Chapter 10

Habang nakahiga si Yara sa kama katabi si Jea, nakasalampak naman si Dri ng upo at nakasandal sa sofa. Nanonood sila ng Breaking Dawn kung saan kasal nina Bela at Edward kasabay ng pagtugtog ng Flightless Bird, American Mouth by Iron & Wine.

"Naisip mo bang mag-aasawa ka?" biglang tanong ni Dri. Napatingin si Yara dito na nakatingin sa kaniya. "Wala lang, gusto ko lang makipagkuwentuhan."

Ngumiti si Yara at ibinalik ang atensyon sa TV. "Parang halos lahat naman ng babae, gustong ikasal. Siyempre, gusto ko . . . gustong-gusto. Pero sa tuwing iniisip kong hindi ako enough para sa mapapangasawa ko, ayaw ko na pala."

"Bakit mo ba kasi iniisip na hindi ka enough?" Komportableng sumandal si Dri sa sofa na nasa likuran nila ni Yara. "You're being too hard on yourself. Lahat naman tayo, enough, Yara."

Matagal bago sumagot si Yara. Nakita ni Dri na nakatitig ito kay Jea na natutulog at hinahaplos ang mahabang buhok ng batang binabantayan nila.

"Alam mo, gustong-gusto kong magkaanak. As in, gusto ko. Gusto ko 'yung katulad ng mga ginawa ko kay Jea. Paliliguan ko siya tapos gusto niya ng bubbles, iipitan ko ang mahabang buhok niya, bibihisan ko siya ng mga dress." Ngumiti si Yara nang hindi inaalis ang tingin kay Jea. "Ang cute, sobra."

"Bakit hindi mo gawin?" tanong ni Dri.

Umiling si Yara. Nakatitig pa rin ito kay Jea. "Natatakot akong magluwal ng bata sa mundong 'to. Mapanghusga, magulo, ipararamdam na hindi ka sapat, aalilain ka, at hindi natin alam kung ano pa. I had a rough childhood, hindi man ako physically sinasaktan ng kahit na sino, pero emotionally, na-drain ako sa kanilang lahat." Mahina itong natawa.

Natahimik si Dri sa sinabi ni Yara.

"Lahat sila, lahat ng taong nakasasalamuha ako, pakiramdam ko, hindi ako sapat sa kanila. Siguro nga, I'm just being too hard on myself, pero hindi rin kasi alam ng ibang tao ang totoo," pagpapatuloy ni Yara.

"Kasi you're not speaking up," ani Dri. "Puwede mong sabihin sa mga tao sa paligid mo ang nararamdaman mo, you don't have to keep it to yourself at maraming nagbubuwis ng buhay dahil diyan."

Ayaw mang sabihin ni Dri ang tungkol doon dahil baka triggering, pero kailangan din. Maganda na ang topic nila, lulubusin na niya.

"Alam ko. But you know that it will never be easy to talk about emotional and mental health." Umayos ng upo si Yara at paharap na tumingin kay Dri. "Bata pa lang ako, ramdam ko na. Imagine waking up for twenty-three years thinking you're not good enough? I am twenty-seven, but I was four when they told me I wasn't like my sister."

Nagsalubong ang kilay ni Dri. Mababa ang boses ni Yara at halos pabulong silang mag-usap para hindi magising si Jea. Hindi rin ganoon kalakas ang TV.

"Ayaw ko man, simula nang maramdaman ko 'yun, nagkukunwari ako sa harapan ng ibang tao na maayos lang ang lahat, pero hindi. Deep inside, those words were eating me alive." Yara forced a smile. "Sa school, na-bully ako kasi mataba ako. Maasim daw ako kasi mataba ako, maitim daw ang leeg ko, hindi raw ako maganda. Ang mga salitang 'yun, dinadala ko 'yun hanggang sa ngayon."

Yumuko si Yara. "Simula n'on, hindi na ako masyadong kumakain. I restricted myself, kaya ako payat. Nag-suffer pa nga ako sa bulimia noong college para lang kahit paano, mag-lose ng weight. Nag-exercise ako kahit mahirap, sinubukan ko."

Hindi nakapagsalita si Dri. He became the listener this time. Hindi ito ang panahon ng pagbibiro, panahon ito ng pakikinig sa taong kailangang maglabas ng hinaing kaya naman hinayaan niyang magsalita lang si Yara.

