CHAPTER 8 - The Mistress

CHAPTER 8

The Mistress


KRISTIANA Murillo, Block 7, Lot 8, Mynah Street.” Pinakatitigan ko ang address na nasa kapirasong papel.

“Are you serious of visiting your father’s mistress?” Bonagua called just to ask me this stupid question. Parang hindi naman niya ako kilala na kapag sinabi ko, gagawin ko talaga.

“Alam mo, Bonagua, nakailang tanong ka na sa akin niyan at pare-parehas lang naman ang sagot ko. Kaya pwede ba? Huwag kang makulit? On the way na ako!” sambit ko habang kausap siya sa cellphone. Naging chappy ang kabilang linya dahil mahina nga ang signal.

“Sinong kasama mo?” tanong pa niya. Napasulyap ako kay detective na abala sa pagmamaneho.

“Detective---”

“Hello! It’s detective Neil Aldrin Llobrera. Huwag kang mag-alala, bata. Safe naman akong kasama at wala akong balak kidnapin ang kaibigan mo.” Nagulat ako nang agawin niya ang phone ko at siya mismo ang kumausap kay Bonagua. Narinig ko ang pagsagot niya sa kabilang linya.

“Siguraduhin mo lang, detective. Dahil hindi ako magdadalawang-isip na gumawa ng krimen,” pagbabanta nito kaya napangiwi ako at inagaw na ang phone ko.

“Siraulo! Ang walang galang mo talagang hayup ka,” mura ko kaya humagalpak siya ng tawa.

“Joke lang. Tropa kami niyan ni detective. Huwag kang ano diyan,” aniya. Napairap ako.

“Mavi.” Naging seryoso ang boses niya.

“What?”

“Gusto ko lang sabihin na mag-ingat ka.” Napangiti ako at tumango na lamang.

“Yes, sir. Copy.” Mayamaya ay naputol na ang tawag dahil nga sobrang hina ng signal. Napaayos ako ng upo at humalukipkip habang pinagmamasdan ang binabaybay naming kalsada. Masyadong malalago ang pine trees sa banda rito. Nakakatuwa panoorin. Ngunit hindi nakaligtas sa mapanuri kong paningin ang mga posters na nakadikit sa mga puno. They were missing posters again of several teenagers. Ang iba’y halos matuklap na mula sa pagkakadikit. Ang iba nama’y mukhang kalalagay pa lamang.

Napatungo na lamang ako upang huwag makita ang mga posters na ito. Nababahala lang ako lalo. Hindi ko pa nga nalalaman ang salarin na pumatay sa daddy ko, poproblemahin ko pa ang pagkawala nila at ni mommy. Napakagat-labi ako at inihilig ang ulo sa salaming bintana ng kotse.

“Malayo pa ba?” boring kong tanong kay detective.

“Let’see the google map. Ilang kilometers pa,” sagot niya pagkuwa’y binuksan ang stereo ng kotse. Bumungad ang isang pamilyar na tugtog na madalas kong marinig sa pinsan ko noong nasa lungsod pa ako.

“Is that Taylor Swift’s no body, no crime?” hindi makapaniwalang bulalas ko habang pinapakinggan ang bawat lyrics. I heard him laugh and continue his driving.

“Yes. Very related to Pinecrest people, right?” aniya na parang natatawa. Napailing na lamang ako.

“So, how did you turn being a detective with a vibe like that? A certified Swiftie, huh?” biro ko at sinuklay ko ang magulong buhok gamit ang mga daliri.

“I have solved almost 30 mystery cases out of this town so don’t underestimate me, Maria Aviva,” seryoso niyang saad kaya napawi ang ngiti ko at napalitan ng pagkamangha.

“Really?”

“Yes. I have successfully solved the episodes of Who is the Killer, Icop, Detective House Escape, Another Cased Solved and Detective’s choice.”

Napa-pokerface ako nang marinig ang sinabi niya.

“Shut up, detective. You’re fooling me. Those are detective games from Mystery Tribune and I already played some of them. You suck,” nakangiwi kong komento kaya humagalpak siya ng tawa. Siraulo ata ang detective na ito. Paano siya nakaka-solve ng isang kaso kung ganito siya lagi? Gago lang.

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at pinakinggan ang kanta ni Taylor Swift hanggang sa marinig ko ang huling liriko nito na siyang nagpadilat sa mga mata ko.

No, no  body, no crime
I wasn’t letting up until the day he die



“WE’RE here, Mavi,” anunsyo niya kaya napabalikwas ako at napatingin sa labas ng bintana. Nasa tapat na kami ngayon ng isang hindi kalakihang bahay. Halos mahigit ko ang aking hininga habang pinagmamasdan ang isang babaeng abala sa pagwawalis ng balkonahe niya. Sa isang iglap ay nabuhay ang galit ko. Nakuyom ko ang magkabila kong kamao at napatiim-bagang.

“Siya na ba ‘yan?”

“We are not yet sure. But it’s the exact address your friend Raihanna gave me,” sagot niya. Agad kong binuksan ang pintuan ng sasakyan habang hindi inaalis ang titig sa babaeng hindi man lang napansin ang pagparada ng kotse sa tapat ng bahay niya. Inayos ko ang suot kong denim jacket at sinulyapan si detective.

“Let’s go.”

Isang doorbell ang siyang nagpatigil sa kanyang ginagawa at otomatikong napalingon sa direksyon namin. Gulat ang rumehistro sa mukha niya nang makita kaming dalawa ni detective.

“Good morning Mrs. Murillo! I’m detective Llobrera,” pagbati ng kasama ko at inayos ang suot na coat . Tumango-tango ang babae at parang nainsulto sa pagbati ng detective.

“Wala pa akong asawa,” aniya. Bakas ang pagkairita sa kanyang boses. Pinasadahan ko siya ng tingin at nakipagtitigan rin ang gaga. Nakasuot pa siya ng apron habang bitbit ang isang walis tambo. Malinisin naman pala. Kaya malinis rin ang ginawang krimen sa daddy ko.

Tumikhim muna si detective bago ipagpatuloy ang pagsasalita.

“Kasama ko ngayon si Maria Aviva Trinity De Vera,” dugtong  niya. Umawang ang bibig ng ginang na tinawag niya sa pangalang Kristiana Murillo. Hindi nito mahagilap ang sasabihin.

“Kaya pala kamukha niya,” makahulugan nitong sagot dahilan para hindi ko na mapigilan ang sarili ko at isang sampal na ang pinadapo sa kanyang makapal na mukha. Sa sobrang lakas nito’y halos masapo na niya ang namumulang pisngi. Napatiim-bagang ako at naluha na lamang. Nanginginig ako sa galit.

“Mavi, calm yourself. Nag-uumpisa pa lang tayo rito. Mavi!” awat ni detective pero hindi ko na siya pinakinggan. Inililis ko ang manggas ng suot kong denim jacket at sinabunutan na siya sa abot ng aking makakaya. Halos tumili siya sa higpit ng pagkakahigit ko sa kanyang buhok. Nagpambuno kami sa damuhan at wala na akong pakialam kung mapatay ko siya.

“Bitawan mo ako!” sigaw niya sa sakit. Kinalmot ko pa siya sa mukha. Hindi pa ako tapos.

“Fuck you! You killed my dad!”

Hindi pa ako nakontento at sinakal na siya. Hindi na siya makahinga at halos lumabas na ang dila. Sinubukan akong pigilan ni detective pero maging siya ay nahagip ng kamao ko. Napadaing na rin siya sa sakit ng aking pagkakasapak.

“Ipapakulong kita! Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan!”

“Hindi ko pinatay ang tatay mo!” iyak niya dahil mas hinigit ko ang hibla ng kanyang mga buhok. Mas nag-alab ang galit ko dahil sa pagtanggi niya.

“Please, let go of me,” pagmamakaawa niya.

“Why would I? You killed my dad, right? Then I must kill you too,” bulong ko sa tenga niya nang daganan ko siya. Mas napaiyak siya dahil sa ginawa ko.

“I didn’t. I didn’t kill your dad. I was there.” Nakita ko ang paglunok-laway niya na parang kinakabahan at tuluyang kumawala ang luha sa kanyang mga mata.

“Mavi, I was there! I saw h-him killed your father.”

Halos manghina ang buo kong sistema at dahan-dahang lumuwag ang pananakal ko sa kanya. Naiyak na lamang ako sa hindi malamang dahilan. Sa isang iglap ay nasapo ko ang aking mukha at pinadapuan muli siya ng isang malakas na sapak sa panga. Mas naiyak siya dahil sa sobrang sakit hanggang sa tuluyan na akong hatakin ni detective palayo sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top