CHAPTER 22 - The Supper
CHAPTER 22
The Supper
“EAT with proper manners,” utos ni Aayi sa aming lahat kaya kahit nanginginig ang mga kamay, minabuti kong ayusin ang pagkain gamit ang tinidor at kutsarang hawak ko. Kumikirot pa rin ang namamaga kong braso dahil sa pamamalo sa akin ni Cherus Ann. Kung makapalo, akala mo hindi ako naging kaibigan dati. Ang sarap iuntog ng bungo niya sa ibabaw nitong mesa. Putangina.
Si Maybelle na halata rin ang kaba ay halos hindi na makanguya. Mas napansin ko rin ang panginginig niya sa pagsubo ng pagkain kaya aksidente niyang nabitawan ang hawak na tinidor. Natigil ang lahat sa pagkain nang umalingangaw ang pagkalansing ng metal na tinidor sa sahig. Lumikha iyon ng nakakabinging ingay kaya naagaw ni Maybelle ang atensyon ng lahat maging ang focus ni Aayi sa pagkain.
Kinabahan ako para sa kanya. Pakiramdam ko, may hindi magandang mangyayari sa kanya dahil sa ginawa niya. Hindi nga ako nagkamali. Sumenyas si Aayi kay Makoy at Via na tumayo at lapitan si Maybelle.
“Anong gagawin n’yo? Saan n’yo ako dadalhin? N-no! No!” Nanlaki ang mga mata niya nang simulan na siyang hatakin patayo at pwersahang kinaladkad palabas nitong kusina.
“Parusa on the way. Wawa naman yarn,” maarteng sambit ni Cherus Ann sa tabi ko kaya napahigpit ang hawak ko sa tinidor habang pinipigilan ang sariling tusukin ang kanyang lalamunan gamit ito.
“Ayaw na ayaw ni Aayi ng bastos sa harap ng pagkain kaya ayusin n’yo,” babala ng isang babaeng kaedad lamang namin ngunit hindi ko siya kilala. Muli akong ngumuya kahit sobrang nahihirapan na ako sa paglunok ng mga pagkaing nasa loob ng bibig ko. Nasusuka na ako. Sa isang iglap, nagsimula na akong umubo at masuka. Nabitawan ko ang hawak kong tinidor at kutsara. Naging dahilan rin iyon upang matigil sila lalo na sa pagkain. Napasulyap ako kay Ryan na nakatingin na sa akin at waring nag-aalala. Parang gusto ko na lang magpalamon sa sahig ngayon rin upang hindi na matikman ang parusa ni Aayi kung sakali.
Narinig ko na ang pagbagsak ng kutsara at tinidor ni Aayi at tumingin sa direksyon ko. Hindi ko malaman kung galit siya o hindi pero isa lang ang nasisiguro ko. Hindi na siya ang inang inaasahan kong mangungulila sa akin. Imbes na pagtuunan niya ng pansin ang hitsura kong halos masuka na, tumikhim lamang siya at pinunasan ng tissue ang kanyang bibig.
“Gusto kong makilala n’yo ang mga bago n’yong kapatid na bagong salta pa lamang rito’y matitigas na ang ulo,” panimula niya. Natahimik kaming lahat. Ang tangi ko lang naririnig ay ang malalim naming buntong-hininga at ang pamaya’t mayang pagpukpok ni Cherus ng hawak niyang tinidor sa babasagin niyang pinggan. Malapad rin ang ngisi niya. Na-brainwash na nga talaga siya ng demonyong nasa harapan namin ngayon.
“Ipasok na sila,” maotoridad nitong utos kaya agad bumukas ang pintuan at ipinasok ang dalawang lalaking nakasuot na rin ng kulay puting duster. Natigalgal ako sa pagkakaupo nang makilala ang mga ito.
“Ken, Maui,” bulong ko at halos maluha nang makita ang mga hitsura nilang puro pasa at sugat ang pagmumukha. Hindi na mahitsuraan ang dalawa ngunit sa kabila noon, nakikinita ko ang determinasyon nilang huwag magpauto sa lahat ng nakikita nila sa paligid.