"Hindi ako matalino kasi wala ako sa top, hindi ako magaling sa kahit ano . . . I was practically nothing," nakangiting pagsasalaysay ni Yara habang nakatingin kay Dri. "Nakuwento ko sa 'yo ang nangyari n'ong elementary ako. Doon nagsimula ang insecurity ko pati na ang pagiging mailap ko sa iba."

Nakatitig lang si Dri kay Yara. Nasisinagan lang ng kaunting TV ang mukha nito dahil madilim din ang movie.

"Wait, ayaw ko nang magkuwento. Hindi naman kinukuwento ang ganitong bagay. Saka hindi naman tayo close." Tumigil si Yara at umiling.

"Exactly, hindi naman tayo close kaya puwede mong sabihin sa akin ang problema mo. I won't judge you kasi hindi ko naman alam ang pinagdadaanan mo, hindi ako ganoong klase ng tao. Siguro naiisip mo, huhusgahan ka ng mga tao sa paligid mo kapag nagsabi ka dahil kilala mo sila. Alam mo kung paano sila mag-isip, alam mo kung ano ang ugali nila, maybe the reason why you prefer not to tell them."

Hindi nakapagsalita si Yara dahil alam niyang may katotohanan ang sinabi ni Dri.

"Huwag mo muna akong husgahan, Yara. Ako, I am not judging you. We have different struggles in life, ako sa sarili ko, may mga weakness ako, may mga pagkukulang, may mga kagaguhan, pero wala akong karapatang manghusga," mahinahong sambit ni Dri.

For some reasons, nakaramdam si Yara ng kagaanan sa sinabi ni Dri. Tama ito, she shouldn't judge him, hindi pa naman sila gaanong magkakilala.

"Sorry for being judgmental," nahihiyang bulong ni Yara.

"Hindi ka judgmental. You're just building walls. Napansin ko na 'yan sa 'yo at sorry kasi nag-observe ako. Napansin kong sa lahat ng tao, hindi ka nag-i-invest ng emosyon, inilalayo mo ang sarili mo," seryosong sabi ni Dri. "Ang conclusion ko? You're protecting yourself and that is normal. Pero ang tanong, bakit?"

Yumuko si Yara na nagsimulang laruin ang kuko. She was trying to remember a lot of things, lahat ng bagay na matagal na niyang ibinaon sa puso niya.

"Alam mo ang mahirap kapag intimidating ka? Hindi nila masabi sa 'yo ang totoo. Hindi nila masabi na masama na pala ugali mo, hindi nila masabi na ayaw na nila sa 'yo, kaya ang ending . . . sa likod mo sila nagsasalita. Welcome to my life!"

"It's because you made yourself intimidating so people won't try to enter your life." Dri smiled warmly. "Hindi ako psychiatrist, pero alam ko kung ano ang itsura ng taong malungkot, pero ngumingiti. Ganiyan ang mommy ko bago siya namatay."

Muling sinalubong ni Yara ang tingin ni Dri. Nagulat siya, oo.

"Nakita ko kung paanong tiniis ng mommy ko ang buhay knowing na kasal siya sa daddy ko, pero may ibang pamilya na. She died knowing she wasn't enough kaya siya ipinagpalit, namatay siyang malungkot, pero nakangiti para hindi kami malungkot ng ate ko," salaysay ni Dri habang nakangiti at inaalala ang ngiti ng mommy niya.

Nakatingin si Yara kay Dri. Hindi niya maintindihan kung bakit nakangiti ito habang isinasalaysay ang nakaraan. That was painful!

"Sinabi sa akin ng mommy ko, huwag akong malungkot dahil maraming tao sa paligid ko. Darating ang time na malulungkot ako, pero huwag daw akong magpakalugmok doon. Kaya hangga't kaya ko, masaya ako, Yara."

Umiling si Yara at ngumiti. "Siguro, dramatic lang ako."

"No," kaagad na putol ni Dri sa sasabihin ni Yara. "You're struggling, you have trust issues, you're hurt, and you're exhausted. 'Yan ang reality, hindi ka dramatic," diin niya. "Kung ipinararamdam ng ibang tao sa 'yo na dramatic ka, huwag mo silang pansinin. Alam mo sa sarili mo kung ano ang pinagdadaanan mo na pasalamat sila, hindi nila naranasan. Ano'ng ginawa nilang lahat sa 'yo for you to feel that way?"

