CHAPTER 38 - Left Behind
CHAPTER 38
Left Behind
"MAKOY, get up!" Pinilit namin siyang itayo sa kabila ng pare-pareho naming panghihina. Nang makatayo siya ay tinapik-tapik ko ang kanyang pisngi. Nag-iinit na ito sa hindi malamang dahilan. Hindi na maawat ang panginginig kaya binuhusan na siya ni Cherus ng isang timbang tubig. Suminghap-singhap siya pagkatapos at ipinilig ang ulo.
"Nasaan ako?" Nanginginig siya habang palipat-lipat ang tingin sa aming tatlo. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at tinitigan sa mga mata.
"Marc Ryan Aragona, do you still remember me?" tanong ko kaya umawang ang kanyang bibig upang magsalita. Naningkit ang kanyang mga mata at kinilatis na ang duguan kong pagmumukha.
"M-Mavi," sambit niya dahilan para makahinga ako nang maluwag.
"Now, get up. Let's get going," sambit ko at tinapik pa ang balikat niya. Ayos na akong malaman na hindi pa siya tuluyang nawawala sa katinuan tulad ni Aayi. Si Ken na ang umalalay sa kanya sa paglalakad samantalang kami ni Cherus Ann ang nanguna sa paghanap ng tamang daan. Napakarami pa sa aming mga kasama ang hindi pa namin mahagilap dahil sa malamlam na ilaw sa mga pasilyo. Sinadya ito ni Aayi upang malito kami. Ang iba'y kikisap-kisap pa at nakakahilo sa mata.
"Dito, bilis!" ani Cherus nang makarinig siya ng kalabog. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makarinig ako ng iyak at pagmamakaawa. Natutop ko ang aking bibig at naluluhang napatingin sa kanila.
"It's Raihana," bulalas ko at paika-ikang sumugod sa nakasaradong pinto.
"Mavi, be careful! Oh shit!"
Huli na nang mapagtanto kong nakabukas naman talaga ito at saktong pagsugod ko rito'y lumabas ang galit na galit na si Aayi. Naliligo na siya sa sariling dugo dulot ng malakas na hampas sa kanya ni Cherus kanina ngunit heto siya ngayon at kanina pa pala kami tinutugis.
"Walang makakalabas nang buhay sa bahay na ito! Hinahamon n'yo talaga ako, ha! Matapos ko kayong arugain at pakainin, ganito ang igaganti n'yo sa akin? Pare-pareho lang kayong lahat! Kaya dapat na kayong mamatay!"
"Fuck you!" tili ko at sinampal siya nang paulit-ulit.
"Get Raihana inside the room, now!" baling ko kina Ken kaya pumasok na sila sa kwarto upang hagilapin ang pinaparusahang si Raihana. We're gonna do this tonight and I am swearing to myself, I will be the one who will kill this insane woman infront of me. Isang tadyak ang pinakawalan ko at tumama iyon sa sikmura niya. Nakita ko ang biglaang pagtakbo ni Cherus Ann patungo sa kalapit na kwarto. Tinadyakan lamang niya ang pintuan at nakita ko ang biglaang pagyakap sa kanya ni Via. Naririnig ko pa ang hagulhol ng huli dahil sa sobrang takot.
"Mavi!" sigaw ni Via dahilan para mapatitig ako sa kanila. Hindi ko akalaing tatawagin niya ulit ako sa totoo kong pangalan knowing na siya ang nagpumilit sa akin na tawagin akong Esther noong una pa lang. This really hits me that they are not yet insane. They're just going with the flow. But what about those physical abuse I got from her bare hands? Those are really terrifying.
"Sa likod mo!" sigaw nila.
Bago pa ako makalingon ay nakita ko na si Bonagua na dinaganan si Aayi at pilit inaagaw ang hawak na patalim. Kumabog ang dibdib ko dahil muntikan na pala iyon. Ipinilig ko ang aking ulo at hinagilap ang dos por dos na nasa tabi ko lamang.
"Tabi!" sigaw ko kaya umiwas si Bonagua. Hinampas ko ang kamay ni Aayi kaya nabitawan niya ang kutsilyo. Tumilapon ito sa hindi kalayuan. Narinig ko ang pag-iyak niya dahil sa naputol na daliri pero wala akong maramdaman na awa sa ginagawa ko sa kanya. Nilingon ko sina Via at sinigawan.
"Get the knife!" Otomatiko silang nagtakbuhan palapit sa amin at kinuha ang patalim ni Aayi.
"Run and look for Maybelle and Maui!" sambit ko pa habang inaaninag ang mausok na kwarto kung saan pumasok sina Makoy at Ken para tulungan si Raihana. Hanggang ngayon hindi pa rin lumalabas ang tatlo. Kinutuban na ako at binitawan ang hawak na dos por dos.
"Mavi, let's go!" Akma na akong hahatakin ni Bonagua na duguan na rin ngunit pinigilan ko siya.
"Nasa loob pa sina Ken. We can't leave them behind," nag-aalala kong sagot. Kapwa kami napasulyap sa hindi na gumagalaw na si Aayi. Putol na ang mga daliri nito sa magkabilang kamay. May narinig kaming pagsinghap at kalabog
"Stay away from her!" rinig kong sigaw ni Makoy kaya agad kaming sumugod sa mausok at madilim na kwarto. Napaubo kami sa kapal ng usok. Naubusan ako ng lakas nang makitang nakahandusay na si Ken sa sahig. Halos hindi na ito makakilos dahil sa saksak niya sa sikmura. Napaiyak ako.
"Ken," tawag ko at kahit hindi na ako makahinga dahil sa usok, pinilit ko pa rin siyang itayo.
"Shit! What the hell?!" mura ni Bonagua nang maaninaw sa sulok si Makoy na halos magmakaawa sa lalaking hawak ngayon sa leeg si Raihana. Iyak ito nang iyak dahil halos lumubog na ang patalim sa leeg niya.
"H-Help..." halos pabulong niyang sambit. Hindi ko na alam ngayon kung sinong uunahin kong lapitan. Si Ken ba na nahihirapan na sa sitwasyon niya o si Rai na nasa bingit na ng kamatayan?
"Parang awa mo na, Shone. Bitawan mo na siya," kalmado ngunit nanginginig na pagmamakaawa ni Makoy sa lalaki. Isa ito sa mga na-brainwash ni Aayi. Nakuyom ko ang kamao ko at agad hinawakan ang magkabilang pisngi ni Ken na halos mamilipit na sa sakit.
"Ken, babalikan kita, ha? Diyan ka lang. Babalikan kita," paniniguro ko at sinulyapan muna sina Bonagua at Makoy na pilit kinukumbinsi ang lalaki na bitawan na si Raihana. Hinalughog ko ang ilang drawers na nasa loob lamang ng kwarto. Laking pasasalamat ko dahil unti-unti nang nawawala ang usok. Manhid na ang buo kong katawan dahil wala na akong maramdamang sakit kahit may sugat pa ako. Muli akong napangisi nang makita sa isang drawer ang de-kalibreng baril. Ikinasa ko ito at napalunok-laway. Bigla kong naalala ang baril na ipinabaon sa akin ni Scyrish. Hindi man iyon ang hawak ko ngayon, alam kong pareho lang rin naman silang makakakitil ng buhay kung sakaling itutok ko ito sa target.
"Tinangka n'yong takasan si Aayi kaya niya tayo pinarurusahan nang ganito! Sa loob ng ilang taon naming pamamalagi rito, ang grupo n'yo lang ang sumalungat sa mga pinag-uutos niya! Wala kayong utang na loob," nanggagalaiti niyang sambit kaya mas nanggigil ako. Ano bang pinagsasasabi niya? Masyado na niyang sinasamba ang baliw na babaeng iyon. Napahigpit ang kapit ko sa baril at humakbang palapit sa kanila.
"Kasalanan n'yo 'tong lahat kaya kayo dapat ang mamatay! Kay Aayi pa rin kami kakampi! Sasamahan namin siya hangga---"
Isang putok ng baril ang pinakawalan ko na tumapos sa kanyang buhay sa isang iglap lamang. Unti-unti niyang nabitawan ang hawak na kutsilyo pati na rin ang hinang-hina na si Raihana. Gulat ang rumehistro sa mukha ni Ryan at agad namang dinaluhan ni Makoy si Rai para tulungang makatayo. Nanginginig kong ibinaba ang baril. Nanghihina ang tuhod ko pero pinilit kong ngumisi.
"Fuck you, dami mong sinasabi. Samahan mo na lang ang baliw mong ina hanggang kamatayan," mahina kong sambit dahilan para mapailing si Bonagua habang natatawa.
"Great shot," aniya at lumapit sa akin para tapikin ang balikat ko.
"Si Ken," tukoy ko kay Ken na parang hindi na kakayanin pang maglakad.
"We can do this. Let's protect each other at all cost. We must get out of here alive and breathing."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top