Hinatak ng isang lalaki ang lupaypay na katawan ni Ken patungo sa bakanteng upuan sa tapat ko lamang. Pagkaupo pa lamang niya’y napadukmo na siya sa ibabaw ng mesa. Napaigtad ako sa gulat. Naaawa ako sa mga hitsura nila. Kung hindi ba ako sumunod agad sa gusto ni Via kanina, ganito rin ang inabot ko? Napaiwas ako ng tingin. Mas malala pa siguro rito ang kinahantungan ko.
Sunod na kinaladkad nila ang hinang-hina rin na si Maui. Tadtad ng pasa ang kanyang mukha at napakalaki ng black-eye niya. Naiiyak na ako. Ayokong nakikitang nahihirapan ang mga kaibigan ko nang harap-harapan. Nagkatitigan kami ni Ryan. Tanging tinginan lamang ang nakikita naming paraan upang magkaintindihan sa sitwasyon ngayon. Parang sinasabi niyang magiging maayos lang ang lahat kahit alam naman namin pareho na hindi naman.
Muling nabaling ang atensyon namin nang magsalita si Aayi.
“Si Donny at si Donny, ang inyong mga bagong kapatid. Maging mabait kayo sa kanila, ha. At siya nga pala, ang ating Esther,” aniya pa at sinulyapan ang namumutlang si Raihana. “At si Esther,” dagdag niya bago ako titigan. Ngumiti siya habang nakatitig sa akin. Imbes na matuwa na makita muli ang ngiti niya, nakuyom ko na lamang nang palihim ang kamay ko sa sobrang galit na nararamdaman.
“Mula ngayon, mamumuhay tayo nang sama-sama at buo, mga anak. Sa piling ni Aayi, ligtas at protektado kayo. Hinding-hindi ko kayo hahayaang mapahamak. Walang ibang pwedeng manakit sa inyo... kundi ako lang.” Dahil sa sinabi niya ay kinilabutan ako at hindi na napigilang maluha. Kasunod noon ay ang nakakabinging halakhak mula sa kanya na siyang naging dahilan para manlamig ako at manigas sa kinauupuan.
“THAT fucking Emilyn is insane and she’s treating us all like we are the real Esther and Donny. Fuck! Where did those damn names came from? We don’t even know them!” mura ko nang pabulong habang nakikipag-usap kay Bonagua rito sa madilim na parte pasilyo. Sinigurado naming walang CCTV sa bawat sulok nito bago kami mag-usap nang masinsinan. Naihilamos naman niya ang mga palad sa mukha. Problemado na rin siya.
“She’s Aayi,” giit niya kaya napangiwi ako.
“No, she’s fucking Emilyn and unfortunately, she was my mother who turned to be an insane woman capturing children and teenagers. Emilyn was her real name and I am very sure of that!” kontra ko.
“Lower your voice. She might hear us,” aniya at napatingin sa paligid pero hindi ko siya pinansin.
“Listen, Bonagua. We need to do something before it’s too late.” Tinitigan ko siya sa mga mata at nagsusumamo na gumawa na kami ng paraan para makaalis sa punyetang pamamahay na ito.
“How?” tanong niya. Napahilot ako sa sintido. Sumasakit na ito dahil na rin sa pagpukpok sa akin ng matigas na bagay noong nakaraan.
“I don’t know yet. I’ll talk to you tomorrow. Isama na natin sina Ken, Maui, Rai at Maybelle,” sambit ko na lamang dahil pagod na pagod na ako at gusto ko na lang munang magpahinga.
“Kumusta pala si Maybelle?” Matapos kasi ng insidente kanina sa harap ng hapagkainan ay hindi ko na alam kung saan siya dinala nina Via at Makoy. Sana naman nasa maayos lang siyang kalagayan ngayon.
“I’ve heard that she’s been tortured,” sagot ni Ryan kaya halos hindi na maipinta ang mukha ko.
“I want to see her.”
“Not now, Mavi. Go back to your room,” utos niya at kinakabahang napatingin sa kabilang pasilyo. Nakarinig kami ng yabag na tila paparating. Nagkatinginan kami.
“Now, let’s run,” kapwa naming bulong at nagtatakbo na patungo sa kanya-kanyang silid bago pa kami maabutan ni Aayi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top