Hindi sigurado si Dri kung sasagutin ba ni Yara ang tanong niya. Kung hindi, okay lang. Kung oo, okay lang din para kahit paano ay mabawasan ang dinadala nito.

"My childhood wasn't easy. Kailangan kong mag-adjust para sa mga kapatid ko, para sa parents ko, para sa mga tao sa paligid ko. Tulad nga ng sabi ko, I always feel like I wasn't good enough and people loved talking behind my back. Ganoon ako lumaki. Bakit ako nagkaroon ng trust issues lalo na sa friends? Kasi sila mismo ang sumira sa 'kin." Ngumiti si Yara.

Nakatitig si Dri kay Yara at gumuhit ang sakit sa mukha nito. She was trying to contain any emotions, but the pain was visible.

"Elementary, I told you, they left me because they felt I was superior. Simula noon, I stopped studying better. Doon na lang ako palagi sa puwede na kahit alam ko na I can do more. High school, I had friends. Sobrang saya ko kasi finally, tanggap nila ako, but then I found out they were talking behind my back. Mahirap bang sabihin na hindi na nila gusto ang nagiging ugali ko? Na akala ko okay lang ang lahat, pero hindi nila sinabi. Nagulat na lang ako, marami nang nakararating, marami na akong naririnig," pagpapatuloy ni Yara. "Again, I adjusted based on their liking so they would accept me. Kasi kung hindi, wala akong kasama."

Hindi sinasadyang mapatitig ni Dri sa kamay ni Yara. Nagdugo ang paligid ng kuko nito dahil sa pagkakakalmot.

"Last year of high school, I had to transfer school, dahil kailangan. Pagdating ko sa bagong school ko, na-bully na naman. Sila pa nga ang nagturo sa 'kin kung paano magyosi." Natawa si Yara. "Sinimulan nila na kunwari, pasisindihin nila ako ng yosi. Sumasama ako sa inuman nila, iinom ako, para lang may friends ako kasi wala akong kakilala."

Hindi alam ni Dri ang sasabihin.

"College, mas pinili kong mag-isa kasi wala na akong mapagkatiwalaan basta-basta. Three years, I was alone. Nasa library lang ako, nanonood ng movie o kaya minsan, nakatambay ako sa comfort room at nakaupo sa lababo habang nagbabasa, o kaya naman nasa room ako, pero nakaupo sa sulok." Inaalala ni Yara lahat.

Hindi niya alam kung bakit niya sinasabi lahat kay Dri, pero magaan. Gumagaan.

"I know it's my fault because I isolated myself, but you're right. I was protecting myself from pain. Ayaw kong masaktan nila ako kaya ako na ang gumawa ng paraan para lumayo." Tumingin siya kay Dri.

Malalim na huminga si Dri. "Yara, you are the problem. Alam ko na pinoprotektahan mo lang ang ang sarili mo sa iba, pero hindi lahat ng tao, sasaktan ka."

"Siguro." Tumaas ang dalawang balikat ni Yara. "Siguro sa umpisa, oo, hindi nila ako sasaktan. Ganoon naman palagi, eh. Sa umpisa, mahal nila ako, tanggap nila ako, pero sa dulo, hindi na. It's either they saw something in me na hindi nila nagustuhan or what, I don't know. Hindi ko alam kasi hindi naman nila sinasabi sa akin.

"No one was correcting me, Dri. Walang taong nagsasabi sa akin ng mali kaya akala ko, okay lang ako. Walang tao, kahit sino, ang nagsasabi na hindi na pala ako okay, kasi ang ending, pinag-uusapan na lang nila ako sa likod, o kaya iiwanan nila ako sa ere."

Dri understood where Yara was coming from. It was deep. Yara isolated herself to avoid getting hurt. It was her defense.

"Nakitira ako sa lola ko noong college ako kasi nasa province ang family ko. Everything was okay, everything was perfect . . . hanggang sabihin sa akin ng mga pinsan ko ang sinasabi ng lolo and lola ko about sa akin. Umiyak kaya ako!" Yara laughed. "Ang sakit kasi family nila ako, they should've told me the issue, hindi sa ibang tao. Ang dami pala nilang issue sa akin tapos alam mo kung ano 'yung masakit? 'Yung nag-uusap-usap silang lahat tapos lalabas ako ng kuwarto, titigil sila. That was obvious." She sighed hard. "Mahirap bang sabihin sa akin ang totoo? Hindi ko alam. Family . . . they were supposed to help me, pero isa sila sa dahilan kung bakit ganito ako.

