang feeling mo talaga." Natawa ito habang nakatitig sa kaniya. "Parang gusto kong manood ng sunrise kung puwede ka? Parang pakiramdam ko ngayon, nakahinga ako nang malalim."

Wala nang sinabi si Dri. Buong biyahe, tahimik silang dalawa. It was almost five in the morning. May kalayuan sila sa Manila Bay, pero chill drive lang ang ginawa ni Dri. Nag-iiba na ang kulay ng langit, ganoon din ang mata ni Yara.

"Hindi ka ba nagugutom?" basag ni Dri sa katahimikan. "Kaunti lang kinain mo kanina, eh. Puwede tayong dumaan ng pandesal."

Ngumiti si Yara at tumango. "Sige, bili tayo ng pandesal 'tapos Cheez Whiz. Paborito kong almusal 'yun noong bata ako, eh. Tapos Milo na sobrang tabang kasi hindi ko alam kung ano ang sukat."

"Ako naman, pandesal saka peanut butter. Paborito 'yun ni Mommy na gawin sa akin tuwing gigising ako kasi maaga ang pasok ko." Ngumiti si Dri. "Naalala ko 'yung panahon na 'yun na pupungas-pungas pa ako tapos ayaw kong pumasok."

"Hate mo ba ang acads?" Tumingin sa kaniya si Yara.

Umiling si Dri na patuloy pa rin sa pagmamaneho. "Hindi naman, pero kasi, hindi ko nakuha 'yung course na gusto ko. Gusto ko talagang mag-architecture, kaso ayon nga, walang pera."

"Ako naman, meron naman n'on kasi abroad sina Mama. Ang problema lang, mas in demand raw ang course ko kaya 'yun ang kinuha ko. If given a chance, gusto kong mag-photography," sagot ni Yara na inalala ang kabataan niya kung saan gusto talaga niyang gawin paglaki niya na hindi nangyari.

"So, maganda kang kumuha ng pictures?" nakangiting tanong ni Dri.

Tumaas ang dalawang balikat ni Yara at malalim na huminga. Ibinaling na rin niya ang tingin sa labas ng bintana. "I stopped taking pictures," sagot niya. "Simula noong college, simula noong nagdesisyon na sila para sa 'kin, tumigil na ako." Ipinalibot ni Yara ang tingin sa daanan. Kung noon, kahit madaling-araw pa lang, maingay na ang daanan, ngayon, iilan lang ang taong naglalakad sa daanan. Iilan lang din ang mga sasakyan, iilan lang ang nasa labas.

"Nakakatawa, 'no?"

Napatingin si Dri kay Yara nang bigla itong magsalita. Nakatingin lang ito sa bintana.

"Ang laki ng ipinagbago nang magkaroon ng COVID. Noon, nagpapakasaya lang tayong lahat, nagagawa natin lahat ng gusto natin, kumakain tayo sa kahit saan, nagta-travel, at kung ano-ano pa, pero biglang huminto ang mundo nating lahat dahil sa pandemic."

Tahimik lang si Dri.

"Ang daming nagsa-suffer sa mental health dahil sa nangyari. 'Yung mga sanay umalis, 'yung mga outgoing, para silang nanibago sa buhay na nangyayari ngayon. Nababasa ko sa social media ang mga pinagdadaanan nila, some were even crying dahil labas na labas na sila." Yara tried to smile. "Noon, pabonggahan ng lipstick, ngayon, wala nang gamit 'yun dahil naka-face mask lahat. Dati na kapag may ubo or sipon ka lang naka-mask, pa-cool ka pa nga minsan, pero ngayon, required na."

Dri agreed and nodded. "Noon, puwede tayong uminom o mag-party kahit saan, pero ngayon, wala na. I agree about outgoing people na biglang na-quarantine. I was one of 'em and it was a huge adjustment for me. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula dahil hindi ako sanay sa current situation."

"Nahirapan ka ring mag-adjust?" Yara asked curiously. "Pero outgoing pa rin naman."

"Wala naman kasing choice." Dri smiled. "Kung magpapadala ako sa pagkalugmok, walang mangyayari sa akin. Malulungkot lang ako, kaya naghanap ako ng diversion. Nagpaka-busy ako sa work, mas madalas pang nasa trabaho na lang din ako."

