CHAPTER 26 - Say Your Name
CHAPTER 26
Say Your Name
“MAKOY, what do you think are you doing? You, asshole!” sambit ko nang itali na niya ako sa isang silya. Nakagapos na ang paa, braso at binti ko kaya hindi na ako makapagpumiglas pa. Hindi siya sumagot. Sinamaan ko siya ng tingin.
“I hate you!” sigaw ko pero naglakad lang siya palayo sa akin na parang hindi ako kilala. “I swear, I’m gonna kill you, you all!”
Natigil ako sa pagsigaw dahil napansin ko ang pagtahimik ng paligid mula nang makalabas ng silid si Makoy. Wala na akong kasama rito sa loob. Pinasadahan ko ng tingin ang buong kwarto. Isang maliit na bintana lamang ang makikita at napakataas pa. Walang tanging laman ang kwarto kundi ako lamang. Putangina, paano ako makakatakas sa lagay na ito?
“Let me go, fuck!” sigaw ko pa. Umalingawngaw lamang ang boses ko sa apat na sulok nitong silid. Napaiyak ako.
Sandali pa’y narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Naiangat ko ang tingin ko at nakita ang walang emosyon na si Aayi. Namumula pa rin ang mukha niya hanggang leeg dahil sa mga nakain niyang durog na sili kanina. Tinitigan ko siya ng pagkatalim-talim pero hindi siya nagpatinag.
“Mabulok ka sana sa impyernong gaga ka!” Walang-galang man kung tawagin pero kung siya lang naman ang sisigaw-sigawan ko ng ganito ay lulubusin ko na. Dahil sa ginawa ko, nanggigigil niya akong sinampal. Namamanhid na ang magkabila kong pisngi pero pinakatitigan ko pa rin siya habang nakatiim-bagang.
“Demonyo! Mamamatay-tao!” dagdag ko pa at isang sampal na naman ang dumapo sa aking pisngi.
“Sumusobra ka na! Wala kang karapatang tratuhin ako nang ganyan!”
“Yes, I do have! Ikaw ba, may karapatan kang tratuhin kami na parang mga tuta mo? Ginagawa mong sunod-sunuran ang iba! Ay mali, kaming lahat pala! Masaya ka ba sa ginagawa mong pagkuha sa anak ng iba? Ano bang napapala mo sa ginagawa mong katangahan?” Napangiwi ako sa sobrang sakit nang isang latigo na ang dumapo sa braso ko. Hinagupit niya ako nang sunod-sunod sa iba’t ibang parte ng katawan. Dumaing man ako sa sakit pero hinding-hindi ko pagsisisihan ang mga sinasabi ko sa harap niya mismo. She deserves every kind of painful words that she will hear from me. But I don’t deserve this physical pain I am experiencing right now.
“Tumahimik ka! Tinuturing ko kayong mga anak ko pero ang lakas ng loob mong walang-galangin ako!” Tanging mga sigawan na ang maririnig rito sa loob ng kwarto. Mga boses naming dalawa na nagtatalo. Nabibingi na ako sa sarili kong sigaw. Napaiyak na lamang ako sa sobrang sakit ng bawat palo niya. Hindi ako makaiwas dahil nakatali ang braso’t mga kamay ko.
“Ikaw ang tumigil Emilyn! Ikaw ang tumigil!” Sinigaw ko na ang pangalan niya sa kabila ng paulit-ulit niyang pagpalo sa akin ng latigo niyang hawak. Napakagat-labi ako upang tiisin ang bawat paglapat sa akin ng latigo. Ramdam ko ang kirot sa aking balat. Mainit-init at nakakapaso. Mas malala pa ata ito sa pag-paddle.
“Hindi ako si Emilyn!” giit niya sa napakalakas na boses pero napailing-iling ako habang umiiyak.
“Shut up, Emilyn! Just shut up!”
“Tumigil ka na, Esther!” Isa pang hagupit ng latigo ang pinakawalan niya kaya napadaing na ako sa sobrang sakit
“And I am not Esther! Stop calling me by that stupid name! I am Mavi!” Halos mapatid ang litid ko sa leeg kakasigaw.
“Esther! You. Are. Esther. Say your name now!”
“Maria Aviva Trinity De Vera is my name! Not Esther! You are fucking Emilyn De Vera! An insane woman who captures children and making them experience hell!”
Nabitawan niya ang hawak na latigo at napaatras palayo sa aking harapan. Tinakpan na niya ng dalawang kamay ang kanyang magkabilang tenga at parang baliw na sumisigaw. Napasinghap ako at umiyak na lamang habang pinagmamasdan siya.
“What happen to an Emilyn De Vera who was once a sweet mom before, huh?” halos pabulong kong tanong.
“Hindi ako si Emilyn!” paulit-ulit na lamang niyang sigaw at hindi na ako pinapakinggan. Parang nagkaroon siya ng sariling mundo na siya lamang ang nakakakita. Parang nawala na siya sa katinuan.
“Emilyn De Vera, you should let go of the teens you captured and tortured for so many years! Let them go! Let us go, now!”
“I am not Emilyn!” tili niya at tuluyan nang napaupo. Isinandal na niya ang sarili sa sulok ng kwarto. “Patay na ang Emilyn na tinutukoy mo! Patay na si Emilyn!”
“Emilyn! Emilyn! Emilyn!”
Isang napakalakas na palo ng matigas na kahoy sa ulo ko ang naging dahilan para matigil ako sa pagsigaw at kasabay noon ay ang pagdilim na ng paligid ko.
“Esther!”
“Emilyn, please let us go,” mahina kong bulong at napaiyak na lamang.
“MAVI? Mavi.” May naririnig akong bulong. Paunti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Masakit ang buo kong katawan kaya kahit hindi ko gustong humikbi, iyon na lamang ang naging sagot ko sa kung sino mang tumawag sa akin. May humawak sa kamay ko.
“Mavi, ligtas ka na sa kanya. Shhh, don’t cry. Everything will be all right,” pagpapakalma ni Ryan. Mas napaiyak ako.
“Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong niya nang magpumilit akong bumangon. Iginala ko ang aking nanlalabong paningin at nadismaya nang mapagtantong narito pa rin ako sa kwarto na purong kulay puti ang pintura. Wala pa rin kaming takas.
“Where’s Keyne?” I asked him as I examine my bruises. Sobrang daming pasa ang natamo ko sa latigo kanina. Hindi siya nakasagot.
“Bonagua, I’m asking you. Where’s Keyne? How is she?” pangungumusta ko pa dahil alam kong bago pa ako maparusahan ay siya muna ang pinag-initan ng ulo ni Aayi kanina lamang.
“Mavi, I---”
“Where is she?!” pagputol ko sa idadahilan niya. Alam kong mas napuruhan siya kaysa sa brutal na ginawa nilang parusa sa akin. And I need to know if she’s okay or not.
Napatingin muna si Ryan sa nakapinid na pinto ng kwarto bago magsalita. Hinawakan rin niya ang dalawa kong namamagang mga kamay at pinakatitigan iyon. Hindi siya makatitig sa mga mata ko. May mali. Naiiyak na ako.
“She’s gone. Aayi ordered another Donny to kill her. I’m sorry, Mavi. We failed to protect her,” naiiyak niyang bulalas. Kagat-labi akong napapikit at hinayaang tumulo ang luha. Parang pinipiga ang puso ko. Hindi ko na napigilan ang sarili at humagulhol na sa bandang huli.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top