"They acted as if wala silang sinasabi about me. Ang ganda ng pakikitungo nila 'pag nakaharap ako, pero 'pag nakatalikod na ako? They're already stabbing me to death. Pero alam mo ang nakakatawa? Ilang taon akong nagtiis . . . kahit ano, wala silang narinig sa akin." Itinuro ni Yara ang puso. "Nandito lang lahat, kasi matindi pa rin ang respeto ko sa kanila."

Yumuko si Dri. Hindi niya magawang tumingin sa malungkot na mata ni Yara habang nagsasalaysay. Her eyes were full of pain. Those pain and insecurities started inside her family. The main reason she was reserved, insecure, and hard.

"After college, aside from my current squad, I found new friends. I was so happy, kasi feeling ko, naiintindihan nila ako. Iisa kami ng goals in life, iisa kami ng gusto, we're almost similar. Until one day, reality hit me. Niloloko ko lang pala sarili ko." Yara shook her head in disbelief. "Ang sakit kasi pinagkatiwalaan ko sila. They backstabbed me and I saw the whole thing through chat. Kaso hindi ko ma-confront kasi it was accidental. Hanggang sa huli, ako ang naging masama. Sila ang malinis kasi wala akong proof."

Ibinalik ni Dri ang tingin kay Yara na nakayuko, nilalaro ang kuko, at panay ang singhot. Hindi niya inalis ang tingin dahil nakikita niya ang panginginig ng baba nito at pigil na pigil na sa pag-iyak.

"Ni-let go ko 'yun kahit na araw-araw akong sinasampal ng reyalidad na ginago nila akong lahat. Wala silang narinig sa akin . . . we became okay, I adjusted, kasi ayaw ko na may kaaway ako. Ayaw kong gigising ako sa umaga knowing someone out there hates me, but I guess, 'yun ang role ko sa buhay ko." Bumuntonghininga si Yara. "I fear being unwanted, Dri. All my life, I lived knowing I wasn't enough."

"Kaya ka nag-a-adjust para sa ibang tao. Mali kasi, Yara. Maling-mali kasi hindi na ikaw 'yun. Hindi na ang totoong ikaw ang kaharap ng ibang tao," sabi ni Dri. "'Yan din ba ang rason kung bakit kayo naghiwalay ng boyfriend mo? I'm sorry, nasabi lang sa akin nina Diether na may boyfriend ka."

"Ex," paglilinaw ni Yara. "We broke up almost two years ago, and it was the best thing that ever happened to me."

Dri didn't say anything.

"Hiwalayan, balikan, hiwalayan, balikan, that's how toxic we were." She smiled. "He was emotionally abusing me, gaslighting me, at ang nakakatawa, alam niya ang struggles ko, yet he played me. Ipinamumukha niya sa akin na ako palagi ang may kasalanan at sa tuwing mag-aaway kami, may ibang babae siyang kausap."

Kumuyom ang kamao ni Dri. Ipinagpapasalamat niyang hindi iyon nakikita ni Yara. Sa isip niya, the ex-boyfriend was supposed to protect and support her knowing na alam nito ang pinagdadaanan, but he made her feel worthless, too.

"I gave him everything. Everything. Bumibili pa nga ako ng shoes, phone, at pinakakain ko siya sa mahal na restaurant. I actually became his sugar mommy, nakakatawa." Yara laughed, Dri remained stoic. "But as per him, I was toxic. Masyado akong maraming sinasabi, hindi ako sweet, I wasn't comforting him that much, I was needy. When all I needed was support from him, emotional support.

"Funny, though, I was asking for emotional support from someone who would wreck me into pieces without him knowing. I can clearly remember how I woke up that night . . . ."

Dri gulped. Iniisip niya na sana, hindi ang iniisip niya ang sasabhin ni Yara.

"May sakit ako, he said he would take care of me." Yara breathed. "He took care of me naman, nilutuan niya ako ng food, pinainom ng gamot . . . pero noong magkatabi na kami sa kama . . . ."

Tumingin si Yara kay Dri, nagsalubong ang tingin nila. Dri didn't say anything. He was waiting for her to talk.

"I'm sorry, should I continue or uncomfortable ka?" tanong ni Yara.

"Saan?" tanong ni Dri.

Yara smiled. "Baka kasi—"

"I'm not judging," Dri casually answered.

