CHAPTER 19 - Alive and Breathing
CHAPTER 19
Alive and Breathing
“DON’T hurt her! Please! Don’t!”
Nakarinig ako ng sigawan at kalabog kaya pilit kong iminulat ang mga mata ko kahit sobrang bigat pa ng aking mga talukap. Napaubo ako. Iginala ko ang aking tingin at napakunot ang noo. Narito ako ngayon sa isang malawak na silid. Purong kulay puti ang aking nakikita. Ni walang bintana kundi isang maliit na pintuan lang. May isang hindi kalakihang kama at sa tabi noon, isang lamesita.
Napakislot ako at pinakiramdaman ang paligid. Hindi ako makagalaw ni makasigaw. Doon ko napagtanto na nakagapos na pala ang aking mga kamay at paa. Halos maiyak ako sa sobrang pagpa-panic. Nagpumiglas pa ako dahilan para matumba na ang aking kinauupuan. Lumikha pa iyon ng dobleng sakit sa ulo at kalamnan dahil napatama sa tiles na sahig ang ulo’t siko ko.
Napadaing na lamang ako sa sobrang kirot. Mayamaya’y nakarinig ako ng pag-ingit ng pintuan. May paparating. Agad kong iniangat ang tingin ko at nagulantang sa nakita.
“Hmmm!” Dahil sa busal ng aking bibig, hindi ko mabigkas ang pangalan niya. Masaya akong makita siyang buhay at gustong-gusto ko na siyang yakapin ngayon rin. Dumating ba siya para saklolohan ako?
Napangiti ako nang dahan-dahan niya akong itayo kasama ng upuang natumba. Naramdaman ko na rin ang pagluwag ng tali sa aking mga kamay at braso. Maging ang busal sa bibig ko, tinanggal na rin niya. Lumawak ang ngiti ko at hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya kahit luhaan.
“Thank you, Via!” sambit ko at akmang hahawakan ang kanyang pisngi ngunit iwinakli niya ang kamay ko. Tiningnan lamang niya ako sa mga mata. May kakaiba sa kanyang mga titig na siyang ikinabilis ng tibok ng puso ko. Napawi ang aking ngiti at napalitan iyon ng pagkabahala. Napaatras ako nang akma niya akong lalapitan.
“Where are the others?” natataranta kong tanong pero hindi siya sumagot. Imbes na magsalita, may dinukot siya sa bulsa ng suot niyang puting duster. Nanlaki ang mga mata ko. Isa itong karayom.
Napalunok-laway na ako dahil hindi na maganda ang kutob ko sa kanya. Akala ko, ligtas na ako nang dumating siya. Nagkamali ako.
“Don’t come near me, Via. I’m warning you,” nanginginig ang boses na babala ko at hinagilap na ang upuan para ipanghampas sa kanya oras na itarak niya sa akin ang bagay na hawak niya. Kumunot ang noo niya at waring may tiningnan sa itaas ng kisame kaya nasundan ko rin iyon ng tingin. It’s a CCTV. Fuck! Where are we?!
“Who’s Via?” Parang binuhusan ako nang malamig na tubig nang marinig ko ang sinabi niya. Otomatikong tumulo ang mga luha ko at napailing-iling.
“You are Via. A Rubber Ducky, soda addict, remember?” sagot ko at napaatras nang magtangka na naman siyang lumapit. Umiling-iling siya na parang hindi tanggap ang sagot ko.
“I’m Esther.”
Nanlaki ang mga mata ko. Sumilay mula sa kanyang labi ang isang malademonyong ngisi na siyang mas nagpakabog sa aking dibdib.
“No! You are Via Condes! What the hell is happening to you?!” I screamed that triggers her to attack me in an instant. Isang malakas na sabunot ang ibinigay niya sa akin kaya napatili na ako. Pinanggigigilan niya ako at ramdam ko iyon dahil sobrang higpit ng kapit niya sa aking buhok. Napapangiwi ako dahil sa sakit ng anit. Hindi pa siya nakontento at isinandal na ako sa matigas na pader. Napakasakit ng likod ko dahil ito mismo ang tumama sa sementadong dingding nitong kwarto.
“L-Let go o-of me!” I can’t breathe. Binitawan niya ang mahigpit na pagkakahawak sa buhok ko at ngayon ay sinasakal naman gamit ang dalawang kamay. Kinakapos na ako ng hangin.
“Via, let go of me!” sambit ko pa pero mas diniinan niya ang pagkakasakal sa aking leeg. Naluluha na ko.
“I am not Via. I am Esther!” nanggigigil niyang wika. Sa isang iglap ay muling bumukas ang pintuan at iniluwa naman nito ang isa pang pamilyar na pigura ng tao. Muli akong naluha nang makita siyang buong-buo at buhay na buhay.
It’s none other than, Marc Ryan Aragona. It’s Makoy. Tulad ni Via, nakasuot rin siya ng mahaba at kulay puting damit. Kapansin-pansin rin ang choker nilang suot sa leeg na dati-rati’y hindi naman sila mahilig sa mga ito. Parang wala lang ako sa kanya nang balingan niya ako ng tingin. Wala siyang reaksyon nang makita ako.
“You’re being aggressive again, Esther. Linisan mo na ang marungis na iyan at nang maipakilala na natin sa iba pa,” utos nito kay Via kaya medyo lumuwag ang pagkakasakal nito sa akin. Umubo ako at halos langhapin na ang lahat ng hangin dito sa buong kwarto. Hinawakan ko ang aking namamanhid na leeg at napapikit na lamang.
“But she’s calling me Via and I’m gonna kill her!” tila batang sumbong ni Via sa kanya pagkuwa’y pinanlisikan niya ako ng mga mata. Hindi na siya ang dating Via na malambing, matured magsalita at kumilos.
“Ikaw ang papatayin ni Aayi kapag ginawa mo iyan.” Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila nang marinig ko ang isang hindi pamilyar na pangalan. Sino si Aayi? Anong mga kapatid? Putangina! Nababaliw na ba sila?
“Hurry now. Fix her. Excited na sila na makita ang mga bago nating kapatid,” wika pa ni Makoy at otomatikong lumabas na ng silid. Gusto ko siyang tawagin pabalik at sabihing tulungan niya akong makalabas na rito ngunit alam kong hindi na siya ang dating Makoy na nakilala namin bilang kengkoy at palabiro. Halos manlambot ang tuhod ko nang marinig ko ang muling pagsarado ng pintuan. Wala na talaga akong takas rito.
Binalingan na naman ako ng tingin ni Via. Wala siyang emosyon nang pasadahan ako ng titig mula ulo hanggang paa. Napaiwas ako ng titig at ipinikit ang mga mata. Ayoko na lang tingnan ang pagmumukha niya pero hindi ko talaga maiwasang maikuyom ang kamao sa sobrang galit at pagkatakot.
“Stay away from me!” sigaw ko pa ngunit huli na ang binabalak kong pagsuntok sa kanya. Isang kakaibang kirot ang naramdaman kong tumusok sa aking leeg hanggang sa wala na akong maramdaman pa. Namamanhid na ang buong katawan ko.
“From now on, your name will be Esther. Our new sister of the family.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top