CHAPTER 2 - Welcome Back

CHAPTER 2

Welcome  Back

I THOUGHT you’re not coming back here in Pinecrest after your father sent you to the city. Fudge, it’s been years, Mavi!” sambit ni Raihanna habang kapwa kami nakasakay sa taxi. Ngumiti ako nang tipid.

“And I thought you forgot about me too,” sambit ko kaya nakita ko na naman sa mukha niya ang ekspresyon na madalas kong makita noong high school kami.

“Fudge ka. Malilimutan ko ba ang mga katangahan natin noong narito ka pa? Na-miss ka ng squad, ano ka ba?!” malakas niyang sambit kasabay ng pag-alog ng sinasakyan namin dahil lubak-lubak na ang dinaraanan. Ibig sabihin, malapit na ako sa amin. Sumasakit na ang puso ko sa mga madaratnan ko.

Si Raihana ang isa sa pinakamalapit kong kaibigan sa squad. Pinangalanan pa nga namin iyon dati na “Goal Digger’ squad na hindi kalaunan, naging Fire Breathing Rubber Duckies dahil pinangako namin sa isa’t isa na sabay-sabay kaming ga-graduate. Pinangarap rin naming pare-pareho kaming yayaman pagdating ng panahon. Ang kaso lang, umalis ako at iniwan sila. Pagkatapos noon, pinutol ko ang koneksyon sa kanilang lahat dahil na rin sa hirap akong mag-adjust sa lungsod kapag naiisip kong wala akong mahahanap na tulad nila roon. At hindi nga ako nagkamali. Wala talagang papantay sa kagaguhan nila. We are ten in the group. And here goes, Raihana from the same bus I rode in. Mukhang nakatadhana talaga kami na muling magkita-kita.

“Kumusta ka pala? Well, I’m not gonna lie if I say, I know the reason why you came back here in your dad’s hometown,” paliwanag niya habang nakatitig lamang sa bintana ng kotse at pinagmamasdan ang mga nagtataasang pine trees.

Mapakla akong napangiti.

“He’s the reason why I am here but I can’t imagine knocking at our door without him, smiling at me,” I said in a low tone of voice and sighed.

“I’m sorry to hear that.” Napatungo na lamang ako.

“Rai?”

“Yes?”

“Can I ask you something?”

“Sure.” Alinlangan pa akong napatingin sa kanya dahil baka hindi niya ako sagutin kapag sinabi ko ang gusto kong itanong.

“Do you know why my dad ended up being murd---”

“Shhhh!” Pinanlakihan niya ako ng mga mata at napatingin sa taxi driver. Iniyuko niya ang ulo at halos pabulong kung magsalita. Nakunot ang noo ko at halos maningkit ang mga mata.

“You should not dare to mention any act of crime here in Pinecrest starting from now on,” she warned me.

“Why?”

Bumalik siya sa maayos na pagkakaupo at napangiti na lamang kahit bakas ang pagkabahala.

“This isn’t the right place and time to tell you but soonest, I’ll reach it up to you. For now, stay silent. They might hear you,” aniya pa sa mahinang tono ng boses. Napakagat-labi ako.

“But I’mma tell you about your dad and promise me you won’t be mad at me for telling you the truth,” paniniguro niya kaya napatango na lamang ako.

Hindi na ako nagsalita at hinintay na lamang siyang magkwento.

“After he sent you to the city, we’ve heard that he had a mistress.” Dahil sa sinabi niya ay halos mapanganga na lamang ako. Gusto kong mapailing at ipagtanggol si daddy para sabihing hindi niya magagawa iyon. Mahal na mahal niya si mommy kahit iniwan siya nito.

“Kanino mo narinig iyan?” kunot-noo kong tanong. Napabuntong-hininga siya at tinitigan ako.

“Alam ng buong Pinecrest ang buong nangyari, Mavi, but I am warning you not to dig it anymore.”