Tumango si Yara. "Nagising ako na nasa ibabaw ko siya and he's already having sex with me. I struggled a bit, sinabi kong ayaw ko, but he continued until I sobbed. Doon lang siya umalis sa pagkakaibabaw ko at pumasok sa bathroom." Pinilit niyang ngumiti at hindi alam kung bakit niya sinasabi iyon kay Dri. "I cried silently 'cos I felt violated, pero sabi niya sa akin, basa naman daw, so gusto ko rin."

Dri's jaw tightened. "That was fucking rape. He raped you, and you let him go?"

"Was it?" Yara asked as if she was not sure. "Kasi araw-araw kong iniisip na responsibilidad ko 'yun bilang girlfriend niya and that I was just overreacting."

"That was rape, Yara. Rape."

Yara shrugged her shoulders, "Anyway, tapos na 'yun and wala na kami. Nasa kaniya na 'yun. He violated me, I tried to forget about it. Pero minsan, naiisip ko na oo nga pala, it was rape kasi walang consent from me. But then again, who would believe me?"

Kinagat ni Dri ang pang-ibabang labi dahil ayaw niyang may masabing hindi maganda. He wasn't expecting this.

"Tang ina, he was supposed to protect you," Dri muttered.

"Am I even worthy of anyone's protection knowing they're not even telling me the truth? People around me lie . . . they feed me with the sweetest lies knowing they have negative feelings towards me?" Yara murmured. "I fear being unwanted, Dri. Natatakot ako na baka hindi ako magustuhan ng mga tao sa paligid ko kaya—"

Umiling si Dri. "Kaya you were adjusting based on other people's treatment towards you. Bakit?"

"Para wala ng issue." Muling pinilit ni Yara ang ngumiti kahit na masakit na ang dibdib niya. "Minsan, masakit . . . ang mas masakit pala eh 'yung ramdam mong hindi ka na importante. Minsan nga, sa group chat, kahit alam kong friends ko sila, ha, hindi maiwasan na seenzoned nila ako. I know we all have different lives, pero ang mag-chat ako, seen, pero 'pag sila, maingay. Napapaisip ako, where am I, though?"

Hindi nakasagot si Dri.

"Or am I just overthinking? Possibly. Pero alam mo, matagal ko na iniisip. Mare-realize kaya ng lahat ang worth ko 'pag wala na ako?" biglang tanong ni Yara.

Dri froze. Nakatitig siya kay Yara na seryosong nagsasalita.

"I mean, I'm not suicidal. I actually fear death . . . pero gusto kong magpakalayo, malayo sa lahat ng kilala ko. Gusto kong tumira sa lugar na wala akong kilala, kasi baka doon, worth it pala akong kilalanin ng iba."

There was a sigh of relief from Dri. Hearing those words, huminga siya nang malalim dahil akala niya, suicidal si Yara. It was hard to deal with someone who wanted to die . . . but knowing she wasn't and that she was actually planning to start afresh, it was good news.

"Bakit hindi mo gawin?" sagot ni Dri. "Kung sa tingin mo, 'yun ang magpapabuti sa pakiramdam mo, ang magpapagaan sa 'yo, 'yung feeling na wala ka ng pain, at ang importante, hindi mo na kailangang mag-adjust, do it."

Yara didn't say anything.

"Mabuhay ka nang ikaw, Yara, hindi 'yung base sa kanila." Ipinagdiinan ni Dri. "Mabuhay ka para sa sarili mo this time, I know na mahirap, pero subukan mong wasakin ang walls na ginawa mo. Baka-sakali, lumuwag ang pakiramdam mo nang hindi nagre-restrict sa pagpapapasok ng ibang tao sa buhay mo."

"May isa lang akong problema, Dri."

Nakakunot ang noo ni Dri habang nakatingin kay Yara. "Lahat ng problema, may solusyon."

Tumango si Yara. "Oo, agree ako roon. Ang problema ko, hindi ko na kilala ang sarili ko. Hindi ko alam kung ano ba talaga ako, kung sino ako, at kung paano ako."

"Why don't we start figuring out who you really are?" Dri suggested.

"We?" Yara was confused if what she heard was right.

Dri nodded. "Yes, we. Let's figure out who Yara is."

"Bakit kasama ka?"

Dri smiled. "Wala lang, gusto kong sumama para inisin ka."

"Wow, goals."

"Yes, goals to annoy you while meeting your true version. I wanna meet her, Yaralyn version two point zero."





T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys