CHAPTER 40 - Wrong Turn, Right Time

CHAPTER 40

Wrong Turn, Right Time

PINILIT kong tatagan ang loob ko nang marating namin ang third floor. Katahimikan ang sumalubong sa amin paglabas pa lamang ng elevator.

"Faster," sambit ni Makoy na nangunguna na sa paglalakad. Hawak ko pa rin ang tubo na may bahid na ng dugo. Pakiramdam ko humahanap na ng paraan ang demonyong iyon para masundan kami rito sa third floor. May narinig na naman kaming pagsabog. Yumanig ang buong paligid.

"Where's Maui, Via and Cherus?" tanong ni Raihana. Wala kaming maisagot dahil hindi naman talaga namin alam kung nasaan sila.

"Kung nasaan man sila, sana nahanap nila ang daan palabas para makahingi sila ng tulong," sambit na lamang ni Ryan na tila pagod na pagod na.

"Mavi, napapagod na ako," iyak ni Raihana habang naglalakad kami. Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Hinawakan ko ang kanyang magkabilang balikat.

"Gusto mo na magpahinga habang-buhay?" tanong ko dahilan para mamutla siya at mapaiwas ng tingin. Agad siyang umiling.

"Then just keep on walking. You're with us. Nothing to worry. Makakalabas tayo rito," sambit ko na lamang at hinatak siya kasunod nina Makoy. Maya't maya kaming nakakarinig ng pagsabog mula sa itaas at palagay ko ay nagsisimula nang masira ang bawat system na ipinatayo ni Aayi para sa bahay na ito. We made sure na sasabog ang CCTV system niya para iyon ang maging dahilan ng pagkawasak ng buong bahay. Pero dapat nakalabas na kami bago pa tuluyang gumuho ang buong building na ito.

Mas binilisan namin ang paglalakad patungo sa pinakamalapit na elevator nang mamatay na naman ang ilaw rito sa buong pasilyo at muling pagtunog ng emergency alarm. Naigala ko ang paningin. May masama na namang mangyayari at nararamdaman namin iyon. Nagkatinginan kami.

"Rush to the nearest elevator now!" tukoy ko sa elevator na malapit na namang magsara kahit wala namang nakasakay. Naging mabilis ang pagtakbo namin at nagawa naman nilang makapasok agad. Sa puntong iyon ay may naglalaro nang ideya sa utak ko kaya agad kong pinindot ang button para magsara na ang pinto kahit hindi pa ako nakakasakay.

"What the hell, Mavi?!" bulalas ni Ryan nang mapansing unti-unti nang nagsasara ang elevator.

"You, fudge! What do you think are you doing? Get in!" sigaw sa akin ni Rai pero umiling ako.

"Maria Aviva Trinity De Vera, this isn't the right time to play the heroine role again! Maybelle already suffered, so please! Stay with us!" pagmamakaawa ng umiiyak nang si Rai pero buo na talaga ang desisyon kong magpaiwan rito sa third floor at hintayin ang pagdating ni Aayi. Bukod roon, baka mahanap ko pa rito sina Maui, Via at Cherus Ann.

"Just do everything to stay alive, guys. Make it to the ground floor and call any help. Please," sambit ko na lamang at tumakbo na papalayo habang nagsasara na ang pintuan ng elevator. Rinig ko pa ang sigawan nila na tinatawag ako pabalik pero wala na akong pakialam. Mas naipikit ko na lamang ang aking mga mata at napaiyak habang inaalala ang mga tingin ni Bonagua sa akin. Nag-aalala siya pero ayokong isama pa siya rito sa planong tapusin na ang buhay ni Aayi ngayong gabi. Mas kailangan siya nina Rai ngayon lalo na at sugatan na si Ken kanina pa.

Nang makarating sa kabilang pasilyo ay napaupo muna ako at pinahid ang dugong kanina pa pala tumutulo sa aking noo. Pinunit ko na rin ang laylayan ng suot kong T-shirt para itali sa sugatan na braso. Napapangiwi ako dahil sa sakit. I want to cry out the pain now but I only choose to press my hand against my stab wound to stop the bleeding. Tahimik akong napaiyak. Aaminin kong natatakot ako sa desisyong ginawa ko lalo na at mag-isa ko siyang haharapin. Bahala na.

Nakarinig ako ng ingay. Natigil ako sa ginagawa at napasandal sa malamig na pader. Pinakiramdaman kong mabuti kung sino ito.

"M-Maui?"

"Mavi?" Narinig ko ang isang nanghihinang boses sa katapat ko lamang na kwarto. This time, klaro nang boses ito ni Maui. Walang patumpik-tumpik na sinira ko ang padlock ng pintuan at tinadyakan ito.

"Maui! Fuck!" mura ko nang matagpuan si Maui na nakabitin patiwarik. Nakatali ang mga paa at kamay nito. Pulang-pula na siya at waring hindi na makahinga.

"J-Just wait." Natataranta kong ibinaba ang hawak na tubo at naghanap ng matalim na bagay na pwedeng ipangputol sa mga lubid na nakatali sa kanya.

"Calm down. You will be alright," sambit ko at pilit pinutol ang mga lubid. Hindi ko siya hinayaang bumagsak sa matigas at malamig na sahig. Nilagyan ko muna ito ng foam na nahagilap ko naman sa isang double deck sa sulok. Hinang-hina na bumagsak si Maui sa foam. Tinapik-tapik ko ang kanyang pisngi.

"Hey, Maui. We need to go. Kaya mo ba tumayo?" Sobra ang pasasalamat ko sa aking instinct dahil hindi ako agad sumakay ng elevator. Kung ginawa ko 'yon, baka naiwan rito si Maui nang mag-isa.

"Where are the others?" nanlalambot niyang tanong.

"They're finding their way to escape. I hope they are safe and alive. For now, let's go." Inalalayan ko siyang makatayo kahit nanghihina pa. Wala lang siyang lakas ngayon pero hindi naman siya sugatan kaya medyo nabawasan ang pag-aalala ko.

"Mavi, you don't have to do this. I can walk alone. Look at yourself, you're wounded and bruised. Magagalit si Bonagua niyan," pabiro niyang sambit kaya napangiwi ako. Kung wala lang kami sa bingit ng kamatayan ngayon, nasapak ko na siya.

"He already saw this. He was wounded too. Actually, all of us."

"Is she still alive?" tukoy ni Maui kay Aayi na kanina lamang namin namataan sa fourth floor. Tumango ako.

"And she's still hunting us," sagot ko pa.

"Yeah, I think she's already here," kinakabahang wika ni Maui dahilan para mapatigil kami sa paglalakad at maningkit ang mga mata.

Sa napakadilim na pasilyo ay may naaaninag akong pigura ng babae. Mabagal ang paglalakad nito patungo sa direksyon namin ngunit nasisiguro kong hindi ito si Via o si Cherus Ann. Si Aayi ito base sa hawak niyang palakol. Nakuyom ko ang aking kamao at nabuhay ang galit na matagal ko nang kinikimkim mula noong unang araw ng pagkikita namin rito sa bahay. Hinawakan ko nang mahigpit ang tubo.

"Mavi, let's get out here." Hinatak na ako ni Maui paatras pero iwinakli ko ang braso niya.

"This is not the right time to back out. I waited for this moment to kill her," nakangisi kong sambit at taas-noong hinintay ang paglapit niya sa harapan ko.

"Mavi!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top