Chapter 1

Ngumiti si Dri nang makitang nakatitig sa kaniya si Yara. Nakatagilid itong nakaharap at mukhang hindi nagustuhan ang sinabi niya dahil hindi siya naniniwala sa sagot nito.

"Bakit ganiyan ka makatingin sa akin?" tanong ni Dri. "Hindi ako magso-sorry na tinawag kitang sinungaling kasi totoo naman. Alam ko na wala akong karapatang manghimasok sa buhay mo, pero okay lang naman na sabihin mong hindi. No one will judge you."

Yara snorted and shook her head in disbelief. "Hindi ako naniniwala sa no one will judge you because that's what people do. They will judge even the smallest thing lalo na kapag hindi nakaayon sa kanila ang sitwasyon. Hahanap at hahanap sila ng butas."

"Not all people are like that, huwag mong lalahatin," Dri responded. "Some are willing to listen and some are willing to help. Kung hindi ka mag-o-open up, I understand. I'm still a stranger."

Hindi sumagot si Yara. Nakatitig lang siya kay Dri na nagmamaneho dahil bibihira ang taong nagtatanong kung ayos lang ba siya. Mas madalas na ina-assume ng mga taong okay lang siya dahil hindi siya nagsasalita, nakangiti lang siya, o hindi kaya naman ay makalat paminsan-minsan.

But in reality, behind those smiles were hidden struggles that no one else knew but herself.

Madalas ding naiisip ni Yara na may mga bagay na hindi na kayang isigaw ng isang tao kahit na gustuhin niya dahil wala namang makaririnig.

That was about silent struggles, and no one would ever know.

May mga pagkakataong gustuhin man ng isa na mag-share o magkuwento tungkol sa sariling pinagdadaanan, hindi magawa dahil hindi alam kung saan magsisimula. Hindi alam kung paano, hindi alam kung kanino.

"Ilang araw ka rito sa Manila?" tanong ni Dri na nagpabalik sa ulirat ni Yara. Ni hindi niya napapansing malalim na pala ang iniisip niya. "Saang hotel ka ulit nag-i-stay?"

"Three days lang. Uuwi na ako sa isang araw," ani Yara. "Naka-Airbnb lang ako sa isang condo, hindi ako naka-hotel. Nakahanap ako ng medyo murang condo na puwede pag-stay-an."

Tumango-tango si Dri. "Matagal na ba kayong friends ni Karol? Since college rin ba?"

"Oo, pero fourth year lang naman kami naging friends. Mas gusto ko kasing mag-isa lang n'ong college. Noong fourth year naman, naging close kami kasi kailangan sa finals or whatever. Kaya ayon, nakilala ko sila," dagdag ni Yara. "Kayo ni Renzo?"

Bahagyang nilingon ni Dri si Yara bago ibinalik ang tingin sa daang binabaybay nila. "Since first year college, magkakasama na kami. Sila ang mga kasama ko noon mag-cutting classes para lang mag-DOTA." Pareho silang natawa. "Hanggang ngayon, solid pa rin. Pinagtatawanan na nga nila ako, ako na lang ang hindi committed, ako na lang ang walang pamilya."

Yara smiled. "Palagi namang ganoon ang tanong nila. Hindi naman kasi lahat, katulad nila na gustong bumuo kaagad ng pamilya. I mean, oo, I am pressured kasi twenty-seven na ako, pero ito pa rin ako, but I have priorities in life."

"Same sentiments," Dri responded. "I'm still enjoying what I do now. Hindi naman sa hinuhusgahan ko sila, but ever since they had their family, madalas na silang nagrereklamo sa group chat namin. I was like, hindi naman sa pagiging duwag, pero hindi muna ako papasok sa isang bagay na hindi ako handa."

Tumango si Yara dahil agree siya sa sinabi ni Dri. Pareho sila ng outlook sa buhay pagdating sa bagay na iyon. "I'm not financially, emotionally, and mentally stable," ani Yara. "People judge me for being selfish na gusto ko munang maging single, but if you're the breadwinner of the family, priorities."

Diretso ang tingin ni Yara sa daan. Paminsan-minsan niyang pinanonood ang pagpatak ng mahinang ulan sa windshield ng sasakyan.

"Nakakapag-travel ka ba?" tanong ni Dri.

"Hindi pa." Umiling si Yara bilang sagot at nilingon si Dri. "Ayaw ko sa lahat, bumibiyahe. Mas gusto ko pang nasa bahay na lang. Mas gusto ko na lang na matulog, manood, o kaya magbasa. Hindi ako masyadong fan ng long rides, eh. Ikaw?"

Ngumiti si Dri. "Actually, mahilig akong mag-travel. Marami akong nakikita, marami akong nakikilala, parang feeling ko, buhay na buhay ako. Sobra na rin kasi 'yung stress sa work kaya kapag nagta-travel ako, feeling ko, nare-refresh utak ko."

Hindi sumagot si Yara. Ibinaling niya ang tingin sa daanan. May iilang sasakyang naglalakbay katulad nila. Madilim, pero sapat na ang liwanag ng poste, at parang malungkot. Hindi ganoon ang Manila na naaalala niya. Dati, kahit madaling-araw pa lang, maingay pa rin, magulo, maraming tao, at maliwanag dahil sa mga sasakyan.

Ngayon? Hindi na. Malungkot dahil sa putanginang pandemya.

Niyakap ni Yara ang sarili dahil giniginaw siya sa aircon ng sasakyan ni Dri. Hindi iyon basta sedan. Toyota Hilux ang sasakyan ni Dri at amoy pabango nito. Amoy lalaking-lalaki at kahit mukhang maghapon na ang suot, mabango pa rin.

"Giniginaw ka?" tanong ni Dri. "Nasa likod mo coat ko, you can use it. Don't worry, mabango 'yan."

Nilingon ni Yara ang sinasabing coat ni Dri at nakitang nakasandal siya roon. Kaya naman pala mabango, kaya pala parang pakiramdam niya, naaamoy niya si Dri, dahil sinasandalan niya pala ang coat nito.

"Hindi na ako mahihiya kasi giniginaw talaga ako." Natatawang kinuha ni Yara ang coat sa likuran niya. "Saan ka pala nagtatrabaho?" Natigilan si Yara sa tanong. "Sorry, hindi mo kailangang sagutin."

Mahinang natawa si Dri nang makitang napangiwi si Yara sa sariling tanong. "Ayos lang naman na magtanong ka. Sa isang BPO ako nagtatrabaho. Sa Finance Department ako. Ikaw? Sabi ni Renzo, sa probinsya ka raw nakatira."

"Naghahanap lang ako ng trabaho online."

"Ah, freelancer ka," sagot ni Dri na tumang-tango pa. "That's nice, at least, hawak mo ang time mo."

Nakangiting umiling si Yara. "It was nice at first but it led to anx—" Huminto siya sa pagsasalita. She realized that she didn't need to tell people about her struggles regarding her mental and emotional health.

Nagkakaroon siya ng anxiety at nag-o-overthink siya sa tuwing nagsasabi siya sa ibang tao dahil pakiramdam niya, hinuhusgahan siya.

Mahirap maging overthinker, sobrang hirap.

Dri smiled when Yara stopped talking. He understood the boundaries, and people like Yara hated opening up at naiintindihan niya iyon. He didn't say anything and had no plans to push her.

Eventually, when Yara was comfortable, she would share it.

Tumingin si Dri sa mga kasama nila sa likod mula sa rearview mirror. Mga tulog na tulog dahil sa kalasingan. Kaibigan naman niya ang mga ito kaya alam niya kung saan nakatira. Siya pa mismo ang nag-alalay para maibaba ang mga ito sa kaniya-kaniyang bahay hanggang sa silang dalawa na lang ang natira ni Yara.

"So, you're my last passenger. Lead the way, ma'am," pagbibiro ni Dri bago binuksan ang makina ng sasakyan at nagsimulang magmaneho.

Tipid na ngumiti si Yara at sinabi kung saang condo siya ihahatid. Binuksan na lang din nilang dalawa ang bintana para makalanghap ng simoy ng hangin. Pareho silang nakainom, pero hindi lasing.

Tinanggal na rin ni Yara ang coat ni Dri na suot dahil nakaramdam na siya ng init nang patayin ang aircon.

"Sobrang daming nagbago ngayon, 'no?" basag ni Dri sa katahimikan. "One day, we're having fun, the next day, we're quarantined. 'Yung mga dating nakasanayan natin, biglang nag-iba, biglang nagbago. It was a huge adjustment. Gusto ko naman talaga na masaya lang. Ang dami kong plano, sobra. Gusto ko sanang pumunta sa ibang bansa, kaso lahat ng 'yun, nawala."

"Edi, kapag natapos na 'yung pandemic, mag-travel ka na ulit. It's never too late," sagot ni Yara. "For sure, one day, makakalabas na ulit tayo nang hindi naka-mask. This pandemic changed a lot of people."

Hindi na sumagot si Dri at napansin iyon ni Yara. Diretso lang itong nakatingin sa daanan. Sandali siyang naghintay, pero nanatili itong tahimik.

Since Yara wasn't in the position to ask, hinayaan na lang niya. May mga pagkakataon na humihikab na siya, ganoon din si Dri. Pareho na silang inaantok dahil mag-aalas-tres y medya na rin ng madaling-araw.

Nang makarating sila sa Cubao, tumingin si Dri kay Yara. "Gusto mo munang kumain bago kita ihatid sa condo mo? Pagpag lang, pampatanggal amats."

Tumango si Yara dahil hindi niya maitatangging nagugutom rin siya. "Sige, nagugutom na rin ako. Parang gusto ko ng mainit na sabaw. Kapag may nakita kang—wait, kumakain ka ba ng lugaw sa gilid?"

Tawa ang isinagot ni Dri. "Oo naman, 'no! Tingin mo sa akin? Ikaw, nagiging judger ka. Oo, kumakain ako sa gilid. Mas gusto ko pa 'yun. Masarap na marumi, mura pa!"

Natawa si Yara. Agree rin siya roon. Bigla niyang naalala na iisa nga pala sila ng college. "Kumakain ka rin ba sa Hepalane noong college?" tanong niya.

"Suki ako ng Hepalane. Nagulat nga ako, hindi ako nagka-hepa sa buong apat na taon ko sa Recto, eh. Halos lahat yata ng kainan doon, nasubukan ko na," natatawang kuwento ni Dri. "Nga pala, if batchmates tayo, bakit hindi kita nakikita?"

Yumuko si Yara at inalala ang college life niya. "Madalas lang akong nasa sulok ng university. Madalas din akong nasa library kahit wala naman akong gagawin. Gusto ko lang doon kasi malamig. Mas gusto ko rin kasing mag-isa."

"Napansin ko na rin. Para ngang hindi ka komportable na makipag-usap sa akin, epal na lang din talaga ako kasi tayong dalawa na nga lang mag-uusap dito, tatahimik pa ako. Ayaw ko nga mapanisan ng laway tapos amoy alak pa, baho n'on," pagbibiro ni Dri. "Pero sa bagay, ako rin naman noong college, mas madalas sa computer shop, nagdo-DOTA."

Habang nagkukuwentuhan, nakakita si Dri ng maglulugaw sa gilid kaya naghanap sila ng parking at naglakad papunta roon. Kahit madaling-araw na, may mga kumakain pa rin sa lugar. Almost four na rin naman at nagsisimula na ulit mabuhay ang Manila.

"Nakaka-miss 'yung panahong wala pang naka-face mask." Nakapamulsa si Dri na naglalakad kasabay si Yara. "'Yung makikita mo ang itsura ng kasalubong mo, 'yung makikita mo kung kilala mo ba sila, kung posible ba na sila na pala ang soulmate mo, gan'on."

Natawa si Yara at nagkunwaring nandidiri sa sinabi ni Dri. "Galawang babaero. Soulmate, amputa."

"Wait, nagmumura ka?" gulat na tanong ni Dri. Nanlaki pa nga ang mga mata nito. "I mean, I don't mean to offend you with my question. Nagulat lang ako."

Nginisian ni Yara si Dri at tumango. "Yep, nagmumura ako. Maraming lalaki o tao in general ang ayaw sa mga taong nagmumura. Pero to be honest? Wala akong pakialam. It won't make someone less of a person just because they're cursing."

"Agree naman ako. I know some people na sinasabing ayaw nila sa babaeng nagmumura," sagot ni Dri. "Bakit kaya? Nababawasan ba n'on ang pagkatao nila? Hindi ko rin maintindihan minsan kung bakit gan'on iniisip ng iba. Wala naman sa tabas ng pananalita ang pagkatao ng iba. May ibang tao, sobrang mabait sa pagsasalita, pero nasa loob ang kulo, nasa loob ang kagaguhan."

"Ayaw ko silang i-judge," sagot ni Yara. "Ganoon sila mag-isip, 'wag na lang natin pakialaman. May mga tao lang talagang hindi kayang mag-express ng kagaguhan nila through words, 'yun ang sinasabi mong nasa loob ang kulo."

Tumango si Dri at naintindihan niya ang sinasabi ni Yara. Totoo nga naman, kung tutuusin pangit ang term na nasa loob ang kulo.

Ipinalibot nilang dalawa ang tingin sa lugar. Bihira ang kainan sa labas simula nang magkaroon ng pandemya. Halos lahat, nawalan ng hanapbuhay, halos lahat, nawalan ng trabaho.

May iilang nagtitinda pa rin, pero naka-face mask. Mabuti na lang, ang lugawang napuntahan nila, medyo high-end at nag-i-sterilize.

Pagpasok nila sa loob, medyo mainit dahil wala namang aircon, may ilang tao na ring kumakain na parang mga nagtatrabaho ng night shift sa tabi ng isang building.

Dumiretso sila sa counter at nag-order. Halos pareho lang sila ng order; lugaw with egg, lumpia, at kape.

Umupo sila sa may area kung saan kita ang labas at ang sasakyan. Pagharap ni Yara kay Dri, napansin niyang inilulublob nito sa mainit na tubig ang kutsara at tinidor na gagamitin nila. Napansin nitong nakatingin siya at ngumiti.

She got it. Dri was disinfecting the utensils, which was good.

Habang kumakain, both were quiet. Tumitingin si Dri kay Yara dahil napapansin niyang madalas itong nag-oobserba sa paligid. Maybe he was just too observant kaya napapansin niya lahat kay Yara kahit na kakikilala lang nila.

Biglang napaisip si Dri at natigilan. Ibinaba niya ang kutsara at sinapo ang baba gamit ang pala. "I still can't believe na ngayon lang tayo nagkakilala. We could be good friends, nafi-feel ko 'yun," nakangiting sabi niya.

Mahinang natawa si Yara at tumaas pa nga ang kilay. "Hindi tayo sure.  Tingin ko, extrovert ka at ako naman ang worst introvert na makikilala mo. So, hindi tayo match."

"Alam mo tingin ko," naningkit ang mga mata ni Dri, "sinasabi mo lang 'yan kasi wala kang kausap. Talk to me, I'm all ears. Katulad ngayon, napansin kong may tumulong lugaw sa damit mo," paninita niya. "We can start a conversation about why you're eating like a kid."

Nagulat si Yara sa sinabi ni Dri at kaagad niyang tiningnan ang sinasabi nito. May kalat nga ang damit niya.

"Hoy, gago!" singhal ni Yara na ikinatawa ni Dri. "Hindi ako kid! Natapon lang talaga!"

Umiling si Dri. "Uy, hindi. Kahapon, noong kumakain ka ng shanghai, natapunan ka ng suka sa may pants. Kagabi, noong umiinom ka ng beer, natapon sa bag mo. 'Di ba? Clumsy ka."

Kumunot ang noo ni Yara nang maintindihan ang sinasabi ni Dri. She figured that Dri was observing her.

"Inoobserbahan mo ba ako?" Tumaas ang kilay ni Yara. "Stop observing me! Kung ano-ano'ng nakikita mo, nakakaloka ka!"

Humigop ng kape si Dri habang natatawang nakatingin kay Yara na panay ang punas ng natapon na lugaw sa damit nito. Truth, he was observing her since they met, lalo nang makita niya kung gaano ito katahimik habang lahat ay nagsasaya.

"What's your favorite color?" biglang tanong ni Dri.

Nanlaki ang mata ni Yara at natawa. "Ano ka, highschool?" Umiling siya.

Natawa si Dri at sumandal nang maayos sa upuan. "Hindi. Gusto ko lang makipagkuwentuhan. Ang tahimik, eh, sumasakit tenga ko. Gusto kong marinig boses mo. Music to my ears."

Tumigil si Yara sa ginagawa at tinitigan si Dri. "Ang harot, ha." Inirapan niya ito, pero ngumiti rin naman siya. "Blue green, something dark, something gloomy. Ikaw?"

Ipinalibot ni Dri ang tingin sa loob ng kainan at naniningkit na ibinalik ang titig kay Yara. Huminga muna nang malalim bago nagsalita, "Parang favorite ko na ngayon ang red orange," sagot ni Dri. "Kakulay ng damit mo. Hindi ko na makakalimutan."

Yumuko si Yara para tingnan ang suot na damit. Red orange nga iyon na blouse na walang kahit anong print. Naisip niyang parang tanga itong si Dri dahil kung ano-ano ang sinasabi.

Yara snorted without even smiling. "Maharot, hindi nakakakilig, nakaka-bother kasi ang observant mo."

"Ikaw rin naman, observant. Nakatitig ka sa akin kanina. Ano'ng na-observe mo sa akin? Am I good enough to be your friend?" Dri widely smiled.

Yara shrugged. "Ewan ko. Ayaw ko kasing nakikipagkaibigan sa mga extrovert. Maiingay kasi kayo. I like peace, mas gusto kong nananahimik . . . so, hindi ako sure kung magiging magkaibigan tayo."

"Bakit 'di mo ako subukan?" Confident si Dri at tumango pa nga. "Puwede akong mag-adjust base sa gusto mo. Puwedeng medyo maingay, puwedeng sobrang ingay, puwede rin akong listener, mamili ka."

