CHAPTER 17 - Stick Together
CHAPTER 17
Stick Together
“WHAT the fudge?! I knew her! She’s Keyne! The girl who went missing earlier than Cherus Ann!” bulalas ni Raihana at napatakip sa bibig. Halos kaming lahat ng narito sa opisina ay hindi makapaniwala habang pinanonood ang footage na mula pa sa CCTV ng isang convenience store. Naningkit ang mga mata ko nang makitang paikot-ikot lamang siya at waring wala sa sarili. Parang hindi niya alam kung bakit pumasok siya sa store na iyon.
Natapos ang 2-minute footage at ibang video naman ang pinindot ni Ken para panoorin. Naka-focus lamang si detective Llobrera sa mga ikinikilos ng teenagers na nakikita niya sa screen ng computer.
“Oh my God! That’s Cherus Ann! I swear, she’s Cherus!” Maybelle exclaimed as she pointed out the girl wearing the familiar dress. She’s walking and looks like she’s waiting for someone to arrive. Bukod roon, nagsuot na rin siya ng isang facemask. Kakaiba rin dahil may suot siyang gloves.
“The hell! That’s her copycat!” kontra ni Ryan dahil parang ayaw rin niyang maniwala.
“No! She’s really Cherus Ann!” giit ni Raihana habang kinikilatis ang kilos ng babae sa video. Nanatili akong kalmado at tahimik kahit kinakabahan na rin. Ayaw kong maniwala pero bakit pakiramdam ko, totoo ngang buhay silang lahat? Hindi ito premonition nor hallucinations. Someone abducted them and turn them into someone new they never think they would be.
Napatiim-bagang ako. Sa isang iglap, nanlaki ang mga mata ko nang mapasama na sa video ang paparating na si Via Condes. One of our Fire Breathing Rubber Duckies squad member. Natutop ko ang aking bibig.
Ibig sabihin, nagkita sila bago mawala si Via. Alam na ni Via na buhay si Cherus pero hindi na niya iyon nasabi sa amin dahil bigla siyang nawala.
“Fudge!” Napatakip ako ng mga mata nang magmura si Raihana. Halos mapapikit na rin ang iba sa amin nang makita sa CCTV ang pagyakap ni Cherus Ann kay Via na tila miss na miss niya ito. Ang sumunod na nangyari ay hindi namin inaasahan.
She stabbed Via’s back with a knife. Hanggang sa manghina ito at mapaluhod. May nakita kaming isa pang teenager ngunit hindi namin makilatis kung sino ito. Siya ang tumulong kay Cherus Ann para buhatin ang duguang si Via pasakay ng sasakyan. Bago tuluyang pumasok sa kotse, napatingin siya sa camera. Hindi ko matiyak kung ngumisi siya dahil may suot siyang facemask, ngunit kinilabutan ako nang kumaway siya sa harap nito. Isang senyales na hindi na siya ang dating Cherus na kaibigan namin. Isa na siyang demonyo.
Matapos mapanood ang halos buong laman ng flashdrive, walang ni isang gustong magsalita sa amin. Naging tahimik ang buong opisina. Ang tanging maririnig na lamang ay ang pag-ugong ng aircon at malalim naming mga buntong-hininga.
“THIS Pinecrest town is a hell. They’re hiding horrible crimes and they’re not doing anything to solve it! They’re letting Pincrest people die and vanish! Shame on this government!” nanggagalaiting wika ni Raihana na pabalik-balik ang paglalakad sa harapan namin habang kami naman ay nakaupo lamang sa sofa.
“It’s so obvious that they don’t want to talk about it anymore. I guess they’ll hide it forever,” sambit ko na lamang.
“Partly right. More on politics kasi ang binibigyan nilang atensyon ngayon lalo na at malapit na ang election.”
Hinagilap ko ang remote ng television namin at sinubukang pindutin kung gumagana pa. Sa kasamaang palad, ayaw na nitong bumukas. Hinagis ko na lamang ito sa kung saan at humalukipkip. Pinagmasdan ko sina Ken, Maui at Ryan pati si Maybelle na abala sa kanya-kanyang ginagawa. Naglalaro ang ilan sa kanila ng scrabble. Napabuntong-hininga na lamang ako at humilata sa sofa. Naramdaman ko ang pag-upo ni Bonagua sa ulunan ko.
“What’s our plan? Cherus Ann and the others are alive. How can we find them?” narinig kong tanong niya. I just closed my eyes and answered.
“They’re alive and can’t be found because they don’t want us to find them.”
I heard him sighed.
“I don’t know what to think anymore,” aniya pa. Ipinatong ko ang aking braso sa noo at mas ipinikit ang mga mata.
“Me too. But for now, let’s stick our asses together. We can’t lose another Rubber Ducky. We have to protect each other.”
“What about those missing duckies?” he asked again as he lay down his back on the couch.
“We need to find them as soon as possible. We need to find out too who could be the one behind this abduction. He or she has a motive for doing this and we badly need to figure it out.”
That night, we stay together in just one roof. Me, Ken, Ryan, Maybelle, Maui and Raihana stick with each other the whole time for just one reason. That is to protect each one of us for being abducted.
Sa buong gabi naming pananatili sa bahay kasama ang isa’t isa, nagkaroon kami ng oras para pag-usapan nang seryosohan ang kakaibang nangyayari ngayon sa Pinecrest at ang pagkawala ng mga kaibigan namin.
“Let’s take it this way...” panimula ni Maui at naglapag ng isang maliit na bato sa bond paper. Nakatunganga lamang kami habang nagpapaliwanag siya. Nakaupo kami nang pabilog at naka-indian sit.
“Cherus Ann disappeared in the woods,” he said. “The pebble stands for each of the missing teens.” Tumango-tango kami.
“But before the disappearance of Cherus, there were two other girls who vanished earlier than her, named Keyne and Aryang.” Naglapag muli siya ng dalawang bato.
“Keyne went missing last 2010. It doesn’t make sense,” giit ni Rai.
“We must connect the cases with each other,” ani Ken.
“After them, other teens went missing the same month Cherus Ann vanished. Now, it’s Via and Makoy.”
“I’m afraid to know who’s next?” Dahil sa sinabi ni Maybelle ay nagkatinginan kaming anim.
“We won’t let that happen again,” giit ko kaya nakahinga naman sila nang maluwag.
“Let’s confirm first if the suspect who killed Jericho is the same suspect who abducted the others.” Nagsitanguan kami at mayamaya’y narinig namin ang paghikab ni Ryan na namumungay na ang mga mata.
“Can we take a sleep for a while? Ayaw n’yo naman sigurong si San Pedro na ang kumuha sa inyo dahil sa pagpupuyat, ‘no?” kakamot-kamot niyang reklamo.
“Oo, basta tabi kayo ni Mavi matulog,” nang-aasar na sambi ni Ken habang taas-baba ang kilay. Nagtawanan sila.
“What?”
“Mandiri nga kayo!” nakangiwi kong kontra. Nabalot ang gabi ng tawanan at asaran sa kabila ng pag-aalinlangan namin sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung anong mangyayari bukas o sa mga susunod na araw. Kailangan nang matapos ‘to. Kung hindi, kami ang maagang matatapos.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top