CHAPTER 21 - Aayi

CHAPTER 21

Aayi

"RAI? Maybelle?" tawag ko sa dalawang babae na nakasuot ng puting duster, naka-braid ang buhok at may suot na choker sa leeg. Tinitigan lamang nila ako na parang hindi nila kilala ang mga sinasabi kong pangalan. Napakunot ang noo ko. Imposibleng hindi nila kilala ang kanilang mga sarili dahil halos sabay lang naman kaming napadpad rito. May mali talaga sa mga ito. It’s either nagta-tanga-tangahan sila o sadyang wala na sila sa katinuan tulad ng iba.

"I-I'm sorry. My fault," sambit ko na lamang at hindi na lang sila nilapitan pa. Naupo ako sa sulok habang pinagmamasdan sila isa-isa. Normal silang namumuhay rito na malayo sa kanilang mga magulang at hindi man lang nami-miss ang totoong paligid. Pinapaniwala silang lahat ng kung sino mang demonyo ang nagdala sa kanila rito na ito lamang ang mundo nila at wala nang iba. Hindi nila alam ang kanilang mga ginagawa. Naaawa ako sa kanila.

"Hi!" Isang pamilyar na tinig ang narinig ko kaya otomatiko akong napalingon sa aking tabi. Nakita ko si Bonagua na nakasuot rin ng mahabang damit tulad ng sa akin at sa iba pa. Nakangiti ito na parang ayos lang sa kanya na narito kaming lahat sa impyernong bahay na ito.

"Don't talk to me, you jerk! You are all insane!" sambit ko at sinamaan siya ng tingin. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Do you know what happened that night?" aniya sa mababang tono ng boses kaya hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya. Iniingatan niyang walang makakarinig ng kanyang sinasabi sa akin.

"Y-You are normal."

"Shhhh," wika pa niya at nagbuklat-buklat ng hawak na libro. Iginala ko muna ang paningin sa paligid kung may nakakarinig ba sa pag-uusap namin. Nang masigurong wala, mas lumapit pa siya sa tabi ko para mas magkarinigan kami.

"Bonagua, what is this place?" I almost whispered. Pasimple pa siyang lumapit ng upuan sa akin at nagsalita.

"We have been abducted by an insane mother," tipid niyang sagot. Sinubukan ko ring umakto na parang normal lang ang lahat habang nakikipag-usap sa kanya.

"What the hell? Please tell me that this is just a nightmare," pikit-mata kong bulong.

"Unfortunately, we are alive and awake. So this wasn't a dream." Halos manghina ako sa mga nagiging sagot niya. Napalunok-laway ako. Kailangan ko ata ng tubig. Feeling ko nade-dehydrate ako.

"From now on, you are Esther." Halos marindi ako sa sinasabi niya. "You are all Esther, rather."

"That sounds cringe. What's the name of the boys?" tanong ko na lamang upang kahit papaano, maipahinga ko muna ang pag-iisip ko. Hindi ako makakapag-isip ng tamang paraan para makaalis rito kung pagaganahin ko ang pagiging padalos-dalos.

"We are fucking Donny," he answered in an irritating voice that made me grin.

"Well, that suits you, Bonagua." Sinamaan niya ako ng tingin.

"Funny, Esther."

"Yuck," nandidiri kong bulong at umayos ng pagkakaupo.

"Have you already tried to talk to anyone of them?" usisa ko at muling pinagmasdan ang iba pa.

"I already talked to Rai and Maybelle. I warned them to go with the flow. It's for their own safety too." So, normal pa rin pala sila. Acting lang ba iyong pagtawag ko sa kanila kanina tapos hindi nila ako pinansin? Ganoon na rin ba ang gagawin ko?

"Where's Ken and Maui?" Kanina ko pa sila hindi nakikita sa saan mang sulok nitong kwarto. Nag-aalala na rin ako para sa kanila.

"I don't know. But I guess, they're still locked inside their room, tied with bruises and wounds." Parang naiiyak siyang magkwento.

"What really happened?"

"Ayaw nilang pumayag na maging si Donny. Nagalit si Aayi kaya hindi pa sila pinapalabas hanggang ngayon. Bawal rin silang pakainin hangga't hindi natuturuan ng leksyon."