Tinitigan ni Yara si Dri. Kahit na parang pagod na ito at nababanggit na may pansariling pinagdadaanan, Dri still managed to smile, na sana kaya rin niya.

"Paano mo nagagawa 'yan?" tanong ni Yara.

Kunot-noong tumingin si Dri kay Yara. Nakatitig ito sa kaniya kaya nakaramdam siya ng pagkailang. "Ang alin?"

"Nakakangiti ka pa rin kahit na may personal kang pinagdadaanan." Yumuko si Yara. "Ako kasi, kapag naiisip ko na kaagad ang mga struggle ko o kaya naman nasira na ang araw ko, nahihirapan na akong ngumiti."

Mahinang natawa si Dri. "Alam mo ba na n'ong unang beses kitang nakita sa bahay nina Renzo, napansin ko kaagad sa 'yo kung gaano ka ka-intimidating?" Tumingin siya kay Yara habang nakahinto sila sa stop light. "Hindi ka nakangiti, nakasimangot ka lang, pero napansin ko na nag-o-observe ka lang. Everyone was having fun, but you were there, quietly drinking."

"Hindi kasi talaga ako comfortable sa crowd. To be honest, wala akong balak um-attend noong araw na 'yun. Wala akong balak lumuwas ng Manila dahil limited lang ang budget ko. Kung hindi lang nakiusap sa akin si Karol," umiling si Yara, "hindi ako pupunta."

"Buti na lang, pumunta ka. At least, nagkakilala tayo," sagot ni Dri. "Wala rin akong balak pumunta n'ong araw na 'yun. Pauwi na ako that night, pero tinawagan ako ni Renzo. Hindi rin naman ako makatanggi, kaya nagpunta ako. Buti na lang."

Nang makakita ng bakery, kaagad na huminto si Dri at isinuot ang mask. Naiwanan naman si Yara sa loob ng sasakyan at habang nakatingin sa labas, gusto niyang bigyan ng award si Dri. Napapailing siya dahil kahit naka-mask na ito, kita pa rin kung paano ngumiti.

Simula nang magkakilala sila, palagi nang inoobserbahan ni Yara si Dri. Matangkad ito kaya hanggang dibdib lang siya, minsan medyo nakatingala pa siya sa tuwing nakatayo sila. Simple lang itong manamit, casual lang. Hindi ito kaputian, pero hindi maitatangging may itsura kaya laking gulat niya nang malamang single ito.

Si Dri ang tipo ng lalaking mahuhulog ang isang babae. Palabiro, may itsura talaga, palangiti, at maalaga.

"Ito na." Iniabot sa kaniya ni Dri ang mainit pang plastic. "Bumili ako ng apat na palaman, buti may sachet. Margarine, Cheez Whiz, mayonnaise, at peanut butter."

Dumukot ng isang pandesal si Yara at nagsimulang kumain. Umaandar na ulit sila nang manghingi si Dri ng pandesal, pero imbes na kumuha sa plastic, kinuha nito ang hawak na pandesal ni Yara.

"Bakit hindi ka magpagupit?" tanong ni Yara dahil may kahabaan ang buhok ni Dri kaya madalas itong naka-man bun. "Para kang member ng F4!"

Natawa si Dri. "Ayon sakto! Gusto mo F4, 'di ba? Ako si Dao Ming Si kasi pareho kami ng buhok, mas gusto ko nga lang nang nakatali," sagot nito. "Simula pandemic, hindi na ako nakapagpagupit. After na lang ng pandemic, kapag bumalik na sa normal ang lahat, saka ako magpapagupit."

"Ang tanong, babalik pa kaya tayo sa normal?" seryosong tanong ni Yara.

Dri sighed. "Sana. Kasi gusto kong pumunta sa probinsya ninyo, eh. Ano ba'ng malapit doon?"

"Malapit kami sa mga beach," sagot ni Yara. "Pero hindi ako mahilig sa dagat. Hindi nga ako nagsi-swimming, eh. Ayaw ko kasi 'yung pakiramdam ng magpapalit ng damit, ng ganito, ganiyan."

"'Pag natapos na 'tong pandemic, mag-beach tayo. Yayayain kitang mag-travel para naman maipasyal ka. Masyado mo kasing kinukulong ang sarili mo sa bahay. 'Yang gandang 'yan, dapat hindi kinukulong."

Natawa si Yara. "Corny mo kahit kailan."


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys