EPILOGUE

EPILOGUE

I HAVE a twin sister. Her name is Emilyn. Though we are sisters, we also treat each other as best of friends. Despite of being separated for almost years because I have been admitted to hell, well, a fucking institution. I’mma tell you that I was crazy back then for killing our demonic father. I don’t wanna  talk about him anymore and the way I tortured him. After I was released, me and Emilyn would meet up every Tuesday night. Every night of our favorite day, we used to have a glass of wine and talk about each other’s personal life. Until she confessed to me that her husband is acting strange.

I know he did it to Emilyn. He cheated for real, he cheated on my sister. And I hated him to death. I know he did it but I just can’t prove it.

The second week when we’re about to meet was strange. Emilyn was nowehere to be found that Tuesday night. He reported her missing wife. Their child was sent to the city for his unbelievable reason.

I did it and I know everybody can’t prove it. Yes, I killed her husband.  How dare he did it on my sister? Emilyn was just a woman who plays the role of a dutiful wife, only to be mistreated and cheated upon. I will surely kill his mistress next. But things turned up-side down when their daughter came back here in Pinecrest.

No one’s suspecting me for abducting children and treating them as my half-blood and real family members. I named them Esther and Donny which looked cute when I am calling them by that name. I really hate when they’re being too stubborn and doing things that are against my rule. I punished them by death. Well, they deserve that kind of tortures. How I missed my real Esther and Donny.

Hindi ko na tinapos pa ang pagbabasa sa notebook at agad itong ibinato sa pader nitong kwarto. Napaiyak na lamang ako habang nakatunganga sa puting kisame. Sinabi ng doktor na huwag iiyak dahil baka lalong bumuka ang tahi sa sikmura ko pero hindi ko talaga mapigilan. Napahikbi ako sa sobrang sama ng loob na hindi mailabas.

“Ako dapat ang pumatay sa ‘yong gaga ka. Ako dapat ang kumalabit ng gatilyo. Ako sana ang dapat tumapos sa buhay mo,” paulit-ulit kong bulong at napapikit.

Ang daming bagay ang pumapasok sa utak ko. Na totoo ngang si Papa ang pumatay kay Mama. Detective Llobrera already found my mom’s remnant, undergo autopsy and confirmed murdered by someone. There could have no other suspect but my dad for having the motive and obvious evidences. Or whatever his reasons why he killed her, I have no choice but to forgive him. May their souls rest in paradise and Aayi’s in hell.

Pinahid ko ang aking mga luha nang maramdaman ko ang pagbukas ng nakasaradong pintuan. Sumilip roon ang mga pamilyar na pagmumukha na naging dahilan para kumalma muli ako.

It’s Maui, Raihana, Via, Cherus Ann and Makoy. Napangiti ako nang isa-isa na silang pumasok sa kwarto ko.

“Kumusta na ang Maria Aviva Trinity De Vera namin?” pangungumusta ni Rai at inilapag sa maliit na mesa ang isang basket ng prutas. Hinawakan niya ang kamay ko kahit maging siya ay tadtad pa rin ng bandage sa ulo, braso at binti. Pinasadahan ko sila ng tingin. Halos lahat pala kami, parang bugbog sarado.

“Ano bang mga hitsura iyan? Payakap nga!” sambit ko na lamang kaya agad nila akong sinugod ng napakahigpit na yakap. Napangiwi ako dahil muntik nang mahagip ni Makoy ang sugat ko.

“Gagi, ‘yung tahi ko baka bumuka!” sigaw ko kaya nagtawanan sila.

“Ano? Cesarian yarn?” pabirong wika ni Makoy na naging dahilan para matawa kaming lahat.

“Oo, e. Si Aayi ang nagpaanak. Hiniwa agad, e wala pa namang bata.”

“Hayup ka talaga, Mavi.” Lahat kami ay napangiwi nang muli nilang marinig ang pangalang nagpapaalala ng napakasaklap naming nakaraan.

“Sinong ama? Si Bonagua?” pasaring ni Maui kaya ako naman ang mas napangiwi.

“Gago,” mura ko at muli silang tiningnan isa-isa.

“Where’s Ken?” tanong ko dahil hindi nila ito kasama.

“Hindi pa makalakad. Nasa kabilang room lang siya. Don’t worry, he’s fully safe too.” Si Cherus Ann ang sumagot. Tulad ng dati, nakita ko na naman ang unti-unting pagbalik ng dating Cherus Ann na nakilala namin. Ang ngiti niya, ang sigla. Akala ko noon tuluyan na siyang na-brainwash ng baliw na babaeng iyon. Masaya akong makita na hindi nagbago ang turing niya sa amin sa kabila ng pagkawala niya sa loob ng napakaraming taon.

“Hindi mo rin ba tatanungin kung nasaan si Bonagua?”

Magsasalita na sana ako nang muling bumukas ang pinto at sumilay ang inosenteng pagmumukha ni Ryan na tulak-tulak ang wheel chair kung saan nakaupo si Ken. Hindi pa nga siya fully-recovered tulad ko dahil sa tinamo rin niyang mga saksak.

“Ken!” Isang ngiti ang pinakawalan ni Ken at kumaway sa amin. Hinang-hina pa rin ang gago.

“Nagpumilit sumama. Gusto raw kayong makita,” paliwanag ni Ryan sabay sulyap sa akin.

“Ang tagal mo raw! Naiinip na si Mavi sa ‘yo!” ani Via kaya halos mamula naman itong si Bonagua.

“Mga epal kayo,” komento na lamang niya saka kakamot-kamot na pumasok ng kwarto. Napangisi naman ako. Umupo siya sa tabi ko habang nagkukwentuhan naman ang iba pa sa amin.

“Kumusta?” aniya at napabuntong-hininga.

“Buhay pa naman.” Napangisi siya sa naging sagot ko. Kapwa namin pinagmasdan ang aming mga kaibigan na masayang nag-aasaran sa sulok nitong kwarto.

“It was nice to see them very happy,” komento niya na siyang ikinalabas ng aking ngiti. Ngunit napawi ito nang maalala ko ang sinapit ni Jericho at Maybelle. Gusto ko na namang maiyak dahil naiisip ko sila. Naramdaman kong hinawakan ni Bonagua ang kamay ko.

“I guess Fire Breathing Rubber Duckies will never be the same squad again. Without Maybelle and Jericho, we are incomplete,” halos pabulong kong sambit. Napahigpit ang hawak niya sa aking kamay.

“Right, but life must go on. We still have many reasons to be happy,” aniya kaya napatitig ako sa kanila.

“I have no family now, Bonagua.” Napangiti ako nang mapakla. “All I have is you, guys. And I can’t bear to lose you all again.” Tuluyan na akong napaiyak. Naalala ko na naman ang napakahirap na pinagdaanan namin sa loob ng bahay na iyon.

“Well, you always have me, Maria Aviva.” Sinamaan ko siya ng tingin kahit naiiyak na.

“Charr.”

“It’s okay if you admit that you really have a crush on me. It’s fine,” I said confidently that made the Fire Breathing Rubber Duckies take a glare on us. Halos mamula naman na parang kamatis itong si Bonagua dahilan para makumpirma kong tama nga ang hinala ko. May crush nga sa akin ang hinayupak na ito. Tanggi-tanggi ka pa, ha. Otomatiko niyang nabitawan ang kamay ko na hawak niya at medyo lumayo sa akin. Sa puntong iyon ay hindi ko na mapigilang matawa.

“Sige, tumawa ka pa nang bumuka ‘yang tahi mo,” pang-aasar niya kaya mas lalo akong tumawa dahil sa reaksyon niya. Inasar na rin siya nina Maui, Cherus Ann, Ken, Makoy, Via at Raihana. Nasa ganoon kaming sitwasyon nang pumasok naman sa kwarto si Detective Llobrera at napanganga ako nang makita si Scyrish.

“Maria Aviva!” bulalas niya kaya napangiwi ako.

“You’re too late to save me.”

“Engot ka talaga. Akala ko nawala ka na,” aniya at binigyan ako ng napakahigpit na yakap. “Pero nawala ka nga raw ng isang buwan? Kaya pala hindi man lang kita ma-contact kahit noong birthday mo!”

“You flew all the way here from the city just to see me, huh? Ganoon mo ba talaga ako na-miss?” pang-aasar ko kaya siya naman itong ngumiwi.

“That’s not gonna happen.” Nagtawanan na lamang kami.

“Get well soon, Mavi.” Narinig ko naman si detective na kanina pa pala nakamasid sa amin. Ngumiti ako.

“Thank you for saving us and the Pinecrest, detective.” I owe my life to him for helping us escape the house. He saved us all.

“Our duty is to save and protect. You have nothing to worry about,” he replied. “Pero ewan ko na lang kina Lavape at Gloriette,” dagdag niya. Hindi ko napigilang masapo ang mukha matapos maalala ang dalawang pulis na iyon.

Napangiti ako. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang nakikita ko na muling normal ang lahat lalo na ang kalagayan ng mga kaibigan ko. Nasisiguro kong ligtas na nga kami ngayon sa tulong na rin ng mga kapulisan rito sa Pinecrest lalo na ni Detective Llobrera.

“TULALA ka na naman,” untag ni Cherus Ann kaya napakislot ako sa kinatatayuan ko.  I was so out of myself to the point that I did not realize I had been staring at the grave of Echo and Maybelle for a very long time.

“What’s bothering you?” tanong niya. napailing ako.

“Nothing. I just remember the gun from my cousin which I didn’t use. I just found it under my bed yesterday,” sagot ko kaya natawa siya.

“So you know how to hold a gun now, Maria Aviva.”

“Casa de Montes taught me a lot,” pag-amin ko. Napapikit ako nang magsimulang umihip ang napakalakas na hangin. Kapwa kami napalingon sa waiting shed nitong sementeryo kung saan nakatambay ang buong squad namin. Kami lang dalawa ang narito sa labas. Tumikhim siya bago muling magsalita.

“I’m sorry, Mavi.”

I swallowed hard as I faced her. There, my tears began to flow and I immediately hug her very tightly.

“I really missed you, Cherus Ann,” bulalas ko at mas hinigpitan ang yakap. Naramdaman kong umiiyak na rin siya bago pa kami kumawala sa yakap ng isa’t isa. Pinahid niya ang kanyang mga luha at ganoon rin ang ginawa ko.

“I’m so sorry for causing you too much pain. On behalf of Makoy, Via and Maybelle, I want to say sorry for all the things we’ve done to all of you.”

“Shhhh. Let’s forget everything and start again,” sambit ko na lamang. Kapwa kami nagngitian sa isa’t isa pagkuwa’y muling tiningnan ang puntod ng dalawa naming kaibigan. Mahirap mang magsimulang muli nang wala silang dalawa, kinakailangan naming tanggapin ang mga nangyari. Tatanggapin namin pero hindi ibig sabihin noon ay kakalimutan na namin lahat.

“Fly high, Echo and Maybelle,” I whispered as I hold Cherus Ann’s hand.

“Mavi! Cherus! Come here!” sigaw ni Raihana sa napakasiglang boses kaya otomatiko kaming nagtakbuhan ni Cherus Ann nang magkahawak-kamay. Pagdating namin sa waiting shed, nagpalakpakan na agad sila na parang mga excited.

“Since this is our second life, we will throw up a party for everyone of us!” anunsyo ni Raihana kaya mas nag-ingay sina Makoy. Nakisali na rin si Cherus.

“That’s a good idea! Saan? Sa dati bang hideout?” tukoy ni Ken sa dating sewer ng grupo na located sa lumang covered court nitong Pinecrest. Nag-isip-isip kami nang may mapagtanto.

“Siguro dito na lang sa sementeryo para kasama rin natin sina Maybelle at Echo sa celebration. At isa pa, wala na ang dating sewer natin, remember?” suhestiyon ni Maui. Oo nga pala, hinarangan na ito ng mga pulis dahil lagi kaming naaabutan ng curfew noon.

“Yes! This will be exciting!”

“By the way, Mavi.” Hinarap naman ako ni Via kaya naituro ko ang aking sarili.

“Ako?”

“Do you still plan to return to the city?” May lungkot sa boses ni Via kaya pinasadahan ko sila ng tingin isa-isa. Natigil ang titig ko kay Ryan na hindi makatingin sa akin nang diretso. Ngumiti siya ngunit may lungkot rito.

“Malulungkot ‘yung isa riyan,” makahulugang sabat ni Ken kaya nagkantyawan na sila. “Uso umamin hangga’t narito pa. Baka matulad kayo sa mga teleserye na hanggang sa airport naghahabulan iyong mga bida, ha. Alalahanin n’yo, malayo ang city rito sa Pinecrest,” dagdag pa nito. Nagtawanan sina Maui.

“Actually, I already called my cousin to pack my bags and things,” panimula ko bilang sagot. Napansin ko ang lungkot sa mga mukha nila kaya napangisi ako. “I told her to pack everything and send them to me here. I am staying with you, Rubber Duckies.”

“Waaaaaaahhhh!”

Sa sobrang saya ay nayakap agad ako ni Raihana at ng iba pa. Hindi sila magkamayaw sa pagtalon dahil sa sobrang excitement na nararamdaman. Maging ako rin naman. Masaya akong makakasama na silang muli and this time, wala nang iwanan. After what happened to my Dad and Mom, alam kong sila na lang ang matatakbuhan ko sa mga panahong nalulungkot ako. Sila ang kokompleto sa buong buhay ko na pananatili rito.

“Oy, Bonagua, group hug raw!”

“Heto na nga.”

“Aayiiie!”

Lumawak ang ngiti niya habang papalapit sa akin at sa puntong iyon ay ramdam kong natutuwa rin siyang malaman na mananatili ako sa lugar na ito kasama sila. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa mga nakikita ko ngayon. At least, now, I am secured that me and my friends are now safe from the evil Amalia Ayen Montes. We can live our life to fullest now here in Pinecrest. And I have no reasons to leave this hometown anymore.

I’m staying with the Fire Breathing Rubber Duckies. I am staying with my family.





---BOOK CLOSED---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top