"Fuck. This is hell," mura ko at napakagat-labi. I need to do something to save them. But how?

"Mailap sina Cherus Ann, Makoy at Via sa akin. Pero naniniwala akong hindi pa naman gaanong naiimpluwensyahan ang kanilang mga utak ng iba pa. Alam kong papanig pa rin sila sa atin oras na magkaroon ng riot rito sooner or later," paliwanag ni Ryan kaya tumango-tango ako.

"For now, just act like you belong to them and she won't hurt you," aniya sa natatarantang tono ng boses kaya kumunot ang noo ko.

"Who is she?" tanong ko pa pero hindi na siya nakasagot nang bumukas ang napakalaking pinto ng kwarto at pumasok ang isang babaeng nakasuot ng apron. Isang pamilyar na mukha ng babaeng matagal ko nang hindi nakikita ilang taon na rin ang nakararaan magmula nang ilayo ako ni daddy rito sa Pinecrest.

Parang paulit-ulit nanginig ang mga kalamnan ko nang magtama ang tingin namin. Ganoon pa rin ang hitsura niya at parang hindi siya tumanda. Maamo at suot pa rin niya ang kanyang mga ngiti. Ramdam ko ang presensya niya bilang isang ina na naging dahilan para kumirot ang puso ko.  Umawang ang bibig ko upang magsalita ngunit walang lumalabas na boses.

"Handa na ang hapunan. Magmadali sa hapagkainan at salubungin natin ang pagdating ng inyong mga bagong kapatid," utos nito sa lahat kaya nagsitayuan na ang iba. Nanatili ako sa kinatatayuan ko at hindi makakilos. Nanlalamig na rin ako. Luhaan akong napatingin kay Ryan at maging siya'y nag-aalala na sa naging reaksyon ko.

"Mavi, magpakatatag ka lang, okay?" Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at mas hinigpitan pa iyon. Naiiyak ako.

"S-She's a-alive. What is she doing here all these years?" I mumbled and watch the other Esthers and Donnys followed her in the kitchen.

"Mavi, she's not your Mom anymore." Naipikit ko ang mga mata ko at napahikbi.

"I know. What about the deduction that my dad killed her? But truth is, she's still alive and fuckingly abducting teenagers who have their own mothers! Fuck!"

"We'll talk about this later. For now, let's eat dinner with her." Hinatak na ako ni Ryan palabas nang mapansing napakasama na ng tingin sa amin ng isa naming kasamahan.



ISANG napakahabang mesa ang sumalubong sa amin pagpasok pa lamang ng kusina. Kasya ang halos dalawampung tao rito kung magsa-sama-sama kumain. At sa kaso nito, labinglima kaming kakain nang sabay-sabay kaya tiyak na magiging magulo ito.

Ngunit nagkamali ako. Maayos kaming nakaupo at nakahilera base na rin sa nauna niyang i-abduct at ang mga nahuli tulad namin. Katabi ko ngayon ang walang imik na si Raihana. Sinundan ko siya ng tingin habang inilalapag ang mga plato at kutsara sa tapat namin. Maging ang mga putahe na kanyang niluto ay pamilyar ang amoy. Ganoon na ganoon pa rin marahil ang kanyang estilo ng pagluluto mula noong nawalay siya sa amin ni dad. Hindi ko mapigilang mapagmasdan ang kanyang bawat galaw. Ngunit natameme ako nang titigan niya ako. Nagkatitigan na naman kami.

Isang humahagupit na palo sa braso ang natanggap ko sa katabi ko lamang na si Cherus Ann. Napangiwi ako sa sakit. Sandok ang pinangpalo niya sa akin.

"Kasalanan ang pagtitig kay Aayi nang ganyan! Bago ka pa lang rito pero napaka-attitude mo na!" sigaw sa akin ni Cherus at isa pang palo ang pinadapo sa kabila kong braso. Namumula na ang mga ito ngayon. Naiiyak na ako sa sakit ngunit hindi ko ipinahalata.

Nakita ko ang mapanghusgang tingin sa akin ng lahat. Ang sakit sakit na. Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ang babaeng tinawag nilang Aayi. Kumirot ang puso ko dahil hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Ni hindi man lang siya nag-alala na may nanakit sa totoo niyang anak. Napakasakit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top