“No, hindi ko pwedeng palagpasin ‘to. Kaya nga ako narito para sa daddy ko. Tell me more!” giit ko pero naramdaman ko ang pagtigil ng taxi sa tapat ng isang bahay kaya nagkatinginan kami ni Raihana.

“You’re already here,” nakangiti niyang sambit at saka tinulungan na akong tanggalin ang seatbelt ko bago makababa. Ang taxi driver na ang naglapag ng aking mga bagahe.

“Magkano ba?”

“Let me handle the fare.” Mag-aabot na sana ako ng pambayad ko pero inawat ako ni Rai. Hindi ko sure kung nagmahal na ba ang pamasahe o ganoon pa rin.

“Are you sure?” Tumango lamang siya kaya napangiti na lamang ako. Siya pa rin ang rich kid na Raihana noong high school kami. Tuluyan na akong bumaba at kinawayan siya.

“Mavi!” sigaw pa niya at dumungaw sa bintana ng taxi. Nilingon ko siya.

“Bonding soonest with the squad?” alok niya.

“Sure!”

“Yieeee! See you tomorrow!” pahabol niya bago umandar ang taxi. Nag-iwan pa ito ng makapal na usok kaya napaubo ako.

Kagat-labi akong napatingin sa lumang bahay na nasa harapan ko ngayon. Kalawangin na ang gate at tila hindi na napipinturahan ng ilang taon. Ngunit kapansin-pansin na maganda pa rin ang Bermuda grass sa gilid ng balkonahe. Sarado ang pinto at mga bintana. Naiiyak ako.

Dati, pagkagaling ko ng school, sasalubungin na ako ni daddy sa gate pa lamang. Pero ngayon, ni anino, wala. Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga bago buksan ang nakasaradong gate. Bawat hakbang ko papasok ay parang pinipira-piraso ang puso ko knowing na wala naman talagang naghihintay sa akin rito. Ginagawa ko lang martyr ang sarili ko sa mga alaalang hanggang alaala na lang talaga.

Gamit ang susi na itinabi ko pa mula noong umalis ako rito, nagawa kong mabuksan ang front door. Nangangalawang na rin ang doorknob. Nanginginig ang kamay na pinihit ko ito. Lumangitngit ang tunog ng lumang pinto namin pagkabukas pa lamang. Binuksan ko na rin ang ilaw. Tumambad sa akin ang tahimik at malinis na paligid. Walang bakas ng karahasan. Maayos rin ang mga gamit.

Kung sino man ang naglinis at umayos ng bahay na ito matapos mangyari iyon kay daddy ay dapat ko siyang pasalamatan. Kahit papaano, naiisip kong hindi iyon ang kinahantungan niya. Mas magandang isipin kong iniwan lang niya ako tulad ni mommy dahil sa bagong pamilya at hindi dahil sa trahedya.

Napasinghot ako at napalunok-laway bago isarado ang pinto nang makapasok ako.

“Dad, I’m home,” I whispered and looked at his photo in the picture frame standing beside our old television. I cried.

Pinahiran ko ang mga luha ko at iginala ang tingin sa kabuuang bahay. Wala na siguro itong pag-asa na ma-renovate. Wala na naman kasing titira.

Umupo ako sa maalikabok na sofa hawak ang picture ni papa nang makarinig ako ng kalabog sa bandang kusina. Parang may nabasag. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kasabay noon ang paggulong ng isang maputik na bola sa paanan ko galing mismo sa direksyon ng kusina namin. Napatayo ako at pinuntahan ang pinanggalingan ng bagay na iyon.

May nagbato ng bola dahil nabasag ang babasaging bintana. Ang galing rin naman dahil nagkataong kadarating ko pa lang.

“Hello po, kukunin ko sana ‘yong bola?”

Naningkit ang mga mata ko nang may sumilip mula sa labas. Otomatiko akong napaatras matapos tumambad sa akin ang dugyot na pagmumukha ng isang lalaki. Malapad ang ngisi nito ngunit napasigaw dahil nakita ako.

“Hala potangena! Multo! Multo!”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top