"Gusto ko ng tahimik ka lang, puwede ba 'yun? Ang daldal mo at medyo invaded na 'yung privacy ko," pataray na sagot ni Yara. "Alam mo, kakikilala lang natin, pero ang daldal mo na. Ganiyan ka ba sa lahat ng tao?"

Kaagad na kinagat ni Yara ang dila sa loob ng bibig dahil hindi niya napigilan ang sasabihin. Hindi naman niya intensyong ganoon ang lumabas sa bibig niya. Isa pa, pangit ang tono.

Tumango si Dri. "Oo, ganito lang ako. Ikaw, tahimik ka ba talaga or ayaw mo lang akong kausapin? Hindi ba ako sapat para humanap ka pa ng iba?"

"Alam mo, gago mo." Umiiling na natatawa si Yara. "Kumain ka na lang, gusto ko na ring umuwi at matulog. Daldal ka nang daldal, puwedeng kumain muna?"

"At least, natawa ka sa akin. Ibig sabihin, I have this effect on you na napapangiti at napapatawa kita," sagot ni Dri. "May tumulo na namang lugaw sa damit mo, ano ka ba naman!"

Nagmadali si Yara na punasan ang tumulong lugaw dahil mayroon nga at nakakahiya na! Nakaramdam pa siya ng pagkailang dahil nakikita niyang observant si Dri.

Makes sense, though, nag-o-observe rin naman kasi siya. Sobrang daldal nga lang, medyo nakakairita!

"Hindi ka nananahimik, 'no?" Yara seriously asked.

Natigilan si Dri sa pagsasalita nang mag-angat ng tingin si Yara sa kaniya at sinabi iyon. He was actually talking about his favorite song, but she wasn't feeling it.

"Sorry, I was just telling you about my favorite song," Dri murmured.

"I know. Pero, puwede bang kumain na lang muna tayo?" mahinahong tanong ni Yara. "I didn't mean to cut you off or offend you, I'm just not used to someone talking to me while eating, medyo off ako."

"I understand, ma'am." Dri smiled.

Kinunutan lang siya ng noo ni Yara at nagsimula itong kumain. Dri low-key observed Yara more.

She looked okay, halata naman sa aura nito, or maybe she was just too good at hiding. Dri started eating, not minding Yara. Hindi naman siya na-offend sa pag-cut off nito. Maybe he was just too disrespectful.

Natapos ang pagkain nila nang hindi na ulit nagsalita si Dri. Tahimik lang din naman kasi si Yara na paminsan-minsang tumitingin sa labas ng kinakainan nila, pero hindi sa kaniya.

Habang naglalakad, napansin naman ni Yara ang pagiging tahimik ni Dri. Nakaramdam siya ng guilt dahil doon. Pangit ang pagkakasabi niya at nang alalahanin niya ang scenario, mukhang excited lang naman ito sa sinasabi. 

"Sorry sa pagiging rude ko kanina." Yumuko si Yara na para bang pinanonood ang bawat hakbang niya.

Mahinang natawa si Dri. "Wala 'yun, naiintindihan ko. Ilang beses mo na rin naman sinabing hindi ka sanay, pero naging makulit ako. Thanks for calling me out." Ngumiti siya. "Tara na nga, ihahatid na kita para makapagpahinga ka na rin. Buti na lang, weekends, wala akong pasok."

"Thank you." Yara smiled warmly.

Hindi na kalayuan ang condo sa kinainan nila kaya mabilis lang silang nakarating. "So, dito na tayo," nakangiting sambit ni Dri. "It was nice meeting you, Yara, at sana magkita pa tayo."

"Sana hindi na, ang ingay mo, eh," pagbibiro ni Yara.

Ngumiti si Dri. "Sabi ko sa 'yo, puwede naman akong mag-adjust. Try me. Puwede ba kitang i-add sa Facebook, kahit doon lang?"

"Sige." Tumango si Yara. "Yara Pineda. Sure naman na mutual natin sina Renzo, accept na lang kita. Maraming salamat ulit sa paghatid sa akin and good morning, Adriano." Bumaba na rin siya ng sasakyan nito.

Pagsara niya ng sasakyan, bumukas ang bintana at sumaludo si Dri kay Yara at ngumiti. "Nice to meet you, Yaralyn. Ngiti palagi, ha? Ganda mo, eh." Sabay paandar nang hindi na hinihintay ang sagot niya.

Inangat ni Yara ang kamay para kumaway kahit na hindi na nito nakikita. Hindi siya pumasok sa condo hanggang sa mawala na sa paningin niya ang sasakyan.

"Nice meeting you, too, Adriano."





T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys