CHAPTER 33 - Happy Birthday
CHAPTER 33
Happy Birthday
IT’S Friday. I did nothing but to lay in my bed all day long. Napatitig ako sa mga guhit na isinulat ko sa dingding para bilangin kung ilang araw na ako rito and to my surprise, it’s almost a month. Potangina. Napabalikwas ako ng bangon at nasapo ang ulo.
Hindi ko hahayaang mamalagi pa ako rito ng ilan pang mga araw, linggo, buwan at mas lalong ayoko ng taon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Isang katok ang gumulat sa akin. Dali-dali kong pinagbuksan ang kung sino mang bumasag sa pananahimik ko ngayong araw.
“What?” naiirita kong tanong at sumilip nang kaunti sa maliit na siwang ng pintuan. Bumungad ang mukha ni Via. Nakangiti ito. Mas nakunot ang noo ko nang ilabas niya mula sa kabilang likuran ang dalawang party hat. Isa ang sa kanya at ang isa nama’y sapilitan niyang isinuot sa akin. Pilit niya akong hinatak palabas ng silid.
“Teka, ano bang meron? Saan mo ‘ko dadalhin?” Panay pa rin ang kaladkad niya sa akin kaya halos matapilok na ako. Paniguradong isa na naman ito sa mga pambata nilang gawain at ngayon pa lang, hindi na ako natutuwa.
“Basta!” sambit na lamang niya at lumiko naman kami sa kabilang pasilyo. Nanlaki ang mga mata ko nang makakita ng elevator. Kung ganoon, ilang palapag nga ba itong bahay? Nasa pang-ilang palapag kami? Napasulyap ako sa CCTV sabay iwas ng tingin.
Isang tunog ang narinig namin hudyat na nasa ground floor na kami. Hatak-hatak pa rin ako ni Via at parang ayaw pakawalan. Naigala ko ang aking tingin. Napansin ko ang isang counter, sofa at ilang mesa. Ano ba ang mga ito? Pang-display lang para kunwari walang nangyayaring lagim sa ibang palapag?
“Walk faster! Maiinip si Aayi!” utos niya. Mas nilakihan ko ang hakbang sa takot na baka kung ano na naman ang gawin ni Aayi sa akin.
Tumigil kami sa isang napakalawak na hardin na napupuno ng malalagong halaman. Ang iba’y namumulaklak na. Sobrang payapa ng kapaligiran dahil napapaligiran pa kami rito ng ilang puno ng pine trees. Hindi ko mapigilang mapangiti habang inililibot ang tingin.
“Ngayon lang ulit ako nakalabas ng bahay,” sambit ko sa sarili at pinadapo ang isang paru-paro sa dulo ng daliri. Itinapat ko na rin mga braso sa sinag ng araw. Doon ko napagtantong napakaputla ko na. Ang dami ko na ring peklat sa balat.
“Pwes, sulitin mo na dahil ngayon lang ang espesyal na araw mo,” narinig kong wika ni Via kaya napakunot ang noo ko.
“Anong sinabi mo?” Gusto kong ulitin niya ang sinabi niya dahil hindi ko naintindihan. Imbes na sumagot, ngumisi lamang siya nang pagkalapad-lapad at mayamaya’y sumigaw ng napakalakas.
“Happy birthday, Esther!”
“Happy birthday, Esther!” Isang confetti popper ang lumikha ng pagsabog sa likuran ko kaya halos mapatalon ako dahil sa gulat. Nasundan pa iyon ng ilang mga tunog kaya nilingon ko na kung sino ang mga ito. Gusto kong maiyak nang makita sa aking likuran sina Maui, Ken, Maybelle, Raihana, Cherus Ann, Makoy at sumama na rin si Via. Natutop ko ang aking bibig at pinigilan ang pag-iyak pero napakababaw talaga ng luha ko at nagsimula nang humikbi. Si Jericho na lang ang kulang upang magsama-sama ulit kami.
“Happy birthday, Esther.” Isang babae ang lumapit sa akin at walang iba iyon kundi si Aayi na may hawak na birthday cake. Kasama niya ang iba pa naming mga kapatid-kapatiran rito. Napakasimple ng kanyang ngiti kaya hindi mo aakalaing isa siyang demonyo. Ngumiti ako at pinahid ang mga luha.
“S-Salamat, Aayi.” Truth to be told, halos malimutan ko nang birthday ko pala ngayon. Sa dami ba naman ng iniisip at pinagdaraanan ko rito, bakit ko pa ba ise-celebrate ang mga ganitong bagay? But look who prepared for this day, it’s Aayi and her so called fucked-up family. Well, I don’t really belong to them and I won’t be.
“Blow your candle as you wish,” nakangiti niyang sambit. Pinasadahan ko muna ng tingin ang mga mukha ng aking kaibigan. Lahat sila ay nakatingin at nakangiti sa akin na parang isa lang itong normal na birthday party sa town proper ng Pinecrest o sa bahay namin. How I wish to hug each of them very tight. Napakasaya ko nang makitang buo pa rin ang Rubber Duckies squad at nakangiti sa isa’t isa. Pumikit ako upang ipanalangin ang aking kahilingan. Matapos iyon, hinipan ko na ang candle ko.
Sana makaalis na kami sa putanginang impyerno na ‘to. Iyon ang kahilingan ko. Iminulat ko na ang aking mga mata nang umihip ang malakas na hangin.
“Anong wish mo?” tanong ni Aayi. Simple lang akong ngumiti at tinitigan siya sa mga mata.
“Long life para sa pinakamabait at pinakamaalaga naming Aayi. Salamat sa walang pagod na pang-unawa sa aming lahat. Mahal ka namin at hinding-hindi ka namin iiwan,” dire-diretso kong sambit dahilan para mapawi ang ngiti niya sa labi at manubig ang mga mata. Halos masuka ako sa sinabi kong iyon. Nagulat ako nang yakapin niya ako bigla nang sobrang higpit. Alinlangan akong napatingin kina Rai at maging sila’y gulat ang naging reaksyon. Gayunpaman, tinapik-tapik ko na lang ang kanyang balikat upang pakalmahin siya. Siguradong napaniwala ko siya sa mga kasinungalingan ko. I should thank daddy for raising a sugarcoater daughter like me.
“Mahal na mahal kayo ni Aayi.” Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at napangiti nang marinig ko ang kanyang paghikbi. She’s crying. She’s not really that bad person if you agree with her. She just wanted to be appreciated like the other mother. But she’s very aggressive sometimes. Likewise, we should always be careful for every action we will do inside her house. We might awaken her sleeping demons in an instance.
Nakangiti lamang ako habang pinagmamasdan ang aking mga kaibigan na nakikisali sa pa-party games ni Aayi. Pamaya’t maya akong napapangiti habang nakikita ko kung gaano sila kasaya. Alam kong babalik na naman sa dati ang lahat bukas. Kaya lulubus-lubusin na namin ang kasiyahan.
“Happy birthday, Mavi.” Tinabihan ako ni Bonagua at nakipag-fist bump.
“Thank you,” tipid kong sagot.
“Do you want to join them?” alok niya. Umiling ako at uminom ng juice.
“Masaya na akong pinanonood sila rito,” tanggi ko kaya nagkibit-balikat naman siya.
“Muntik mo nang makalimutan na birthday mo. Actually, kami rin.” Napatitig ako sa kanya at walang mahagilap na sasabihin.
“So, sino sa inyo ang nakaalala na araw ko ngayon?”
Sumilay ang ngiti sa labi ni Ryan habang nakatitig kay Aayi.
“Si Aayi?” Umiling siya.
“Kung ganoon, sino?”
“Si Cherus Ann,” nakangiti niyang sagot dahilan para mapatitig ako kay Cherus na masayang nakikipaghabulan kina Rai at Via. Kumirot ang puso ko at naiiyak na.
“You see, she wasn’t a monster yet. Or she’s not really a monster all the time. She still remembers everything about us, about the Fire Breathing Rubber Duckies squad she used to have.”
I smiled with a tear in my eye.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top